Chapter 9

1712 Words
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi natin inaayos 'to!" pagmamatigas naman niya. Nauubos na ang pasensya ko at gusto ko na talagang matapos 'to, kaya naman pinilit kong binawi ang mga kamay ko mula sa kanya ngunit sa higpit ng hawak niya hindi ako makawala. Para bang ayaw niya talaga akong umalis hanggat hindi namin 'yon napag-usapan para ayusin. "Kung ayaw mong gumawa ako ng eskandalo rito, bitiwan mo 'ko!" pananakot ko naman. Ngunit parang hindi naman siya natakot sa sinabi ko, hindi siya natinag at mas lalo lamang akong inilapit sa kanya. Halos magkadikit na ang mga katawan namin pati ang mga mukha namin habang pumapagitna sa amin ay ang mga kamay kong hawak-hawak niya. "Hindi, pag-usapan natin 'to —ah!" Napahiyaw siya sa ginawa kong pagkagat sa kamay niya para sana makawala ngunit wala naman sa sariling naging marahas ang pagkakabitaw niya sa akin, hindi ako naging handa doon kaya napaupo ako sa sahig at ang sakit ng pagkakabagsak ko. "A-ah!" napahawak ako sa balakang ko habang iniinda ang sakit. "f**k! S-sorry, mahal!" nilapitan ako ni Tyler dala ang nag-aalala niyang mukha, "Hindi ko sinasadya. I'm sorry, hindi ko intensyon na masaktan ka. I'm sorry, mahal! I'm sorry!" paulit-ulit niyang sambit habang tinutulungan akong makatayo mula sa pagkakabagsak ko sa magaspang na sahig. "Tignan mo na ang ginawa mo, nasaktan tuloy ako!" Hindi siya nakakibo sa paratang ko sa kanya. Kung kasing hinayaan na lamang niya ako, hindi na kami aabot pa sa gano'n! Pinipilit pa niya ang gusto niya, eh, sa ayaw ko na nga! Nakakamanhid ba talaga ang pagmamahal? "Kaya ngayon, inuulit ko sa 'yo, tigilan mo na ako at huwag na huwag mo na akong kakausapin pa dahil tapos na tayong dalawa." Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya, tuluyan ko na siyang iniwan doon para makapunta na sa classroom dahil sigurado akong nag-uumpisa na ngayon ang klase namin. Nasa akin lahat ng atensyon nang pumasok ako sa classroom. Agad din akong tinadtad ng mga tanong ng mga kaibigan kung bakit daw ako na-late, ngunit isa man sa mga tanong nila ay wala akong naisagot. Lumipas ang mga minuto, hindi sa hinihintay kong pumasok si Tyler mula sa pintong 'yon, ngunit kanina pa rin siya late tulad ko! Hindi pa ba siya papasok? Oh, damn, Heaven, ba't ba nag-aalala at iniisip mo pa siya? Bahala siya sa buhay niya! Masyado niya ba talagang dinadam ang mga sinabi ko at ang mga nangyari sa amin ngayon? Ano, natulala ba siya kung saan ko siya iniwan kanina kung kaya't wala pa siya hanggang ngayon? Natapos ang klase nang walang Tyler na pumasok sa classroom. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon dahil hindi ko siya nakita, but all I felt was guilty, kahit wala naman akong dapat na ika-guilty! Hay! Bakit ko pa ba siya inaalala? Dapat ay tuluyan ko na siyang kalimutan ngayon dahil tuluyan na rin naman kaming wala. At mabuti na lang, alam na rin niya. At least, hindi na ako mage-explain pa nang mage-explain sa kanya. Ayoko na rin naman na magkausap pa kaming muli dahil sigurado akong pipilitin lamang no'n ako na bumalik sa kanya. Pagkauwi sa bahay, humilata agad ako sa aking kama habang suot pa rin ang aking uniporme. Parang naramdaman ko bigla ang pagkawalan ko ng gana na kumilos, hindi ko naman alam kung bakit. Para bang nawalan ako ng buhay bigla. Sa halip na mag-isip pa, itinulog ko na lamang 'yon. Nang magising naman ako, hapon na pala. Nagawi ang aking tingin sa cellphone ko na nasa tabi, kahit ayaw ko 'yong buksan ay binuksan ko pa rin dahil para ako no'n na tinutulak na tignan kung meron ba akong missed calls sa kanya, ngunit napabuntong hininga lamang ako nang makitang ni wala man lang siyang message o tawag mula sa kanya. Ang huling tawag pa niya at text ay kahapon pa. But, what? Wait! Am I assuming? Am I hoping? Or am I expecting that he's going to call me? Argh! f**k! Nasisiraan na yata talaga ako ng ulo! Kahit anong iwas ko, ang hirap pa rin umiwas! 'Yong para bang bawat kilos mo ay naaalala mo siya, 'yong tipong kada galaw mo ay naririnig mo ang boses niya kahit na imahinasyon lamang 'yon, 'yong bang kahit na hindi mo siya inaalala ay naga-appear na lamang bigla ang imahe niya sa isipan mo, at 'yong tipo ring . . . gusto mong maramdaman ang presensya niya kahit deny na deny kang ayaw mo siyang makita. Habang naghihintay ng kinabukasan, wala lang akong ibang ginawa kung hindi ang libangin ang sarili sa ibang bagay para makalimutan siya nang tuluyan. Nanood ako ng movie, naglaro ng games, nag-sound trip, lahat na yata ginawa ko para lang mawala ang isipan ko sa kanya, and it works naman. Ngunit hindi ko inaasahan na pagdating ng bukas ay magugulo na naman ang patahimik ko nang mundo dahil akala ko ay tapos na si Tyler sa akin dahil lang sa hindi na siya nagparamdam pa simula nang magkasagutan kami, ngunit nagkamali ako ng akala nang . . . "Mahal, mag-usap tayo, oh. I'm sorry sa nangyari kahapon, kung nasigawan kita at 'di sinasadyang matulak," nagulat ako nang lumitaw na lamang si Tyler sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit. Hindi naman ako agad nakahuma sa ginawa niya kaya natulala ako nang panandalian. "Miss na miss na kita nang sobra." malambing ang boses nito, ngunit hindi pa rin nawawala roon ang pagkalungkot, "Bumalik na tayo sa dati. Hindi ako galit, nagtampo lang ako sa 'yo. Pero ok na ako ngayon at umaasa akong gano'n ka rin, na nakapag-isip ka na sa mga maling nasabi mo kahapon. Kaya, mahal, ayos tayo, 'di ba—" "Ano bang ginagawa mo rito? This is a ladies restroom!" Putol ko agad sa kanyang sasabihin at inilayo ang sarili mula sa pagkakayakap niya sa akin. "At puwede ba, nahihibang ka na ba talaga, ha? Lilinawin kong muli ang sinabi ko sa 'yo. Una, walang mali sa mga binitawan kong salita kahapon, ok? Ano? Ayaw mo pa rin paniwalaan na totoo ang mga 'yon? Bulag-bulagan lang? Tanga-tangahan lang, ha, Tyler?" Mas lalong lumukot ang mukha niya sa inasta ko. At ano ang gagawin ko kung gano'n? Ngitian siya at sabihing ok lang kami, gano'n? "Tapos na tayo, naiintindihan mo? Wala nang tayo kaya itigil mo na ang ilusyon mo na tayo pa dahil hinding-hindi na mangyayari 'yon kahit na kailan!" sigaw ko sa mukha niya nang matauhan siya. "You're lying," halos pabulong niya lang 'yong sinabi. Ramdam ko ang pagod sa kanyang tono. "I'm not lying, Tyler," I answered in a serious tone. Ayoko na muling humaba pa nang humaba ang usapan namin dahil sa huli, wala rin naman mangyayari dahil tapos na kami. Humarap ako sa salamin at wala siyang pakialam na hinayaan na manatiling nakatayo roon. Ano ba'ng gagawin ko para mapaalis siya? Para tigilan na niya ako? Para lubayan na niya ako? Kahit yata sigawan ko siya ay hindi niya ako iiwanan! O kahit ipagtabuyan ko siya nang paulit-ulit ay hindi niya pa rin gagawin! Ang tigas niya! Matigas pa siya sa bato! "Kung gano'n, sabihin mo sa aking hindi mo na ako mahal." Gusto kong tumawa nang pagak dahil gusto ko siyang sagutin na mahal ko siya, ngunit pinilit kong manahimik at itago na lamang 'yon dahil wala namang kwenta ang pagmamahal na 'yan! Nagsasayang lang ako ng oras! He's not worth it! Habang hawak ang lipstick na idadagdag ko sana sa shade dito sa labi ko, hinarap ko siya at blangkong mukha siyang tinignan. "Hindi na kita mahal —hmmp!" sa halip na maituloy ang sasabihin ko ay bigla niyang hinila ang baywang ko palapit sa kanya at malumanay na hinalikan. Nagulat ako sa kanyang ginawa kung kaya't hindi ako nakapalaga nang una. Ngunit sa halip na pumalag sa kanyang ginagawa, nag-init lamang ang aking pakiramdam dahil na-miss ko 'yon! Aaminin kong na-miss kong halikan niya, na-miss kong ganito niya ako angkinin. Hawak pa rin niya ang baywang ko habang inaatras niya ako sa tabi ng sink. Ako naman ay nakahawak lamang sa kanyang shirt nang tumama ang aking likod sa counter. He pushed his tongue inside my mouth, habang ako ay hindi alam kung paano sasabayan ang bilis ng kanyang paghalik! Para itong uhaw na uhaw, sabik na sabik! Naisip ko tuloy, marahil ay na-miss niya rin ako kung kaya't mabilis ang kanyang mga kilos. Gaganti pa lamang sana ako nang halik nang maalala kong mali 'yon. Damn it, why did I let him kissed and touch me?! Ang tanga mo, Heaven! You just gave him false hope na siya namang papaniwalaan niya panigurado! Hindi ka talaga nag-iisip! Tanga ka rin, eh! Nagmulat ako ng mga mata habang si Tyler ay nakapikit pa rin habang patuloy pa rin sa paghalik sa akin. Kahit din hindi ko tignan ang sarili, alam kong nabuksan na niya ang ilan sa mga butones ng uniform ko, and it's already exposing my chest! At nang may marinig akong ingay mula sa labas, alam ko nang may patungo ngayon sa mismong restroom kung nasaan kami ngayon ni Tyler. And an idea came up into my head. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa balak, agad ko na 'yong ginawa. "Tulong! Tulungan niyo ako!" paulit-ulit kong sigaw nang itulak si Tyler at umakto pang naiiyak na. Nakita ko ang kaguluhan sa kanyang mukha nang gawin ko 'yon. "Tulungan niyo ako, pakiusap! Someone's tried to raped me!" naiiyak kong sambit habang bumababa mula sa sink. At sumiksik sa gilid at nagkunwaring takot na takot. Pagkaraan lamang ng ilang segundo ay may pumasok na mga kababaihan sa restroom at nagulat sila sa nadatnan nila. "Help me, he tried to raped me!" tukoy ko kay Tyler na siyang ikinabaling ng tingin nila rito. Agad naman na umiling si Tyler. Nakita ko na gustong-gustong niyang magsalita para ipagtanggol ang sarili sa akusa ko sa kanya ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang kanyang sarili sa mga babaeng kaharap namin. "Ayos ka lang ba, Ms. Heaven?" nang lapitan niya ako ngunit hindi ako nagsalita, mas lalo kong ipinakita na takot na takot nga ako. "Kayo, humingi kayo ng tulong." utos niya sa mga kasama niya, agad naman na sumunod ang mga 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD