Chapter 6 | Save Me Too

2130 Words
Callisto's POV Kasalukuyan akong nandito sa rooftop ng ospital at nakailang dial na ako pero walang Sol na sumasagot. Alas singko y media na ng hapon. Paniguradong sinasadya niyang hindi sagutin dahil malilintikan talaga siya sa akin. Tinatawagan ko siya dahil gusto ko sanang ipakuha niya ang ipinadala niyang gitara at ipaalam sa kaniya na pwede na akong lumabas ng ospital. Pero hindi sumasagot si gago. “Laya na ako bukas.” message ko sa kaniya. Pagkaubos ng isa kong sigarilyo ay nagsindi pa ako ng panibagong stick. Nakakaapat na stick na ako. "Uy! Bawal 'yan dito!" Bigla ko tuloy naitapon sa sahig ang hinihitit kong sigarilyo pagkarinig ko sa nagsalitang iyon. Paglingon ko ay nakilala ko ang kung sinomang sumita sa akin ay napasimangot ako. "f*****g shit." Bulong ko. Sayang 'yong isang stick. Hindi pa nga nangangalahati. Ang hirap pa namang magpabili no'n dahil walang nabibiling ganoong sigarilyo dito. Hindi ko alam kung saan nakuha sa lugar na ito iyon ni Bogs dahil iniutos ko lang iyon at ipinapuslit sa kanya sa loob ng ospital. Hinugot ko ang kaha sa bulsa ng short ko at kumuha ng panibagong stick saka sinindihan. Last na pala ito. "Bakit ka naninigarilyo sa ospital? Bawal 'yan dito. Saka masama 'yan sa katawan." Sermon niya pa Tinignan ko ang warning sign at picture na nakalagay sa pakete ng sigarilyo at ipinakita ko sa kaniya. I simply wanted to inform her that I was aware of it. "Alam mo bang ilang years ang nababawas sa buhay mo sa kada stick ng sigarilyong nauubos mo?" "And?" "Kung alam mo pala, bakit mo pa ginagamit?" "Sa palagay mo bakit?" "I dunno actually. That’s why I am asking." "Because there are aspects of something that serve as a refuge for us. Dumadating sa punto na hindi natin namamalayang nagdedepnde na tayo sa tao o minsan bagay na nagbibigay sa atin ng kapanatagan." At bakit ko ba pinapaliwanag iyon sa babaeng 'to. I don't know either. Feeling ko hindi siya titigil sa kakatanong kapag hindi nakakuha ng concrete na sagot. "So…It's their choice...It's always their choice." Parang wala sa loob na sabi niya. Tumango ako at humitit ulit ng sigarilyo. "What the f**k?" Bulalas ko ng bigla niyang kunin ang sigarilyo ko at itinapon iyon sa sahig. "May hika ako. Hindi ako pwedeng makalanghap ng ganiyan." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Shit! Last na 'yon e! "At bakit ako ang mag-a-adjust?!" Inis kong sabi. "Bakit hindi ikaw ang lumayo para hindi mo naaamoy?" "I am saving you." "What?" "Save me too." Ano? Naguguluhan kong tanong dahil parang may iba pang kahulugan 'yong sinabi niya dahil sa expression ng kaniyang mata. She was like asking for help. And, as I've always noticed on her, biglang nag-iiba 'yong expression niya. Katulad na lang din ngayon. "I am saving you sa pagtapon ko sa sigarilyo mo. 10 years kong sinave ang buhay mo. And you are saving me too by stopping smoking. 'Di ba?" Nakangiti niya ng sabi. I just shook my head. At nanghihinayang na tumingin sa sigarilyong nauupos. "Bakit ka nandito? Akala ko laya ka na?" baling ko sa kaniya. "How I wish!" Malakas niyang buntong hininga "May follow up check-up lang." "Nga pala, Nasaan na yung kasama mo?" Kumunot ang noo ko. "Sinong kasama? Kailan mo ako nakitang may kasama? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Pumalatak siya. "Kadarating lang, nakalimutan mo na? Nakakahon pa nga," Doon ko lang naisip kung ano ang tinutukoy niya. Hindi ko siya pinansin. Iyon nga ang dahilan kung bakit nandidito ako sa rooftop na ito at kinokontak si Sol na hindi naman sumasagot. “Sa’yo ba ‘yon?” tanong niya. “Musician ka o hobby mo lang?” Ito na naman siya sa mga tanong niya. “Hindi sa akin iyon.” Totoo naman. Gitara na iyon ni Sol na matagal ko ng ibinigay sa kaniya. “Mali lang ang pinagpadalahan niya.” “Ay gano’n? Sayang naman,” disappointed niyang sabi. “Bakit?” “Wala lang. Akala ko makaka jamming kitang kumanta.” “Singer ka?” Tumawa naman si Larisse. “Oo. Ganda nga ng boses ko kapag nasa banyo e.” Hindi ko maiwasang mangiti na itinago ko. “Joke lang. Wanna be.” Nakangiti niyang sabi “Ikaw ba?” “Hindi.” “Gusto mo ba akong marinig kumanta? Wait—” she cleared her throat. “No thanks.” Pagtanggi ko kaagad. Tumawa siya sa sinabi ko. “Grabe ka sa’kin ah.” sabi niya. “Pero musician ka?” Umiling ako at tumingin sa kulay kahel na kalangitan na akala mo ay isang painting. Papalubog na ang araw. “So, hobby mo lang ang paggigitara?” Hindi ko siya sinagot na ni-take ni Larisse as a yes. “Bakit hindi mo ginagamit? Pampaalipas oras din ‘yon. Nakita kong naka tape na ang kahon at nasa sulok na lang ng hospital bed mo.” “Pumasok ka ng kwarto?” Naniningkit ang mata kong sabi. “Hinahanap kita e. kaso wala ka doon.” “Bakit?” “Papaturo sana akong maggitara.” “Hindi ako marunong. Kaya huwag ka ng umasa.” Pagtanggi ko. “We?” hindi naniniwala niyang sabi. “Hindi ka naman padadalhan niyan kung hindi ka marunong.” “Bakit ang kulit mo?” “Sabi nga nila. Hindi ko nga din alam e.” sagot niya naman. “Umuwi ka na nga.” Lumabi siya. “Papaturo lang eh.” “Hindi nga ako marunong. Paulit-ulit?” “Bakit ka galit?” Natigilan ako. Hindi ko napansin na tumataas na pala ang boses ko. Malakas akong napabuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. “I’m sorry.” “Apology accepted. Maikli lang ang buhay para hindi magpatawad sa ganiyang kaliit na bagay.” Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. “Ganda ng sunset e 'no?” puna ni Larisse sa magandang tanawin. “Yeah…” wala sa sarili kong sagot habang tinitignan ang sinabi niya. “Imagine, kahit maraming humahanga sa ganda niya nagbibigay daan pa rin siya sa buwan,” nakangiti niyang sabi. “Hindi magkakaroon ng panibagong umaga kung hindi siya magbibigay daan sa gabi at hindi magbibigay daan ang gabi para sa umaga. However, they were given the opportunity to shine. They have their own time. A selfless one.” Pagkatapos ay tumingin sa akin. “Galing ‘no?” Why do I get the impression she's preaching? As if what she was saying wasn't exactly what she meant? It feels as if I'm supposed to read between the lines. “It was like a constant reminder to us.” “And why are you saying this to me?” Panonopla ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. “To remind you to take care of yourself and give yourself time to heal. Allow yourself to go through all of the stages. Time is required for the wound to heal. You, too, will recover.” Parang double meaning na naman. Hindi ko alam kung ako lang itong nagbibigay ng ibang kahulugan sa mga sinasabi ni Larisse o ano basta pakiramdam ko iba ang tinutukoy niya. “Palibhasa nakalabas ka.” sabi ko na lang sa kaniya na ikinatawa niya. “Kaya nga para makalabas ka na din. Hindi ka ba na-so-suffocate sa amoy ng antiseptic?” sabi niya na akala mo matagal na siyang naka-confine sa ospital samantalang ilang araw lang naman siyang nandidito. “Ay, na-so-suffocate ka na nga pala dahil tumakas ka.” paalala niya pa sa akin. Actually, bukas ay pwede na akong lumabas. Pero hindi ko na ‘yon kailangan pang sabihin sa kaniya. “Talagang pinaalala mo pa na iniwanan mo ako ah.” pang-aasar ko sa kaniya. Ngumuso siya. “Hindi nga sadya ‘yon.” “Ikaw naman ang may utang sa akin.” “Alright. Alright,” sabi niya. “Anong pwede kong gawin para mabayaran ko ‘yang utang ko sa’yo?” “E, ‘di aminado kang iniwan mo nga ako.” “Hindi nga kasi!” naiinis niyang sagot. “Bakit nagagalit ka?” gaya ko sa reaction niya sa akin kanina. “No, I’m not!” malakas niyang sabi. Tumawa ako. Oo nga, hindi siya galit. “Natutuwa ka pa? Sadista ka ba?” “I am more like a masochist than a sadist.” “Halata nga.” “Alam mo, umuwi ka na nga. Gabi na o.” puna ko ng silipin ko ang oras. Hindi ko napansin ang oras. Six thirty na pero hindi pa madilim. Mukhang mas mahaba ang araw ngayon kesa sa gabi. “I am doing you a favor.” “What favor?” kunot noo kong tanong. “Na samahan ka dito. Para hindi ka mag-isa. Boring kaya kapag nag-iisa.” “You are actually doing me a fovor kung iiwanan mo ako ng mag-isa. Napakadaldal mo e. Ang sakit mo sa tenga. I want peace more than attention.” Hindi siya makapaniwalag tumingin sa akin. “Excuse me? Ako madaldal?” Ako naman ang hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Sa haba ng sinabi ko ay iyon lang ang pinaka tumatak sa kaniya. “Well, sabi nga din nila.” Aminado niyang sabi. “Kaya pwede ka ng umalis at iwanan ako dito. May mga tao talagang mas gusto ng mag-isa.” “And you are one of them.” sabi pa niya. “Noted.” “Umuwi ka na. Delikado kung gagabihin ka pa dito unless may kasama ka.” “Alam mo Callisto, ang Sitio Mapayapa ang pinaka safe na lugar sa buong mundo.” Pag-iinform niya sa akin na proud na proud pa. “Talaga ba?” hindi naniniwala kong sabi. “Dito ka ba nakatira?” Napangiti siya sa hindi ko malaman na dahilan. “Curious ka ba?” nangingiti niyang sabi. “No. just forget I asked.” Kaagad kong bawi. “Wanna know me better?” nanunukso niyang sabi. “Are you now interested in me?” “Hindi.” Diretso kong tanggi. “Ouch. Para mo naman akong ni-reject niyan.” Nag-act pa siyang sumakit ang puso. “Willing naman akong magkwento ng tungkol sa akin if you—” “No thanks. Not interested. Please, leave.” Tumawa naman siya nang malakas sa sinabi ko. “Grabe ka talaga sa akin, Callisto! Bakit ka ganiyan?” Nagkibitbalikat lang ako sa kaniya. “Alis na nga ako.” sabi ni Larisse. “Finally.” “Ay grabe talaga.” Natatawa niyang sabi. “Kapag umalis ako mamimiss mo ako.” “I don’t think so.” Tumalikod siya at naglakad papuntang pinto. “Hindi mo ba ako pipigilan? Pwede pang magbago ang isip mo. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng pinto.” Iwinasiwas ko ang kamay ko na sumisenyas na umalis na siya. Ang kulit lang talaga. “Okay.” sabi niya saka tuluyang lumabas ng pinto. I exhaled in relief. I was finally alone. I looked up at the breathtaking horizon once more. “Callisto!!” Nagulat pa ako sa biglang tawag na iyon sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakasilip ang ulo ni Larisse sa pinto. Hindi pa pala siya tuluyang nakakaalis. “What the f**k—” “May nakalimutan akong sabihin!” malakas niyang sabi. “What is it?” tanong ko nang makita siyang mabilis na naglakad papunta sa akin. “May load ka ba? Pwedeng patawag?” sabi niya sa akin. Alanganin kong iniabot sa kaniya ang phone ko. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya habang nag tatype sa phone ko ng number. Maya maya pa ay may nagring kung saan. Napatingin ako sa bulsa niya. Kinuha niya ang phone niya doon at nakangiting ibinalik sa akin ang phone ko. Pagkatapos ay nag dial siya sa phone niya na may tinatawagan at siya namang ring ng phone ko tanda na may tumatawag. Nakakunot noo kong sinagot iyon. “When you've had enough of being alone, just give me a call.” Magkasabay na sabi ni Larisse at ng nasa kabilang linya. Saka mabilis siyang tumalikod at naglakad papuntang pinto. Naiwan akong mag-isa. “What the hell?” I said incredulously. Tumingin ako sa hawak kong phone at sa number na nandodoon. Kinuha niya ang number ko nang hindi siya nagtatanong at ibinigay niya ang number niya sa akin ng hindi ko kinukuha. Paano ko nga naman siya matatawagan kung hindi ko alam ang number niya? I shook my head in disbelief then laugh. “Clever as fuck.” Natatawa kong sabi. Siya namang tunog ng phone ko ulit. Hindi number ni Larisse kundi pangalan ni Sol ang naka flash sa screen. “Congratulations!” bungad sa akin ni Sol. “Papa red carpet na ba ako?” “’Tado.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD