"Wala naman pong problema, daddy. Gusto ko lamang po muna talaga ngayon na magpahinga lang," paliwanag ko kay dad. Pinilit kong binuhay ang ngiti sa mga labi ko kahit alam ko naman sa sarili kong napipilitan lamang ako na gawin 'yon! "It's ok, sir. Wala naman pong problema sa akin," sabat ni Tyler. "Nako, sayang naman ang pagpunta mo rito, hijo. Dumito ka na muna. —Anak, hayaan mo na. Minsan ka lang naman dalawin ni Tyler, pagbigyan mo na ngayong araw." Aba't, gustong-gusto talaga ni daddy na nandito siya, huh? Hindi ba sila makaintindi? Hindi ba sila makaramdam? Gusto kong lumayo, gusto kong dumistansya! Kaya paano ko magagawa 'yon kung lagi siyang nandito? Kung siya ay ayaw niya akong lubayan ako, gustong-gusto ko nang makalayo mula sa kanya! Kung mas lalo siyang malapit sa akin, mas

