Chapter 10

1737 Words
"W-wala akong ginawang masama. You know that, Heaven! I did not try to rape you!" he tried to explain himself. "I didn't do something! Sabihin mong hindi totoo 'yon—" "Kitang-kita ang bakas ng ginawa mo. Halos wala na siyang damit sa kanyang itaas at takot na takot siya sa ginawa mo." wika no'ng babae. "Hindi! Hindi totoo—" hindi pa man natatapos ni Tyler ang sasabihin nang sunod-sunod nang pumasok ang mga nakatatas sa school ng Chalida High. Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila nang makita ang aking itsura, at masamang tingin ang ipinukol kay Tyler nang bumaling na ang kanilang mga tingin sa kanya. "Ms. Laurier, ayos ka lang po ba?" magalang na wika no'ng isang teacher sa akin nang lapitan ako. Tinakpan din nila ang aking hinaharap gamit ang blazer saka tinulungan na itinayo. Umakto akong nanlalambot sa nangyari para mas lalong mapaniwala silang lahat na tinangka nga akong pagsamantalahin ni Tyler. "Tumawag na kayo ng police. Kailangan siyang arestuhin para pagbayaran ang ginawa niyang pagsasamantala sa kahinaan ni Ms. Laurier." saad naman no'ng punong-guro. At agad na naging mabilis ang mga pangyayari, hindi ko na namamalayan na nasa clinic na pala ako at nabalitaan na lamang dito na inaresto na si Tyler nang mga police. Agad siyang nakuha ng mga ito dahil sapat na raw na rason ang nangyari sa akin at ang itsura ko para gawing ibidensya laban sa kanya upang makulong siya sa loob ng selda. "Anak!" agad akong niyakap ni Daddy. Alalang-alala ang kanyang mukha at boses. "Are you ok, huh? Tell me? Sinaktan ka ba niya? Ano'ng ginawa niya sa 'yo? Sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan nang dahil sa ginawa ng lalaking 'yon!" bawat bitaw ng mga salita ni Daddy ay mariin. Biglang nabuhay ang takot sa aking dibdib nang magproseso ang kanyang sinabi sa aking isip at ma-realized 'yon nang paunti-unti. And then, nang mas lalo kong naisip ang mga nangyari, ang mga sinabi ni Daddy, doon ako parang bumalik sa reyalidad, doon ko napagtanto ang mga nangyari kanina, doon ko na-realized na mali ang ginawa ko. Na isang malaking gulo ang ginawa ko! Na isang malaking eskadalo 'yon na ikakasira ng imahe at pangalan ni Tyler sa lahat ng taong naniwalang ginawan niya nga ako ng masama! Fuck, Heaven, what did you just do? Accused him that he tried to raped you? Ang gaga ko! Anong katangahan ang ginawa ko ngayon! Damn it! "D-dad, he didn't r--" hindi ko maamin kay Daddy ang katotohanan. Dahil bigla kong naisip na kapag sinabi ko ang totoo, siguradong magagalit siya sa akin. At worse is bumaligtad ang sitwasyon, kami ang mapapahiya sa nangyari! I can't ruin our image, but I just ruined someone's innocent. Gusto kong sampalin ang sarili! Gusto kong isigaw ang pananakip bigla ng dibdib ko sa isiping napano na kaya ngayon si Tyler. Gusto kong maiyak! Gusto kong kaawaan siya dahil nilagay ko siya sa gano'ng sitwasyon. Hindi ako nag-isip! Hindi ako nag-iisip! Nagpadalos-dalos ako sa mga ginawa ko, para ano? Para lang mapatigil na talaga siya sa kakahabol sa akin? The f**k is your f*****g reason, Heaven! Ang bigat ng ginawa mo at hindi 'yon nakakatuwang biro! Tyler got in jailed, and it's because of you and your useless reason?! Just f**k! Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan! Satingin mo, paano mo maayos ang nangyari? No, you can't fix it dahil isiniwalat mo naman na isang malaking kasinungalingan lang 'yon, kayo ang magigipit! Kayo ang huhusgahan ng mga tao! But how can I fix it? I'm so guilty of myself! Nadala lamang ako ng emosyon ko kung kaya't nagawa ko ang isang malaking kamalian sa buhay ni Tyler. Ang dami kong puwedeng gawin para mapalayo lamang siya sa akin, ngunit mas pinili kong ilagay siya sa kahihiyan at sirain ang imahe niya sa lahat ng mga tao rito sa Chalida High. Miski ako ay hindi natutuwa sa aking ginawa! Gusto ko 'yong pagsisisihan pero huli na! Wala na akong magagawa pa! Malaking gulo ang ginawa ko, hindi 'yon basta-basta maaayos dahil sigurado akong may kaakibat 'yon na consequences pagdating sa dulo, at ayokong mangyari, natatakot ako! Pero, ano'ng gagawin ko? Ano'ng gagawin ko ngayon? Hahayaan na lamang siyang mabulok doon sa loob ng kulungan? Hahayaan ko siyang husgahan ng mga tao kahit pa ang totoo ay inosente siya? Na ako lamang talaga ang sumira sa kanya para lang sa walang kwentang rason ko. Gusto kong ibalik ang oras kanina, gusto kong itama ang pagkakamali na 'yon nang walang ibang nadadamay na tao. Kasi kung ako, tatangapin ko ang karma ko sa dulo dahil sa ginawa ko sa kanya, ngunit dahil alam kong madadamay din si Daddy, na puwede siyang husgahan, kami, ay parang wala akong ibang magagawa kung hindi ang tumahik na lamang. Na itago na lamang ang katotohanan sa lahat. Na mas pipiliin ko na lamang na manahik kaysa ibunyag ang totoo dahil baka kami naman ang malagay sa alanganin. Ngunit kaya ko ba? Makakaya ba ng konsenya ko ang ginawa ko? Makakatulog ba ako sa gabi nito nang walang iniisip? Ng walang bumabagabag sa aking damdamin? Hindi ko na alam! Hindi ko na talaga alam pa ang gagawin ko! Paano ko ba masosolusyunan ito? O masosolusyunan pa ba? Kalimutan ko na lamang ba talaga ang nangyari? Na habang ako malaya rito na gawin ang mga bagay-bagay habang siya ay nagdurusa roon sa sa loob sa kasalanang hindi naman talaga niya ginawa? What am I supposed to do? Magsaya na lamang talaga rito? Hayaan 'yong sarili ko na pumasok araw-araw habang naririnig ang mga samut-saring komento nila sa para sa kanya? Wala na yata talaga akong magagawa pa. Dadalhin ko ang sikretong 'yon sa bawat araw na dadaan. Sana lang ay kayanin ko, kasi ngayon pa lang na iisipin ko ang sitwasyon niya, nanlalambot na ako, gustong-gusto kong sumuko sa panghihina. KINABUKASAN. Kahit pa takot na harapin siya, binalak ko na puntahan si Tyler kung saan siya ikinulong ng mga police. Puno ng kaba at takot ang nararamdaman ko habang hinihintay siyang harapin ako. Nang makita kong naglalakad na siya patungo sa kinauupuan ko, ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko dahil sa tinging pinupukol niya sa akin, galit na galit ang kanyang mga mata, nag-aalab 'yon sa galit. Parang bigla ay gusto kong umatras at umuwi na lamang. Pero hindi, haharapin ko siya kahit ang sakit-sakit na makita siyang gano'n. Patago ko lamang din siyang pinuntahan, hindi alam ni Daddy na ginawa ko 'to. Hindi niya nga rin muna ako pinapasok sa school dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa ni Tyler. Ngunit ano pa ba ang kailangan ko sa kanya ngayon? Bakit ko siya pinuntahan? Hindi alam ng sarili ko, hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga nangyari ay may kapal pa ako ng mukhang nagpunta rito, may lakas pa ako ng loob na pumunta rito. "Ano pa ang sadya mo rito?" halos nagdulot ng kilabot sa buo kong katawan ang gigil na gigil at galit na galit na boses ni Tyler. Napalunok ako nang wala sa oras. Nagbabadya na naman ang mga luha ngunit pinilit ko 'yong pinigilan. "Gusto lang kitang makita—" "Makita na nahihirapan? f**k, Heaven! Ano ba talaga ang gusto mo?! Alam mong wala akong kasalanan pero bakit? Bakit . . . bakit ginawa mo 'yon sa akin?!" "Kasalanan mo kung bakit ka napunta sa ganyang sitwasyon!" Now, I'm blaming him in the thing that I'm the only one have committed, "Kung hindi mo ako pinilit nang pinilit na balikan ka, hindi ko magagawa 'yon! Hindi ko rin ginusto 'yon, Tyler!" "Kung gano'n na hindi mo naman pala gusto, linisin mo ang pangalan ko sa lahat!" "I can't do that! Kami naman ang masisira—" "Edi lumabas din ang totoo, ginusto mo 'yon at wala kang pinagsisisihan doon!" Hindi ko ginusto 'yon, kung alam niya lang ay nabigla lamang ako! Hindi ko rin naging gamay ang emosyon ko, hindi ko 'yon nakontrol, hindi ako nakapag-isip nang maayos kung kaya't umabot sa lahat sa ganitong sitwasyon. "No, I do not intentionally—" "Kung gano'n ay gawin mo ang tama! Sabihin mo sa lahat na hindi kita pinagtangkaang gahasahin! Sabihin mo sa lahat na inosente ako at wala akong kasalanan sa mga pinaparatang mo sa akin!" Halos sigawan niya ako. Kaunting-kaunti na lamang ay iiyak na ako. Hinawakan pa nga siya ng pulis dahil para na siyang magwawala sa lagay niyang 'yon. Ako ay hindi man lang magawang tumayo para lumayo, dahil baka kapag ginawa ko naman 'yon ay hindi ko rin kayanin dahil baka bigla lamang akong mabuwal sa pangangatog ng aking mga tuhod. "I'm . . . I'm sorry," I almost whispered. Umiling siya na parang hindi niya matatangap ang sinabi ko. He's screaming in anger, ang mukha niya galit na galit. "Ang lakas pa talaga ng loob mo na pumunta rito pagkatapos ng ginawa mo?!" Nakita ko ang pagtangis niya, napakagat ako sa aking labi dahil do'n. Naiiyak na rin ako, bumabara sa aking lalamunan ng dahil sa pagpigil ko sa aking pag-iyak. "T-Tyler," I want to reach him, and say sorry to him for what I did, but I can't. "Minahal lang naman kita pero ito lang ang isinukli mo sa akin, hinayaan mo ako ngayon na makulong sa isang kasalanan na hindi ko kailanman magagawa dahil malaki ang respeto ko sa 'yo, Heaven! Kaya sabihin mo sa kanilang hindi 'yon totoo!" Halos gusto niya akong sugurin, tuluyan na siyang nagwawala. Hawak lamang siya ng dalawang pulis kung kaya't hindi niya ako malapitan. Ngunit nawala ang atensyon namin sa isa't isa nang marinig namin na may nagpaputok ng baril na siyang ikinaalarma ng lahat. "Pakawalan niyo ako, kung hindi pare-pareho tayong mamamatay dito!" sigaw no'ng lalaking nakulong din. "Ibaba mo ang baril mo!" sigaw naman no'ng pulis sa kanya. Ngunit hindi siya nakinig at kung saan-saan itinutok ang baril at siyang kalabit din niya roon. Nang sakto namang pagkatayo ko para sana umalis na dahil nakakatakot na ang mga nangyayari ay naramdaman ko na lamang na nanghina ako. Bigla akong napaupo sa sahig na siyang ikinatingin ng mga pulis sa akin at ni Tyler. Wala na akong naintindihan pa sa mga nangyari sa paligid ko dahil parang umiikot ang aking paningin. At nalaman ko na lamang kung ano ang naging dahilan ng aking pagkabuwal nang maramdaman na may umaagos sa aking balikat, dugo! Umaagos ang dugo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD