Ang Sitio kung saan ako nagpapalamig ay naging mas maingay at mas naging abala dahil sa panibagong pagkakakitaan ng mga taong naroon. Pati sina Bogs at mga tauhan niya ay handang tumulong na ang tanging kapalit lamang ay hapunan. Ngunit hindi lang basta hapunan iyon sa karamihan, napaka ispesyal na hapunan iyon kung saan mapagtatanto mong hindi ka nag-iisa. Hindi ko alam kung anong mayroon sa Sitio na 'to pero this neighborhood feels all fake. I never imagined that this kind of people exist in real life. Iyon bang sa sobrang ganda sa mata ng pagtutulungan, pagkaka-isa at pagkakasundo-sundo ng mga tao, ay parang paraisong ang hirap paniwalaan ng lugar na ito. Where I have been all my life? Why I only got the chance to experience this? ALAS OTSO NA NG GABI nang matapos ang salu-salo sa ba

