"No, you're not ok. May nangyari ba? Ikuwento mo sa akin, makikinig ako. May problema ka ba, mahal? Kanina, tinawag kita pero hindi mo ako pinansin. Pero okay lang 'yon, inisip ko na lang na baka hindi mo ako narinig." Na-guilty ako bigla sa sinabi niya. Ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya.
Mali ba ang ginawa ko? Ay mali, mali pala talaga lahat ng ginagawa ko. Niloloko ko na lamang siya habang patagal na nang patagal. It's like, we're still on the game and at hindi pa tuluyang nasasabi na tapos na 'yon. Ngunit paano ko nga ba tatapusin? Saan ko uumpisahan? Paano?
"Sabihin mo sa'kin, ano'ng nangyari?" Ayaw niya pa rin akong tigilan. I sighed deeply before answering.
"Ayos lang talaga ako. I'm sorry, pero maiwan na muna kita." Agad kong sinukbit ang bag ko sa balikat ko at nagmadaling nagmartsa palabas ng cafeteria. I need to breathe! Mali yata na pumasok pa ako ngayon. Uuwi na lang muna ako dahil wala rin naman ako sa kondisyon para kausapin sila, lalo na ang mag-pokus sa pag-aaral.
Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Tyler bago ako tuluyang makalabas sa lugar na 'yon. Ngunit hindi ko na siya nilingon pa o ano. Ayoko na siyang bigyan pa ng daan para ipagpatuloy ang pagmamahal niya sa akin, ako na mismo agad ang puputol no'n.
"Argh!" Halos wala nang natira na unan sa kama ko nang simulan ko 'yong ipagbabato sa kung saan. I'm really frustrated! Sigurado akong hindi na naman ako nito makakatulog mamaya!
Tulala ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad kong binuksan 'yon para makita kung sino ang tumatawag, and it's Tyler!
Tyler's calling
Answer - Cancel
Sa halip na sagutin ang tawag niya, mas pinili kong patayin ang cellphone ko para hindi siya makausap. For sure, tatawag 'yon hanggang mamaya. Alam na alam ko na kapag nag-aalala siya, hindi ka talaga niya titigilan hanggat hindi naaayos ang malabong usapan niyo. But, no, I will not answer his calls! Iniiwasan ko na nga siya, eh. Hindi ko na puwedeng ilapit pa ang sarili ko sa kanya. Because starting tomorrow, he's already out of my life. Balik na ako sa routine ko, balik na ako sa dating ako. I don't care about him anymore. Kung ang pagpasok sa buhay niya ay maraming isipin, mas gugustuhin ko na lamang na manatili sa buhay na meron ako, a reckless girl who are always looking for someone who can f**k me every night.
Pagsapit ng gabi, hindi ko na inisip pa si Tyler. At mas lalong hindi ko na sinagot pa ang mga tawag niya sa akin, I just cancelled his missed calls. Sigurado akong kukulitin lamang ako no'n kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.
I'm concentrating myself into other things. Nai-stress lamang ako sa tuwing papasok siya sa utak ko, at ayoko no'n! Ayoko nang may iniisip ako! Ayoko nang may bumabagabag sa akin, ayoko! Hindi lamang ako makakagalaw kapag gano'n. Hindi ako makakakilos nang maayos kapag may gagawin ako.
And after all, wala rin namang mangyayari kapag inisip ko pa siya, eh. Sinasayang ko na lamang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay, sa mga walang kwentang tulad niya. Yes, maybe I'm so much harsh to him, but I just do that just to forget my feelings for him. I'm avoiding him already and totally! I want to sleep at night nang hindi siya ang iniisip ko! Inaasahan ko na lamang na bukas, sana, sana talaga, bumalik na sa normal ang buhay ko. 'Yong tipong nage-enjoy lang ako nang walang sagabal sa isip ko.
"Heaven!" Agad akong napalingon sa boses na tumawag sa akin, at gustong umikot ng nga mata ko nang makumpira ngang si Tyler 'yon.
Fuck! How did he knows on where I am? Nasa likod ako ng school, dito ako madalas tumambay para magpalamig.
Automatiko kong tinapon ang sigarilyong hawak ko at kinuha ang bag para iwasan siya.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at texts ko sa 'yo?" Sandali akong tumigil sa paglalakad at binalingan siya ng tingin. Halatang galit siya dahil hinihingal siya sa huling sinabi.
"Busy ako. Marami pa akong gagawin kaya aalis na ako." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay muli akong nagmartsa palayo sa kanya, ngunit humarang siya sa dinaraanan ko kung kaya't tumigil muli ako sa paglalakad.
"Ano ba? Sabing may gagawin—"
"Bakit parang iniiwasan mo ako? May problema ba, ha?" Naging malungkot ang tono ng kanyang boses. Napalunok ako, ngunit tinatagan kong makipagtitigan sa kanya nang mata sa mata na para bang wala akong pakialam sa kung ano ang nararamdaman niya.
"Wala. Walang problema, ok?" agarang sagot ko at naglakad muli. Kinakausap niya ako habang hinahabol din ang bilis ng paghakbang ko.
"Hindi, may problema. May nagawa ba ako? May mali ba akong nagawa kung kaya't iniiwasan mo 'ko? Kung kaya't hindi mo ako halos pansinin—"
"Inuulit ko, wala nga sabi!"
"Kung walang problema, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa 'yo? Text ako nang text, tawag ako nang tawag pero kina-cancell mo ang mga 'yon! Ni hindi ka man lang sumagot kahit isang beses!" Tumataas na ang boses niya. Nang nasa hallway na kami patungo sa building ng classroom namin, pinagtitinginan na kami ng mga ibang studyante pero wala akong pakielam sa kanila, hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Ano? Sagutin mo ako—"
"Busy lang ako, ok? Marami akong ginagawa. At saka, hindi naman ako obligado na sagutin ang mga tawag mo sa akin!"
"Anong hindi obligado? Heaven, boyfriend mo ako! Kaya nga kita tinatanong kung may problema ka ba kasi nag-aalala ako para sa 'yo! Lalo pa't ang lamig mo sa akin. Kahapon ka pa ganyan, hinahayaan lamang kita dahil ayokong mag-isip ng kung ano-ano—"
"Edi, hayaan mo na talaga ako para hindi ka nag-iisip ng kung ano-ano riyan! Ang dali namang solusyonan ng problema mo pero pinapalaki mo!" tumaas na rin ang boses ko. Lahat ng tao ay nakatingin na sa amin at nag-uumpisa nang magbulungan.
"Ano? Bakit ka biglang naging ganyan? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Hindi ka naman ganyan nang huli tayong magkasama, ha?"
"Ano bang inaasahan mo, Tyler? Na kapag trinato kitang special no'ng isang araw, gusto mo araw-araw? Sino ka ba?" Lahat ng mga studyante napa "woah" sa sinabi ko. Naitikom tuloy bigla ni Tyler ang kanyang bibig, para bang napahiya siya sa itsura niyang 'yon.
Bumigat naman ang aking pakiramdam kaya agad na akong umalis doon. Ngunit ilang sandali pa lamang, naramdaman ko na naman ang presensya niya sa tabi ko kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad.
"Ano ba, Heaven? Huwag mo 'kong tatalikuran, kinakausap pa kita!" Gusto kong mapamura! Nahabol na naman niya ako! Hindi ba talaga siya makaintindi? Hindi pa ba talaga niya ma-gets na ang pakikitungo ko sa kanya ay siya ring sagot ko sa mga tanong niya? Hindi ba niya talaga nararamdaman na dahil malamig ang pakikitungo ko sa kanya ay dahil ayaw ko na siyang makausap pa kahit kailan? Na ayoko nang magkaroon pa ng ni katiting na komunikasyon sa kanya simula ngayon? Manhid ba siya o sadyang nagta-tanga tangaan lang?
"Ano ba'ng problema mo?" galit kong tanong.
"Anong ano ang problema ko? Sa 'yo ko nga dapat itanong 'yan, eh! Ano bang problema mo? At ano 'yong mga sinabi mo sa akin? H-hindi ko maintindihan!" Naguguluhan na siya.
"Ok, para matapos na 'yang pagtatanong mo. It's over." mariin kong sinabi. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya.
"A-anong it's over ang sinasabi mo? Bakit hindi mo ako deretsuhin para hindi ako nagmumukhang tanga rito! Tangina naman, eh! Gulong-gulo na ako sa mga ipinapakita mo sa akin, habang ikaw rito, parang wala namang pakielam sa nangyayari!" Nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Alam ko na alam na niya ang tinutukoy ko sa sinabi ko, ngunit gusto pa rin niya mas linawin ko 'yon.
"Huwag mo nga akong dramahan, Tyler! At isa pa, tapos na tayo," mariin kong sambit. Diniinan ko talaga para mas makuha niya ang gusto kong sabihin, "Ok na ba? Naipaliwanag ko na ba niyan nang maayos? Naiintindihan mo na ba? O kailangan ko pang ulitin para mas lalo mong maintindi—"
"Bakit?!" ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa sinabi ko, "Tapos na tayo? Heaven, hindi naman natin napag-usapan 'yan, ha? Ni hindi man lang ako nasabihan at basta-basta mo na lang 'yang sasabihin 'yan sa akin ngayon?"
"Bakit? Kailangan ba na magpaalam pa ako sa 'yo? Na kailangan ko pang sabihin kung gusto ko na bang makipaghiwalay o hindi? Sa pagkakatanda ko, I never say goodbye to someone Aalis ako kung gusto ko. Mang-iiwan ako kung gusto ko! I don't need your consent, Tyler, this is my decision for myself! So, I want you to stay away from me!"
"Ano? Gano'n-gano'n na lang 'yon? B-basta-basta mo na lang ako iiwan sa ere nang walang pasabi? Heaven, boyfriend mo ako kaya natural lang na sabihin mo sa akin 'yon! Hindi 'yong basta-basta ka na lang magiging ganyan na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan!"
I need to stop talking, baka kung ano pa ang masabi ko. Kaya sa halip na sagutin pa siya, muli na akong naglakad. Ngunit sa huling pagkakataon, hinila niya ang kamay ko at inaharap sa kanya.
"H-huwag ganito, please. Kausapin mo 'ko nang maayos. Mag-usap tayo nang maayos, pakiusap. A-ayoko nang ganito, please, mahal. Pag-usapan natin 'to." he almost begged. Habang nakatingin sa mga mata niyang lumuluha, doon ko mas napatunayang mahal nga talaga niya ako. Ngunit hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react doon. Ang gusto ko lamang ngayon ay makalayo sa kanya dahil habang patagal na nang patagal na nakikita ko siyang gano'n na nahihirapan, nakakaramdam ako ng awa at parang gustong sumabay ng mga luha ko sa bawat pagpatak din ng mga luha niya.
"Bitiwan mo ako," pakiusap ko sa kanya. Parang hindi niya narinig ang sinabi ko kung kaya't inulit ko pa. "Bitiwan mo sabi ako!"