Chapter 4

1683 Words
Pagkatapos ng gabing 'yon, naging official na rin kami ni Tyler. Agad kong sinabi na kami na kahit pa gusto niya ay ligawan muna niya ako. May nangyari na nga sa amin, ngayon pa siya gaganon? At saka, ayoko ng ligaw-ligaw na 'yan! Ayokong maging sweet. Ayokong magpaka-sweet! At para saan, kung gano'n? Dare lang lahat ng ito, walang seryosohan. Siya lang yata ang nagseseryoso, pero ang hindi niya alam pinaglalaruan ko lang siya. Ngunit masaya ako na hindi na ako nahirapan pang kunin siya, dahil siya na mismo ang kumuha sa akin, thanks to him! Ang gagawin ko na lang ngayon ay hintayin ang isang buwan bago ako makipag-break sa kanya. "Ayoko na, busog na ako, eh." Tyler wanted me to eat all of the food that he ordered. May sandwich, may vegetables, pinagluto niya pa ako ng turon at pinaghanda ng gatas. Ano ako, bata? Kailangan talagang pagsilbihan niya? Hindi naman niya kailangan gawin 'yon. Napansin ko rin na lumala siya, napaka-alaga na niya sa akin at protective sa suot ko. Syempre, ako naman, sinusunod ang gusto niya para hindi mapaghalataan. "Baby, kaunti na lang, oh." Inilapit niya sa akin ang turon. Ako naman, parang malulusaw sa kanya! Ayan na naman kasi siya! Ayan na naman siya sa "baby" niya! "Last na—" I didn't finish what I say because a familiar voice came. "Heaven!" Isang malakas na boses na siyang nakaagaw sa atensyon sa lahat ng mga tao rito sa cafeteria, at isa na ako ro'n dahil pangalan ko ang tinatawag. Tumayo ako at binalingan kung saan nagmumula ang boses, it's David voice. Isa sa mga naka-one night stand ko. The hell! Ano'ng kailangan ng lalaking 'to sa akin?! "Ang sabi mo ako lang? Ano ngayon 'tong nababalitaan ko na may kinakasama ka na naman na bago, at mahirap na nerd pa? Nawala lang ako saglit, may sinusulot ka na naman!" Ang boses niya ay rinig sa buong cafeteria, kaya lahat ng studyante ay nag-uumpisa na namang magbulungan! Damn it! Nakakahiya! Eskandaloso talaga ang lalaking 'to! Tinikman lang, kami na? Ang kapal, ha?! "Pwede ba, David, umalis ka na nga rito dahil wala namang tayo! At para malinawan ka, ie-explain ko sa 'yo nang maayos, kaya makinig ka, ha?" I said in a sarcastic tone. Pinapainit niya ang ulo ko, kay aga-aga nambubulabog! But, it's normal, sanay na ako na may ganito talaga. May nangyari lang ng isang beses, feeling kami na agad! Mga feeleng-ero! "Walang tayo, ok? Wala akong natatandaan na niligawan mo ako at sinagot kita, so meaning lang no'n walang pinagpalit na nangyari, ok? Assuming kang masyado, hindi ka naman guwapo!" "Gago ka pala, eh!" Akma na niya akong hahawakan nang nakita ko na lang na natumba siya sa sahig, tinulak pala siya ni Tyler palayo sa akin. Mangha ko siyang tinignan, para akong nasa isang panganib na nililigtas ng isang tagapagligtas! "Aba, ito na ba 'yung pinagpalit mo sa akin?" tukoy niya kay Tyler. "Oo. Bakit, may problema ka?" galit na tanong ni Tyler sa kanya. Nasa likod rin ako nito, para bang pinoprotektahan niya ako mula kay David. "Matapang, ha? Tignan natin ngayon kung saan aabot 'yang tapang mo!" Tumayo ito at sa isang iglap, nakabulagta na si Tyler sa sahig habang hawak ang kanyang tiyan na sinuntok ni David. "David, walanghiya ka! Tigilan mo 'yan!" sigaw ako nang sigaw habang nakikita si Tyler na inaambagan ng suntok ni David. Hindi siya makalaban dahil hindi lang isa ang susumuntok sa kanya kung hindi tatlo sila, mga ka-grupo ni David sa school. "Ano ba, bitiwan niyo nga ako!" Nakahawak ang dalawa pang ka-grupo ni David sa magkabila kong braso kaya hindi ako makalapit sa kanya para pigilan siya. Mga gago talaga sila! Diyan lang naman siya malakas, eh, kapag may kasama! "Hoy, kayo, ano ba'ng ginagawa niyo riyan? Awatin niyo sila!" Umiiyak na ako habang pinapakiusapan ang ibang studyante na pigilan ang ginagawa ni David, pero ni isa kanila ay walang ginawa. Parang siyang-siya pa sila na nabubugbog si Tyler, habang ako rito ay naaawa na sa kanya dahil wala siyang laban. "Tyler!" sigaw ko habang pilit pa rin na hinihila ang mga kamay ko sa mga gagong nakahawak sa akin. "'Yan ang nababagay sa 'yo!" Hindi pa nagsawa si David at pinagsisipa pa nila si tyler. Hinang-hina na siya sa itsura niya. Ako naman ay nakaisip ng paraan, tinapakan ko ang mga paa ng mga lalaking nakahawak sa akin kung kaya't nakawala ako sa kanila para mapatigil na ang gagong David na 'to. "Walanghiya ka!" Inilayo ko siya mula kay Tyler, saka siya pinagsasampal. Pero umikot lamang ang paningin ko at natigil nang ibinalik niya sa akin ang aking ginagawa, gamit ang likod ng kamao niya ay malakas niya akong sinampal na siyang ikinahiga ko sa sahig habang ramdam ang malakas na pagkahilo. "Heaven!" Narinig ko ang sigaw ni Tyler sa akin. Galit na galit ang kanyang boses. "Gago, pre, ano'ng ginawa mo?" Boses 'yon ng isa sa mga kasamahan ni David. Puno ng takot ang kanilang boses. "Gago, tara na!" Sabi pa no'ng isa bago ko sila makitang umalis na kahit malabo na ang aking nakikita dulot ng pagkahilo. Kung makakatayo lang ako, ang mga studyante rito ang mga sasampalin ko, hindi man lang sila nag-abalang tulungan kami! "H-Heaven, baby?" Garalgal ang boses ni Tyler nang lapitan ako. Puno ng dugo ang kanyang mukha pero nagawa pa rin niyang tumayo para sa akin. "Don't sleep, ok? Dadalhin kita sa clinic!" mariin niyang pakiusap saka ko naramdaman na nakaangat na ako sa ere, he carried me. Muntik pa nga siyang nabuwal dahil alam kong napuruan siya nina David kung kaya't hinang-hina siya, pero kinaya niya at ibinalanse niya ang kanyang katawan para sa akin. Knowing that he's worried about me, parang may humahaplos sa aking puso sa kanyang ipinapakita. Bulungan naman ng mga studyante ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. "Hmm." Pagkamulat na pagkamulat pa lamang ng nga mata ko, sumalubong agad sa akin ang yakap ni Tyler. "O-ok ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? Nahihilo ka pa? Tatawagin ko 'yong nurse—" "O-ok lang ako." Hinawakan ko ang braso niya at pinigilan na umalis. Ba't ba ako ang inaalala niya? Dapat ay ang sarili niya! Ang kanyang uniporme ay puno ng dugo. Ang kanyang mukha ay puno ng pasa at sugat. And even his glasses, it's cracked! "Igaganti kita sa lalaking 'yon! Kapag nagkita kami, igaganti kita!" puno ng gigil ang kanyang boses. Hindi ko naman alam kung galit ba siya o naiiyak, pero parang pareho. "Huwag, hayaan mo na. Baka pag-initan ka ulit ng grupo nina David, mapuruhan ka na naman. Ako nang bahala roon." "Pero sinaktan ka niya! Hindi ko mapapalagpas 'yon! At wala man lang akong nagawa! Hindi kita napagtanggol kanina! Ang hina-hina ko!" I felt his frustration. But isn't his problem anymore. Ako na mismo ang magsasampa ng kaso sa David na 'yon sa ginawa niya sa akin. I'll make sure na bukas lang ay wala na siya sa school na 'to! Ayoko rin siyang makita dahil nangangati lamang ang mga palad ko na masampal siya sa ginawa niya sa akin! Hanggang ngayon nga ay ramdam ko ang sakit sa aking ulo at ang hilo. Ano ba'ng nakita ko roon at nakipag-s*x ako sa kanya? Gago siya! "I'm ok. Don't worry about me—" "I'm sorry." Muli niya ako niyakap, at muli, nabigla na naman ako kaya hindi na naman ako naka-react. Para akong bago sa mga ginagawa niya, kahit lagi niya 'yong ginagawa sa akin. But, honestly, he's here, it feels like I'm safe. Hindi ko naisip ang kahit na ano dahil blangko ang utak ko. "Bakit hindi pa 'yan nagagamot?" Tukoy ko sa mga natamo niyang sugat. I sounded like a concern girlfriend, am I? I'm not! I'm just asking! "Paano ko iisipin ang kahit na ano, kung hindi naman 'yon ang importante sa akin? Ang tanging nasa isipan ko lang ngayon ay ikaw, at ang kalagayan mo." My heart is racing after he said those words to me. He's really worried and concerned about me, huh? What should I react on his actions? Nothing. Wala naman dapat, pero bakit nagre-react ang lahat sa akin? Ang puso ko, ang iniisip ng utak ko. What's the real meaning of all these? Alam ko ba ang sagot? Alam ko, siguro? Pero idene-deny ko lang ang totoong nararamdaman ko dahil hindi naman talaga ako sigurado at hindi pwede? Damn! Mababaliw na yata talaga ako! Hindi natapos ang araw na 'yon nang hindi ako nagr-report sa mga nakatataas sa school. David deserves to kick out in this school! Pagkatapos niya akong sinaktan, satingin ba niya ay hindi ko siya babalikan? Na hindi ko siya pagbabayarin sa ginawa niya at hahayaan ko lang siya? Well, 'yon ang consequence niya sa ginawa niya sa akin, ano! Mabuti nga at napatalsik siya rito, tagal ko na ring naiirita sa kanya, eh. Pilit ba naman akong kinakausap kahit sinabi ko na sa kanyang lubayan niya ako dahil tapos na ako sa kanya. Pero ang gago, ang kulit! Hindi talaga ako tinigilan! But at least, ngayon, hindi na ako maaabala pa dahil hindi ko na kailanman makikita pa ang mukha niya, pati na rin ng mga pangit niyang barkada! Pagkatapos nga rin ng nangyari sa akin, hindi na halos umaalis sa tabi ko si Tyler. Para siyang bodyguard ko na buntot nang buntot sa akin para lang bantayan ako. And it's like, all his attention was on me! Sobrang dikit na niya sa akin, pero ano nga ba'ng ie-expect ko? Naalala kong kami na nga pala. Na meron na nga pa lang namamagitan sa amin kung kaya't ganyan siya kabantay sarado at ka-protective na boyfriend. Wala namang kaso sa akin ang ginagawa niya, hindi ko naman 'yon bini-big deal o pinapansin dahil hindi naman talaga ako seryoso at wala naman akong pakielam sa kanya. Sinasabayan ko na lang siya, at ano ang dahilan? Nothing, it's just that masarap maglaro. Napag-isip isip ko rin na sulitin ang isang buwan na maging boyfriend siya bago ko tapusin ang relasyon naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD