"Haysssssss..."
Pang pitong buntong hininga ko na ata iyon. Kasalukuyan akong nagkakape sa garden ng ospital at kahit anong ganda ng scenery na nakikita ko at sariwang hangin na aking nalalanghap ay hindi iyon nakatulong sa pagkawala ng inip ko sa lugar na ito.
Maybe simple life is not for me.
Hinahanap-hanap ko pa rin ang ingay ng syudad. Ang usok ng mga sasakyan. Ang magulong lugar kung saan napakabilis tumakbo ng oras. Lahat ay abala sa kani-kanilang ginagawa na ultimo ang pahinga ay tila ba pagsasayang ng oras. Ganoon ang buhay na kinagisnan ko. Ganoon pa rin ang buhay na gusto kong yakapin at balikan. Kaya ang buhay sa lugar na ito ay hindi para sa akin. Masyadong tahimik. Para akong nasa ibang mundo. Para akong nasa fantasy book na ako ang realidad. Gusto ko na talagang umalis dito kung hindi ko lang talaga kailangang mag-stay sa ospital na ito.... Haaays.
"Good morning, sir!" Bati sa akin ng isang babaeng nurse na nakakakwentuhan ko dati para makakuha ng impormasyon sa lugar na ito. Tulak-tulak niya ang naka-wheelchair na matandang babae.
"Morning." Tipid kong sagot.
"Sa rooftop nagpunta na ba kayo? Tignan ninyo doon!"
Naagaw ang atensyon ko dahil sa mga boses na nag-pa-panic.
"What is happening?" tanong ko sa nurse.
"Ah, may pasyente kasing nawawala, sir."
"Paanong nawawala?"
"Mukhang tumakas. Kaya todo hagilap sila ngayon."
"Anong nangyari sa security?"
"Hindi ko din po alam, sir e."
Hindi na ako nag komento pa pagkatapos niyon. Wala man lang cctv ang ospital na ito. At kung nakalusot sa security marahil ay kakilala nito iyon. Ano'ng dahilan bakit may tumatakas na pasyente? Hmmm. Right. Boredom. Kagaya na lang ng nararamdaman ko ngayon.
And that gives me the idea on how I can finally end this boredom.
* * * * * * * *
Para akong nakahinga nang maluwag ng mawala sa paningin ko ang puting kisame, maraming bintana, at amoy alcohol na lugar at napalitan ng makukulay na banderitas, maingay na nagpapalitan ng salita, at napakaraming tao.
Nasa labas na ako at last!
Base sa mga nakikita ko ay mukhang ito iyong tinatawag nilang plaza. Ang pinaka sentro o bayan. At base din sa narinig kong usapan ng mga nurses sa ospital ay mayroon silang pinagdiriwang ngayong araw na ito. Nakalimutan ko lang kung anong santo iyon. One thing is for sure, I'm going to enjoy this day bago pa ako hunting-in ng mga tao sa ospital. Paniguradong maya-maya lang ay malalaman na nilang nawawala ako dahil bibisitahin ako ng doktor sa mga oras na iyon. Pasensya na hindi lahat ng pag-a-unwind at pagpapahinga ay sa ospital lang magagawa. Gusto ko lang ng bagong makikita. Napaka swerte ko lang ngayon at nagkataong may okasyon pala.
Daming tao. Maraming nagtitinda ng kung ano-anong pagkain. May mga souvenirs din. Mayro'n din akong mga nakikitang foreigner. Maingay ang mga tao. I miss this.
"How much is this?" tanong ng isang foreigner sa isang lalaking tindero na nagtitinda ng mga basket na gawa sa kawayan sa tingin ko.
"Ser? dis basket? 2 handred pesos onle." sagot nito ng may accent.
"I don't have that kind of money. Can a dollar do? How much is this in dollars?"
Nakita ko kung paano magningning ang mata ng tindero.
"10 dalars! 10 dalars only!" sabik sa dolyares nitong sagot.
"Parang ang laki naman niyon?" tanong ng kasamahan ng tindero.
"Ano ka ba! Maliit na halaga lang iyan sa kanila."
Napailing na lang ako. Hindi pala talaga nawawala ang manggagancho kahit sa probinsiya pa.
Paalis na sana ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.
"Hoy kuya! H'wag mo namang dayain 'yong tao! 10 dollars? Grabe ka naman!"
The weird girl. Who is she again? Right. Larisse. Her name is Larisse.
"Ay Miss, h'wag ka na lang makialam."
Right. Stay out of that.
"Hindi pwede ang ganyan kuya. Niloloko mo 'yong tao e. Kaya maraming taong naloloko kasi may mga taong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan! Kung may maling nakikita at naririnig dapat punahin para maitama ang maling gawain."
Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid. Naging anxious naman ang tindero. Gusto kong matawa. Sinadya ni Larisse lakasan ang boses para makuha ang atensyon ng tao sa paligid. Sa ganoong paraan magiging aware ang tindero sa nakatingin na mata sa kanya.
Nakahalukipkip at amaze ko siyang pinagmamasdan.
Humarap si Larisse sa foreigner na kanina pa naguguluhan. "Mister, I'm sorry. He miscalculated the price. It's actually 4 dollars not 10 dollars." anito sabay baling sa tindero "Am I right, kuya?"
Napakamot na lang sa ulo ang tindero pati kasama nito "Sorry ser, I mistaken. 4 dalar onle."
"Really? It's actually cheap for its good quality."
"Of course mister! Our baskets here are made of high quality. It can still be used by the next generation of your family. That's how durable our product here in the Philippines." Salestalk pa niya.
"That's awesome! Okay give me 10 baskets."
Nanlaki ang mata ng tindero sa narinig. Tuwang-tuwa itong itinali ang biniling basket ng foreigner.
"Tengkyu so mach ser!" Abot tengang sabi ng tindero.
"Kita mo 'yan kuya? Hindi kailangang manloko para kumita. Kung 10 dollars ang ibinigay mo sa kanya baka isa lang ang bilhin niyon. Kung honest ka, may kinita ka na, plus ten ka pa sa langit."
"Pfffttt!" Hindi ko na napigilan ang hindi matawa na pinagsisihan ko rin kaagad.
"Callisto!"
Shit! Bakit ba kasi di ko pinigilang matawa.
Lumakad lang ako nang mabilis na parang walang narinig habang nagpapaalam si Larisse sa dalawang tindero. Pero naabutan niya pa rin talaga ako.
"How are you? Okay ka na ba? Bakit ka nandito? Nakalabas ka na ng ospital? Kanina mo pa ba ako nakita roon?"
Wala akong balak sagutin kahit isa sa napakarami niyang tanong. Gusto ko lang makalayo sa babaeng ito.
Tumigil siya sa pagsunod sa akin habang tuloy-tuloy naman akong naglalakad nang bigla siyang malakas na nagsalita.
"Hello!!!! Callisto!!! Naririnig mo ba ako?! Callisto--"
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang malakas na boses niya sa ganoon niyang katawan.
"Are you crazy?! Yeah right, you are." Napabalik ako ng wala sa oras para pigilan siya sa kalokohang kanyang ginagawa. Nakatingin lahat ng taong nasa paligid ko sa akin.
"Akala ko hindi mo ako naririnig e, kaya nilakasan ko boses ko."
Tinitigan ko siya nang masama. As if I'll buy that bullshits. Ni hindi man lang natinag. Ngumiti pa.
"Oh my god. H'wag kang gumanyan. Mukha kang gwapong kontrabidang nakikita ko sa mga movies."
"I can be one actually if you keep on pestering me."
"Why so serious? Nagpunta ka rito para mamasyal 'di ba?"
"Hindi."
"May gusto ka bang bilihin dito?"
"Uuwi na ako."
"Kailangan mo ng tour guide?"
"No thanks."
"And I, Larisse, your new friend will be your tour guide for today."
"Ikaw yata ang hindi nakakarinig."
"Loud and clear sir! Let me guide you now. Tara!" aniya sabay hila sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. Nakakapagod siyang kaaway kesa sa mga gang na nakakalaban ko. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari para lang matahimik kahit kaunti ang mundo ko.
"Alam mo ba ang sarap ng bulalo nila rito! The best! Gutom na rin talaga ako e. Kain muna tayo."
Hinila niya ako sa isang maliit na mala-bahay kubo na karinderya.
Walang sign board ang lugar pero halatang karinderya dahil sa dami ng taong kumakain. Bigla tuloy akong ginutom.
Kita ko ang kislap sa mga mata ni Larisse habang isine-serve sa amin ang umuusok pa sa init na bulalong nasa malaking palayok.
The thick bone marrow gets me drool.
"Parang ngayon ka lang ulit makakain nito ah." Puna ko sa kanya.
"Ngayon lang ulit. It's been a year since the last time I came here."
"Hindi ka madalas dito?"
"Once a year lang ang fiesta Callisto." sagot niya na ikinapahiya ko ng konti. Nag sign of the cross si Larisse. "Salamat po sa food, God! Salamat din sa kasama!"
Napatingin ako sa kanya habang busy na itong lantakan ang bulalo. Oo nga pala ito ang tipo ng taong maraming ipinagpapasalamat kahit maliit na bagay.
"Pwede ka naman magpasalamat kahit hindi ko naririnig. Maririnig ka N'yon for sure." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Sure. Sabi mo eh."
"Oh!" Malakas nitong singhap na napatakip pa sa bibig.
Nagtataka akong lumingon sa itinuro niya. Isang lalaking nakatalikod sa amin ang kumakain sa kabilang mesa, suot ang t-shirt na may apat na numero ng number 1.
Hindi na ako nagtaka pa noong makita ko siyang nakapikit at nakadaop ang dalawang palad. Paniguradong ginagawa na naman niya ang pinaniniwalaang kalokohan.
"Ang swerte ko ngayon!"
Hindi ako nagsalita. Patuloy lang akong kumakain.
"Alam mo ba kung anong hiniling ko? Sana maging exciting ang araw na ito para sa atin, iyong unforgettable ba."
Tumango-tango lang ako at ikinumpas ang kamay na ituloy niya na ang pagkain niya.
"Hindi ka pa rin naniniwala? Tsk. You'll see." Naka-pout niya pang sabi.
Mas intiresado ako sa bulalo kesa sa numerong hindi ko makita ang pakinabang sa akin.
* * * * * *
Isang malakas na tugtog ang sumalubong sa amin pagkatapos naming kumain. May mga taong nagsasayawan sa plaza. Mga nakamaskara silang lahat na gawa sa bao ng niyog na nilagyan ng kung ano-anong palamuti.
Hindi ko naman itinatanong pero parang nabasa niya ang iniisip ko nang magsalita na lang siya bigla.
"Tradisyon nila 'yan. Mga nakamaskara ang taong nagsasayawan. Parang simbolo ang maskara na gawa sa bao ng masaganang ani. At iyong sayaw ay pasasalamat nila."
"You know a lot huh."
She just smiled. Hinila ako roon ni Larisse para manood. Nagtatawanan at masayang nagsasayaw ang mga tao. Habang pumapalakpak sa beat ang mga taong nakapaligid na nanonood lang. Nagulat pa ako ng may biglang maglagay sa leeg ko ng kwintas na puro bulaklak. Parang yung ibinibigay sa mga turistang dumadating at wine-welcome sa isang lugar.
"Dayo kayo rito ano?" tanong sa akin ng matandang lalaki na may mga hawak na bulaklak na kwintas.
Mukhang alam ni Larisse na wala akong balak sumagot kaya siya na lang ang gumawa niyon.
"Opo 'tay. Thank you po sa mga bulaklak na ito. Ang ganda po."
"Walang anuman apo. Aba'y oo naman. Sana ay maging masaya itong pista namin para sa inyo."
"Tara, sali tayo!"
Hindi ko na nagawang tumutol dahil bigla niyang isinuot sa akin ang maskarang bao na may itim at pulang pintura na hindi ko alam kung paano at kailan niya nakuha.
Umiikot-ikot at tumatalon-talon kami habang sumasabay sa musikang may malakas ng tunog ng tambol.
Nagtama ang aming paningin. Kahit natatakpan ang mukha ni Larisse ng maskarang bao ng niyog at tanging mata niya lang ang nakalantad ay kitang-kita ko ang kislap ng kasiyahan sa kanya.
Ngayon ko lang napansin na napaka-expressive ng mga mata ng babaeng ito. Kitang-kita sa mga mata kapag malungkot at masaya siya. Ang mga mata nito ang nagpapatunay sa kasabihang 'The eyes is the window of the soul'.
Kailan ba noong huli akong tumitig sa mata ng isang babae? Hindi ko nga matandaan o dahil kailanman ay hindi ako nagkainteres na tumitig sa mata ng mga babaeng nakikilala ko.
But her eyes are different. Parang may kung anong humihila sa akin na tignan iyon. This is weird.
Tumigil na ako sa pagsali sa kanilang sayaw, dinig na dinig ko ang malakas na tawa ni Larisse habang nakikipagsayaw sa mga babaeng kahawak-kamay nito.
Her laugh is contagious. Medyo matinis na akala mo ay kinikiliti pero hindi naman nakakairitang pakinggan. I actually like the sound of her laugh. I don't know why the sound of her laugh gave me a soothing feeling. Nahawa na ata ako sa ka-weirdo-han ng babaeng ito.
Sa sobrang busy ng utak ko sa mga bagay-bagay saka ko lang napansin na papalubog na pala ang araw. Mas dumami pa ang mga tao.
Shit. Paniguradong hinahanap na ako sa ospital at nagkakagulo na naman ang mga staff doon. I need to go now.
Nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Sol is calling.
Aww, man.
Baka kinontak na si Sol ng staff ng ospital just to inform him that I am missing.
Sinagot ko iyon.
"Pre, saang motel ka?"
"What the hell are you saying?"
Tumawa ito. Ni walang pag-aalala akong naririnig sa boses. "Ay wala ba sa motel? Nasaan ka ba?"
"Im at---"
Naputol ang pagsasalita ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Larisse. Hinihingal siya at pawisan.
"Mabilis ka bang tumakbo?"
"What?"
"Takbo!"
Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Sol dahil bigla na lang akong hinila ni Larisse at natagpuan ko ang sariling tumatakbo na rin nang mabilis.
"What the f**k is happening?! Bakit tayo hinahabol ng mga iyon?!"
Gulong-gulo kong tanong ng makitang may mga lalaking humahabol sa amin.
Tumawa siya ng malakas. "Na-bulls eye ko kasi!"
"What?!"
Fucking s**t! Hindi ko siya maintindihan! Patuloy lang kami sa pagtakbo sa kalsadang konti na lang ang ilaw at wala ng tao. Hanggang sa may masalubong pa kaming limang kalalakihan na ikinatigil namin sa pagtakbo.
Pareho kaming naghahabol ng hininga nang tumigil. Naabutan na kami ng tatlong lalaking humahabol sa amin kanina. Nang tignan ko ang cellphone ko ay wala na sa linya si Sol.
Parang sumakit ang batok ko. Nangangamoy bakbakan.
"Larisse, pwede mo na siguro sa aking sabihin kung anong mayro'n bukod sa mukhang itlog ang mga ito."
"Tol, ibigay mo na lang sa amin yang babaeng 'yan para tapos na ang usapan. May atraso yan sa pinuno namin." Singit ng isang mukhang itlog dahil sa shaved head nito.
Nakakapit sa likuran ng damit ko si Larisse. I can feel her trembling too.
"He deserved it! 'yong boss nila or whatever he is, napaka bastos! He touched my butt! And he is forcing me na sumama sa kanya. He deserved more than kicking his-his-"
"His balls?" pagkukumpleto ko.
She nodded.
Napangiwi ako roon. Kaya pala sabi niya kanina ay naka-bulls eye siya.
"Well, you did the right thing."
"Tol, walang dadanak na dugo rito kung makikisama ka na lang sa gusto naming mangyari." Singit na naman no'ng kalbo.
Natawa ako. Yung mga linyahan niya napapanood ko lang sa movie ni Fernando Poe e. Dati ba itong mga stant man sa pelikula?
"Tol--"
Mabilis ko siyang hinila at malakas na siniko sa batok na ikinatumba niya kaagad. Tinapakan ko siya sa likod pagkahandusay niya sa lupa.
Hindi nakagalaw ang mga nasa paligid ko sa gulat dahil sa bilis ng pangyayari.
"Kanina ka pa tol ng tol e hindi naman kita kapatid, ugok!"
Parang napako sa kinatatayuan nila ang mga kasama nito. Si Larisse naman ay nanlaki ang mga mata.
Mukhang na-confirm na ang first impression niya sa akin na basagulero.
Hays. Palalagpasin ko sana ang mga pipitsuging kung kanino mang gang ito kung di lang ako nairita sa pagod sa pagtakbo at pagkirot ng tahi ng sugat ko.
Saglit lang na natulala ang ang mga itlog at sabay-sabay na akong sinugod.
Ang lupit naman. Pito agad na ka-sparring? Paghahanda ba ito sa akin sa laban namin ni Judas?
Mas iniinda ko pa ang kapos kong hininga at kumikirot na tagiliran kesa sa mga itlog na kalaban ko ngayon.
Mga lampa at parang punching bag lang ang naging ending nila sa mga kamao ko.
Binigay ko ang nahuhuli kong lakas sa pag-untog sa huling itlog na nakatayo.
"Callisto!!"
Narinig kong malakas na sigaw ni Larisse bago ako humandusay sa matigas at malamig na semento.
Funny huh. This is really unforgettable...