Callisto's POV
“Salamat.” sabi ko sa dalawang nurse na lalaki na nag-assist sa akin sa ward na kinalalagyan ko.
“You’re welcome, Sir.” sagot naman ng may kaliitang nurse.
“Nasaan na 'yong kasama ko dito sa ward?” tanong ko nang mapansin kong ako na lang mag-isa ang nandito sa silid at nakaayos na ang isa pang hospital bed.
“Nakaalis na kanina, sir.” sabi ng isa pa.
“Ah,” tangi kong nasabi. Buti naman. Naiirita na din kasi ako sa mga pagsusungit ng isang iyon sa mga nag-a-assist sa kanya na medical staff.
“Sana all 'no?” animo'y nang-aasar na sabi sa akin ng matangkad na nurse. “Kaya next time Sir, wag ka na ulit tatakas ah. Unless gusto mo pa rin mag-stay dito nang matagal.”
Alanganin akong ngumiti sa isang nurse at tumango na lang.
Saktong pagkaalis ng dalawa ay siya namang tunog ng phone ko.
“Naniniwala na talaga ako,” bungad sa akin ni Sol pagkasagot ko ng tawag niya.
“Saan?” clueless kong tanong.
“Ikaw ang pinakamasamang d**o sa lahat ng masamang d**o. Kapag umisang buhay ka pa, papatayuan na kita ng rebulto.” seryosong sabi ni Sol na para bang hinihiling na mamatay na ako.
“Ulol.” Tangi kong nasabi nang ma-realize ko ang punto niyo.
Tumawa naman ang nasa kabilang linya. Tumawag lang ata ang gagong ito para may mapagtawanan e.
“Akala ko ba nabuburo ka na dyan?” tanong niya pagkatapos tumawa. “Nag-e-enjoy ka na ba? Nagbago na isip mo at gusto mo pang mag-extend? May pinopormahan kang nurse 'no, kaya gumawa ka ng paraan para magtagal ka pa dyan!”
Tanginang utak ‘yan. Pang romance novelist.
“Tangina mo. Tigil tigilan mo kakabasa ng kung ano-ano."
“You should try it though. Nakaka tanggal ng boredom,” pangungumbinsi pa niya sa akin. “kidding aside, may itinitibok na ba ng pantog—”
“Ulol ka! Tama bang pagdudahan mo ang p*********i kong hinayupak ka? Mas straight pa ko sa buhok mo."
“’'Yan din ang sabi ng spaghetti bago siya pakuluan.”
“f**k you.” sagot ko sa kanya na ikinatawa niya na naman.
“Malas mo naman kung gano’n. Mamamatay ka na sa inip tapos lalaking nurse pa naka-assign sa’yo.” Pang-aasar pa ni Sol. “Anyways, ano itsura ng mga binugbog mo?”
Hindi ko pa naikukwento ay alam na kaagad ni Sol ang naging resulta.
“Mukhang mga bugok,”
He chuckled.
“Basta mukhang may gang ang mga hayop.”
“Saan nangyari?”
“Hindi ko alam ang eksaktong pangalan ng lugar basta malapit iyon sa palayan.”
“I see.” sabi pa niya. “Eh bakit ka ba nakipag sparring sa mga itlog na ‘yon?”
“Mahabang kuwento.” sabi ko na lang dahil tinatamad akong magkwento.
Inaantok na nga ako dahil sa byahe pabalik dito sa main hospital. Balak ko na ngang matulog kung hindi lang tumawag ang isang ‘to.
PAGKATAPOS KONG mawalan ng malay habang nakikipagbardagulan sa mga unggoy na ‘yon ay nagising na lang ako sa hindi pamilyar na ward. Nalaman kong nasa isang public hospital pala ako sa bayan at masakit ang bagong gasa kong sugat.
Kaagad akong binundol ng kaba nang hindi ko makita si Larisse. Akala ko ay napaano na siya. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin sa akin ng nurse na isang babae daw ang nagdala sa akin sa ospital at base sa pagkaka-describe niya ay si Larisse nga iyon na nagpaalam daw na may pupuntahan.
Magaling na babae. Pagkatapos akong kaladkarin sa gulo ay iiwanan ako ng mag-isa? Lumipas ang ilang oras pero walang Larisse na bumalik hanggang sa magdesisyon akong tawagan na si Sol para maibalik na ako sa ospital na ito na nagawan niya naman kaagad ng paraan. Marami siyang tanong na hindi ko nasagot noong tumawag ako sa kanya kaya ngayon ako kinukulit.
“I have plenty of time on my hands.” sabi naman ni Sol.
“Good. You take care of our business.”
Bago pa siya makasagot ay ni-disconnect ko na ang tawag.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya tumawag ulit. Pero nagmessage naman.
“Bumawi ka kapag nakabalik ka na. Kung makakabalik ka pa.” winking emoji
Siraulo talaga.
Mabuti na lang at kahit isa’t kalahating gago itong si Sol ay maasahan sa lahat ng oras. Hindi nang-iiwan sa ere ang animal. Kahit minsan isinusuka ko na siya.
Inaamin kong malaking bagay din na nandidito siya dahil sa mga panahon na kagaya nito ay siya muna ang pisikal na nagmamanage ng resto bar na pagmamay-ari naming dalawa. Ang CxS Royalty. Pasensya na dahil noong mga panahong nag-iisip pa kami ni Sol ng negosyo, wala kaming naiisip kundi magkaroon ng sariling mundo.
Tumunog na naman ang phone ko tanda ng panibagong message.
“May gusto ka bang ipapadala diyan? Something to kill your boredom at hindi kung saan saan ka nakikipag sparring?”
“Silence.” Reply ko dahil sa antok
Sumunod ulit ang panibagong mensahe.
“Sige. Sendan kita p**n para mawala ang inip mo dyan.”
I responded to his message with a middle finger emoji, then went to bed.
"I'M SO SORRY TALAGA, Callisto." Sincere na sabi sa akin ni Larisse.
"Bakit parang sa tuwing mag ku-krus na lang ang landas natin palagi ka na lang nag-so-sorry?"
Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o ano. Nang dahil sa kanya ay imbis na umiksi ang pananatili ko sa ospital na ito ay humaba pa lalo dahil sa pag bukas ulit ng sugat ko mula sa rambol na kinasangkutan namin ni Larisse ilang araw na ang nakakalipas. Kinailangan ko na namang magpahilom ng sugat.
Nakayuko si Larisse ngayon sa harapan ko na akala mo alagang aso na pinagagalitan ng amo. Ilang araw ko siyang hindi nakita magmula ng mangyari ang gulong iyon.
“Why are you here?” walang gana kong tanong sa kanya.
“To say sorry, actually.”
"Saan? By getting me into trouble or abandoning me in the hospital?”
"That was not my intention.” Mahina niyang sagot.
“Right.” Sarkastiko kong sabi.
“Ang totoo niyan, naka-confine din ako ngayon dito,"
Bigla akong naalarma.
“W-What?”
"Wag kang mag-alala hindi mo naman ito kasalanan. Lalabas na ako ngayong araw, actually. Saka hindi naman nila ako nasaktan. Wala ngang natirang nakatayo sa kanila e.” Biro niya pa. “A-Ano, inatake lang ako ng hika dahil sa pagtakbo natin kaya nagpapahinga din ako sa ospital na ito ngayon kaya naiwanan kita doon. Pero okay okay na naman ako."
Napahimas ako sa batok ko. Hindi ko talaga akalain na sobrang abala ang ginawa kong pagtakas sa ospital. Wala naman akong balak magtagal, gusto ko lang makakita ng ibang view dahil umay na ako sa facility ng ospital kaya ako pumunta ng bayan. Wala akong balak makipag away kung hindi lang sa tawag ng pangangailangan. Baka kung di ako lumaban ay mas matindi pa sa pagbukas ng sugat ko ang nangyari sa’kin. Hindi ko naman dapat sisihin si Larisse dahil alam ko namang hindi niya akalain na mangyayari iyon, hindi ko lang malaman sa sarili ko kung bakit ako naiirita ngayon.
"I am really sorry. Dahil sa akin nagkaganyan ka."
"Nangyari na ang nangyari." Buntong hininga at pinal na sabi ko nang mapansin kong tunog iiyak na siya ano mang oras.
I let out a sigh. When I look at her, why do I feel like I'm the one who's guilty, even though I'm the one who's lying here?
I was only staring at her lowered head. It's amusing how she can't seem to look me in the eyes, samantalang noong nakaraang mga gabi ay diretso ito laging nakatingin sa mga mata ko.
She feels bad about herself. I'm tempted to make fun of her. She is, nevertheless, like a small puppy. I grinned as I think about it.
The outside noise drew our attention. Halo-halong mga boses ng lalaki at boses ng babae. Parang nagkakagulo.
I gently rose to my feet in the hopes of seeing what was going on outside. The door crashed open, and two nurses rushed in, blocking the men I didn't recognize.
Larisse ducked behind me very quickly when the men forced their way inside. My instinct covered her right away.
"Sorry Sir, mapilit po sila!" natatakot na sabi sa akin ng nurse.
No wonder na natatakot ang nurse. Sino ba namang hindi, kung makakakita ka ng mga kalalakihang naka itim na t-shirt at mga mukhang hindi gagawa ng maganda.
"Ang kulit mo naman, Miss! Wala nga kaming gagawing masama." sabi n'yong isang may malaking tiger tattoo sa braso, "Gusto lang namin makausap itong pasyente dito,” paliwanag pa niya.
I should have known better. Marami na akong nakilalang kagaya ng mga ito.
"Ako na ang bahala dito, Nurse." sabi ko para mabigyan ng pagkakataon ang mga nurse na makahingi ng tulong.
Lumabas naman ng silid ang dalawang nurse kahit nag-aalangan silang iwanan kami. Sumulyap pa sa akin ang isa saka ko tinaguan. Hindi ko alam ang nangyari sa labas dahil hindi dumating ang dalawang guard na nagbabantay sa maliit na ospital na ito. Pero sa tingin ko ay may mga kasama pa ang mga lalaking ito na nasa labas ng ward na kinalalagyan ko.
Kinuha ng lalaking may tattoo ang phone niya saka nagpipindot doon.
“Relax lang kayo diyan. Parating na si Boss.” Sabi niya pa sa amin. “O, hindi ba ikaw yung bababe sa plaza?" puna niya kay Larisse ng mapansin niya sa likuran ko.
“Bakit kilala ka ng mga iyan?” tanong ko kay Larisse na nakatago pa rin sa likod ko.
“I don’t know.” mahina at may nginig sa boses niyang sagot.
Kung kilala nila si Larisse at nandito sila dahil sa akin, malaki ang tiyansang kasamahan sila ng mga binugbog ko.
Parang kumirot ang loob ng parte ng sugat ko nang maisip ko iyon.
Shit! Bakit ngayon pa? ilang araw pa lang ang nakalilipas e.
Pinapakiramdaman ko ang mga gago. f*****g s**t! Hindi pa naghihilom ng sobra ang sugat ko pero mukhang bubukas na naman. Hindi ako pwedeng mamatay dito ng hindi pa nakakaganti kay Judas! Hindi ko din pwedeng pagkatiwalaan ang sinabi ng mga unggoy na ‘to na wala silang gagawing masama.
Nagiisip na ako kung paano kaming makakatakas ng hindi gaanong maaapektuhan ang sugat ko kung sakaling hindi sila mapaalis sa maayos na usapan. Palihim akong tumingin sa gilid ko. Bukas ang mga bintana. Baka pwede--
"Callisto, Ako ang may kasalanan sa kanila. Ako na ang haharap,”
Wow. Sabi ng babaeng nagtatago sa likod ko.
Mukhang naisip niya na din na kasamahan nga ito ng mga humabol sa kanya.
“Hindi naman kailangan ng dahas. I don't think they will hurt us kung makikiusap ako. Beside nasa public tayo. Marami ang makakakita." mahinang bulong sa akin ni Larisse. Dinig ko ang takot sa kanyang boses.
"You shut up." sita ko sa kanya. Kung ang lahat ng tao ay nadadaan sa maayos na usapan, bakit pa nagkakasakitan? She doesn’t know these motherfuckers. Wala silang paki kung maraming tao. "Just listen to me," umatras kami malapit sa bintana, "kapag hindi napakiusapan ang mga gugong na ‘to at wala kaagad dumating na tulong, in count of three, you jump."
"H-Hah?!" bulalas niya. "Nasa second floor tayo!” bulong niya mula sa likuran ko.
"Hindi ka mamamatay sa ganyan kataas,"
"Kapag hindi una ulo!"
"Tumalon ka lang hindi ko sinabing mag dive ka. Kung ayaw mo, ako na lang. Bahala ka na sa buhay mo."
“Boss!” Nagulat kami pareho ni Larisse ng biglang sumigaw ang lalaking may tattoo sa braso at sabay-sabay ang mga ito mag bow sa bagong dating.
"What the--"
Maya-maya pa ay may isang lalaking kalbo na mala bouncer ang pangangatawan, naka itim na shades at naka suit ang pumasok.
Kung mabubuhay pa kami pagkatapos nito, baka magbago ang isip ko at patulan ko na ang rebultong sinasabi ni Sol.