Callisto's POV
SA TAGAL NG PANAHON ngayon nalang ulit ako nagising sa tilaok ng manok. Sinong hindi gigising sa sunod na sunod na tilaok ng manok ha?
Hinawi ko ang kurtina at mula sa bintana ay kitang-kita kong naglalabas-masok ang mga turista sa main gate bago ang arko na nakalagay ang SereneStay. May kano, hapon, indiano, at ilang pinoy.
What the f**k?
Ang buong akala kong walang buhay na villa kagabi ay abalang-abala pala sa umaga. Great! I've been fooled by myself.
Wait. Hindi pwede! Tama ba ang nakikita ko? Larisse?! Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko baka na-i-imagine ko lang ang babaeng 'yon. F*ck! What is she doing in here?
I saw her helping the old lady. Base sa judgment ko ay tinutulungan niyang makabenta ang matanda sa petite na hapon.
Automatic akong napailing. Mukhang I just fooled myself twice nang sabihin ko kagabi na hindi na kami magkikita ng weird at pakialemerang babaeng 'yon. You really know how to ruin vacation, dude.
Sinara ko na ang bintana saka pumalakdang muli sa sofa bed kung saan ako nakatulog kagabi sa pagod.
Minabuti kong matulog pa at mamaya nalang ako makikigulo kung ano man ang tinatagong yamang likas ng Villa SereneStay na 'to.
ALA CINCO NA nang maglakas loob akong lumabas sa bungalow na tinutuluyan ko. Hindi para makihalubilo sa mga tao, bagkus ay busugin ang mga mata sa pwede kong makita sa lugar na 'to. Kanina ko pa kasi gustong malaman kung bakit dinadayo ito ng mga turista. Wala naman akong makitang ispesyal sa lugar na ito.
Nang marating ko ang arko ng SereneStay ay umurong ang kaliwa kong paa sa paghakbang nang makita ko si Larisse. Hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pagtulong sa manong na mukhang nahihirapan sa pakikipag-usap sa lalaking hapon na bumibili ng basket.
Bakit nandito pa rin siya? At kahit kailan talaga napaka pakialamera.
Nakayuko kong nilandas ang labas ng villa kung saan ilang malilit na stall ng souvenir ang nakapwesto.
"CALLISTOOO! Ikaw ba 'yan? Callistooo!"
Dammmmn! Binilisan ko ang lakad ko at hindi lumingon sa boses niyang pagkalakas-lakas.
"Yooohoooo! Callistoooo! Alam kong ikaw 'yan. Para kang sira!" sigaw na naman niya. Ni hindi man lang marunong makahalata ang babaeng ito na gusto ko siyang iwasan? Gaano ba siya katanga para hindi mapansin na sinasadya kong dedmahin siya.
"Hindi ka naman siguro tumakas ano? Kailan ka nakalabas? Okay ka na ba talaga? Wala na bang masakit sa'yo? Teka, ano palang ginagawa mo dito? Isa ka ba sa naka-avail sa mga bungalow house dito?" sunod na sunod niyang dada na wala man lang pakialam kung interesado pa ba ang kausap niya sa mga lumalabas sa bibig niya.
"Huy!" tawag niya saka pilit akong kinakalabit.
"Are you trying to ignore me? I thought were friends."
Narinig kong nag-iba ang masiglang tono ng pananalita niya. Kung paanong punong-puno ng buhay at sigla iyon kanina ay napalitan ng mahina at malungkot na boses.
Napalingon tuloy ako sa kaniya nang wala sa oras. Dammmmn!
"Chariiiiing! So kailan ka nga nakalabas? Kailan ka dumating dito? Parang noong isang araw lang nandon pa tayo sa ospital nag-uusap."
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko nang bumalik siya sa pagiging makulit at energetic na akala mo nakalunok ng sampung enervon. Pinilit kong huwag bumuntong hininga sa harap niya. Pero sa dami ng tanong niya, wala man lang akong maalalang sagutin.
"Ah—" Para akong napahiya nang ibuka ko ang bibig ko saka saktong may humawak sa kamay ni Larisse na isang ale na kinalingon niya.
"Larissa! Pakitulungan mo nga si Ka Dencio mo—"
Hindi ko na hinintay pa na matapos ang sinasabi ng ale. Mabilis akong naglakad palayo. Palayo nang palayo mula sa villa. At sa arko ng SereneStay at natatakot lumingon dahil baka sa paglingon ko ay mukha na naman ni Larisse ang makita ko na masayang nakabuntot pala sa akin. She really knows how to creep people out.
Palubog na ang araw at malayo-layo na rin ako nang nalakad. Naupo ako sa damuhan at niyakap ang mga tuhod ko. Bukod sa makalanghap sariwang hangin, wala na akong gusto pang mangyari ngayon kundi ang panoorin ang palubog na araw ng walang istor—
"Waaaaah waaaaaah waaaaah!"
Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang makarinig ako ng iyak ng bata. F*ck! Gusto ko lang naman matahimik at pagmasdan ang papalubog na araw.
"Mamaaa mama!" Atungal muli nang bata saka hila-hila ng itim na T-shirt na suot ko.
Hey, little boy. Shut up.
"Asan mama ku? Asan na? Wala siya dito. Asan na?" tanong sa akin ng batang sa tansya ko ay nasa 3 years old na.
At bakit mo sa akin hinahanap ang ina mong bata ka. Ano'ng kinalaman ko don? At sa tingin mo ba may paki ako? Dapat ba may pakialam ko? Pwes. Sorry. Hindi ako si Larisse.
I tried to shoo him away...
"Doon, doon. Nandoon mama mo." sabi ko saka tinataboy siya pabalik sa villa. May kahabaan nga lang ang lalakarin ng batang 'to.
Jusko naman! Na sa'n ba ang ina ng paslit na 'to? Seryoso ba 'to? Gusto ko lang naman talagang makalanghap ng sariwang hangin at palitan ng buwan ang araw.
"Waaaah! Ma ma! Waaaah! Asan na mama ku? Kita mo mama ku?"
"Boy, nandoon mama mo. Punta ka don." taboy ko ulit sa bata saka tingin tingin sa paligid. Wala naman ang batang 'to kanina dito bago ako maupo. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Halika, sama ka. Punta tayo mama ku." Yaya ng bata sa akin saka hila na naman sa T-shirt ko. Hindi ko maiwasang magpakawala ng malalim na buntong hininga.
Mukha namang matalinong bata ito. Kahit paano nakakapagsalita naman ng maayos.
"Ano bang ginagawa mo ditong bata ka? Ganito nalang, pag may nakita kang babaeng petite na maputi na bilugan ang mukha, lapitan mo tapos iyakan mo, tapos hilahin mo din iyong skirt na suot niya... Pero for sure iyon ang mauunang lalapit sa'yo at tatanungin kung ano'ng pwedeng maitulong niya. Pakialamera kasi 'yon." Parang tanga kong sabi sa bata na nahalata kong na-confuse. Saka muling nagpakawala ng malakas na iyak. Jusko!
"Waaaah! Sama ka! Punta mama ku." Hila niya ulit sa akin. Sa pagkakataong ito ay tinutulungan na niya akong tumayo.
"Bata, masama ugali ko. Punta ka sa iba. Hanap kang iba." sabi ko sa bata na kinaiyak niya lalo. Tumingin ako sa paligid ko. Kaming dalawa lang ng batang ito sa malawak na bukirin na ito.
"Ma ma! Waaaaaah!"
"Sige na bata, punta ka do'n. Lakad ka do'n."
Siguro nga masama talaga ang ugali ko. Pero ginagawa ko ng tanga ang sarili ko. Kawawa naman ang batang 'to at sa akin pa nasaktuhang humingi ng tulong.
Hindi ko alam kung bakit parang may kumurot sa puso ko, the last time I check, wala naman ako no'n.
"Sama ka..." Iyak muli ng bata saka kusa akong tumayo.
"Buhat na." Dagdag niya saka nagpapakalong na. Nakataas ang mga kamay niya na handang-handa na magpabuhat.
Aba oki ka ah! Ayos ka tol ha!
"Buhat na. Pagod pagod na Clark e." sambit niyang muli saka nagpahid ng luha. Clark pala ang pangalan ng batang 'to. Pagod na pagod na daw siya. Kawawa naman.
Binuhat ko na ang bata saka ko naramdamang tumutunog ang cellphone ko.
Napaismid ako nang makitang nagre-request ng videocall si Sol. Pinatay ko iyon at hindi sinagot. Ayoko ngang dumagdag pa ang pang-aalaska niya sa akin. Tumunog ulit, tumatawag na naman si ungas. Pinatay ko agad iyon at nag chat na huwag siyang makulit.
Naramdaman kong hiniga ni Clark ang ulo niya sa balikat ko. Mukhang napagod nga ang batang 'to kakaiyak at kakahanap sa mama niya.
And now... What I only have in mind is to find Larisse. Mukha naman marami siyang kilala sa lugar na ito at matutulungan niya akong hanapin ang magulang ng batang 'to. Pakialamera naman ang babaeng 'yon kahit siguro hindi ko hingin ang tulong niya ay tutulungan pa rin niya ko. That's how she is. Iniisip ko pa lang na natataranta siyang tumatakbo palapit sa akin dahil sa tulog na bata sa balikat ko ay natatawa na ako.
Tinignan ko ang batang kalong ko, hinimas ko ang likod. Pawis na pawis. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko saka pinunas iyon sa basang likod ng bata saka iniwan iyon don.
"Mama! Huwag mo kong iwan... Maaaa! Magpapakabait na ako. Huwag mo lang akong iwan."
A painful memory suddenly flashed at the back of my mind. A kind of memory that I buried a long time ago... Why this little boy made me feel the exact pain and longingness he was experiencing a while ago? Why this little boy who is leaning his head into my shoulder, suddenly passed the pain to me?
Hindi ko namalayan na nakahinto na ako sa lugar kung saan nakikita kong abala na ang mga tao sa pagliligpit ng kani-kanilang paninda. Madilim na rin kasi ang paligid. Doon ko lang naintindihan na ganitong oras pala sila naghahanda sa pag-alis. Pero teka! Asan na ang babaeng 'yon? Asan ka na Larisse? Natataranta na ako sa paghahanap sa babaeng 'yon na kung kailan ko kailangan saka wala! Pero pag hindi ko kailangan parang kabuteng sumusulpot kung saan ako naroon.
"Larisse, where the hell are you?" bulong ko sa kawalan.
Kailangang mahanap ang magulang ng batang ito. Ano'ng alam ko sa pag-aalaga ng bata?!