Kulay puti ang bumungad sa mga mata ko nang magmulat ako. Nasaan ako? Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako mula sa aksidente? "Oh, thank God! Gising ka na, anak!" sa nagsalitang 'yon, doon ko na-realized na hindi pa pala ako patay. Nananatili pa rin pala akong humihinga at nakahiga lamang ako sa hospital bed. "Daddy!" yumakap ako sa kanya, mahigpit na mahigpit. Kumawala pa ang isang butil ng luha ko habang yakap siya. Akala ko kasi talaga, wala na ako sa mundo. Kapag nangyari 'yon, wala nang aalalay kay daddy, wala na siyang makakasama sa malaking mansyon, magiging mag-isa na lamang siya kapag namatay talaga ako. "Akala ko talaga ay matagal ka pang magigising. Halos isang linggo ka rin dito sa hospital. Pero, ayos ka na ba, anak? Wala bang masakit sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

