Chapter 12 | Skipping Heartbeat

2302 Words
"BOGS." Banggit ko sa pangalan ni Bogs nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila ni Manoy Tunying. Sabay silang tumingin sa amin ni Larisse. "Callisto! Manoy! Nakababa na po pala kayo." salubong sa amin ni Larisse pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Kamusta Callisto? Nag enjoy ka ba?" "Yeah." Tipid kong sagot bago tumingin kay Bogs. “Ay, weh? Buti naman! Bakit hindi mo gawing hobby habang nandito ka para hindi ka mainip? Take this opportunity!” "Master!" Malakas niyang sigaw na ikinarindi ng tenga ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sa akin si Manoy Tunying. Baka nagtataka din kung bakit kilala ako ni Bogs. "Kilala mo itong lalaking ito, Callisto?" "Ah, opo." sagot ko kahit gusto ko man itanggi. "Bogs, bakit nandidito kayo ng mga tau-- tao mo?" Muntik ko ng masabing tauhan. Mas hindi magandang pakinggan. Nahihiyang tumingin si Bogs kay Larisse. May pagkamot pa sa batok na nalalaman ang dimuho. "Actually, humingi ako ng pabor kay Sir Bogs. Nanghingi ako ng tulong sa kanila." sagot ni Larisse sa tanong ko. Namula naman ang ugok. "Tulong para saan, Larissa?" "Kasi manoy, napaka swerte ng araw natin ngayon!" Nagniningning ang matang sambit niya. "May amerikanong businessman ang nakipag deal sa amin para supply-an sila ng mga walis tambo. Bumili siya ng 500 na piraso para sa dadalhin niya pabalik sa US! Magsu-supply din daw sila ng tambo sa iba pang state. Maaari daw iyong gawing palamuti sa bahay!" "Talaga?!" Hindi din makapaniwalang sambit ni Manoy Tunying. "Ay, napakainam naman kung ganoon! Magkakaroon na ng iba pang pinagkakakitaan ang mga kabarangay natin!" "Oo nga po!" Sang-ayon ni Larisse. "Akalain ninyo 'yon? Pinangwawalis lang natin dito, pero decoration sa kanila?" sabay tawa ni Larisse. "Masyadong kailangan ng man power para sa limang daan na piraso ng walis, Manoy. Kaya nanghingi ako ng tulong kila Sir Bogs dahil naalala ko na may malalakas siyang kasama." Seryoso ba ‘tong si Larisse? Yung lakas na pang resbakan ng mga tauhan ni Bogs ay ginamit niya para makagawa ng walis? Parang gusto kong matawa. "Ah, ganoon ba?" Maraming salamat sa inyo." "Wala po 'yon. Malakas po 'to sa'min si Miss Maganda." Nahihiya pang sabi ni Bogs. Nakanamputa. Nakuha pa talagang mag blush. Sarap kutusan. "Larissa, hinahanap ka ng kano. May mga itatanong daw siya sa’yo. Alam mo naman ang English namin, kakaunti lang." natatawang sabi ni Manay Josie. "O Tunying, nandito na pala kayo, parito ka at tignan mo nga ito." Nginitian naman ako ni Larisse bago tuluyan silang umalis nila Manoy Tunying. Humabol pa ng ba-bye si Bogs. Natigil lang siya sa pagkaway nang hampasin ko siya sa tiyan. "Ang ganda talaga ni miss Larisse ano, master? 'Di mo pala siya jowa. Sabi niya sa akin kanina." May malaking ngiti sa labi na sabi niya sa akin. "Talagang di ka nagsayang ng oras makiusyoso ha." "Hindi naman, master. Curious lang." "Mukha mo," sabi ko "Hanggang kailan ninyo gagawin 'yan?" Tanong ko habang nakatingin sa mga tauhan ni Bogs na kinukuha ang mga ibinilad na tiger grass sa kalsada. “Hanggang sa kailangan ako ni Miss Larisse.” Parang nangangarap pa niyang sabi sapo-sapo pa ang pisngi. “Kayo.” Kontra ko. “Hindi ikaw lang. Masyadong mataas ang pangarap mo.” Napakamot na naman siya sa ulo dahil sa sinabi ko. “Mukhang galing ka sa falls, master.” Pag-iiba niya ng usapan. “Nagustuhan mo ba ang lugar dito?” “Pwede na.” tipid kong sagot. “Bakit ka nga pala nandidito, master?” tanong niya na naman. “Hindi ka naman siguro nagbabakasyon lang ano?” “Nagpapalamig.” sagot ko na paniguradong nakuha na ni Bogs. “Ha?!” aniya. “Sinong nakaaway mo—" Umaray siya nang hampasin ko ulit ang tiyan niya para tumigil siya sa pagsasalita dahil pinagtinginan kami nang lumakas ang boses niya. “Nadali ako.” Paliwanag ko. “Sinong nakatama sa’yo, Master?” mahina niyang tanong na may gulat na expression sa mukha. Hindi niya siguro inaasahan na mapupuruhan ako dahil sa mga rambol na kinasasangkutan ko noon ay hindi naman ako napupuruhan ng sobra. Kahit ako hindi din inasahan ‘to. “Si Judas.” “Anak ka ng putangina. Iyong pangit na ‘yon? Gusto mo bang samahan kita pabalik? Marami akong tauhan na pwede kang back-up-an. Tara na at—” “Huwag kang atat. Darating din tayo diyan. Nagla lie-low muna ako sa ngayon. Malilintikan talaga sa’kin ang isang ‘yon pag balik ko.” Muli ko na namang naalala ang mukha ng pangit na Judas na ‘yon kaya bumangon ulit ang galit ko sa dibdib. Dahil sa letseng iyon kaya ako nabuburo sa lugar na ito. “Sabihan mo lang ako master at ihahanda ko ang mga tao ko.” Paninigurado niya sa akin. Sumagot naman ako ng tango. May mga tao din naman si Sol pero hindi niyon kaya ang bilang ng tauhan ni Judas. Maraming demonyo ang nakakampi sa pangit na ‘yon na mas mukha pang kulugo ni satanas. “Si Boss Sol? Pupunta ba siya dito?” “Nagkausap kami kagabi. Hindi ko alam kung kailan. Basta na lang ‘yon susulpot.” “Alam mo Master, bilib ako samahan ninyo ni Boss Sol. Talagang sanggang dikit. Walang iwanan.” True. Sol is the only person I have that I can trust and who will not abandon me in a time of need. Gago-gago lang pero hindi nang-iiwan. “Akala ko may gulong nangyayari dito kanina nung nakita ko ang mga tauhan mo.” Natawa si Bogs sa sinabi ko. “Malabong mangyari dito ‘yang sinasabi mo master, ang sitio mapayapa ang pinaka payapang lugar dito sa buong probinsiya.” Napansin ko nga. Bagay na bagay ang pangalan ng lugar. “Paano ka nga pala napadpad dito? Napakalayo nito sa Manila.” Ako naman ang nagtanong sa kaniya. “Maniniwala ka ba na dahil sa isang babae kaya mas pinili ko ditong tumira?” “Oo.” Walang alinlangan kong sagot. He laughs. “Grabe ka naman sa’kin master Alli!” Bakit? Hindi ba halata na gagawin nga niya iyon para lang sa isang babae? “Nakilala ko siya sa Maynila. Niligawan at sumama ako dito para magbagong buhay.” Kwento niya. “Kaya lang, ayaw sa akin ng mga magulang. Kesyo hindi nila pinag-aral ang anak nila para lang humantong sa kagaya ko. Ano nga naman ibubuhay ko sa anak nila e wala akong matinong trabaho? Masyadong judgmental ang mundo. Nakakita lang ng maraming tattoo, adik na kaagad. Basagulero na. Hindi na kaagad gagawa ng maganda. Nakanamputangina. Hindi nila alam, yung mga kriminal nga walang tattoo at naka suit pa.” Sang-ayon naman ako sa sinabi ni Bogs. Sa tagal ko na sa mundong kinasanayan niyang galawan noon, mas marami pa akong nakitang maayos ang panlabas ng itsura na capable gumawa ng hindi maganda kesa sa mga taong napapagkamalan dahil lang sa mga tattoo nila o hindi magandang aura. It's an irony that the world's reality is being flipped on its head. “Noong naghiwalay kami, lalong gumulo ang buhay ko. Mas naging takaw gulo. Doon ko nakilala ang mga siraulo kong tauhan. Naging mga bata bata ko dito. Tapos nagising na lang ako isang araw mula sa sipa ng isang kabayo” tumawa siya sa ala-ala. “Sabi ko sa sarili ko na parang itinama ko lang ang hinala sa akin ng mga magulang niya kung ipagpapatuloy ko ang gawain kong ‘yon kaya nagtino ako. Ang dami kong naging trabaho hanggang sa mauwi ako sa pagiging isang body guard ng isang politiko.” Mahaba niyang kuwento. “Nakaipon naman ako dahil din sa iba pang sideline. Hanggang sa bumili ako ng lupa dito at mga kabayo sa tulong na din ng mga koneksiyon. Malaki ang kontribusyon ng kabayo sa pagtino ko, master. Mabuti at nabigyan pa ako ng oras na magbago.” Kaya pala ridding club ang naisip nitong negosyo. Naging simbolo iyon ng pagbabago niya. “Nasaan na yung ex mo?” “Nasa ibang bansa na. May pamilya na siya doon.” sagot niya Ni hindi ko siya nakitaan ng pait sa mukha o sa mata nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung bakit tumingin ako kay Larisse na nakikipagtawanan kasama ang mga kababaihan na nagkukumpulan at bigla na lang naalala ko ang sinabi niya. “What we see isn’t the same as what they are.” Bogs is an example of that. It is true that you should not assess a person solely on the basis of their appearance. We have no idea what they have gone through or are going through. Some people are better at concealing their wounds than others. And not everyone is like Bogs, who can turn the fall into an opportunity to rise again because others were stuck at the bottom, unable to climb. “Boss! Naayos na po namin ang lahat!” pagbibigay impormasyon ng isa sa mga tauhan ni Bogs. Natatandaan ko siya. Siya yung unang dumating noong nasa ospital ako. “Sige, Lex. Pwede na kayong umuwi. Bukas ulit. Salamat.” “Okay po Boss!” sabi nito pagkatapos ay tumingin sa akin at yumuko. Pagkatapos no’n ay binalingan na ang mga kasama niya. “Guys! Pack-up na!” Sumunod naman kaagad ang mga tauhan ni Bogs. “Master, mauna na din ako sa’yo. Kita na lang tayo ulit.” Paalam niya sa akin. Tumango ako. “Callisto! Sir Bogs!” tawag ni Larisse sa amin. Napailing na lang ako nang mabilis pa sa alas kwatro na lumapit si Bogs kay Larisse. At itong si Larisse, pwede naman kaming lapitan para tawagin, hindi ko alam kung bakit kung makatawag kasi akala mo nawawala kami. Para namang kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kanila. “Hi, Callisto!” chorus na bati sa akin ng mga kababaihan. Tipid na ngiti at tango lang ang isinagot ko. Nakita ko ang nanunuksong ngiti ni Larisse sa akin. “Nasaan na ang mga kasama mo sir Bogs?” takang tanong ni Larisse pagbaling kay Bogs na may malapad na ngiti. “Nakaalis na sila Miss Larisse. Babalik naman sila ulit.” “Sayang naman. Dito na sana kayo maghapunan. Naghanda sila manay Josie nang kaonting salo-salo para sa na-closed deal na usapan sa kano. Saka pasasalamat na din sa tulong ninyo.” “Sayang, aalis na din si Bogs.” sabi ko “Sinong nagsabi, Master?” para bang nagulat pa siya sa sinabi ko. Sarap batukan. “Huwag ka na munang umalis sir Bogs! Kumain ka muna.” sabi naman ng mga babae. Nagningning naman ang mata ng tukmol. “Nakakahiya naman. Huwag na.” kunwari pa na nahihiya kahit ang totoo napako na siya sa kinatatayuan niya. “Huwag ka na mahiya, sir Bogs!” sabi ni Larisse. “kulang pa nga ‘to sa tulong na ibinigay mo.” “Gano’n ba? Kung mapilit kayo eh di sige.” Nakangiti niyang sagot. “Parang wala naman.” Pang-aasar ko sa kaniya “Master naman e.” Nagtawanan tuloy ang mga tao na nakapalibot sa amin. “Larissa, Callisto, Sir Bogs!” tawag ni Manay Josie sa amin mula sa isang mahabang lamesa na may iba’t ibang ulam sa gitna at may nakapalibot na kanin. Nasa ilalim iyon ng malaking puno ng mangga at ang liwanag mula sa puting florescent lamp ang ilaw namin na siyang nakakakabit sa katabing bahay. “Parine na kayo at nang makakain na tayo. Ala sais na!” “Nandiyan na po!” balik na sabi ni Larisse saka hinarap kami. “Tara na?” yaya niya pa. Hinila naman ng mga babae si Bogs na kita ang tuwa sa mukha. Kundi ba naman tampalasan. Kanina lang nagniningning ang mata kay Larisse ngayon napunta na sa iba. Nahuli naman kaming maglakad ni Larisse. “Mukhang seryoso ang usapan ninyo ni Sir Bogs kanina a.” Hindi ko siya sinagot. Naalala ko na naman ang kwento sa akin ni Bogs. “Paano kayo nagkakilala ni Sir Bogs? Mukhang matagal na kayong magkakilala.” Panibago niyang tanong na hindi ko na naman sinagot. “Dahil ayaw mong pag-usapan, sige, iibahin ko na lang ang tanong ko para sumagot ka at di mapanis ang laway mo.” sabi niya pa. “Kamusta ang experience mo sa falls? Gusto mo ba ulit bumalik? Pwede namang sumama ulit kay manoy kung—” “Hindi ka ba napapagod magsalita?” “Hindi naman. Yung iba nga hindi ‘to nagagawa kaya bakit naman ako mapapagod?” Ugh. Lagi na lang siyang ganiyan. Laging may sagot sa lahat. “Whatever.” Pagkalapit namin sa mahabang lamesa ay naroon din ang mga taong nakilala ko na. “Kain na, kain.” Kaagad na sabi ni Manay Josie. Natigilan ako kay Larisse na nasa tabi ko nang lagyan niya ako ng ensaladang mangga sa ibabaw ng kanin ko. When I stared at her, she just flashed her white teeth. Nagulat lang ako. Someone hasn't done that to me in a long time. Tumingin ako sa mga taong nakapaligid sa akin. I used to dine with Sol or, more often than not, by myself. Naninibago ako. “Thank you.” Wala sa loob kong sabi kay Larisse. Maging ako ay nagulat sa sinabi ko. “Callisto?” tanong niya sa akin. “What?” “Wala lang. Sinisigurado ko lang na hindi engkanto ang kausap ko.” Sabay ngiti ng malapad. “You—” wala akong maisip na adjective na maide-describe sa kaniya. "Just pretend I didn't say anything.” “You’re welcome, Callisto!” puno ng saya niyang sabi na kumindat pa saka tuluyan ng kumain. Hindi ko maiwasan na hindi siya tignan habang nakikipagtawanan siya sa iba. My heart skips a beat, and I'm not sure why.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD