"Ok," aniya nang tumayo saka naglakad patungo sa akin. "Then, see you again, Ms. Laurier. . . Ready yourself for tommorow." Kinilabutan ako nang lumapit siya sa akin at ibulong 'yon sa aking tenga. At hindi pa ako agad nakagalaw, natulala ako sandali sa aking kinatatayuan. Ready myself for tommorow? Sa halip na ma-excite, kaba lamang ang nararamdaman ko ngayon para bukas. Nang marinig ko ang mahinang pagsarado ng glass door, doon na ako humarap at naghintay sandali bago napagpasyahang lumabas na rin para makauwi na ako. Laman lamang ng isip ko simula nang makauwi ako ay kung ano ang mangyayari bukas? Kung paano? Kung paano mag-uumpisa ang —argh! Pinamumulahan ako sa mga naiisip ko, sa mga pumapasok sa utak ko! Iniisip ko pa lamang na gagawin naming muli ang bagay na 'yon, hindi ko na al

