SA mga sumunod pa na linggo, pinagpatuloy ko lamang ang plano kahit pa napapansin ko nang hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Dahil simula nang gabing 'yon na may nangyari muli sa aming dalawa ni Tyler, ginulo na ng mga sinabi niya ang utak ko. Araw-araw ay napapaisip ako. At araw-araw din, hindi ko maitatangi na lagi na siyang nasa isipan ko, na kahit gumalaw lamang ako nang kaunti ay naaalala ko siya. Maski nga yata sa panaginip ko ay nandoon siya, hindi siya mawala-wala! Hindi na lamang talaga ako nag-iisip ng mga kung ano-ano dahil natatakot akong makumpirma ang mga bagay na ayokong malaman, baka hindi ko matanggap!
"Erika, I have a question," wala sa sariling tanong ko kay Erika. Nasa cafeteria kami ngayon, kasama namin sina Rita at Vina. Hindi muna kami nagsabay na dalawa ni Tyler ngayon, may isa kasi kaming bagong classmates at saktong kaibigan niya 'yon, kaya siya muna ang sinamahan niya ngayon habang break time.
"Oh, ano naman 'yan? Mukhang seryoso 'yan, ha?" tumaas ang balikat niya nang bahagya siyang tumawa bago inumin ang juice niya.
"Paano mo ba malalaman kung . . . kung in love ka na talaga sa isang tao?" Oo, hinahangaan ko si Leon, pero minsan naiisip ko rin kung may isang daang pursyento ba na in love nga ako sa kanya dahil hindi pa naman talaga ako umibig nang husto, at mas lalong hindi pa ako nagkakaroon ng seryosong relasyon, kumbaga hindi ko alam kung may mga naging boyfriend ba ako, I'm not really sure because I'm considering them as my play toys. So maybe, wala pa talaga. At meaning lang no'n, hindi ko pa talaga alam ang salitang pag-ibig.
Well, kaya si Erika ang tinanong ko tungkol sa bagay na 'yon ay dahil siya lang naman ay may seryosong relasyon sa aming tatlo noon. Naghiwalay nga lang sila ng boyfriend niya last year dahil nawalan silang pareho ng oras sa isa't isa nang dahil busy sa mga priorities nila in life. Sayang nga, eh, 5 years din ang relationship nilang dalawa.
"Ano kamo? Paano malalaman kung in love ka na ba sa isang tao?" ulit pa niya, parang ayaw maniwala na 'yon ang sinabi at tinatanong ko sa kanya.
"Ano ba namang tanong 'yan? Pati tuloy ako, napaisip." saad ni Vina na bakas ang kuryosidad sa kanyang mukha.
"Pero paano nga ba?" si Rita din na naghihintay ng sagot mula kay Erika.
"Well, simple lang. 'Yong tipong kapag kasama mo siya, wala kang ibang nakikita kung hindi siya lang. 'Yong bang tumitigil ang lahat sa paligid mo at nasa sa kanya lang ang atensyon mo. 'Yong mararamdaman mong para kang nakalutang sa ere."
Biglang sumagi sa isipan ko ang mga oras na nakakasama ko si Tyler, na para bang masasabi kong I want to make the clock to stop working, to stop moving because I have this feelings na para bang minsan ay ayaw ko na lamang umuwi dahil gusto ko pang maglaan ng oras sa kanya. I'm really confused with myself! Pati nga ang tinanong kong 'yon ay hindi ko naman talaga pinag-isipan, bigla na lang 'yong pumasok sa utak ko. Ewan ko nga ba!
"Then?" tanong pa ni Vina. Naghihintay pa siya sa kasunod na sasabihin ni Erika.
"Ahmm, ano pa nga ba? Ahm, ito pa. 'Yong tipong ang lakas ng t***k mg puso mo kapag malapit siya sa 'yo, na pinamumulahan ka na ng pisngi at nararamdaman mo na ang kilig ng dahil sa mga ginagawa niya."
Kinikilig ba ako kapag kasama siya? Parang hindi naman, o baka naman oo at hindi ko lang maamin? Argh! I really hate this feeling! Bakit ko ha nararamdaman 'to ngayon?
"And 'yong tipong hindi ka makatulog sa gabi dahil naiisip mo siya bigla. At ito pa nga, naalala ko tuloy bigla, actually may mga kilala nga ako na ganyan, eh. Nagtanong din sila sa akin before tungkol diyan at alam ko at sigurado ako na ang mga gano'ng sitwasyon nila ay nag-uumpisa na silang maguluhan sa mga feelings nila kasi indenial sila —wait! What? Huwag mong sabihin sa akin, Heaven na may napupusuan ka na at nasa stage ka ng naguguluhan na feelings?!"
Agad-agad na lumipat ang mga tingin nilang tatlo sa akin na siyang ikinagulat ko! Nanlaki ang mga mata ko sa kanila, lalo na kay Erika dahil sa sinabi niya!
"A-ano? A-ano ba 'yang pinagsasasabi mo? H-hindi, 'no!" nautal pa ako. Hindi ko alam kung makukumbinsi ko silang tatlo sa sinabi ko! Pero hindi naman talaga! Pero . . . hindi nga ba? Argh! Dumagdag pa sa isipin ko ang mga isinagot ni Erika! Dapat pala at hindi na ako nagtanong nang hindi ko naiisip ngayon na may feelings na nga ako para kay Ty— argh! Wala! Wala akong nararamdaman! Naguguluhan lang ako pero wala akong nararamdaman! Period!
"Sigurado ka? Eh, ba't ka nagtatanong? Siguro in love ka na, 'no?" Hindi talaga ako titigilan ng babaeng 'to! Ang hirap niyang kumbinsihin minsan! Paano ko ba 'to matatakasan?
"Maybe she's already in love with that nerd, Tyler," alam kong biro lamang 'yon ni Rita dahil natatawa siya dahil alam niyang hindi ko kailanman magugustuhan ang isang tulad ni Tyler, pero sina Vina at Erika agad na muli akong tinadtad ng tanong.
"Damn, girl! Don't tell me, in love ka na sa Tyler na 'yon?" Gusto kong i-tape ang bibig ni Erika dahil ang lakas ng boses niya nang sabihin 'yon, may mga ilan tuloy na tumingin sa amin! Damn it! Gusto ko na lang talagang magpalamon ngayon sa lupa dahil para akong isinalang sa question and answer portion na hindi ko naman alam kung ano ang isasagot!
"You're in love that's why you asked?" Isa pa 'tong si Vina, sumabay pa talaga! Ginatungan pa talaga si Erika! Argh! It's your fault, Rita! Bakit naman kasi bigla niya 'yong naisip at nasabi? She's just joking but Vina and Erika take it seriously! Gusto ko na ngang tumigil sa pagtatanong dahil hindi ko na kaya pa ang mga nalalaman ko, pero sila naman ngayon ang nakabuo ng ideya na siyang hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko talaga!
"What the hell? Ano ba 'yang mga sinasabi niyo? Are you two out of your minds? Porke nagtanong, in love na agad? Hindi ba puwedeng na-curious lang dahil may nabasa lang ako or something na gano'n? Kayo, kung ano-ano agad iniisip niyo! Mali-mali naman!"
Damn it, Heaven! Ipagdasal mo na lang na hindi ka nila nahahalata at makumbinsi mo sila na hindi mo nga talaga mahal si Tyler! Na wala ka pang feelings for him! Na hindi ka sa kanya in love! Na sadyang natanong mo lang 'yon because out of curiosity. Hay, ano ba naman kasing mga pumapasok sa isipan ko?!
"And you think, gugustuhin ko 'yon? Wake up, girls! You really know me, hindi ako kailanman mahuhulog sa isang gaya niya. And it's just a dare, right? Huwag niyong bigyan ng malisya. At si Leon lang ang gusto ko, 'di ba? Kaya malabo na mahulog ako ro'n, malayo, sobrang layo." I acted like normal. Bahagya akong yumuko at nagkunwaring kakain. Alam ko kasing binabasa na ako ngayon ni Erika gamit ang mga mata ko, kaya iiwasan ko na hanggat maaari para walang mabuo na conclusion sa isip niya.
"May point ka naman. I believed in you, malabo talaga na magkaroon ka ng feelings doon. Eh, ikaw pa, hindi ka nga nags-settle sa isang relationship." wika ni Vina. Mukhang naniniwala naman ang isang 'to sa akin kaya nakahinga ako kahit papaano nang maluwag.
"I agreed, arte mo kaya!" natatawang turan ni Rita. Oh, yes, they really know me, but not anymore, maybe? I think so because I feel like I'm keeping a secret from them. But am I really keeping secrets from them? See, even me, I'm really not sure!
Mukhang hindi ko na yata talaga maintindihan ang sarili ko! Ano bang gagawin ko para masagot lahat ng ito? O alam ko nang nasagot na siya pero iniisip ko na lamang kung ano ba ang sunod na dapat kong gawin, o ano ang dapat na gawin? Umamin o ilihim? Ano ang aaminin? At ano ang ililihim? Hindi! Wala! Wala akong aaminin sa sarili ko, at mas lalong wala akong ililihim dahil wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya! Yes, I don't have feelings from Tyler! Wala, wala, wala! Hindi ako dapat nag-iisip, dahil wala naman talaga! Ba't ba ako mab-bother?
"Sigurado ka? Wala talaga?" Ayaw talagang maniwala ni Erika! Sa susunod talaga, hindi na siya ang tatanungin ko! Ang expert pa naman niya pagdating sa ganito!
"Wala nga sabi! Ang kulit nito! Wala, period!" agad kong sagot. Bahala na sila kung ayaw niyang maniwala, wala naman na rin aking maidadahilan pa. Naubusan na yata ako ng mga palusot.
Nang matapos ang pag-uusap na 'yon, sawakas, tumunog na rin ang bell kaya agad na kaming nagsibalik sa room namin. At nang ngang makita muli si Tyler at nginitian pa niya ako, doon ko na nakumpirma.
Deny ako nang deny sa sarili ko, 'yong bang alam ko na pero pilit ko pa rin na itinatanggi. So, now, I really know to myself that I'm indenial to my feelings from him. Ngunit hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap ng dahil sa mga ipinakita niya, tuluyan din akong nahulog sa bitag na siyang ako mismo ang gumawa!
Pero hindi ko pa rin aaminin kahit na alam ko na kung bakit ako naguguluhan at kung bakit ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam nang mag-umpisa 'yong mangyari!
Wala naman din akong dapat na isipin, eh, pero bakit sa tuwing nilalayo ko ang katotohanan na 'yon sa akin, mas lalo lamang ako no'n na ginugulo, mas lalo ako no'ng hinahabol. Na lalo lamang ako no'ng pinipilit na aminin ang bagay na siyang iniiwasan ko. Kaya ngayon, hanggat kaya ko pa, at kaya ko pang pigilan 'to, mananatili 'yong lihim. Mananatili akong walang kibo at ipagsasawalang bahala na lamang 'yon.
Bakit kasi sa kanya pa? Bakit iba sa gusto ko ang ibinigay sa akin? Bakit iba ang nakuha ko? Bakit sa iba ako mas lalong nahulog? Bakit hindi kay Leon? Bakit hindi sa mas mayaman, hindi tulad niya na mahirap lang? Bakit sa kanya pa? Bakit?