"Truth or Dare?" tanong ni Erika nang tumapat sa akin ang bote. Malapad ang ngisi niya sa akin habang nakatingin, I'm sure she's really happy dahil makakaganti siya sa akin ngayon. Oh, damn that girl! Siguradong ile-level up niya o do-doblehin niya ang hirap sa kung ano man ang piliin ko kumpara sa pinagawa ko sa kanya kanina.
Nang sa kanya tumapat ang bote kanina, she chose the dare, so I dare her to kiss her crush in the campus. Her cheeks automatically turning into red! Oh, of course that's her crush, Liam Grey! Patay na patay ang babaeng 'to sa lalaking 'yon! Akala nga namin kanina ay mapapahiya si Erika nang basta na lang niya hinalikan si Liam doon sa cafeteria, but we didn't expected that he will responded to her kiss! Lahat tuloy ng mga studyante roon ang reaksyon "woah" at may mga napanganga pa! And also, Erika is so shocked! She didn't believe that! She didn't believe that Liam will kissed him back!
"Hmm..." Inikutan ko siya ng mata habang iniisip ang kung ano'ng pipiliin ko. Should I choose Truth? —No! They will ask me about what's happening to me right now! Eh, kung Dare? —It's not a good idea! Baka kung ano ang ipagawa niya sa akin! Pero ba't ako matatakot? I should've not! I'm Heaven Ophelia Laurier, wala akong inaatrasan na kahit ano!
"Ok, dare," matapang kong sagot. Nagkatinginan naman sila ni Rita, isa pa sa mga kaibigan namin, tapos lumipat 'yon kay Vina, tapos bumalik sa akin ang kanilang mga tingin habang naglalaro ang kanilang mga ngiti sa kanilang mga labi.
We're 4 in our group, they're my friends since I entered college. Ang pangalan pa nga ng grupo namin ay 4g, meaning 4 dahil apat kami at g dahil babae kaming lahat.
"So, dare, huh? You sure?" nanliit ang kanyang mga mata habang tinitignan kung papalitan ko pa ba ang sagot ko. Should I change it?
"No," I said confidently.
"Ok. This will be exciting!" aniya. Umiling ako.
"Ayusin mo, Erika. I will break your leg kapag hindi maayos 'yang dare na 'yan!"
"Duh! Ako pa ba? I'm sure, you will like it —no, you will love it!" Saka ito natawa.
Tapos ay nag-usap usap na sila no'n kung ano ang magiging dare nila sa akin. Sayang saya pa sila habang nagbubulungan, para bang excited talaga sa kanilang ipapagawa.
"So, we dare you na . . . na sa loob ng 30 days, kailangan mong mapa-ibig 'yong nerd na nag-aaral dito sa campus, at kailangan . . . may mangyari sa inyo, once."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hindi agad nag-sink in sa utak ko, para 'yong nagpo-proseso muna bago ko naintindihan. At nang ma-realized ko kung ano ang dare niya, nanlaki ang mga mata ko at hindi siya makapaniwalang tinignan.
"What the fvck, Erika?!" Bumingisngis silang tatlo sa reaksyon ko. Mas oa ang naging reaksyon ko kaysa sa reaksyon ni Erika kanina. Sino ba naman kasing matutuwa sa dare na 'yon? Wala! Mapa-ibig? That's stupid! Make that nerd fall into me? No way! Hindi ko bababaan ang level ko sa lalaking 'yon! Mabuti sana kung mayaman, gwapo, o katulad ng crush ko na si Leon Grey, pero kung sa mala-Jose Rizal ang suot na may malaking salamin at jeje kung magsuot ng damit, plus mahirap pa? No! No! No! A big no to me! No and no, period!
I'm a Laurier, isang mayaman at hinding-hindi papatol sa isang mahirap na kagaya ni Tyler! Pangalan lang ang maganda sa kanya, pero ang mukha niya? Yuck! I don't like him! Hindi ko yata matitiis na makasama siya para lang mapa-ibig siya sa akin! At mas lalong hindi ko kaya na may mangyari sa aming dalawa! Sa itsura pa nga lang niya, mukhang hindi na siya marunong sa kama!
I want a man to f**k me so hard, hindi 'yung gusgusin na tulad niya! He's too naive, innocent, para sa usapang pakikipagtalik. Maraming nagsasabi na matalino siya, kaya nga nakapasok siya rito sa Chalida High at nagkaroon ng scholarship. But, still, I don't like him! Ni ang lumapit nga sa kanya at makita siya ay nasusuka na ako!
Hindi ko siya papatulan! Never!
Fvck you, Erika! Pinahirapan niya talaga ako, ano? Pinag-isipan niya ngang mabuti! Eh, alam nilang kasing kinaiinisan ko ang nerd na 'yon, I think ginawa niya 'tong daan para talaga makaganti sa akin! Kung alam ko lang na papahirapan niya ako ng ganito, sana pala mas pinahirap ko ang sa kanya makabawi man lang ako!
"Girl, you chose dare, so do the dare or friendship over? Choose," si Vina. Nag-apiran pa silang tatlo pagkatapos non. Mariin akong napapikit. Kapag kasi hindi namin ginawa ang dare ay may kaakibat 'yon na consequence at 'yon ay ang F.O, or friendship over. 'Yon ang ginagawa naming parusa para hindi umatras ang player sa kanyang napili. At mukha ngang hindi ako makakatakas dito, hindi na 'ko makaka-atras pa! Fvck!
Gustong-gusto talaga nilang ipagawa sa akin 'to, ano? Damn it! Kung alam ko lang, I just choose the truth instead at hindi ang lintik na dare na 'yon! Ngayon pa lang na iniisip ko kung ano ang gagawin ko sa nerd na 'yon, bumabaliktad na ang sikmura ko!
"Change it!" utos ko.
"Opss, alam mong hindi na pwede," natatawang sagot ni Rita.
"Heaven, ba't naman yata takot na takot kang makalapit sa nerd na Tyler na 'yon? Girl, he's just nothing! Madali lang naman ang dare, ha? Ang simple lang non, I'm sure, hindi pa man natatapos ang isang buwan mapapa-ibig mo na 'yon, eh, ikaw pa? Sa rami ng nagkakandarapa sa 'yo, imposible naman na hindi mo rin siya makuha, ano? At magaling ka pagdating sa pang-aakit, kaya nga lagi kang may dilig, eh, kaya sigurado rin ako na magagawa mo rin na mai-kama siya dahil master ka na sa ganoong bagay."
"Oh, hell, Erika! I'm mastered in everything, it's just that I never expected na posibleng magkaroon kami ng communication ng isang nerd? At, ikaw kaya ang pumalit sa sitwasyon ko, I'm sure mandidiri ka rin!"
"Hell no, Heaven!" See? Kahit siya ay ayaw niya! Paano pa kaya kung 'yung dalawa? Of course, they literally disagree with it! Hayst! Kung minamalas ka nga naman, bakit sa akin pa napunta ang ganitong dare! Sa susunod talaga, truth na ang pipiliin ko!
"Huwag ka nang umangal, ok? Basic lang sa 'yo 'yan! At hindi ka na mahihirapan, sigurado ako riyan! At saka, kaklase naman natin 'yung panget na 'yon kaya mabilis mo na lang makukuha ang loob niya." Vina said.
Pagkatapos non, anong mangyayari?
"And, after that?" tanong ko pa.
"And after that, ano pa ba? Edi iwan mo na tulad ng mga ginagawa mo sa mga nakaka-make out mo. Kapag hinabol ka, just ignored it again. Hindi naman na bago sa 'yo 'yan, you already know what to do." paliwanag ni Erika bago uminom ng mineral water.
Napabuntong hininga ako. May magagawa pa ba ako? Wala na! I can't say no to them, I can't risk our friendship!
"That's all? In just 30 days, ha? Baka naman dagdagan niyo pa?"
"That's all, girl! Just make him fall for you, make out with him once and make him your boyfriend in just 30 days." Erika theorized.
God! Ano bang parusa 'to? Sana lang ay matiis kong makasama siya! Kung ang mahulog naman siya ay siguradong mangyayari, duh! I'm Heaven! I'm a Laurier! Sinasamba ako ng lahat dahil sa angking kong kagandahan, that's why all men's wanted to taste me and entered inside my pants! Ang hindi ko lang talaga matiis, ay 'yung kung ano'ng pwedeng sabihin ng mga makakakita sa amin kapag magkasama kami kung sakali! Pero ba't ba ako nag-iisip? Wala pa man nga, eh! Hindi ko pa man nga alam ang mangyayari! Pero mabuti na 'yung advance, at least ready ako!
KINABUKASAN doon ko napagdesisyonan na gawin ang dare. Talagang nang pagka-uwi namin kahapon ay pinag-isipan ko munang mabuti ang mga gagawin ko. Kung paano ko ba uumpisahan na kausapin siya. Kung paano ako magbubukas ng topic. Kung paano, lahat! I'm really sure, all of the students, all eyes on us! Siguradong hindi mawawala ang chismisan!
Kahit naman gusto ako ng lahat, may mga studyante pa rin na naiinis sa akin. Kagaya na lamang ni, Rebecca, ex siya ng isa sa mga naka-make out ko. Ako pa ang sinisi ng gaga kung bakit sila naghiwalay ng malandi niyang boyfriend, eh, sino ba naman kasi ako para tumanggi sa lalaking 'yon? At malay ko ba kasi na may girlfriend pala siyang tigre! But, nevermind! Bahala na sila. It's not my problem anymore! Sigurado akong naiinggit lang 'yon sa akin because I'm better than her! So hate me, Becca! I don't care, b***h!
"Sige na, puntahan mo na. Ang tagal pa, eh! Baka umabot tayo ng isang taon dito kapag hindi mo pa inumpisahan na gawin 'yang dare mo." sabi ni Erika habang tinutulak-tulak pa ako nang bahagya. Nasa cafeteria kami at ito lang ang bakanteng time para makausap ang nerd na 'yon. Nasa kabilang table siya, at as usual mag-isa siya dahil wala namang may gusto na makipag-friends sa kanya, at isa na ako ro'n!
"Oo na! Excited lang? 'Di makapaghintay?" sarkastikong saad ko. Pagkatapos non ay tumayo na ako at unti-unting lumapit sa kinaroronan ni Tyler. I can't believe that I will do this s**t! Argh!
Hindi pa nakatakas sa aking pandinig ang mga "goodluck" ng mga kaibigan sa akin. Inirapan ko lang sila. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita nang nasa harapan na ako ng table niya.
"Hmm," tumikhim ako para makuha ang atensyon niya dahil nakayuko ito habang kumakain. Umangat na ang tingin niya sa akin at para bang hinihintay ang aking sunod na sasabihin.
"Puwedeng . . . puwedeng maki-share ng table?" marahan kong tanong. Gusto kong sabunutan ang sarili, hindi naman ako mahiyain! At mas lalong hindi tumitiklop ang bibig ko! Why I am speechless right now? My brain is not functioning para sa ano ba ang dapat kong sabihin! It's just him! A nerd, poor boy!
Hindi pa man siya sumasagot ay umupo na ako. Napaawang naman ang kanyang bibig sa aking ginawa, para bang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako. Eh, ba't ko pa rin naman kasi hihintayin ang sagot niya kung pu-puwede naman na akong umupo without his permission! Para tuloy akong nagmamakaawa!
Binalingan ko naman ng tingin ang kabilang table, mahinang tumatawa ang mga kaibigan sa saya nang makita ko. Pinanlakihan ko sila ng mga mata kaya tumigil sila. Napansin ko rin na nakatingin na pala ang ibang mga istudyante sa amin, nag-uumpisa nang magbulungan. Tsk! Mga chismosa!
"Hi. I know you already know me but I want to introduce properly myself. I'm Heaven." Sabay lahad ko ng kamay ko sa kanya. Bumaba naman ang tingin niya roon. What? Titigan lang ba niya 'yon? Hindi ba niya tatanggapin? Nangangawit na ang kamay ko! At ayoko nang pinaghihintay ako!
"And you are Tyler, right?" tanong ko nang may pagkalapad-lapad na ngiti sa kanya. Naiinis na ako, ayokong mapahiya kaya ako na ang kumuha ng kamay niya at nakipag-shake hands. Tagal pa, eh!
Nang bumitaw ako ay hindi pa rin maalis ang kanyang tingin sa akin, para pa rin siyang gulat sa nangyari. Of course, he is! Talagang hindi niya aasahan 'to, na kakausapin ko siya, na mahahawakan niya ang isang tulad ko. I'm sure, he felt that is like a dream come true that I pay an attention to him, 'yon na ang nakasayanan ko at 'yon ang alam ko dahil gano'n ang lahat ng lalaki sa akin, na para bang hindi makapaniwala na papansinin ko sila, at gano'n nga ang naramdaman niya. Pero gano'n nga ba? Dapat lang!
"A-ahmm, a-ano'ng . . . ano'ng kailangan mo? M-may kailangan ka ba?" Wow! Hindi niya man lang ako winelcome! Wala man lang bang "hi" or "hello" pabalik sa mga sinabi ko kanina? At 'yon talaga agad ang tanong? Pero ano nga ba ang kailangan ko? Ok, let's start my business here. And my business starts now.
"Hmm, ano nga ba?" naging mahinhin na ang boses ko habang hinuhuli ang kanyang tingin. I need to tease him with my smile, with my actions and everything hanggang sa siya na ang sumuko sa akin.
But, in fairness din, ha? Habang nakatingin ako sa kanya, nakita ko kung ano talaga ang itsura niya. Matangos ang kanyang ilong, may mapula-pulang medyo makapal na labi, makapal na kilay na maganda ang pagkaka-linya, and his thick eyelashes na sakto ang laki. Well, masasabi ko tuloy ngayon na guwapo naman pala siya, hindi lang halata dahil sa kanyang mga suot na nagpapa-pangit sa kanyang itsura. Pwede na, 'di ako malulugi.
"Wala lang, I'm here because . . . gusto ko lang makipag-kaibigan sa 'yo," casual lang na sabi ko. Saka ko kinuha ang tinapay na hawak niya at kinagatan kung saan siya kumagat. Binagalan ko pa ang pagkain habang nakatitig nang deretso sa mga mata niya, nakita ko naman ang paggalaw ng adams apple niya, it works! Sige lang, kumagat ka sa bitag ko. Mahulog ka, Tyler.
"Hmm, a-ano . . . k-kaibigan?" nahihiya ang kanyang boses. Ang arte pa, eh! Alam ko namang sa una lang 'yan, masasanay din siya sa presensya ko.
"Oo, ayaw mo ba? Ayaw mo ba sa akin?" ginawa kong malungkot ang tono ng boses ko. Damn it! Ano ba 'tong ginagawa ko? I really don't know!
"Huwag ka nang mahiya sa akin kasi simula sa araw na 'to magkaibigan na tayo, hmm?" Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos-haplos 'yon gamit ng aking thumb.
"Here." Sabay lapit ko nung tinapay na kinuha ko sa kanya, "Eat," utos ko.
"H-ha?" Akala ko ba matalino 'to? Ang hirap naman pumick-up! Parang kakagat lang, eh!
"Sige na, kain na," ulit ko pa. Nag-alangan pa siya nang una kung kakagatin ba niya o hindi, pero sa huli ay dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang bibig doon saka 'yon kinain. Lalo namang lumakas ang bulungan sa amin. Pero parang hindi naman na 'yon bulungan pa, eh, sa naririnig ko na ang mga usapan nila!
"Totoo ba 'tong nakikita ko? Ang isang Laurier ay nakikipag-usap sa lalaking 'yon?" sabi no'ng isang babae na mukhang panda dahil sa mga suot niya, wala namang patay pero naka-kulay black lahat! Ultimo lipstick niya, kulay itim!
"Iww! Wala man lang taste! Kadiri!" Wow! Nahiya naman ako sa nagsabi non dahil sa pagkakaalam ko, tanga 'yon sa isang lalaki rito sa school! Kalat kaya ang kahihiyan niya nang mga lumipas na buwan!
"OMG! What's happening? Is she likes him? Yuck!" Gustong umikot ng mga mata ko sa mga komento nila! Hindi ko naman hinihingi, nagbibigay!
"Nakakasuka namang makita sila! Naaasiwa ako!" Mas naaasiwa ako sa 'yo. Gusto ko sanang isagot doon sa isa pang maarte na babaeng nagsalita! Akala mo naman ikinaganda niya ang pag-ikot ng mga mata niya, eh, sa laki non bagay siyang pumalit doon sa Tarsier na nasa bohol!
"I'm sure, isa na naman 'yan sa target niya! Malandi talaga ang babaeng 'yan! Pati nerd, papatulan!"
Meron pang mga nagsabi ng kung ano-ano. Pero wala na 'kong pakielam! Mind their own business! Mga chismosa na nga, pakielamaro't pakielamera pa! And so what kung ang pinupuntirya ko ngayon ay isang nerd? Wala naman pinag-kaiba! Lalaki pa rin siya na pwedeng i-kama! Umiinit ang ulo ko sa mga naririnig, mabuti na lang at kaya ko pang magtimpi!
"So, friends na tayo, ha? You can't disagree with me!" may pananakot sa aking tono,"Unfair ka non, dahil gusto kitang maging kaibigan habang ako ay hindi."
Hindi siya muling nagsalita, tumango lang siya. Ano ba naman 'to? Wala ba siyang bibig? Hindi na uso ang hiya-hiya ngayon! Ako nga, kinapalan ang mukha! At aarte pa ba siya? Ako na nga 'tong lumapit, eh! But, at least, he nodded, ok na nga 'yon!
Nang nalunok na niya ang kinakain ay napansin kong may mayonnaise sa gilid ng labi niya kaya naman wala sa sariling inilapit ko ang kamay ko roon bago pa man siya nakapagsalita. At muli, nagulat siya sa aking ginawa pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpunas doon gamit ang thumb ko, at saka 'yon dinala sa aking bibig pagkatapos at kinain nang dahan-dahan habang hindi nawawala ang mga mata ko sa mga mata niya. Nakita ko naman ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya at pumula ang pisngi niya hanggang tenga. I know, I won!
I didn't know na madali pa lang maakit ang isang 'to. I thought mahirap kuhanin ang loob ng mga nerd na tulad niya, dahil mas gugustuhin lamang nilang mag-aral sa isang tabi kaysa sa makipaglandian. And it's boring. Wala man lang kaexca-exciting ang buhay nila. Dapat gayahin nila ako, nage-explore. Hindi dapat laging tutok sa pag-aaral, mag-enjoy din sa buhay. Party dito, party doon! Paligayahin ang sarili kasama ang isang lalaki. Makipaglandian, gano'n!
Pero ang moto ko sa buhay, only s*x, no feelings involved, no strings attached. Iniiwan ko rin sa ere ang mga nakakasama ko sa kama. Ayokong nagse-settle sa isang relationship, 'no? Ayoko ng commitment! At isa pa, may hinihintay ako, si Leon Grey. Hindi ako papasok sa isang seryosong relasyon kung hindi lang din siya ang makakatuluyan ko! Siya lang kasi ang gusto ko! I admired him ever since nang nasa highschool pa lamang kami. But, never niya akong napansin. He never noticed me! Masakit 'yon para sa akin!
Ngunit, habang hinihintay siya ay malaya ko munang gagawin ang mga gusto ko
Mage-enjoy muna ako. Pero doble naman ang pag-iingat ko tuwing makikipag-s*x sa iba, I'm taking pills. Ayoko naman din mabuntis nang maaga, baka maging sagabal 'yon sa pag-aaral ko.
"Ahmm, H-Heaven, pinagtitinginan na nila tayo. Baka kung ano na ang isipin nila," tukoy niya sa mga taong nasa paligid na lahat ng atensyon ay nasa amin.
"Don't mind them." walang pakielam na sinabi ko saka muling kumain nung tinapay na hawak, "Mga wala namang kwenta ang mga sinasabi nila, eh. Pakielam ba nila kung gusto kong makipag-kilala sa 'yo? Makipag-kaibigan sa 'yo? Bakit? Mas iisipin mo pa ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa friendship natin?"
"H-hindi naman sa gano'n. K-kaya lang kasi . . . hindi ako makapaniwala na gusto mong makipag-kaibigan sa akin." aniya.
"I think, you're nice naman, eh, kaya nga gusto kitang makilala," pagsisinungaling ko. Gusto kong masuka sa mga sinabi. I don't want to be friends with him, that's the truth! But, do I have a choice to back out with this dare? I don't have! Kailangan kong magtiis dito ng isang buwan!
"And, huwag ka ngang mahiya sa akin, it's just me. Kailangan mo nang sanayin ang sarili mo na kasama ako araw-araw. At hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I like you that's why I'm here."
"H-huh? A-anong sabi mo?" Paulit-ulit naman ang isang 'to! Gulat na lamang ang laging reaksyon niya sa mga ginagawa ko!
"I said, I like you." ulit ko. Binagalan ko pa para maintindihan niya, baka magtanong na naman, eh! Kung hindi lang talaga sa dare, aalis na ako rito ngayon dahil mauubusan yata ako ng pasensya sa isang 'to!
"Gusto? Ako?"
"Yes. I had a crush on you. Actually, I want it to be official. And with that, you can hold my hands wherever you want. You can kiss me, I'm already giving you a permission. You can hug me, if you want too. And lastly, you can s*x with me." dere-deretsong sabi ko. At least, sabihin ko na ang mga puwede kong sabihin para hindi na siya nagtatanong at nagtataka pa kung bakit ang bilis ng mga nangyayari. Kailangan ko talagang bilisan, I don't want this thing long!
Bubuka pa lamang sana ang bibig niya nang tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang break. Tumayo na ako habang siya ay sinusundan lamang ako ng tingin.
"Kita na lang tayo sa room. And . . . hatid mo ako mamayang uwian." Hinalikan ko pa siya sa gilid ng kanyang labi kaya naman hindi siya makagalaw. I'm seducing him. It really works naman!
"Bye." Kinindatan ko pa siya bago ako umalis ro'n.
Nangingiti akong bumalik sa class room kahit na pinagbubulungan pa rin ako. I felt like, nanalo ako. Of course, I am! Unti-unti ko nang nararamdaman na magugustuhan niya ako agad. Ano na ba ang susunod kong hakbang? Well, umamin naman na ako kanina na gusto ko siya kuno, so, i-level up ko na 'to. I will make sure na hindi siya makakatanggi sa gagawin ko mamaya. At sigurado rin ako na hindi pa man natatapos ang araw na 'to, his already under my spell.
Naabutan ko ang tatlong kaibigan nang pumasok sa room, hindi ko namalayan na kanina pa pala sila bumalik dito, masyado yata akong na-busy sa "business" ko. Nang maupo sa aking upuan sa gitna nilang tatlo, agad nila 'kong tinadtad ng mga tanong.
"Ano na'ng nangyari?" bungad agad ni Erika.
"Girl, kayo na ba?" si Vina na may hawak pang chips, parang nag-aabang lang sa susunod na isang scene sa itsura niyang 'yon.
"Naakit mo ba? Friends na ba kayo? O may label na?" si Rita na excited sa aking tugon.
"Isa-isa lang! Tatlo kayo, isa lang ako. Mahina ang kalaban, ok? Ba't kasi umalis kayo agad doon? Edi sana alam niyo na ang nangyari at hindi kayo nagtatanong ngayon—"
"Magkwento ka na nga lang! Pinapatagal pa, eh! So, ano nga? Madidiligan ka na ba mamayang gabi, ha?" nanunudyo ang kanyang boses saka pa nito ako kinurot sa aking tagiliran, napakislot ako at ngumisi.
"Well, ako lang naman 'to, Heaven Ophelia Laurier, na magaling mang-akit at napapaluhod agad ang lahat . . . even that nerd."
"Oh my gosh! Iba ka talaga!" believe na tumingin si Vina sa akin.
"Madidiligan na naman ang petchay mo! Grabe, ikaw na ang pinaka-magaling na malandi sa lahat ng kilala ko!" Pumalapak pa si Erika. Umiling ako.
Syempre, ako pa ba? No one can't resist my charm. No one can't resist me!
"I-kuwento mo sa amin bukas kung kumusta ang magiging performance niya, ha? Para naman may preference kami sa mga na-kama mo na noon! Let's see kung sulit nga ang napili naming lalaki para sa 'yo." Rita said while smirking at me.
I'm sure, he's not good in bed. Wala naman sa itsura niya ang magaling sa kama. Para nga siyang bata na kailangan pa munang turuan bago niya matututunan. But, I'm hoping, he's good with that thing, para rin hindi masayang ang oras ko at ma-enjoy ko 'yon.
Hindi na nasundan pa ang mga tanong nila nang pumasok na ang next teacher namin. At hindi naman na rin ako nakapagsalita pa nang pumasok na rin si Tyler. Nagtama pa ang mga tingin namin kaya para akong napipi at hindi nakagalaw sa aking kinauupuan. Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa mga tingin niya ngayon, para bang may meaning na 'yon na hindi ko maulahan kung ano.
Kanina naman din ay maayos ang pagtibok ng puso ko, pero nang mas malalam ang mga tingin niya sa akin ay nag-iba ang bilis non, para bang hinahabol ako ng sampung kabayo. s**t! Anong pakiramdam 'to? Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling. Sa mga past naman na lalaki na nakatitigan ko na nang matagal, wala naman akong naging reaksyon, pero sa kanya? Hindi ko alam!
Bago siya bumitaw sa kanyang mga tingin sa akin, nginitian pa niya ako na siyang bumundol lalo sa aking puso. Mabilis naman akong umiwas ng tingin kaya hindi ko na siya nangitian pabalik. Napalunok ako nang ilang beses habang pinapakinggan ang professor namin na nagdi-discuss sa harapan. Pinilit kong inalis ang kanyang imahe sa aking isipan pero hindi 'yon mawala-wala! Bigla siyang pumapasok sa isip ko at nakikita ko ang kanyang ngiti kanina! Ano ba 'tong nagiging reaksyon ko? Kapag naman may ngumiti sa akin, wala naman akong nararamdaman na kahit na ano. Ni hindi ko na nga sila maalala kapag tapos nang may nangyari sa amin, pero ang lalaking 'to, ngayon ko lang nakausap at lahat-lahat, ngunit nag-iiba agad ang pakiramdam ko. Bago sa akin 'to, maybe, it's normal, right? Oh, yes, siguro? Argh, nevermind!
"Update mo kami!" bulong sa akin nung tatlo bago na sila nagpaalam na mauuna nang umuwi. Tumango ako sa kanila bago inayos ang aking mga gamit.
Tatayo pa lamang sana ako nang matigil ako, napaangat ako ng tingin nang mapansin na may nakatayo sa aking harapan, it's Tyler na nakangiti sa akin.
"A-ahmm, tara?" nahihiyang tanong niya. Ilang segundo naman muna ako nakipagtitigan sa kanya, hindi ko alam pero napipi na yata talaga ako kung kaya't hindi ako agad nakasagot.
"O-ok," sabi ko saka na tumayo habang hawak ang lima kong libro.
"Ako na'ng hahawak niyan." Sabay kuha niya sa mga librong dala ko, hindi naman ako naka-angal pa dahil ako naman ang nagulat sa ginawa niya. May hawak din siya sa kabilang kamay niya, pero mas pinili niyang kuhanin ang mga libro na hawak-hawak ko.
"N-no, I can—" pinutol niya agad ang aking sasabihin.
"Ayos lang. Nahihirapan ka. Kaya ko na 'to," aniya.
Ganyan ba siya? Gentleman? Wala pang gumagawa sa akin non dahil lahat ng lalaki, lalapitan lang ako hindi para tulungan kung hindi para itanong kung available ba ako. The feeling I feel right now is really different, nakakapanibago.
"Thanks. Gentleman pala ang isang tulad mo, ha?" natatawang sabi ko habang naglalakad pa rin kami palabas ng school.
"Talaga?" tanong niya. Ayaw maniwala, ha?
"A-huh," I nodded, "Kaya nga mas gusto pa kitang makilala bigla, eh." I added while deeply looking at him.
"So, saan tayo?" nakangiting tanong niya.
"You're not look excited, huh?" biro ko. Narinig ko naman ang munting pagtawa niya.
"I should've not, right? Hindi ko naman kasi alam kung ano'ng gagawin mo sa akin, eh." Is that real? Innocent conversation? I don't know!
"Wala naman akong gagawin, unless . . . you want me to do something," makahulugan kong sinabi. Umiling lang siya saka na muling naglakad.