Kinakabahan man ako ngayon, malakas man ang t***k ng puso ko sa kung ano ang mangyayari kapag ginawa na namin ang bagay na 'yon, tinatatagan ko pa rin ang sarili ko para malagpasan ito, para matapos agad ito. Mukha man na hindi magandang gawin ang bagay na 'yon dahil unang-una, hindi kami magkarelasyon o hindi namin mahal ang isa't isa, pero wala, eh, kailangan ko na talagang ituloy 'to dahil nandito na ako at nakapagdesisyon na, buong-buo na ang desisyon ko para rito. Hindi na ako puwedeng umatras pa, nagsasayang lamang ako ng effort at lakas kapag nag-back out pa 'ko rito ngayon. Tutal, ni-push ko nang ituloy 'to, gagawin ko na talaga! Nakakakaba man nang sobra ang mga mangyayari, pero kaya ko 'to! You can do it, Heaven! "Ahmm, miss, anong floor ang opisina ni Mr. Tyler Sevilla? The own

