Ngunit may mali nga ba ro'n? Oo, tama, may mali! Una, hindi siya nababagay sa isang tulad ko. Pangalawa, hindi siya ang lalaking mamahalin ko. At pangatlo, hindi kami bagay para sa isa't isa. May mas deserve pa ako na iba at alam kong hindi siya 'yon.
Tutal, patapos naman na rin ang buwan. Siguro ay tama na ang kahibangan na 'yon. I need to stop it bago pa mahuli ang lahat. Kailangan ko nang dumistansya at lumayo. Kailangan ko nang itigil 'yon bago pa mas lalong lumala 'tong nararamdaman ko. Bahala na kung ano ang mangyari pagkatapos no'n pero iiwas na ako ngayon pa lang.
I'm Heaven, I'm a Laurier, at kahit kailan hinding-hindi ko ibaba ang sarili sa mga taong tulad niya. He's not the best for me. He's not deserving for me, I deserve more than to him.
I know, this is the best thing that I can do. This is for myself, for my image, for my reputation. Bahala na sina Erika kung ano ang mangyayari sa friendship namin dahil hindi ko na matatapos ang dare na 'yon, pero alam ko naman na malabo kaming magkasirang apat. So, right now, I will stop this already. I can't control this anymore. Baka kapag hindi ako nakapagpigil, ako mismo ang pipigil sa balak kong gawin at wala nang pakielam pa sa sasabihin ng iba.
Sana lang ay maging maayos ang lahat bukas, dahil ayokong bumigat ang dibdib ko sa bagay na hindi ko matanggap-tanggap at 'yon nga ay ang tuluyan kong pagkahulog kay Tyler. Oo, inaamin ko, na sa gano'ng kaikling panahon, ng dahil sa mga ipinaramdam niya sa akin ay tuluyan na nga niyang nagulo ang buhay ko, ang feelings ko, ang lahat sa akin.
Kaya ngayon, gusto ko na 'yong mawala lahat at bumalik na lamang sa dati ang pakiramdam ko, pakiramdam na hindi nahahalo ang emosyon pagdating sa usapang damdamin.
Ang sakit ng ulo ko nang pagkagising ko. Hindi ko nga alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi o kung nakatulog nga ba talaga ako dahil hindi mawala-wala sa isipan ko ang naging usapan namin kahapon nina Erika. It's still in my head, f**k! Hanggang sa pagtulog ko ba naman at kahit sa pagmulat ulit ng mga mata ko, naaalala ko pa rin 'yon! Ayaw yata talaga ako no'n na lubayan! It's like, that thing is hunting me, even in my dreams!
Lumilipad ang utak ko habang nag-aayos para sa pagpasok ko sa school. Iniisip ko kasi kung ano ang maaaring mangyari mamaya. At hindi ko rin naman alam kung ano ba ang mga magagawa ko! I'm nervous, and I really don't know why! Damn it, hindi ako makakilos nang maayos! Ngayon lamang talaga ako naging ganito kabalisa! Ano ba naman kasing ginawa ng lalaking 'yon sa akin at hindi siya maalis-alis sa utak ko kahit na sandali man lang?!
Gusto ko na lamang talagang sampalin ang sarili dahil pinasok ko ang ganitong sitwasyon pero hindi ko naman alam kung paano ba makakalabas nang walang nasasaktan! Ngunit bakit ako mag-aalala sa feelings niya? Bakit ako mag-aalala sa feelings ng iba? Hindi ako 'to! I never give any concern to the other people! Wala akong pakielam sa kanila! Ang mahalaga sa akin simula pa man noon ay ang sasaya ako habang ginagamit sila, ngunit ano'ng nangyayari sa akin ngayon? Concern to him? I should've not! I really can't accept it! Hindi ko matanggap na kahit ayaw kong maging concern sa kanya, still, I'm worried about him!
Heaven, you really need to stop this nonsense thing! Kung ano man ang ginagawa mo, that is insane! Literally insane! Kung alam ko lang pala talaga na mangyayari lahat ng 'to, hindi na sana ako pumayag sa dare na 'yon! Ngunit, ito ba ang dahilan kung bakit nangyari ang dare na 'yon? Itinadhana na 'yon ang kalalabasan? Ang mahulog ako sa kanya? Ang magkaroon ako ng feelings sa isang tulad niya?
Pero, hindi! Katangahan lamang ang pagpayag ko ro'n! Hindi ko dapat siya gustuhin dahil hindi kami nababagay sa isa't isa! Wala siyang patutunguhan, sigurado ako ro'n dahil mahirap lamang siya! Walang mararating ang mga katulad niya!
At ano na lamang din ngayon ang napala ko? Parang kahit wala naman siyang ginawang masama sa akin at wala naman siyang intensyon na masama, pakiramdam ko, ako ang mas sobrang naaapektuhan! At sino ba ang dapat kong sisihin kung gano'n? Ayoko naman sisihin ang sarili ko, pero alam kong ako pa rin ang may dahilan no'n!
Kung in love na nga ako sa kanya, dapat ba akong magpasalamat sa mga kaibigan dahil natutunan kong magmahal? But, no, we will not work together If still persue that f*****g imagination, masisira lamang ang buhay ko! Hindi ang isang tulad niya ang nababagay sa akin! I will not love him! Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon, sigurado akong mawawala rin 'yon pagkatapos. I know, I'm just confused on my feelings, but later on alam kong maglalaho rin 'yon dahil ako mismo ang pipigil sa sarili kong nararamdaman para lang wala na akong maramdaman ni katiting na concern at pagmamahal para sa kanya.
"Hoy, puyat ka, 'Teh?" Nakapameywang na tanong agad sa akin ni Erika nang maupo na ako sa tabi nila.
"May ginawa lang," I lied. What am I supposed to say? Na napuyat ako ng dahil sa kakaisip sa Tyler na 'yon? No way!
"Ay, alam ko na, nadiligan ka na naman, ano? Napuyat ka sa chukchakan ninyo ng nerd na 'yon, tama ba?" Gustong umikot ng mga mata ko sa sinabi ni Rita. Ayaw ko na ngang makita si Tyler, eh. Tapos makikipag-s*x pa muli ako sa kanya? God, I'm starting to distance myself! Kung alam lang nila.
"May ginawa lang talaga ako." walang ganang sabi ko sa kanila bago ilabas ang libro ko sa Agham para mag-review dahil may quiz kami mamaya roon. Ayoko na muna ring magsalita, naba-blangko lamang ang utak ko at hindi ako makapag-concentrate nang maayos. Masyadong magulo ang utak ko ngayon para makausap ko sila nang matino.
Nang pumasok na ang professor namin sa Matematika, 'yon din ang pagpasok ni Tyler sa classroom. Agad siyang ngumiti sa akin nang magtama ang mga mata namin, pero hindi ako nagbigay ng kahit na anong tugon. Marahil ay hindi naman niya pansin kung nginitian ko rin ba siya pabalik, basta ay nanatili pa rin sa mga labi niya ang malapad na ngiti. Ayoko sanang mag-assume, pero alam ko pa rin na ako ang dahilan no'n kung bakit siya nakangiti, kung bakit parang masaya ang mukha niya sa tuwing papasok ng room.
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagd-disscuss ng aming professor kahit pa wala ang concentration ko sa mga sinasabi niya sa harapan.
Nang mag-break na, ako ang unang lumabas para pumunta sa locker ko. Tinawag pa nga ni Tyler ang pangalan ko, ngunit hindi pa rin ako lumingon. Naiinis na ako sa sarili ko! Ni wala nga akong naintindihan sa mga lessons kanina ng mga prof namin, eh. Pati sa quiz namin kanina, hindi ako sigurado sa mga pinaglalagay kong sagot sa test paper ko! Nawala na talaga ang pokus ko dahil hanggang ngayon ay lumilipad pa rin ang utak ko sa kung saan.
"Mahal!" tumakbo patungo sa akin si Tyler nang makitang narito nga ako sa locker. Mariin akong napapikit.
Niyakap niya agad ako nang makalapit na siya sa akin. Hinalikan pa niya ako sa pisngi ko habang hawak ang isang bulaklak. Binigay niya 'yon sa akin nang may ngiti sa kanyang mga labi. Tinignan ko lang siya nang walang ekspresyon. Gusto ko siyang sigawan sa ginagawa niya, gusto ko siyang sampalin dahil bakit niya ako tinatrato nang ganito? He treats me like a queen, and I don't like it because he doesn't deserve me! He treats me like I'm worth it, while me, I'm treating him like a trash.
Oo, alam kong ako talaga ang may mali. Dahil minamahal lang naman niya ako, eh, pero ako lang 'tong may problema. And I really know na hindi niya talaga ako deserve, kahit pa sinasabi kong I deserve someone better, still, he deserves more better than me. Dahil kahit pa lagi niyang sinasabi sa akin na wala siyang pakielam sa papalit-palit ko ng lalaki bago naging kami, alam kong sa sarili ko, may mabuti siyang puso at totoo siya kung magmahal. Kaya ang pagmamahal na meron siya para sa akin ay hindi ko deserve, dahil wala akong ibang ginawa kung hindi balewalain 'yon nang hindi niya nalalaman. So, he really deserves to find his true love, at alam kong sa una pa lamang . . . hindi na ako 'yon.
"Kain na tayo, mahal. Anong gusto mong kainin?" Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at hinila na ako patungong cafeteria. Hindi pa rin ako nagsasalita kahit pa ang dami na niyang sinabi sa akin.
Nakatingin lamang ako sa kanya at iniisip na, paano 'pag hindi na ganito bukas? Paano kapag wala nang hahawak sa kamay ko, na wala nang tatawag sa akin ng gano'n, at wala nang isang Tyler sa tabi ko, na wala na ang presensya niya dahil mas pinili kong mawala siya. Ano kaya ang mangyayari sa akin pagkatapos no'n? Balik ba ako sa dati no'n? 'Yong tipong titikim muli ng iba't ibang lalaki para mapunan ang pangangailangan ko, ang gusto ko? Ngayon pa lamang na iniisip kong wala siya, ramdam ko na ang paninikip ng dibdib ko.
Aminin ko man o hindi, alam kong may nagbago na sa akin. Nagbago na nga ako nang tuluyan. Binago niya ako. He made me like this, 'yong tipong may concern na sa feelings ng iba, 'yong nag-aalala ka na para sa iba. Nakakapanibago sa pakiramdam dahil parang masasabi ko na ngayon na may nararamdaman na 'tong puso ko. Na hindi na 'yon tulad ng dati na walang pake sa lahat. Pero hindi pa rin ako nakakasigurado sa mga puwede kong gawin, dahil baka kapag nawala ako sa sarili ko ay may magawa akong bagay na mapagsisisihan ko talaga sa bandang huli. Natatakot ako!
"Kanina ka pa walang kibo. May problema ba? Puwede mong sabihin sa akin." Nag-aalala niya akong tinignan. Nag-iwas agad ako ng tingin saka yumuko.
"Ayos lang ako." maikling sagot ko. Gusto ko sanang isagot ay hindi, pero hindi ko naman 'yon puwedeng gawin.