"Is it ok with you kung ang sasakyan natin ay Jeep?" he asked.
Nagkibit balikat ako, "Jeep? I don't know what is that."
Naririnig ko lang ang Jeep pero hindi ko naman alam kung ano 'yon. Is that a food? Or something you can use? I don't know! But base sa sinabi niya, nasasakyan daw 'yon? Argh! Ngayon ko tuloy masasabi na ganito pala ang anak mayaman, parang walang alam sa mundo. But should I adjust myself? I shouldn't.
Narinig ko ang munting pagtawa niya kaya hinampas ko siya ng kamay ko sa kanyang balikat at sinamaan siya ng tingin.
"Fine! Bobo na ako sa ganyan, ok na?" I crossed my arms over my chest. Saka nauna nang lumabas sa gate.
"Wala naman akong sinabi." Kamot ulo siyang lumapit sa akin. Hindi ko naman siya pinansin. Pwede naman kasing i-explain kung ano 'yon, nagmumukha tuloy akong tanga! Oo na, ako na mababaw at matampuhin!
"Galit ka ba? I-I'm sorry. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihi—" he tried to explained himself.
"Tara na! Ano bang itsura ng Jeep na 'yan? Para alam ko," inis kong tanong. Bumuntong hininga siya, kita ko sa kanya kung gaano siya nalungkot sa inasal ko. He's affected? He is? Really?
"Doon tayo maghintay. Tapos kain tayo ng lugaw." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. Saka niya ako hinila patungo sa kabilang side ng daan, at maghintay daw kami ro'n sandali nung dadaan na Jeep. Hanggang sa nakalipat nga kami at hindi pa rin ako naka-imik. Magkasiklop pa rin ang mga palad namin at doon lang naka-focus ang atensyon ko. Para akong nakukuryente sa tuwing magdidikit kami.
"A-ah, asan na ang Jeep?" pasimple pero mabilisan kong binawi ang kamay ko sa kanya.
"Ayan na, parating na. Ayon, oh." Sabay turo niya sa isang rumaragasang sasakyan mula sa malayo. Oh, that's the Jeep. I saw that many times, but I just really don't know what's the name of it. At least, now I know.
"Para," he said and raised his hand when the Jeep is already near of us. Then the Jeep stopped riding. Huh? How is that happened? Tinignan ko ang katabi ko.
"What's that 'para'?" I asked curiously. Nakakunot pa ang noo ko nang sabihin 'yon. It's amazing, huh? Marami yata akong matututunan na hindi ko alam habang kasama ang lalaking 'to. Well, we have a lot of cars and never pa talaga akong nakasakay sa kahit na anong transportation, ngayon lang yata dahil mas pinili kong huwag na munang magpasundo dahil nga mas importanteng matapos ako sa sinasabi kong "business" ko.
"Para, meaning titigil 'yung sasakyan kapag gano'n." paliwanag niya. Tumango ako. Nice transpo!
"Sasakay ba kayo o hindi?" a loud voice asked, napaharap ako sa bukas na bintana, I saw an old man, I think he's the driver since siya ang may hawak ng manubela.
"Sasakay ho." Tugon ni Tyler saka na ako hinila patungo sa likod.
"Mauna ka na," sabi niya sa akin. Dumukwang naman ako sa loob, I saw a lot of people staring at me. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, nahihiya ako dahil first time ko 'to! Pero pumasok pa rin ako at dumiretso roon sa may pinakadulo dahil doon ko nakita na may bakante pang puwesto. Sumunod naman sa akin si Tyler at naupo sa aking tabi.
"I didn't know that it's masikip here," maarteng reklamo ko sa kanya, "And I'm sweating, ang init pala kapag sasakay dito. I thought, magiging masaya ang pagsakay ko rito, hindi pala!" dagdag ko pa habang pinapay-paypayan ang aking sarili gamit ang aking mga kamay. Hindi naman sumagot si Tyler, bagkus ay ibinaba niya lahat ng mga librong hawak niya sa kanyang hita at binuksan ang bag niya. Kumuha siya ng isang folder doon at tinupi 'yon sa dalawa. Ano'ng gagawin niya ro'n? Nasagot ang aking tanong nang maramdaman kong humahangin sa aking gilid, pinapay-paypayan na pala niya ako.
Then, suddenly, while looking at his face, I felt like my world stopped spinning around. All things around me are slowly moving. Hindi ko na nga rin maintindihan pa ang sinabi niya na "Ayan, hindi ka na ba naiinitan?" dahil para lang akong nahihipnotismo sa tuwing titingin ako sa kanya. Pero bumalik din ako sa reyalidad nang may kumalabit sa akin na siyang ikinabaling ko ng tingin sa ibang direksyon.
"What?" Ang ganda ng moment ko kanina, panira! Wait, what do I mean on what I said? Oh, nothing!
"Pakisuyo naman ng bayad, miss." sabi no'ng babae habang nakataas ang kamay niya sa akin na para bang may ipinapaabot. Sa halip naman na kunin ko 'yon . . .
"Am I the driver? Why don't you go there and give that!" mataray kong sinabi saka siya inirapan. Hmmp! Mukha bang ako ang nagmamaneho? Sa akin pa talaga iaabot ang bayad niya! Ako pa talaga ang uutusan!
"A-ahmm, m-miss. Pasensya ka na, ha?" Hilaw na ngumiti at humingi ng pasensya si Tyler doon sa babae. Wait? Para saan 'yon? Why he's apologizing? Hindi niya dapat ginawa 'yon!
"Attitude 'yang kasama mo, kuya, ha?" rinig kong sabi ng babae. Biglang kumulo ang dugo ko sa bagay na 'yon! Me? Attitude? Harap-harapan niya pa talagang sasabihin 'yon? Bastos! Ang sarap i-tape ng bibig!
"A-ah, miss, pagpasensyahan mo na talaga—" bago pa man matapos ni Tyler ang sasabihin ay sumingit na ako. Aba, hindi ko matitimpi ang isang 'to!
"What did you just say?" nakataas kilay kong tanong. Gusto yata ng away nito, sige, pagbibigyan ko siya! Gusto niya 'yon? Well, I like it too!
"Heaven, nakakahiya." Awat agad ni Tyler saka niya hinawakan ang mga braso ko na handa nang sumugod, hindi naman ako nagpapigil.
"Hoy! Ikaw na babaeng mukhang clown, bawiin mo 'yong sinabi mo!" sigaw ko. Nagwawala na ako rito sa loob ng Jeep. Ang atensyon din naman ng mga pasahero rito ay nasa amin na, pati ang driver na nakiki-awat na rin.
"Oh, bakit? Hindi ba totoo?" sagot niya pabalik. Aba, matapang! Ayaw ko sanang makipag-away pero nauubos ang pasensya ko sa babaeng 'to! Mariin akong pumikit at kumuha ng pwersa. Pagkatapos non ay hinila ko na ang mahaba niyang buhok at pinaghahampas siya sa kanyang balikat.
"Hmmp! Bagay sa 'yo 'yan! Attitude pala, ha? Ayan! Bwisit ka!"
"Heaven, tama na!" Pilit na inilalayo ni Tyler ang ulo nung babae sa akin kahit hirap-hirap na kami sa pwesto namin.
"Argh! Attitude kang babae ka! Bitiwan mo 'ko!" No way! Ano ka ngayon, ha? Asan ang laban mong clown ka? Hmmp! That's what you deserve you fvcking ugly girl!
Marami ang umawat sa amin kaya nakaligtas sa mga kamay ko ang babaeng 'yon! But, at least, na-sample-an ko siya at nakaganti! Pero ang ending, pinalabas kami sa Jeep nang wala sa oras habang matalim ang tingin sa akin ni Tyler.
"What?"
"Ba't mo ginawa 'yon? Ba't mo pa kasi inaway? Napalabas tuloy tayo!" bakas sa kanyang boses ang inis para sa akin habang naglalakad kaming pareho sa tabing daan.
"She deserved it! Attitude daw ako? Hell! I'm not!" Sabay padyak ko sa isang bato na nakita ko, roon ibinuhos ang inis. Akala siguro ng babaeng 'yon ay aatrasan ko siya, hindi ako papayag nang hindi nakakaganti, ano?!
"Gano'n talaga sa Jeep, hindi naman 'yon tulad sa mga sinasakyan mo. Doon, marami ang nakasakay, eh, doon sa inyo, ikaw lang. Nakakahiya,"
"Eh, ano'ng gusto mong gawin ko? Let her said that words in front of me? No way!" pakikipagtalo ko pa. Nakakainis din ang lalaking 'to, eh! 'Di ma-gets ang point ko! Sa susunod talaga, hindi na ulit ako sasakay doon! Ang attitude ay ang isang pasahero, hindi ako! Kainis! Siya pa talaga kinakampihan! Magsama silang dalawa! Bad trip ang araw na 'to!
"Ang sa akin lang, hindi mo na dapat pinatulan," mahinahon niyang sinabi. Ok, fine! Kung magde-depensahan lang kami rito nang magde-depensahan, mag-aaway lang kami na parang magkarelasyon. Eh, hindi naman kami! Oh, yeah! My business! Nasaan na nga ba ako? Nawala na ang pakay ko sa lalaking 'to dahil sa malditang pasahero na 'yon! Hmmp! Sayang sa oras! Ano bang magandang gawin ngayon?
"Kumain na nga lang tayo. Gutom na ako." Sabay hawak ko sa tiyan ko. Hindi naman ako nakakain nang maayos sa break kanina dahil nakalimutan kong dalhin 'yung pagkain ko sa kabilang table.
"What do you want to eat?"
Nag-isip naman ako. Ano bang pwedeng kainin? Hmm?
"Ikaw," makahulugan kong sinabi habang malalam na nakatitig sa mga mata niya. Napaiwas naman siya sa akin. Natutukso ka na ba, nerd?
"I mean, ikaw . . . ano'ng gusto mong kainin?" paglilinaw ko. Gusto kong humagalpak sa tawa sa reaksyon niya.
"Ikaw . . . a-ah ikaw na pumili." Saka na siya nagpatuloy sa paglalakad. Huwag ka nang umiwas, nerd! Kapag lalaki talaga, mabilis matukso. I'm sure, wala kang kawala sa akin ngayon. Bukas lang ay tayo na, I'm sure of it!
"May condo ako, malapit na 'yon dito, ro'n tayo mag-stay." saad ko nang may ngisi sa aking labi. Natigil naman siya sa paglalakad, you can't resist me, Tyler. Alam kong unti-unti ka nang nahuhulog sa bitag ko. Unti-unti nang nahuhulog 'yang puso mo. At kapag nahulog ka, pasensyahan na lang tayo. Sisiguraduhin kong nasa akin ang huling halakhak.
"H-huh? Condo? Ano'ng . . . ano'ng gagawin natin doon?" Mukhang kabado siya, don't worry, masasanay ka rin.
"Kakain, ano pa ba? Bakit, may iba ka pa bang gustong gawin?" pa-inosente kong sinabi.
"A-ah? W-wala! Wala, wala." Looks defensive, huh? Alam ko na ang mga galawang ganyan. Papunta ka pa lang, pabalik na ako.
"Ok. Let's go." Saka ko na siya hinila at naglakad na kami patungo sa kabilang daan papunta sa building ng condo unit ko.
"Ano ba 'yan, ngayon pa talaga umulan!"
Ibinaba ko ang bag ko na basa na rin sa isang tabi. At kung minamalas ka nga naman, naabutan pa talaga kami ng ulan. Basa tuloy kaming nakarating sa Condo. Pati libro, basa! Nakakainis!
"Magpalit ka na, baka magkasakit ka, eh." may pag-aala sa kanyang boses.
"Concern ka?" ako. Nilapitan ko siya na siyang ikinaurong niya sa pader. Scared? Hindi naman ako nangangagat, eh, nangangain nga lang.
"Magpalit ka na rin." Saka ko inumpisahan na buksan ang mga butones ng uniporme niya. Hindi naman siya nagsalita, pareho lamang kaming nakatingin sa isa't isa.
"A-ah, a-ako n—"