Callisto's POV
"Master Alli!" Malakas na bungad sa akin saka lumuhod at nag bow ang kalbong lalaking may malaking katawan na tinawag na ‘boss’ ng mga kalalakihang nandito. Gumaya sa pag bow sa akin ang mga nauna.
Nagkatinginan kami ni Larisse. Parehong naguguluhan sa mga nangyayari.
My eyes narrowed as I looked at the man in front of me. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng master.
Tinanggal ng lalaki ang itim na shades na suot at doon ko lang nakita ulit ang isang pamilyar na mukha na nakilala ko kaagad dahil sa pahabang peklat sa mata niya.
"Lintik ka." Bulalas ko nang makilala siya.
"Ako nga, Master!" Lumapit pa ito habang naka luhod at nag bow ulit.
"Bakit ka nandito, Bogs?"
"Upo ka muna Master," inalalayan pa ako ng walanghiya na makaupo sa kama ko. "Ipapaliwanag ko."
Naguguluhan at nagtatakang sumunod sa akin si Larisse. Nakakapit siya sa hospital gown na suot ko at hindi siya umaalis sa tabi ko.
“Talk." utos ko. Doon ko na ibinaba ang guard ko. Kinabahan lang pala ako sa wala.
"Sorry Master!" sigaw nito at sabay sabay ulit nag bow sa akin kasama ang mga kasama niya.
Ugh. Sumasakit na naman ang batok ko. Ano na namang kalokohan ito?
"Tigil-tigilan ninyo na ang kayuyuko at naiirita na ako sa inyo."
"Yes Master!" sagot ni Bogs. Pumalakpak ito ng ilang beses at maya-maya pa ay may mga tauhan nito ang pumasok at may bitbit na mga basket ng prutas at bulaklak. "Master, humihingi ako ng pasensya para sa mga tauhan ko na nanakit sa'yo."
Ah. So mga tauhan niya pala ang mga bugok na iyon. Kaya pala mga mukhang itlog. Parang biglang nangati ang mga kamao ko at gustong bumasag ng mga itlog sa ulo ng mga iyon.
"Sorry talaga, Master! Hindi ka kasi nila kilala. Ako na ang bahala sa mga siraulong iyon.”
Humalukipkip ako, "Paano mo nalaman na ako ang bumugbog sa mga tao mo?" tanong ko habang tinitignan ang basket ng prutas na nasa side table. "Hugas na ba ‘yan?"
"Oo naman, Master. Limang beses pa," inabot nito sa akin ang ubas. " Tinawagan ako ni Boss Sol at sinabing may nakaaway ka nga dito sa lugar namin."
Kaya pala tinanong ako ni Sol kung ano ang mga itsura ng mga naka-sparring ko at kung saan nangyari ang bugbugan. May koneksiyon pa pala sila ni Bogs. Ni hindi man lang sa akin sinabi ng siraulo.
Kung paano ako naging master ng ugok na ito ay mahabang istorya. Basta iniligtas ko siya sa gang na nanghahabol sa kanya na dahilan ng peklat niya sa mata at simula noon ay naging tao ko na si Bogs at master na ang tawag niya sa akin. Kung bakit ‘master’? hindi ko alam kung ano'ng trip niya pero wala na akong pakialam doon. Nakakairitang pakinggan pero hinayaan ko na lang. Ilang taon ko na itong hindi nakikita dahil bigla na lang nawala. Iyon pala dito sa lugar na ito siya bumuo ng panibagong grupo at naglulungga.
"Nasaan ang mga bugok na nakaaway ko?" tanong ko
"Nagpapagaling pa sila Master. Ang lupit mo talaga! Walang kupas!" manghang mangha pa nitong sabi. "May mga ilang bali lang sa katawan. Noong nalaman ko nga na ikaw ang nakaaway nila akala ko papat--"
Ibinato ko sa kanya ang piraso ng grape na hawak ko na naiwasan kaagad ni Bogs dahilan para matigil ito sa pagsasalita. Nagulat pati mga tauhan nito dahil sa ginawa ko sa boss nila.
Oo. kung wala akong iniinda noong mga panahon na iyon baka napatay ko na ang mga tauhan ni Bogs. Pero hindi na iyon kailangan pang malaman ni Larisse.
"A-akala ko paparusahan mo sila ng sobra, Master." pag-tutuloy nito sa sinasabi.
Hindi ko na siya pinansin at bumaling ako kay Larisse.
"Ah, Oo nga pala Larisse," nilingon ko siya na amaze pa rin sa mga nangyayari, "Was he the one who touched you?"
Sumilip si Larisse mula sa likuran ko. Sinipat niya ng maigi si Bogs.
"Hala! Miss Maganda!” Bogs exclaimed merrily and turned to me. “Jowa mo pala yan, Master?"
Hindi ko na kailangan pang alamin ang sagot ni Larisse para makumpirma dahil sa naging reaksiyon ni Bogs. Hindi ko na din tinama ang akala niya. Wala ako sa mood magpaliwanag sa kanya. Hindi din naman nag-react si Larisse.
"Bogs." I said in a low voice that sounded like a warning.
"Sandali lang Master!” kontra niya kaagad. “Misunderstanding lang ang nangyari!" natataranta nitong sabi sabay baling kay Larisse. "Hindi ako ang nantyansing sa'yo, Miss."
"Sino?" tanong ko.
"Heto nga ang problema, master. Hindi namin nahabol.” sagot niya pagkatapos ay tingin ulit kay Larisse. “Ganito kasi iyon, Miss Maganda, habang nakikipagsayaw ka sa mga babae ay may lumapit sa likuran mong lalaki na nakamaskara at siya ang nantyansing sa'yo. Kitang kita ko! Nung nilapitan kita para sitahin yung lalaki ay bigla siyang umalis at doon ka naman lumingon. Kung nakilala ko lang sana at nahabol ng mga tauhan ko, maihaharap ko sana siya sa’yo miss maganda. Kami na hahawak, mag-unli sampal ka pa. Kaya lang ang bilis tumakbo e. Parang kabisado ang lugar."
"Bakit mo ako pinipilit na sumama sa'yo?" tanong ni Larisse.
Tinitigan ko ulit si Bogs na kaagad namang sumagot.
Napahawak ito sa batok. "Kasi ang ganda mo Miss." nahihiya nitong sabi. "Baka may mambastos sa'yo ulit kaya mas mabuti kung makaalis ka na sa plaza. Ikaw lang yung ayaw maniwala na hindi ako yung nantyansing sa'yo. Bigla ka na lang kasi nanakbo no’ng niyaya kitang umalis sa plaza."
"Oo nga Miss! Kami din! Nakita namin yung nantyansing sa'yo. Inosente ang boss namin!" segunda ng mga tauhan ni Bogs habang ang boss nila naman ay animo nabatobalani na nakatingin kay Larisse.
Anak ng tipaklong. Na-love at first sight pa ata ang gago kay Larisse. Ang lahat naman ng sinabi ni Bogs ay may sense. Nakilala ko rin siyang basagulero pero hindi nambabastos ng babae. Mukha lang talagang manyak.
Nakahalukipkip akong bumaling kay Larisse na puno nang pagkalito ngayon ang mukha.
Maya maya pa ay lumapit si Larisse kay Bogs at hinawakan ang kamay ng huli.
"Sorry, sir!" malakas niyang hingi ng pasensya. "Hindi ko talaga alam, pasensiya na talaga, sir Nagulat din kasi ako. Sorry, sa nagawa ko sa'yo. Ayos ka lang ba?"
Ah, oo nga pala. Nadali pala ang 'future' nito sa sipa ni Larisse. Ngumiwi ako. Hindi ko ma-imagine ang sakit.
"Ah, Okay lang Miss Maganda. Hindi na masakit. May future pa."
Titig na titig ito sa mukha ni larisse nang lumapit sa kanya. Napangiwi naman si Larisse na mukhang naalala ang ginawa niya.
"Magiging bugok yang future mo kapag hindi ka pa umayos dyan." Banta ko sa kanya na mukhang nag-e-enjoy na sa hawak ni Larisse.
Agad itong umatras palayo kay Larisse at tumayo ng tuwid na akala mo sundalo. "Okay na ako Miss! Salamat sa pag-aalala!"
"Thank you din sa concern mo sa’kin, sir." nahihiyang sabi ni Larisse. “Magko compensate ako sa nagastos mo sa ospital—"
“Nako, hindi na Miss Maganda!” todo tanggi ni Bogs. “Ayos lang, 'wag ka na mag-aalala pa sa'kin.”
Nakakakilabot. Akala mo teenager na kinikilig si Bogs. Sarap tadyakan.
“Sigurado ka ba dyan, sir? Para lang sana makabawi ako.”
“100.1 % sure ako Miss Maganda!”
"Kelan kayo aalis?” singit ko sa usapan nilang nakakaalibadbad. “Kasi ang init na ng kwarto ko sa dami ninyo."
"Ngayon na Master!” nangangamot ulong sagot ni Bogs. Saka may inabot na itim na calling card. “Ito nga pala ang calling card ko. Kapag kailangan mo ng tulong, just call me at padadalhan kita ng back-up kaagad, master.” Inabutan din si Larisse. “Ikaw din Miss maganda.”
“Maraming thank you ulit Master at nalinawan itong si Miss Maganda. Bye Miss Maganda!” Humabol pa si Bogs ng silip sa pinto at kumaway kay Larisse na kumaway naman pabalik.
Pinanlakihan ko siya ng mata kaya tuluyan ng umalis.
Finally, I can breathe. Natawa ako nang makita ko ang calling card. Itim na may logo na 'Black Samaritan Riding Club', may pangalan ni Bogs at contact number. Iniisip ko tuloy kung ang ipadadala niyang back-up ay tao o kabayo.
Akalain mo 'yon. Businessman na pala ang gago. Mas bagay sa kaniya ang poultry business kesa mga kabayo. I'm not sure if I'll be pleased that Bogs and I reconnected as a result of what happened to Larisse and me o isipin ko na lang na ang magandang nangyari ay magkakaraon ako ng tao sa lugar na ito lalo na kung may emergency.
"You can't judge a book by its cover talaga e 'no?" singit ni Larisse. Habang ako naman ay busy sa pagtingin sa mga dala ni Bogs na prutas. Kumpleto. Mukhang 12 fruits para sa noche Buena ang binili ng ugok.
"Sabi ng babaeng who just jumped into conclusion."
Bigla siyang namula sa hiya. "Nag-sorry naman na ako. I learned my lesson, huwag maging judgmental. What we see isn't the same as what they are. Anyway, gang leader ka ba dati? Bakit master tawag niya sa'yo? Saka parang may takot siya sa'yo? May nagawa ka bang hindi maganda?" walang preno niyang tanong.
Instead of answering that ay tumingin ako sa kanya nang matagal.
"What? Is there any?" tanong niya.
Hindi ko pa rin siya sinagot bagkus ay tinitigan ko pa siya ng mas matalim.
Aatras sana siya ng hawakan ko ang kamay niya at pigilan siya.
"What if there is? Tatantanan mo na ba ako?" sabay lapit ng mukha ko sa kanya.
I noticed a glint of fear in her eyes pero kaagad din iyong nawala.
"H-Hindi naman kita sinusundan! Nagkataon lang na nandoon din ako. Uhm, saka mukha kang basagulero, oo, pero hindi naman siguro masamang tao."
Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Isn't that some sort of judgment? Well, madami akong kayang gawin na hindi mo alam pero may isang pwede kong ipakita sa’yo.”
Gusto kong matawa. Nakikita ko na parang nalilito na siya. Pero hanga ako at nakukuha niyang labanan ang mga titig ko.
“Callisto.” Tawag niya sa akin habang nakatitig din sa mga mata ko.
“Hmm?”
"Kaya kong manira ng future sa loob lang ng isang segundo."
I burst out laughing at what she said and the way she shifted her gaze to the center of my body. Ikinasimangot naman iyon ni Larisse. She had some nerve huh.
"You! Kailangan talaga nananakot?"
Nagkibit balikat ako. “You’ll never know what I am capable of because you don’t know me very well.”
“Will you allow me to learn more about you then?”
Saglit akong natigilan. “No. Never.”
“Why not?”
Hindi na ako nakasagot dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto.
Pumasok ang nurse na may dalang Malaki at pahabang karton na halos kasing taas ko.
“Sir, okay lang ba kayo?”
“We’re okay.” Sagot ko.
“May package ka po pala, sir,”
Nagtaka naman ako at nilapitan ang dala niya.
“Mabuti naman at umalis na ang mga iyon, sir.” sabi ng nurse. “Natatakot na kasi ang mga pasyente. Ang tagal dumating ng mga pulis dahil malayo ang sentro dito. Hindi na namin pinatuloy dito n’ong umalis na sila.”
“Mababait naman sila, nurse.” sagot ni Larisse sa kanya na akala mo ay matagal na niyang kilala ang grupo ni Bogs.
“Talaga? Hindi halata.” sabi ng nurse.
Tumawa si Larisse. “Hindi nga. Pero totoo.”
Napapailing na lang ako dahil sa kanya.
Pagkatapos ilapag ang kahon at tignan ang sugat ko ay umalis na din kaagad ang nurse.
What the f**k is this?
Naguguluhan man ay binuksan ko ang box.
"A guitar?" takang sabi ni Larisse pagkakita ng laman.
I gritted my teeth. I see that shithead laughing his asses off. Parang gusto kong manghapas sa ulo ng lokoloko gamit ang gitarang ito.