Chapter 7 | Fated Night

1572 Words
Callisto's POV ALAS ONSE na nang marating ko ang address na binigay sa akin ni Sol. Dala ang itim na backpack at gitara ay tumayo ako sa harap ng Villa SereneStay sa sitio Mapayapa. Tahimik ang lugar, ni hindi mo mababakasan ng buhay. Ingay mula sa mga kuliglig lang ang tanging naririnig ko. Niyakap din ako ng malamig na simoy ng hangin, bagay na kinapikit ko. Sinabi ko na noon na hindi talaga ako para sa mga ganitong klaseng lugar – tahimik. Sandali kong pinagmasdan ang ilang magkakahiwalay na bungalow house saka tumingin sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin. This place looks expensive compared to other places I have been. This place looked like the heart of Sitio Mapayapa. Why am I here? Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng pantalong suot ko. "Nandito na ko." bungad ko na hindi na siya pinaunang magsalita. "Good! Magugustuhan mo diyan–" pinutol ko ang sinasabi niya. Dinig na dinig ko ang hingal niya sa kabilang linya. "Siraulo ka ba? Napakatahimik ng lugar na pinagtapunan mo sa'kin. Kailan ba ako talaga uuwi? Parang walang buhay dito kundi ako. Saang parte ng lugar na to ang magugustuhan ko?" "Daming kuda. See it yourself dude..." sagot niya saka parang hindi pinalaking may mabuting asal nang p*****n ako ng cellphone. Nang bumalik sa homescreen ko ang cellphone ay nakita kong 11:11 pm na. Hindi ko alam kung bakit gusto kong matawa, naiisip ko palang kung anong ginagawa at hinihiling ng babaeng iyon, napapa-face palm nalang ako. At teka? Bakit ba bigla nalang siyang pumapasok sa isip ko? Gayong hindi ko na ulit siya makikita pa. "Pag nakita mo ang 11:11, it is a friendly sign from your soul, source, higher self, or the entire universe, or whatever you call it, God if you want, telling you that you've been guided and whatever your heart desire will eventually come true..." Napangisi ako nang biglang mag-echo ng kumpleto ang sinabi sa akin ng wirdong babaeng iyon noong unang beses kaming magkita. 11:11 na tumutupad ng hiling? Malaking kagaguhan. But I always wanted to find my purpose. I wanted to know why am I here? Muli kong tinignan ang cellphone ko, 11:12 pm na. Doon ko binulsa ang cellphone ko saka naglakad papasok sa loob ng Villa. Muntik na akong magpauto sa 11:11 kagaguhan ng babaeng 'yon. "Bungalow number 8," naalala kong sabi ni Sol kaninang hapon nang sabihin niya kung saan ako mag-i-stay. Ngayong nalampasan ko na ang number 7, madali kong nakita ang number 8. Kinuha ko ang susi sa wallet na pinadala niya kasabay ng gitara. "Not bad,” bulong ko saka pumalakda sa sofa bed na bumungad sa akin. "Enjoy your stay!" basa ko sa text ni Sol. Nangngitngit ang bagang ko sa na-i-imagine kong ngiting nakapaskil sa labi niya sa mga oras na 'to. * * * Sol's POV "Hey! Hey ugly perverted man! Yes you! Yeah! Don't look around, ikaw lang ang pangit dito na tinutukoy ko." Automatic akong napalingon sa boses ng babaeng iyon na kakarating lang hindi kalayuan sa pinipwestuhan ko. Mag-a-alas diyes na ng gabi, at pauwi na ako galing sa leak na pinuntahan ko. Negative pa rin. Maling bulong pa rin. Hindi na ako nag-effort na dalhin ang sasakyan ko at hinayaan ko ang sariling makahalubilo sa iba. "Sino ka ha? Hindi mo ba ako kilala?!" sabi ng lalaki. Nang mamukhaan ko, pangit nga. Nakapila kami sa MRT station kaya marami talagang tao. Ilang minuto pa ay dadaan na ang huling tren na sasakyan ko. "Hey miss, pinipicturan ng lalaking manyak na 'yan ang legs at under ng skirt mo." Paratang ng babae sa pangit na lalaki na hindi man lang pinansin ang tanong ng lalaki. Nanlaki naman ang mata ng babaeng sinabihan at tumingin sa lalaki. Amazing! Interesado kong pinanood ang mga kaganapan habang nakahalukipkip. Tumingin ang babae sa hawak na cellphone ng pangit na lalaki saka binaba ang skirt na suot. "To answer your question, ang mga taong manyak na gaya mo hindi dapat binibigyan ng pagkakakilanlan! Disgusting!" Matapang na usal ng babae. This woman, really. Lumayo ang mga tao sa pangit na lalaki na kinahalata ng lalaki. Siguro napikon nang pag bulungan siya ng mga tao. "Hoy babae! Mag-ingat ka sa paratang mo. Hindi mo ako kilala." sambit ng lalaki saka dahan-dahang lumalapit sa babae. "Bakit? Anak ka ba ng presidente?” pang-aasar pa ng babae. “Nakita ko ang ginagawa mo. At kayong mga nakakita, bakit hindi kayo magsalita! Kung alam niyong mali at binabastos na ang kapwa niyo bakit nakatameme lang kayo na naghihintay pang may maglalakas ng loob na punahin ang kabastusang ginagawa ng lalaking pangit na 'to?!" tinuro pa. Oooh! Juicy. "At ikaw, wala ka bang kapatid na babae?! Walang anak? Walang asawa? Walang kamag-anak na babae? Imposible dahil may nanay kang manyak ka—" hindi na pinatapos ng lalaki ang sinasabi ng matapang na babae. Akma nitong sasampalin ang babae na mabilis na sinalag ng babae. Hindi ko alam kung bakit kusang umabante ang paa ko at naglakad na papalapit. "Really?! Sa laki ng katawan mong 'yan nananakit ka ng babae?!" Salag ko sa pangalawang pagtatangka ng pangit na lalaki na saktan ang babaeng naninidigan lang sa alam niyang tama. Nilikod ko ang babae at hinarap ang pangit na lalaki. May mas ipapangit pa pala sa malapitan. "Sino ka naman?! Bakit maraming pakialamero sa istasyong ito?!" sigaw ng lalaki saka sumipol nang malakas. Natanaw na lang namin ang pagtakbo ng apat na maskuladong kalalakihan. Naka-formal attire at black leather shoes pa naman ako. Hindi ako pwedeng makipag bardagulan sa ganito kong get up. Muling sumipol ang pangit na lalaki na lalong kinataranta ng apat na mga lalaki na ilang milya nalang ang layo sa amin. "Mabilis ka bang tumakbo?" pabulong kong tanong sa babae sa likod ko. "Takbooo!" sigaw ko saka hila sa kamay ng babae. Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot dahil malapit na ang mga maskuladong lalaki. "s**t! Bitawan mo ko!" sigaw ng babae na tumatakbo na rin. Hindi ko siya pinansin at lalong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya. Nang makalabas kami ng istasyon ay narinig ko ang automated system na maghanda para sa pagdating ng tren. s**t! Huling tren na 'yon. Mabilis pa rin kaming tumatakbo habang hinahabol ng apat na lalaki ng lingunin ko ang sitwasyon sa likod. "Heeey! Let go of me! If you cannot... Fight them... I can... Just... Let me gooo!" sabi ng babae na hinihingal na sa kakatakbo at kakahila ko sa kaniya. "I doubt, you reckless girl!" sagot ko saka lusot sa isang iskinita na pamilyar na pamilyar ako. “What the—" "Shhh!" saway ko sa kanya nang maupo kami sa tinataguan naming abandonadong warehouse. Natanaw ko mula sa siwang ng kahoy na pader na dumiretso ang apat na tanga. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. "Haaaaay..." Narinig kong sabi ng babae na wala man lang bakas ng appreciation na niligtas ko ang buhay niya. "Alam mo bang hindi na ako makakauwi dahil sa kagagawan mo?!" gigil niyang sabi sa'kin saka ayos niya sa buhok niyang nakaladlad na. Kanina lamang ay maayos ang pagkakatali ng buhok niya. "Wow! Bakit parang kasalanan ko na niligtas kita?" "Bakit sinabi ko ba?" Pagtataray niya saka nilapitan ako at hinawakan ang necktie ko. “Woah! Woah! Wait—are you sure, gusto mo dito?” tanong ko sa kaniya ng simulan niyang kalasin ang necktie ko. “Pwede naman tayong magpunta sa mas disenteng—” “Will you shut the f**k up? Ang likot mo!” saway niya pa sa akin. “And just so you know, hindi naman ako humingi ng tulong sa’yo.” "Are you for real?! Kanina lang sabi mo na wala man lang nangialam kahit may nakikita ng mali. Nang may tumayo para panindigan at tulungan ka, galit ka? Wow!" sabi ko saka pinapanood siyang tuluyan ng nahila ang suot kong necktie. "Bakit? Hindi mo ba kayang makipag suntukan sa mga ampaw na 'yon?" Di makapaniwalang sabi niya. "Kasi ako, oo. Kayang-kaya kong ilampaso sa sahig ang mga ugok na 'yon. Kung hindi mo lang sana ako hinila, edi sana nasa presinto na ang limang 'yon. Badtrip." Napakamot nalang ako sa ulo sa attitude ng babaeng 'yon. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko na alam ang sasabihin. Kung hindi lang ako naka-suit baka ni-one hand ko pa ang apat na 'yon. "Kung balak mo dito mabulok, ako hindi.” Sabi niya habang pinapanood ko siyang itali ang buhok niya gamit ang necktie ko. “Kapalit ng tali kong nalaglag dahil sa paghila mo sa'kin." Hindi ko na siya pinigilan pa nang tumayo siya at dire-direchong naglakad palabas ng warehouse. Na a-amaze na sinundan ko siya ng tingin. Damn! That girl! I watch her walking away, wishing that nothing bad would happen once she got far enough from here. Alas onse na nang tawagan ko si Callisto. Nag-aalala din akong bumalik siya dito at hindi dumirecho sa address na binigay ko sa kaniya kanina. I was relieved nang sabihin niyang nandoon na siya. I disconnected the call and was unawarely following that girl. "Enjoy your stay!" Huling text ko kay Callisto saka nilingon ang paligid. Parang bulang naglaho ang babae na hindi ko man lang naitanong ang pangalan. "May utang kang 'thank you' sa'kin, pero hindi muna ako maniningil." bulong ko sa kawalan na umaasang magkukrus pa ang landas namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD