"Tyler, ano ba?! Naririnig mo ba ang mga sinasabi ko?!" sigaw kong muli habang nakahawak nang mahigpit sa aking seatbelt. Pero sa sinabi kong 'yon, mas lalo lamang bumilis ang takbo ng sasakyan. Kung gaano kabilis ang takbo no'n, gano'n din kabilis ang pagtibok ng puso ko. Para kaming nasa himpapawid ngayon dahil para na kaming lilipad sa sobrang bilis niyang magpatakbo! "Hindi ako makakapayag na may hahawak sa 'yong iba! Kaya ipapakita ko sa 'yo kung kanino ka lamang dapat maghuhubad!" "You don't own me, Tyler!" ang puso ko lamang ang oo, ang isasagot ko pa sana. Ngunit paano naman ako? Siya, malaya niyang masasabi na sa kanya ako? Pero paano naman ako, wala? Ni hindi ko man nga masabi na akin lamang siya, eh. Ano'ng lamang ko? Kung tutuusin, ako talaga ang talo rito, ako ang argabyado.

