Chapter 5

1731 Words
Gusto ko pa muna kasing maranasan kung paano magkaroon ng boyfriend sa loob ng isang buwan kahit laro-laro lang. Isang buwan lang naman, eh, hindi na masama, hindi naman magtatagal, mabilis lang 'yon. Saka, para hindi na ako maghanap pa ng ibang lalaki na makakasama ko sa kama, ok na muna ako ngayon kay Tyler, he's good naman, eh, kaya ayos na muna 'yon sa akin. Hindi na ako magpapaka-choosey at magpapaka-plastik, wala, eh, magaling pala talaga siya pagdating sa pagpapaligaya. Naisip ko tuloy bigla kung may mga naka-s*x na kaya siya dati kung kaya't marunong na marunong siya sa bagay na 'yon? O baka naman wala pa at nasasarapan lang talaga ako? Well, it doesn't matter anymore, nage-enjoy naman ako, eh. Sulit naman kahit papaano dahil hindi siya lampa pagdating sa kama. Day 3 Gano'n pa rin ang nangyari, balik muli kami sa dati ni Tyler. Pagkatapos ng klase namin ay deretso kami sa condo ko para bigyan ng oras ang isa't isa, at ano pa nga ba ang tinutukoy ko? Edi ang magtalik muli. Ano ba naman kasi ang purpose ng pagtanggap ko sa dare na 'yon kung hindi ko pa susulitin, hindi ba? Nanghihina akong umusog sa headboard ng kama habang si Tyler ay dumiretso sa cr para itapon sa basurahan ang condom na ginamit niya at upang linisin n rin ang kanyang sarili. Nang bumalik ito ay nanatili siyang walang saplot, at nakatingin lamang ako sa katawan niya lalo na sa pang-ibaba niya habang naglalakad siya patungo sa akin. May dala pa siyang tissue na siyang ikinataka ko. Nang tumapat siya sa akin, siya na mismo ang naglinis sa akin. Damn it! Nilisin din niya ako! Para akong pamumulahan sa ginawa niyang 'yon ngunit hindi naman ako umangal pa, hinayaan ko lamang siya habang nakatingin kami sa isa't isa. Masyado yata akong pagod para pigilan pa siya sa ginawa niya. Ngunit 'di ko maiwasan mapakislot at mapapikit dahil nag-iinit ako bigla sa tuwing dadampi ang kamay niya sa p********e ko. Hindi naman niya ako inaakit pero parang naaakit ako! Nang matapos niya akong linisan, tinakpan niya ng kumot ang buong katawan namin. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako mula sa kanya. Saka mas lalo pa niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko kaya naman ramdam ko ang kiliti roon. Ang posisyon namin ay parang 'yong kakatapos lang mag-make love, but we're not, I know to myself that we're just f****d each other to fulfill our needs, but he doesn't know it. Akala niya ay sa tuwing may mangyayari sa amin o nangyayari sa amin, may halo 'yong pagmamahal at hindi lang basta s*x. Pero hindi ko na kasalanan kung tanga siya at naniwala sa akin. At 'yong pagmamahal na sinasabi niya? I'm not really sure kung seryoso ba siya ro'n, maybe he's joking when he confessed that to me. Baka nga at tulad lamang siya ng mga lalaking naka-s*x ko, hindi naman talaga niya ako mahal at katawan ko lang ang habol niya. Maybe, I need some evidence for me to believe if he's saying the truth or not. Ngunit kahit pa totoo man 'yon o hindi, wala akong pake. In the first place, dare lamang 'to at hindi ko siya mahal. I'm just using him and playing with him. Nothing serious, it's just a game. Kasalanan ko bang makikipaglaro din siya sa akin sa gitna ng apoy? At sasabihing may feelings siya for me? Tsk, I really don't care. Yes. I really know that s*x is just for the couples who are love each other or for the lovers who are already maried, ngunit anong magagawa ko? I want to stop this, pero hindi pa sa ngayon. Parang hinahanap pa siya ng katawan ko kung kaya't 'di ko siya mabitawan. I will just enjoy it first bago ko siya itapon, bago ko siya iwan. Mabilis na lang naman din ang mga araw, pagkatapos no'n ay putol na ang komunikasyon naming dalawa. Siguro nga ay makikita pa rin namin ang isa't isa araw-araw dahil na rin sa magka-klase kami. Pero hindi naman ako mahihiya na makasalubong siya, dahil sigurado naman ako na sa mga oras na 'yon, wala na siyang kwenta para sa akin, na para na lang siyang hangin na hindi ko nakikita, na isa na lang siyang tao na hindi ko kilala at hindi dapat pagtuonan ng ni kahit katiting na pansin o atensyon. "Pagkatapos nating mag-college, maghahanap agad ako ng trabaho at magsisikap para makapag-ipon ng pera nang mabigyan kita ng magandang buhay." Natulala ako sandali at hindi makagalaw sa sinabi ni Tyler. Never in my entire life na may nagsabi no'n sa akin, lalo na sa mga lalaking nakasama ko, kailanma'y hindi ko pa narinig 'yon. Dahil iisipin ko pa lang din na sasabihin 'yon sa akin, I'll found it corny and cheesey, but to hear that from him, para 'yong nakakatunaw ng puso. My heart melts! Lalo ko tuloy biglang naramdaman ang pagtibok nang sobrang bilis ng puso ko, at hindi ko alam o matukoy kung para saan talaga 'yon. Habang patagal nang patagal, lalong nagiging sweet sa akin si Tyler. 'Yong pagkamahiyain niya, nawawala 'yon kapag ako ang kasama niya. Hindi siya 'yong tahimik kapag magkasama na kami nang kaming dalawa lang dahil ang daldal na niya kapag nag-uusap kami. Ang dami niyang kinu-kuwento sa akin, kuwento tungkol sa buhay niya at sa iba pang bagay. Hinahayaan ko lang naman siya, kunware na lang na interesado akong makinig sa kanya kahit hindi naman. Kahit minsan naiirita na ako dahil sa sobra na niyang dikit sa akin, hindi ko na lang din pinapansin. Tutal naman at ako mismo ang nagpasok sa sarili ko sa ganitong sitwasyon, dapat lang talaga na makisabay ako sa kanya kahit nakakainis na talaga minsan. "Kapag marami na akong naipon na pera, ibibili kita ng bahay, 'yong malaking-malaki. Tapos doon tayo bubuo ng pamilya natin. Doon tayo gagawa ng mga memories na dadalhin natin hanggang sa pagtanda nating dalawa." So, he really wants me to be his wife, huh? Seryoso ba talaga siya sa akin? Mahal ba talaga niya ako? Sa mga ipinapakita niya tuloy, bigla akong napapaisip! At maniniwala naman ba ako sa mga sinasabi niya? "Gaano ka naman kasigurado sa akin na ako na ang una at huling babaeng mamahalin mo?" Nasabi kasi niya sa akin na ako pa lang ang unang babae na inalayan niya ng pagmamahal kaya natanong ko 'yon bigla. "Siguradong-sigurado na ako sa 'yo, Heaven. Matagal na kita mahal at mas lumalalim pa 'yon dahil alam kong mahal mo rin ako." Dapat na ba akong maawa sa kanya ngayon? Dahil mahal niya ako habang siya hindi niya alam na hindi ko naman talaga siya mahal. Na dare lamang ang lahat at walang seryosohan. Na isa lamang 'yong malaking laro. Na wala naman talagang involve na feelings, na ginagawa ko lang 'yon dahil kailangan. Dapat ko nga bang isipin? Dapat nga ba akong mag-alala sa feelings niya? Kahit kailan, hindi pa ako naging concern sa feelings ng iba, pero bakit napapaisip ako ngayon kung ano kaya ang mararamdaman niya kapag hiniwalayan ko na siya? "Matagal ko nang nakita ang hinaharap ko nang ikaw ang kasama. Ikaw 'yong babaeng nakikita kong mamahalin ko nang sobra at aalagaan ko nang lubos. Bakit? Ikaw ba? Hindi mo ba nakikita na ako ang makakasama mo hanggang dulo? Kasi ako, siguradong-sigurado na ako na ikaw ang magiging ina ng mga magiging anak ko at wala nang iba pa." Ina? Hindi ko pa naisip na magiging ina ako na ang magiging ama ay si Tyler. Parang malabo pa sa malabo na mangyari 'yon dahil si Leon lamang ang pinapangarap ko simula nang makuha niya ang atensyon ko. Pero si Tyler? Kailanman ay hindi ko naisip na makakasama ko siya sa buhay ko. Para sa akin, ang mga tulad niya ay 'yong mga taong panandalian lamang sa buhay mo, 'yong hindi sila permanente at mawawala rin pagkatapos. So kung nakikita man nga niya na ako ang kasama niya, I'm really sorry to him dahil hindi siya kasama sa mga pangarap ko. He's just nothing for me. "Syempre, kung iisipin mo, wala namang permanente sa mundo, hindi ba? So there's a possibility na maghiwalay din tayo—" "That will not gonna happen. Hindi ko hahayaan na maghiwalay tayo. Iisipin ko pa lang 'yon, hindi ko na kaya, nanghihina na ako at parang nawawalan na ng saysay ang buhay." Gusto kong matawa ng pagak sa sinabi niya. Mukhang seryoso nga talaga siya sa akin, wala 'yong bahid na biro. Kaya kung masasaktan man talaga siya kung sasabihin kong nakikipag-break na 'ko sa kanya, hindi ko na problema 'yon, problema na niya 'yon! Ang tanga kasi niya, masyado siyang nagpapaniwala sa akin at talagang hulog na hulog pa siya, ano tuloy ang mapapala niya ngayon? Wala! Dahil hindi ko naman gagawin na hindi siya hiwayalan para lang 'di siya masaktan. Kung mahal ko lamang siya, puwede pa sigurong magbago ang sitwasyon namin. Na hindi ko na siya iiwan pa at sa halip mamahalin ko na lamang siya. Pero dahil alam ko naman na malabo talagang mangyari 'yon, goodluck na lang sa kanya dahil hinayaan niyang mahulog siya sa isang patibong na hindi naman siya sigurado kung makakalabas pa ba siya. "Hindi na kita kayang mawala pa sa piling ko, Heaven. Ikamamatay ng puso kapag nawala ka sa akin." Iniharap niya ako sa kanya. Malalam niya lamang ako tinititigan sa mata habang hinahaplos-haplos niya ang pisngi ko, "Ikaw lang at una at huling mamahalin ko, Heaven. Wala nang iba pa, tanging ikaw lamang." Kung mahal niya nga ako, ibig bang sabihin no'n ay kamahal-mahal ako? Na puwede pa rin akong mahalin kahit na halos tinikman ko na lahat ng mga lalaking nakasama ko noon? Na puwede pa rin akong mahalin kahit pa marami na akong pinaglaruan na feelings ng iba? And he's really sure to persue his love, his feelings for me kahit pa hindi maganda ang imahe ko sa lahat ng mga taong nakakakilala sa akin lalo na sa mga mata niya? He's really willing to love me, huh? Dapat ba akong matuwa roon? Dapat ba akong magpasalamat sa kanya dahil minamahal niya ako? May dapat ba niyan akong gawin dahil lang sa nalaman ko nang sigurado na talaga siya sa akin? Hindi ko alam, huwag ko na lamang isipin dahil guguluhin lamang ng utak ko ng mga bagay na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD