Kung mas maaga ko lang nalaman na bumabagsak na pala ang kumpanya, sana ay naka-isip na kami ng bagong business. Marami pa namang puwedeng ilabas na produkto sa market, pero hindi siguro maiiwan ni dad ang company dahil sobrang halaga no'n sa kanya. Kaya siguro kahit na mag-suggest pa ako ng puwedeng ibang pagkakitaan, dad will stick on our Wine Company, hindi niya 'to itatapon nang gano'n kadali. Pero ano ang dapat naming gawin, lalo na kung may mas nangunguna pa pala sa amin? For sure, luging-lugi na ang kumpanya dahil wala nang halos bumibili. God, what we're gonna supposed to do now? Hindi naman puwedeng tumunganga lang kami at magpakasarap sa buhay dahil kapag nawala ang kumpanya, wala na rin kaming hanap-buhay dahil doon lamang kami nakakakuha ng panggastos ni dad noon pa man. "Hind

