bc

11:11 Our Wishing Star

book_age16+
1.5K
FOLLOW
7.0K
READ
badboy
inspirational
comedy
bxg
humorous
lighthearted
lonely
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Malupit ang mundo para kay Callisto. Ang marahas na mundo ang nagpatibay ng kaniyang katauhan na nagresulta ng pagiging mailap at hindi niya pakikitungo ng maganda sa tao.

Hanggang kinailangan niyang magtago at magpagaling sa San Francisco Medical Hospital. There she met this girl who was full of hope and cheerful, Larisse. Pinakita ni Larisse sa kaniya na masarap mabuhay. Para bang nakita niya ang ganda ng mundo sa mata ni Larisse at hindi napigilang umibig para sa babae.

Pero paano kung ang taong nagturo sa'yo na magmahal at mangarap ay may lihim palang tinatago?

Paano mo kakayaning harapin ang bukas pag nalaman mong nagsinungaling siya nang kontrahin niyang hindi para sa lahat ang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Callisto's Ano'ng maganda sa buhay? Wala. Napaka bangis ng mundo. At heto, mukhang naka-schedule na ako kay kamatayan. "Putangina Callisto! Huwag mong ipipikit 'yang mga mata mo! Saksak lang 'yan! Marami ka ng laban na ipinanalong animal ka! At lalong hindi ka pwedeng mamatay sa kotse ko. Kung mamamatay ka na, bumaba ka!" Narinig kong sabi ng matalik kong kaibigan na si Sol habang minamaneho ang lumang model niyang sasakyan. Natawa ako sa malulutong niyang mga mura na pinagsisihan ko rin dahil bumulwak ang dugo sa tagiliran ko. Hindi ko na gaanong maalala kung paano ako naitakas ng hinayupak na ito mula sa mga mababahong kampon ni Judas. Ang natatandaan ko lang ay noong halikan ako ng nobya ni Judas na mukhang alimango. Alam kong matagal na akong kursunada ng babaeng iyon. Girls aren't my thing. Nakakadiri! Para akong humalik sa buhangin. Nakakasuka amputa! Matapos ang nakakapanindig balahibong halik na iyon ay tatlong alipores ni Judas ang sumugod sa akin. Kaya ko pa ang tatlo. Ngunit nang mag-join force na ang iba, binilang ko, pito sila at pang walo si Judas animal! Walo laban sa isa. Kung hindi ba naman mga kampon ni Satanas ang mga iyon. Nagmistulan akong tuta sa hawla ng mga leon. Kaya heto, hawak-hawak ko ang malalim na sugat na iniwan na saksak ni Judas sa aking tagiliran para lang hindi ako maubusan ng dugo. Alam kong hibang ako na kayang pigilan ng kamay ko ang pag-agos ng dugo mula roon. "Malapit na Callisto!" Dama kong nangangarag na si Sol sa pagmamaneho. Malamang ay nakikita niya ang kalunos-lunos kong sitwasyon sa likod ng kaniyang kotse habang namamantiyahan ng dugo ko ang upuan ng baby Chevrolet niya. "Bakit naman kasi napakatagal mong sabihin ang magic word?" Hayup na 'yan! Alam niyang hindi ako hahayaang mabuhay ni Judas. Napakakitid ng utak ng Judas na iyon na kahit nakita niyang ang babae niya mismo ang humalik sa akin ay ako ang pinagbuntungan niya ng inis. "Gago..." He wanted me to say please and that is his magic word to help. Pinilit kong sabihin ang katagang iyon sa kabila ng nananamlay kong katawan. Tuluyan nang nagdilim ang lahat nang huminto ang kotse ni Sol. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko kahit anong pilit ko. Ngunit alerto pa rin ang aking pandinig. Naririnig ko pa rin ang usapan ng dalawang lalaki habang pinapasok ako sa lugar na hindi ko alam. "Ano'ng ginagawa ng tao sa clinic ko? Hindi ako doctor ng tao Sollestre Dayawon! Isa akong beterenaryo." Tangina mo talaga, Sol. Hindi na talaga ako sigurado kung mag kaibigan tayo. "Hayup 'yan! Maniwala ka." aniya na tatawa-tawa pa. Iyon ang huli kong narinig at saka tuluyang nagpakain sa dilim. Napaka aga naman ni kamatayan dumating. Ni hindi ko pa nga na e-enjoy ang pamamalagi ko sa napakarahas na mundong ito. Pero ayos lang, sa mundong ito, si kamatayan lang ang patas at walang pinipili. Susunduin ka niya kahit sino ka pa. * * * * * * Nagising ako sa ingay ng helicopter. Nagulat si Sol nang makitang gising na ako. Bahagya akong nakahiga sa isang wheelchair na na-a-adjust ang likuran. "Pasensya ka na Callisto, pero hindi ka pwedeng magtagal sa clinic ni Keon. Alam mong papatayin ka ni Judas pag nalaman niya kung nasaan ka. Nagkalat ang kampon niya sa mga malalapit na ospital. Talagang wala siyang balak na buhayin ka. Magpalamig at magpagaling ka muna. See you when I see you, pare." Papalag sana ako ngunit kumirot ang tagiliran ko noong subukan kong kumilos. Naiintindihan ko na kung bakit sa beterenaryo niya ako dinala. Matalinong ugok. "Farewell my friend..." Hindi ko makuhang sambitin ang salitang salamat. Bukod sa hindi naman namin iyon madalas banggitin sa isa't-isa dahil titindig ang mga balahibo namin. Kung ano man ang naghihintay sa akin sa lugar kung saan niya ako ipapatapon ay nagtitiwala ako. Alam kong sagot niya ako. "See you, pare. Sabihin mo kay Judas, may rematch kami. Magpasukat na siya ng ataol." "Pasukatan na rin ba kita?" "F*ck you!" * * * * * Tatlong linggo na rin simula nang dumating ako sa liblib na ospital na ito. Isang maliit na ospital na wala gaanong makabagong kagamitan sa panggagamot. Hindi rin masyado abala ang mga nurses dito. Dahil sa kaunting pasyenteng naka-confine. Nakakakwentuhan ko pa nga ang ibang nurses. Dalawa kaming pasyente sa maliit na ward na ito. Mukhang binaril naman ang pasyenteng kasama ko. Hindi palasalita at walang pinapansin kahit ang nurse na nag-aalaga sa kaniya ay nahihirapan sa kagaspangan ng ugali niya. Ayos naman iyon sa akin. Tahimik ang paligid ko. Tatlong linggo na rin at hindi na ganoong makirot ang tahi na tinamo ko mula sa saksak sa aking tagiliran. Mabuti na lang at walang tinamaang organ ang lintik na swiss knife na iyon. Hindi na rin bakas sa aking mukha ang mga bangas at galos na sinapit ko sa mga kamao ng mga tauhan ni Judas. 15 minutes bago mag alas onse ng gabi nang marating ko ang tuktok ng ospital. Sa pag gagala ko sa maliit na gusaling iyon, ito ang unang beses akong magpalipas ng oras doon. Sinalubong ako ng malakas at malamig na simoy ng hangin. Tanaw na tanaw ko mula roon ang mga city lights. May mga tanim na halaman sa paligid at may mga benches na pwedeng upuan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumayo ako mula sa pasimano ng rooftop at ni hindi man lang nalula nang tumingin ako sa ibaba. Ganito ba ang pakiramdam kapag nalagay na sa bingit ng kamatayan? Pamilyar na sa takot kaya hindi na makaramdam? "May mga taong handang maglabas ng malaking pera para lang madugtungan ang buhay, tapos ikaw, sasayangin mo lang?" What the f**k! Nagulat ako roon ah. Sinong hindi? Ako lang mag isa rito pagkatapos ay may biglang magsasalita sa likuran ko. Kung hindi ko naiatras ang isa kong paa baka kaluluwa na lang ako na nakatingin sa basag kong bungo sa ibaba ng gusali na ito. Mabuti na lang din at malapad ang tinutuntungan kong pasimano. Nang dahil sa liwanag ng buwan at ilang poste nang ilaw ay nakita ko ang pinagmulan ng boses. Isang babaeng naka dilaw na damit at nakasuot ng above the knee na palda habang puting sandals ang suot sa paa. Mahaba ang kaniyang tuwid at maitim na buhok na bumagay sa bilogan na hugis ng kaniyang mukha. Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko habang ako ay nakatayo pa rin sa spot kung saan niya ako naabutan. "Gwapo ka naman. Bagay sa iyo ang hanggang balikat mong buhok. Mukha ka nga lang basagulero..." komento niya habang sinisipat ang mukha ko. Nagsalubong ang aking mga kilay. Hindi makapaniwala na dahil lang sa haba ng buhok ko ay nasabi niyang basagulero ako. Sumilip siya sa ibaba. "Alam mo bang pag tumalon ka riyan ay hindi ka mamamatay?" Napahalukipkip ako sa tuloy-tuloy at interesante niyang pinagsasabi. "Syempre joke lang 'yon." Tumawa siya sa sarili niyang joke. May kung anong hatid na lamig sa akin nang marinig ko ang tawa niyang iyon. "Ano, tatalon ka pa ba?" Sino ba kasing nagsabing tatalon ako? Naupo siya sa pasimano ng rooftop. "Hindi naman tatapusin ng kamatayan ang sakit. Bagkus ipapasa mo lamang ang sakit na iyon sa mga taong nagmamahal sa 'yo." Nagmamahal sa akin? Bakit? Mayroon ba? Lumakad ako palapit sa kaniya. I don’t know if I’ll be annoyed or laugh at her misconceptions. Oh well, I'll just choose the latter. Naupo ako sa kaniyang tabi. "Hindi naman ako—" "Ssssh. 11:11, mag-wish ka. Dali!" Nakita kong pumikit siya at pinag-cross ang kamay at taimtim na humihiling. Ano? Ano bang pinagsasasabi nito? 11:11 what? Napako ang mga mata ko sa weirdo na babae na ito. She's cute tho. Isang minuto ang lumipas nang unti-unti niyang pinaghiwalay ang mga kamay kasabay ang pagdilat at malapad na ngumiti sa akin. "Ano'ng hiniling mo?" tanong niya. Sobrang laki ng ngiti niyang iyon. Para bang napaka inosente sa sakit na kayang ibigay ng mundo. "What the f**k are you saying?" "D-don't tell me... Haaays. Sinayang mo ang pagkakataon mo." "Alam mo bukod sa weird ka, hindi ko gets ang 11:11 mo." "Alam mo bang ang 11:11 ay associated with dreams and wishes coming true? Basta pag nakita mo ang 11:11, it is a friendly sign from your soul, source, higher-self, or the entire universe, whatever you call it, God if you want, telling you that you've been guided and whatever your heart desire will eventually come true. Tapos pinalagpas mo lang!" Hindi ko napigilan ang sarili kong huwag matawa ng malakas. Ang babaeng ito ang pinaka baliw na babaeng nakilala ko. Mukha ba akong naniniwala sa mga ganoong kagaguhan? Wishes coming true dahil lang nakakita ka ng 11:11? Tsk. Kalokohan! "Totoo 'yon 'no! May utang ka sa aking isang wish ha." Tumalon na siya palayo sa akin at naglalakad paatras. Bumaba naman ako mula sa kinauupuan ko. "Nakakatawa. Paano nangyaring nagkautang ako sa baliw na babaeng tulad mo?" "Imbis na para sa akin ang hiling na iyon ay nilaan ko sa tulad mo na ayaw ng mabuhay. Hiniling ko lang naman na huwag kang tumalon at iparamdam sa iyo ng mundo na may halaga ka at matagpuan mo ang purpose mo sa buhay." Hindi ako nakapagsalita. Purpose sa buhay my ass. "Mukhang natupad na ang hiling kong hindi ka tatalon. See, it works!" aniya. Wala kang natupad na hiling, miss. Dahil hindi naman talaga ako tatalon in the first place. Gusto ko sanang isatinig iyon ngunit sinarili ko na lamang. "Huwag mong isipin iyon. Alam kong malungkot ka lang pero hindi magiging sagot ang kamatayan. Basta may utang kang isang wish sa akin ha! Pag may nakita kang 11:11 na hindi sinasadya, hilingin mong matupad ang hiling ko. Tapos quits na tayo." I never had a chance to speak. Dahil tuloy-tuloy lamang siya sa pagsasalita ng mga walang kwentang bagay. Hanggang sa tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko. Kung gaanong biglaan siyang sumulpot ay ganoon din siya biglaang umalis. She left me under the moonlight. Dumbfounded.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook