Chapter Two

1787 Words
"Kung alam ko lang na gusto mo na palang mamatay eh 'di sana pala di na kita ipinadala r'yan." ani Sol mula sa kabilang linya. "Hindi nga ako mamamatay sa kamay ni Judas, mamamatay naman ako sa pagkainip dito." "Wala bang magandang nurse dyan?" biro pa ni gago. "Magpabugbog ka rin para malaman mo." Tumawa lang si ungas. "f*****g s**t! Gaano pa ako katagal dito?" Napasipa ako ng malakas sa bench. Ilang araw din akong hindi umakyat sa rooftop na 'to. "Wanted ka sa mga galamay ni Judas dito. Dead or alive pare. Unless may agimat ka o ikaw si batman sige ipapasundo na kita r'yan." Narinig kong tumawa siya ng malakas sa kabilang linya. Nagdikit ang mga bagang ko at huminga ng malalim. Ang demonyong Judas na iyon! Kapag nakabalik ako, huling dilat na ng mga mata n'on. "I'm telling you Sol, wala akong balak maburo sa lugar na ito kung iyon ang plano mo." "C'mon man, wala akong planong gano'n. Kailangan mo 'yan sa ngayon. Nasa likod mo lang ako este sa gilid pala pag handa ka nang resbakan ulit si Judas. Sa ngayon paghandaan mo na muna. Alam mong hindi patas lumaban ang isang iyon. Walang rules-rules sa kanya. Sa sitwasyon mo ngayon, baka sa morge ka na pulutin. Palamig ka muna r'yan. Iba hangin ng probinsya. Presh." Inis kong pinindot ang end button. Naiintindihan ko naman ang punto ni Sol kaya lang talagang inip na inip na ako sa lugar na 'to. Napakabagal ng oras. Kating-kati na akong gantihan ang Judas na iyon. "Tanginang buhay 'to!" sigaw ko sa kawalan. "Now you are cursing your life." Kailangan ko pang titigan nang mabuti ang taong nagsalita na iyon bago ko maalala na siya pala yung wirdong babaeng kung ano-anong sinasabi. "Nakikinig ka sa usapan ng may usapan?" inis kong tanong sa kaniya. "Not intentionally tho. Kanina pa ako rito. Ikaw yung bigla na lang nagsisisigaw diyan." Naupo siya sa isang bench di kalayuan sa akin. "Bakit nagmamadali kang umalis kung mukhang hindi ka pa handa?" Tumingin siya sa tagiliran ko. "Mukhang nilubos-lubos mo ang pakikinig mo ah." Ngumiti lang siya sa akin. "Swerte ka pa nga at binigyan ka pa ng oras para magpahinga. Yung iba nga kahit gusto na magpahinga hindi iyon magawa." Anong swerte sa kinalalagyan ko ngayon? May sugat at nabuburo sa liblib na lugar na ito. Iyon sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero di ko na lang isinatinig. "Do I look like I care for them?" "Iyan ang kulang sa tao. Empathy. Kung lahat ba naman ng tao may pakialam sa kapwa, ang ganda siguro ng mundo." "Kung lahat ng tao may pakialam sa kapwa, baka magulo ang mundo. Imagine them meddling with other businesses just like what you are doing. Some people doesn't like that." "Hindi naman ako ang kaaway mo bakit ka sa akin nagagalit? What I was trying to say is instead of cursing your life bakit hindi ka na lang magpasalamat? Marami ka pang oras." "Magpasalamat saan? Na may kasama akong isang wirdong babae rito na niniwala sa kung anu-anong kalokohan at nakikinig sa usapan ng may usapan?" "You remember me?" Amaze niya pang sabi. "Sinong makakalimot sa babaeng nagpapaniwala sa numerong tumutupad ng hiling? Tsk." "Hey! Proven and tested ko iyon! Noong bata pa ako madalas ako makakita ng 11:11. Mapa-address, plate number, sa relo at kung saan ko makitang magkadikit ang apat na 1 ay humihiling ako. Humiling ako noong 9 years old ako na makasama si papa sa Family day namin sa school and then boom! Dumating nga siya." "Yeah right. Mas kapanipaniwala kung dedo na tatay mo tapos nabuhay para samahan ka sa Family day na sinasabi mo." "How about noong high school ako, there was a bully in my school. I pray at 11:11 pm for him to go away then he moved away." "That's just a coincidence. Those numbers do not affect our lives in any way. Lalo na magtupad ng kahilingan. Isa yong malaking kalokohan." "Totoo talaga 'yon. 1111 is considered a lucky number and according sa nabasa ko, iyon ang perfect time para mag-wish." "Tsk. Sigurado ka bang tama ang ospital na napuntahan mo? Here, isipin mo na lang na hindi na magtrabaho ang lahat ng tao at maghintay na lang sa 11:11 at humiling na maging milyonaryo sila. Does it make sense? Nope. That idea is just plain stupid for me." I don't know why I am still here debating with this weird girl and listening to her bullshits. "Nasubukan mo na ba?" "Ang alin?" "Ang humiling sa 11:11. How did you know na hindi iyon totoo kung di mo pa nasusubukan? Subukan mo munang humiling kung anong gusto ng puso mo. Maybe the stars have the answers." Napailing ako. "You are a hopeless case." Tumayo ako at lumakad palayo sa kaniya. Naupo ako sa pasimano ng rooftop at doon tinanaw ang mga bituin. May kung ano sa mga bituin na nagpapakalma sa akin ngayon. "Siguro ganoon talaga kapag desperada ka na. Lahat gusto mong subukan. Wala naman kasing mawawala." aniya habang papalapit sa akin. Narinig ko siyang bumuntong hininga matapos niyang umupo sa tabi ko. Mabigat ang buntong hiningang iyon kaya ako napalingon sa kaniya. Isang malapad na ngiti ang isinalubong niya sa akin. But strange, her eyes didn't match the wide smile she is giving me. Hindi ko alam kung bakit at paano pero parang malungkot ang pares ng mga mata na nakikita ko. Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa mata niya at ganoon din siya hanggang sa ako na ang sumuko. "Anong oras na? You should go back. Wala ka bang planong umalis?" "That's the problem. Hindi ako makaalis. Kahit gustuhin ko man na umalis na sa lugar na ito hindi pwede." Parang wala sa sarili niyang sabi. Nakatitig lang siya sa madilim na kalangitan. "Pasyente ka ba rito?" "H-Hah? Inaalagaan ko 'yong taong kailangan kong alagaan. Hindi ako pwedeng umalis hangga't hindi pa siya magaling." Kaya pala. Hindi siya isa sa mga malulungkot na pasyenteng nakakulong sa ospital na ito. "Bakit di mo hilingin sa 11:11 mo 'yan?" "Sa palagay mo hindi? Siguro hindi pa ngayon ang tamang oras. You see, ibibigay sa 'yo ang para sa 'yo sa tamang oras at panahon." "Hindi para sa lahat ang buhay..." Bigla na lamang nilabas ng bibig ko ang mga katagang iyon. A sad truth she needs to accept. "I beg to disagree!" Napalingon ako sa kaniya. Sabi na nga ba at makulit ang isang ito. "Naniniwala ako na lahat ng tao ay may purpose. May misyon. Hindi aksidente ang pagkakasilang nila sa mundo. Lahat ng iyon ay may dahilan. Nasa kanila na lang kung paano nila i-ma-manage ang buhay. Some complaining that roses have thorns. While I am thankful that thorns have roses. They said there is no beauty in darkness, while I see the stars as the beauty of it. It depends upon the person's perspective in life." Napapahanga ako kung paano niya i-view ang buhay na para bang punong-puno iyon ng iba't-ibang kulay habang ako ang nakikita lang ay black and white. Pero sabi nga niya may iba-iba tayong pananaw. Iba ang nakikita niyang kulay ng mundo sa nakikita ko. Siguro magaan ang problemang ibinabato sa kanya ng mundo. I'm jealous of her. "Ikaw, bakit ka nandito? Mukhang malayo rito kung saan ka nakatira." I saw the curiosity in her eyes. "Tsk. Bakit ko sasabihin sa 'yo? Close ba tayo? Ni hindi nga kita kilala." "Larisse." "Hah?" Gusto ko lang linawin kung tama ako ng narinig. "I'm Larisse. Your new friend." Nakangiti niya pang sabi sabay abot ng kamay. Hindi ko naman planong abutin ang kamay niya pero iyon ang nangyari. Kusang umangat ang mga kamay ko pagkatapos ko siyang titigan. "Callisto." sambit ko sapat na upang marinig niya. "Kapag itinulak kita, saan ka kaya pupunta? Sino kaya susundo sa 'yo?" This girl is really weird. How could she think of that without letting my hand go? Iniangat ko ang kamay naming magkahawak. "Hindi ko sigurado. Ikaw baka sa langit, ako baka sa impyerno." Napangiwi siya sa sinabi ko. Kapag itinulak niya ako ay sisiguraduhin kong isasama ko siya. Hindi ko bibitawan ang kamay niyang iyon. "Aren't you afraid of death?" she asked sabay bitaw sa kamay ko. "Not really. Everyone's gonna die someday." Nakatingin siya sa akin pero parang may malalim siyang iniisip. "Nagawa mo na siguro lahat ng gusto mong gawin sa buhay." She wondered. "What?" Taka kong tanong kasi bigla na lang nagbago ang mood niya. "Ayoko pang mamatay. May mga kailangan at gusto pa akong gawin." Her voice is full of courage and determination. As if she is fighting a battle inside that she needs to win whatever happen. "Okay ma'am. So pwede ka nang bumaba." Walang ano'y tumalon siya pababa pero laking gulat ko nang hilahin niya ako paatras dahilan para bumagsak ako sa semento ng rooftop at mawala sa pagkakaupo sa pasimano. "What the f**k did you do?" gulat at inis kong tanong. Habang nakasalampak ako sa matigas na semento ng rooftop. Baliw talaga ang babaeng ito! My wounds. f**k. "Sorry, sorry!" Apologetic niyang sabi habang tinutulungan akong tumayo. "Hindi ka pwedeng magpakamatay nang nandito ako." "What the hell---" I get it. Akala na naman niya magpapakamatay ako. "Sorry talaga Callisto. Are you okay? May masakit ba sa 'yo?" I can't believe she's asking me that pagkatapos niya munang hindi isipin ang mangyayari sa akin sa ginawa niya. Kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala. Nakapameywang ko siyang hinarap. Tinitiis ang konting kirot sa sugat ko. "You know what little missy, bumalik ka na sa inaalagaan mo bago pa kita--" "Yeah. Right. Baka hinahanap na ako. Okay ka na ba? Oh my gosh! I'm really sorry talaga. Akala ko kasi seryoso ka kaya mo ako pinapababa dahil tatapusin mo na talaga ang buhay mo." "Hindi porke hindi natatakot mamatay ay magpapakamatay na." "Yeah. I should have known better. Pero okay ka na ba? Gusto mo sabay na tayong bumaba? Do you need help?" Tinakpan ko ang bibig niya para matigil siya sa pagsasalita. Hindi ko ipinahalata ang kirot na nararamdaman ko. "Go." Sunod-sunod ang pagtango niya. At dahan dahang umatras. Muntik pang matalisod. "Sorry." She mouthed then act as if she zip her lips before she finally disappeared from my sight. This girl. Really. I felt silence at last. Muling kumirot ang aking sugat na ikinatawa ko. Wala na ang weirdong babaeng iyon sa tabi ko pero heto at nagagawa niya pa ring iparamdam sa akin na buhay pa ako. This pain that I'm feeling is the proof that I'm still alive and I must live. Kailangan ko pang makaganti kay Judas. Hindi pwedeng ako lang ang makakaramdam ng sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD