I will make her life miserable! I will make her live in hell gaya nang naranasan ko sa impyernong selda na 'yon! Just wait, Heaven! Babalik ako! Babalikan kita! At kapag nagkita nga tayong muli, magmakaawa ka man sa akin ay hinding-hindi na ako maaawa pa sa 'yo! Dahil sisiguraduhin ko na kapag dumating ang araw na 'yon, ibang-iba na ang Tyler na makakaharap mo, kung hindi malayong-malayo na sa Tyler na kilala mo...
Heaven's POV
NAKATAYO ako malapit sa may bintana ko at tinitignan ang bawat pagpatak ng ulan habang inaalala ang huling pagkikita naming dalawa. Isang buwan na pala ang lumipas at wala na akong naging balita pa pagkatapos no'n tungkol kay Tyler. Isang buwan na rin akong nagdurusa dahil araw-araw dala-dala ko ang konsenya ng dahil sa ginawa ko sa kanya. Araw-araw, dala ko ang bigat. Araw-araw dala-dala ko ang sakit.
Nalaman na rin ni Daddy ang totoo, sinabi ko na sa kanya na hindi talaga ako pinagtangkaang gahasahin ni Tyler, na ginawa ko lamang 'yon para masira siya sa lahat at para tigilan na ako. Gulat na gulat si Daddy sa nalaman niya dahil bakit ko raw 'yon nagawa. Nagalit siya sa akin, sobra siyang galit sa ginawa ko dahil nandamay pa ako ng inosenteng tao. Ngunit wala akong naging pagtutol sa pagsermon sa akin ni Daddy, hinayaan ko lamang siya nang matauhan at magising din ako sa mga salita niya. Malugod ko naman 'yong tinanggap dahil hindi na rin naman kaya pa ng konsenya ko na itago pa nang matagal ang bagay na 'yon.
Sarili ko lamang din ang pinapahirapan ko, ang sinasaktan ko kung patuloy kong dadalhin ang kasinungalingan na 'yon buong buhay ko. I want to live peacefully! Ngunit hindi ko pa rin 'yon magawa dahil naaalala ko pa rin siya. Gusto ko nang kumalimot. At pinagsisisihan ko na rin naman ang mga nagawa ko, but, still, that past is hunting me, hindi ako no'n pinapatulog sa gabi.
Mabuti na lang at um-okay ako nang mga nakaraang araw dahil hindi ako masyadong nakikipag-usap sa ibang tao, lalo na sa mga kaibigan kong tawag nang tawag sa akin sa phone. For sure, tatanungin nila ako kung bakit ako lumipat ng school. Yes, lumipat ako ng skwelahan para hindi gano'n maalala ang mga kagagahang nagawa ko roon sa Chalida High. Mas matatahimik siguro ang paligid ko kung sarili ko mismo ang ididistansya ko sa lahat. Hindi ko pa rin naman kayang iharap ang sarili sa maraming tao, lalo na sa mga nakakakilala sa akin kahit pa tingin nila o sa mga mata nila ay ako ang biktima, na ako ang kawawa, na wala akong kasalanan, na ako ang naaragabyado sa nangyari sa pagitan naming dalawa ni Tyler.
Nalaman ko rin bago ako umalis sa Chalida High na nawalan ng scholarship si Tyler, at tuluyan na nga siyang napatalsik doon. Sinisi ko ang sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya 'yon. Wala naman talagang ibang dapat sisihin kung hindi ako lang, eh. Ako lang naman ang sumira sa imahe niya, ako ang namwasak sa puso niya, ang nanira sa buhay niya. Parang satingin ko nga ay kulang ang isang sorry para sa lahat ng mga nagawa ko. Parang wala 'yong kapatawaran, ngunit umaasa ako na papatawarin ako ni Tyler sa kabila ng mga nagawa ko. Ngunit kailan kaya mangyayari 'yon? Magkikita pa ba kami? Kung magkikita pa nga kami, yayakapin ko siguro siya nang mahigpit sabay sabing sorry.
Kahit pa disaster ang naidulot ko sa buhay niya, nag-aasam pa rin ako na makita siya at mahagkan. Aaminin kong miss na miss ko na siya. Ang daming nagbago simula nang itanggi ko sa sarili ko na hindi ko nga siya gusto, pero, wala, mas pinili ko pa rin na sundin ang sinasabi ng utak ko kaysa sa isinisigaw ng puso ko. Ewan ko ba, ang tanga ko! Ngayon ko lang napagtanto na sinayang ko lamang ang isang tulad niya. Siguro kung hindi ko ni-deny sa sarili ko na hindi ko siya mahal, na naguguluhan lang talaga ako, siguro ay kami pa rin hanggang ngayon kahit pa nang una ay pinaglalaruan ko lamang siya.
Muli akong nahiga sa aking kama at tinignan lamang ang maputing kisame. Gusto kong mag-pokus ang sarili sa ibang bagay kahit na sandali, na 'yong tipong hindi siya ang iniisip, pero hindi ko magawa! He's still double-cross my mind! Kaya naman minsan, gusto ko na lamang iuntog ang sarili sa pader para magkaroon ng amnesia. Dahil gustong-gusto ko na talaga siyang kalimutan para hindi ako nasasaktan dulot ng aking ginawa.
Masakit isipin na nasayang ko ang pagmamahal niya, na nasayang ko ang isang Tyler. Masyado yata akong naging masama sa kanya, hindi pala masama kung hindi masamang-masama! Kaya sobrang nakakapangsisi! Bakit ba gano'n? Sa tuwing huli lang natin nar-realize ang mga bagay-bagay na siyang pagsisisihan talaga natin? Bakit hindi sa una?
Argh! Mababaliw na talaga ako! Ganito pala ang feeling nang wala ang isang tulad niya. Nakakapanibago, hindi ako sanay. Naalala ko naman bigla ang unang gabing pinagsaluhan namin. At natatandaan ko pa rin hanggang ngayon kung ano ang mga binitawan niyang mga salita sa akin. Lahat ng pinagsamahan namin, sariwang-sariwa pa sa alaala ko. Ang sarap balikan ng mga 'yon, ngunit . . . ngunit sa isang alaala na lamang, pagbabalik tanaw na lamang ang magagawa ko dahil memorya na lamang ang mga 'yon. Tanging memorya ko na lamang sa kanya ang meron ako, ang pinanghahawakan ko dahil wala na siya. Memorya na lamang ang natira sa mga pinagsamahan namin, pero 'yong tao mismo ay . . . wala na talaga.
Pagkagising ko, gabi na pala. Nakatulugan ko pala ang pagmumuni-muni kaninang hapon. Tumila na rin ang ulan, at madilim na rin sa labas ngunit wala ang buwan. Balak ko pa naman sana 'yong titigan mamaya dahil nagiging kalmado ang puso ko, nagiging tahimik ang isip ko kapag ginagawa ko 'yon. Moon and stars makes me calm. My mind is in a chaotic time, kailangan ko naman munang ipahinga ang isip at sarili. Masyado na akong Nai-stress sa mga nangyayari. Alam ko naman na wala na akong magagawa pa para ibalik o iayos pa ang mga nasira na, ngunit ang puso at isip ko ay ayaw talagang kumalimot. Damn it! Bakit kasi hindi natuturuan ang puso? Bakit hindi tayo mismo makapili kung sino ang dapat at hindi natin gustuhin, dahil kung ang mahalin siya ay mahirap, mas pipillin ko na lamang na ibaling ang pagtingin sa iba dahil ayokong masaktan.
Pero kung titignan, hindi pa rin. Kasi kahit na tumingin ka sa iba, kung ang puso mo ay iba ang sinisigaw, wala ring kuwenta ang pag-iwas mo. Sana lamang talaga, sana, sana, sana ay makalimutan ko siya. Kahit hindi gano'n kabilis at kadali, basta ay makalimutan ko siya nang tuluyan kahit na paunti-unti.
Makalipas ang tatlong taon...
"DAD? Hindi ka pa po ba magpapahinga?" tanong ko kay daddy habang nilalapag sa kanyang table ang mainit na kape.
Saka ako dumiretso pagkatapos sa upuan na nasa tapat niya bago siya muling tignan. He looks like he's in a complicated situation! Ako tuloy ang nab-bother sa itsura niya dahil kagabi pa siya ganyan. Ayaw naman magsabi, o ayaw magkuwento. Kapag naman tatanungin ko, iniiba niya talaga ang usapan. Hindi ko na talaga maintindihan si dad. Pero alam ko na may problema siya, at hindi niya lang 'yon sinasabi. Ngunit kailangan ko 'yong malaman para matulungan siya!
"Dad? You ok? Ilang araw ka na pong ganyan. Care to tell something?"
Nakita ko ang paghugot niya ng isang malalim na buntong hininga. Now I'm sure, he's in trouble! But what is it? Bakit naman kasi napaka-masikreto ni dad, ayaw kasing magsabi, eh!
"Ang kumpanya . . . unti-unti nang bumabagsak." pagod niyang sinabi. Ako naman ay natulala saglit, pinoproseso ang kanyang sinabi. Wait! What? Bumabagsak ang kumpanya? What the hell?! Bakit ngayon ko lang nalaman 'yon? Why dad didn't tell me about this? God, hindi ko yata gusto ang nabalitaan, ngunit hindi talaga! Hindi naman siguro siya nagbibiro, hindi ba? He looks serious, so maybe it's true? And it is! Magpapakatanga ka na naman sa isang bagay, Heaven, eh! Sinabi na ngang bumabagsak, ayaw mo pang maniwala!
Pero kung babalikan ko ang mga nakaraang taon, ang ayos-ayos pa ng company! Tapos ngayon, mababalitaan ko na lang na gano'n? That our company is gradually dying? Na ang pinaghirapan ni dad na Wine Company ay unti-unting nang bumabagsak? I can't! Why?
"B-bakit . . . I mean, paano nangyari, dad? What happened? Hindi po ba'y ang company natin ang mabenta sa market?"
"Noon na 'yon, anak. Ngayon, hindi na. Dumami ang mga competitors natin, at nangunguna nga roon ang Sevilla Company." Agad na muling bumaling ang mga tingin ko kay dad. Ano kamo ang sinabi niya? Sevilla Company? Parang nang marinig ko ang pangalang 'yon ay literal na tumalon ang puso ko dahil sa tagal ng panahon, ngayon ko na lamang narinig ang pangalang 'yon. Ayokong mag-assume na siya 'yon, na apelyido niya 'yon o ano, pero bakit ang lakas ng pakiramdam ko bigla? Hindi ko alam! Dapat ba akong magtanong kay dad kung sino 'yon? Dapat ba akong magtanong para makumpira ang bumabagabag sa akin ngayon? Pero bakit? Para saan?
Bigla ay sumagi na naman siya sa aking isipan, ang mga nangyari sa amin, ang naging buhay ko sa loob ng mga nagdaang taon, kumikirot na naman ang aking dibdib dahil sa naalala ko na naman siya. Bakit ba masakit ang isipin siya? Siya kaya, ano kayang nararamdaman niya kapag naiisip niya ako? Pero naiisip niya nga ba ako sa rami ng nagawa ko sa kanya? Nasasaktan din ba siya tulad ko? Damn it, Heaven! Company ang pinag-uusapan dito, kung saan-saan na naman lumilipad 'yang isip mo! Focus yourself to the other things, not to him!
"But . . . Dad, bakit ngayon niyo lang po sinabi sa akin? Sana po ay natulungan ko kayo sa problema niyo. Ang tagal na po pala niyan, wala man lang akong alam. You're the only one fighting for our company."