Kabanata 1
** PROLOGUE **
ARYANA POV.
"Mommy, si kuya Leonn oh!"
Pasigaw na Sumbong ni aryana sa mommy leah nila na bigla ring lumabas mula sa kusina.
"Ano na naman ba yang ginagawa mo sa kapatid mo Leonnox?!"
Anang Nakapamaywang na matanda habang may hawak pa itong sandok.
"I had nothing to do mom, subrang O.A lang nyang Aryana na yan."
Inosenteng sagot ng kuya nito...
Ito ang unang araw ng pasukan bilang koleheyala, at walang araw na hindi sya inaasar ng kuya nito...
"Mom liar si kuya, sabi nya raw di ako isasabay pagpasok sa school!"
"May kotse ka naman, bat di mo pa gamitin?"
Sumbat ng kuya nito habang relax na relax at hawak hawak na ang libro.
"Eeihh, ayuko ngang gamitin kasi- dibah... Sinabi ko na sayo... "
Pabulong na nyang sabi sa huli.
Hindi maaaring malaman ng mommy nila ang nangyari sa kanyang sasakyan dahil bubulyawan lang sya at mawawalan pa ng allowance...
Ilang beses ng nasasangkot sa aksidente ang sasakyan nito dahil sa pagkakarera, at kagabi nga ang malala kaya hanggat Maari ay ililihim nito sa mommy nila ang pagkasira ng sasakyan...
"See? Ikaw mismo magbubuking sa sarili mo."
Pangisi ngising baling ng kuya nya habang mabilis na natutop ang sariling bibig.
"So may itinatago kapalang sekreto, Aryana?"
"Hindi naman po talaga yun sekreto mommy...pero kasi nahihiya akong sabihin sa inyo- kaya sorry na. Please. "
Mabilis na depensa nito habang naka yakap na sa baywang ng ina.
Nagtatanong Nakatingin ang matanda sa kanilang dalawa at naghihintay ng paliwanag, ngunit makalipas ang ilang segundo ay tahimik lang ang mga ito kaya minabuti nitong baliwalain nalang...
"Oh sya sige na pumasok na kayo at sa pag uwi nyo nalang tayo ulit mag uusap."
Tinalikuran na sila ng ina upang bumalik sa kusina at paglingon nyang muli sa kinauupuan ng kuya nya ay wala na pala ito kaya patakbo syang lumabas ng bahay, Nasa loob na ito ng sasakyan at binubuhay ang makina.
Humarang sa harapan ng sasakyan para pigilan at nagtagumpay naman sya Kaya mabilis pa sa alaskwatro ang pagpasok nito sa loob ng kotse.
"Promise kuya, ito na ang last na pag sabay ko sayo sa school, kaya please?"
Pagmamakaawa nyang muli habang nakaupo na at pinapagsalikop ang dalawang palad, unti unti ring ngingiti dahil sa pagpayag ng kuya nito.
"Sige na, Ikabit mo na yang sitbealt mo."
Habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada papuntang unibersidad ay panay rin ang daldal nya kahit pa hindi na ito kinakausap ng kuya, pasipol sipol habang ngingiti hanggang sa mismong sya na ang tumigil at tumahimik nalang...
Sa kasalukuyan ay kumukuha sya ng kursong BS Criminology, bata palang ito ay pinangarap na talaga nyang makapag suot ng uniporme at maging isang police. Hindi man pabor ang magulang nila sa kursong kanyang napili ang mga kuya naman nya ay suportado sya kaya naman pinursigi nalang at sa ngayon ay isang taon na lang ang bubunuin upang makapagtapos...
Ang kakambal nitong si Leonn ay kabaliktaran nya, mainitin ang ulo at kadalasan kabangayan pa sa lahat ng bagay. Pagluluto ang kinahihiligan nito kaya ang pagkaiiba ng kanilang unibersidad ay isa rin sa dahilan kung bakit ayaw sya nitong isabay sa pagpasok...
Makalipas ang ilang minuto ay narating nila ang unibersidad nya, sa b****a palang ay may iilang babai na ang nag aabang sa kadahilanang masilayan ang kanyang kuya, bukod kasi sa may kahawig itong artista ay matikas at gwapo kaya naman habulin ng mga babai.
"Salamat sa pag hatid, wag mo nalang din ako susunduin mamaya kuya makikisabay na ako sa mga kasama ko, kasi-"
"Maglalakwatsa na naman kayo?"
Putol ng kuya nya sa Iba pa nyang sasabihin.
"Hindi ah, m-may pupuntahan lang kaming importanting lugar at kasama yun sa report namin."
Aniya saka ngingisi ngisi.
"Siguradohin mo lang talaga na kasama pa yan sa pinag aralan nyo Aryana - kundi malalagot ka talaga sa akin."
"Kuya naman kelan ba ako nagbulakbol, magtatapos na ako kaya sige na't papasok na 'ko."
Pang iismid nalang nya dito saka tatalikuran.
"Ay, wait lang kuya!
Kumaway ka muna sa mga fans mo!"
Pahabol pa nya habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan, kaya wala ng nagawa ang kuya Leonn nito kundi ang kawayan nalang ang mga babaing parang sinisilian...
Naglalakad sya sa pasilyo ng biglang marinig ang pagtawag ng kaibigan kaya naman huminto at hinintay nalang nya ito.
"Aryana!
Anu, tuloy pa ba tayo sa lakad natin mamaya?"
Masayang tanong sa kanya ni Emily.
"Oo naman nakapag paalam na ako kay kuya, aprobado na ako dun. Tsk!"
Wika nya sabay kindat.
.......
Papasok sila sa classroom ng mabangga ang kaklasing lalaki, malaking salamin sa mata ang natititigan nya sa mga oras na ito at kung hindi sya nagkakamali ay nakapulupot ang kamay nito sa kanyang baywang habang unti unti na nyang nararamdaman ang pag angat ng katawan sa muntikan pagkakatumba.
"S-sorry."
Sambit ng lalaki sa kanya.
Nagkakatitigan sila ng lalaki hanggang sa mapadako ang Tingin sa kamay nyang nasa sa balikat pala nito at Imbis na alisin ay pinakatitigan pa ang lalaki, Nahihiwagaan sya dito dahil sa kulay abo nitong mata, matangos ang ilong, makinis ang mukha at matangkad ito ngunit ang makapal nitong salamin, buhok na kumikintab sa pomade, damit nitong nakabotones hanggang leeg ay nagiging palaisipan sa kanya ang pagkatao ng lalaki.
Pakiramdam nya ay may dalawa itong pagkatao.
Hanaggang sa natauhan syang bigla kaya bahagya na nyang itinulak ang lalaki, humingi ito ng pasensya saka saka sila naiwanang dalawa....
"Alam mo nahihiwagaan talaga ako dyan sa Pedro nayan, pag ganitong hindi tayo sa naka-unipormi ay napakabadoy at kapag naka unipormi naman ay... "
Aniya Emily na tinitingnan pa ang bakas ng lalaking papalayo.
"Na anuh?"
Tanong nitong balik at tinitigan ng mabuti ang kaibigan.
"Ay badoy parin pala, hehe. "
Hinampas nya ang kaibigan sa balikat sabay tawanan dahil pinagluloko pala sya nito, inaasahan pa naman sana nyang sasabihin nitong gwapo ito pero ni minsan nga ay hindi nya nakitaan ng pagbabago ang lalaki bagkos napaka nerd lang talaga nito...
"Oi, pero di nga totoong may itsura si Pedro pang lolo lang ang dating."
Bawing pang wika ni Emily, kaya hinarap ko na ito.
"Baka gusto mo ang lolo kung ganun?
Kasi sya lang ang laman ng topic natin ngayon."
Aniya sa kaibigan na tinakpan pa nito ang kanyang bibig.
"Hoy, hindi ah!
Baka nga ikaw ang gusto nun eh, kasi parati kung nahuhuli na nakatingin sayo."
"Talaga! Kailan? Saan? Wee?"
Pambabara na nya sa kaibigan.
"Gaga, seryuso ako, dimo ba nahahalata na parati nalang kayo nagkakasalubong, at sigurado sinasadya nya yun.
Pero kung sakaling ligawan ka nyang si badoy, papatulan mo ba?"
"Oo naman, bakit Hindi!"
Sagot pa nya at sabay na naman silang nagtawanan ng bigla naman silang natigilan dahil sa pagpasok ng kanilang professor.
Sa kanya ito nakatitig hanggang sa tuloyang makarating sa harapan, nang bigla nyang naramdaman ang pencil na nakatutok sa kanyang pisngi.
"Kaya mo talagang makipagtitigan kay sir, anuh?"
"Sshh, hinaan mo yang boses mo mamaya nyan marinig pa tayo at mang uutos naman."
Wika nya sa kaibigan, nahihiwagaan lang sya sa pagkatao nito gaya ng kay Pedro kaya madalas titig na titig rin sya sa guro.
"May gusto karin ba kay Sir?"
Bulong ulit ng kaibigan kaya pinandilatan nya ito.
"Gaga ka, bunganga mo ah guro natin yan kaya wag nating isali sa usapan. "
Aniya sa seryusong boses...
Maya maya ay nagsipasok ang ibang kaklasi at yung si Pedro ay umupo sa kaharap nilang upuan na bahagya pang nagsalita saka sya ngingitian ng matipid.
"Bat nga kayo titig na titig sa isat isat?"
Pangungulit pa nito sa kanya, kaya pinanliitan nya ito ng mata at hinarap saka hahawakan ang pisngi.
"Mamaya na tayo mag usap, pwedi?".
Sabi nya habang tinatakpan na ang bunganga ng kaibigan dahil alam nyang magsasalita ito ulit...
"Miss, Hendas! Erase the board."
Anang boses na baritono at alam nyang ang professor nila yun.
Parati sya ang inuutusang magbura ng white board nito na minsan ngang iniisip nya kung pinag iinitan ba sya nito o sadyang utosero talaga?
Dahan dahan nyang kinuha ang pambura dito saka tinungo ang harapan at dito ay nakitang may numero nang nakasulat ibig sabihin nag uumpisa na itong magturo.
Nang bigla naman syang lumingon at natitigilan dahil halos mag dikit na ang katawan nilang dalawa.
Nasa harapan nya ito at nakikita ang mata nitong napakalalim kong makatitig kaya naman bigla rin syang pingpawisan ng malagkit at bahagya pang napapalunok..
"Next time, avoid to talk nonsense in my class."
Anang guro sa kanya, habang amoy na amoy ang hininga nitong malamig at ang panglalaki nitong pabango.
"Go back to your sit."
Mariin nitong utos, kaya sa hiya ay payuko syang bumabalik sa upuan hanggang sa mapapahilamos pa sa sariling mukha habang itinutuon na ang pansin sa harapan upang makinig, tinatanong rin sya ng kaibigan kung ano raw ba ang sinabi ng guro pero sinabihan na nya ito na mamaya na lang sila mag usap...
Natapos ang klasi nila at balak nyang pumanhik sa library sa itaas para humiram ng libro at sa pagmamadali ay bigla nalang mababangga ang isang tao kaya sa pagkakataranta ay mabilis nalang nya itong tinunlongan, pinulot ang gamit nitong nahulog sa sahig at ng papaangat na sya ng tingin ay nagulat pa sya ng mapag sino ang kaharap at isandal sya nito sa pader.
Kumabog bigla ng mabilis ang dibdib nya sa isiping sila lang ang nandito sa lugar.
"You're so clumsy Miss Hendas...
But can I request you to stop laughing when I entering in the classroom?
Coz you know what... I'm freaking tempted my desire on you baby."
Anang lalaki at siniil sya nito ng mapusok na halik.
Ang dila nitong pilit ipinapasok sa kanyang bibig ay kanya ring pinipigil, ngunit napakalakas nito kumpara sa babaing katulad nya kaya kahit anong pigil nya ay wala parin syang laban hanggang sa maibuka rin ng sapilitan at sunggaban sya ulit ng halik.
Ang librong hawak ng lalaki kanina ay nahulog narin ulit sa sahig saka nya mararamdaman ang palad nitong nakahawak na sa butones ng damit habang patuloy parin sya nitong hinahalikan...
*******
"Akala ko ba may lakad kayo ng mga kaibigan mo?"
Tanong ng kuya nya ng makalapit sya, nakaupo ito sa labas ng kotse habang hinihintay syang dumating at imbes na sagutin nya ay yumakap lang sya ng mahigpit.
"May nangyari ba Aryana Hendas?"
Untag pa nito sa kanya pero nanatili syang nakatulala at nagsisimulang tumulo ang luha sa kanyang mata.
Ang kaganapan sa pagitan nila ng lalaking humalik sa kanya ay hinding hindi nya kakalimutan at ipinapangako sa sarili na magkikita silang muli at pagbabayaran nito ang ginawang kahalayan.