Kabanata 2

1585 Words
ARYANA POV. Makalipas ang ilang taon ay nakapagtapos narin sya ng pag-aaral at ganap na ngang alagad ng batas... Ngayon, matapos matanggap ang kanyang aplikasyon ay nandito sya nakatayo at sa unang pagkakataon ay tatapakan nya sa isang magarang bahay at maninilbihan bilang isang kasambahay sa isang matandang lalaki na si George Montero... "Umupo ka muna ija at ikukuha kita ng maiinom." Wika matandang babae, pagkatapos syang papasukin nito mula sa labas. "Naku, huwag na po aling meding. S-sasama nalang ako sa inyo sa kusina, s-saka hindi ko naman po kailangan ng umupo dito." Aniya naman at tunitukoy nito ang nasa sala dahil dito nga sya dinala ng matanda na ipinagtataka rin nya dahil sa pagkakaalam nya ay hindi ganito ang pagtanggap sa katulad nyang mamasukan lamang bilang kasambahay, kaya tumayo syang muli saka susundan sana ang matandang babai ngunit bigla syang napahinto ng lumingon ito sa kanya. "Sundin mo nalang ang sinasabi ko ija, umupo kana muna dun at saka mo hintayin ang magiging amo mo." Bilin ulit sa kanya, kaya wala na syang nagawa kundi sundin nalang ito... Halos magtatatlumpong minuto na ata syang naghihintay pero wala paring matandang lalaki ang nagpapakita sa kanya kaya di nya maiwasang mabagot.. "Napakalaki ng bahay na ito kung tutuosin para sa isang matanda at isang katulong lang? Paano kaya sila nagkikita dito?" Bulong nya sa sarili. Natatanawan nya sa itaas mula sa kinauupuan ang ilang mga pinto ng kwarto at kung tutuosin luma na ang istilo ng bahay ngunit mahahalata rin ang tibay nito dahil sa purong nara ang ginamit na materialis dito. Tumayo muna sya para tumingin tingin at napansin nga ang napakalinis na lamesa na ultimo mga maliliit na nakadisplay dito ay walang alikabok pati na ang sahig.. "Paano kaya ito nakakaya ni aling Meding? Matanda na sya para makaya itong lahat, tapos magluluto pa yun!?" Bulong nitong muli. Ipinagkibit balikat nalang nya ang iniisip sa bahay na ito hanggang sa mapadako naman sa isang painting ng matandang babae at lalaki, nakaupo ang lalaki habang ang babae ay nakatayo sa gilid nito at napakaganda nito, nang biglang maputol ang kanyang pagmumuni muni dahil sa mahinang pag ubo, kaya agad syang lumingon at ito na nga ang matandang lalaki na kanyang hinihintay. "Maligayang pagdating sa aking mansyon, ija." Pormal na sabi ng matanda saka sya sinenyasan na lumapit, itinaas ang kanang kamay saka sya nito pinahalik. "Marahil ay kagawian ng matanda ang pagpapahalik sa palad nito." Bulong nya sa sarili. "Umupo kana ija ng makapag umpisa na tayong mag-usap." "Upo." Tanging sambit nya. Kaharap nya ito ngayon ng pormal na itsura at kahit pa inaasahan na ganitong ang matanda ay di parin nya maiwasang humanga sa kagandahang lalaki nito.. Kahit naka wheelchair na ito at mapuputi na ang buhok ay mahahalata parin ang matikas na pangangatawan.. Bigla syang nagbawi ng tingin ng tumingin na ito sa kanya dahil ibinigay na ang hawak nitong ipod sa nurse nito.. "Alam kong nagtataka ka ija, kung bakit parang bata bata pa ako." Anang matanda na ikinangiti nilang dalawa ng nurse dahil sinabayan nito ng tawa ang sinabi.. "Tama naman po kayo, dahil kalabaw nga lang ang tumatanda." Anya naman na ikinatawa pa ng malakas ng matanda. "Ikaw talaga ija, ngayon lang ako tumawa ng ganito ulit dahil sa wakas ay may nakapareha rin akong ka ugali." Anang matanda na ikinagalak nya, di nya tuloy maiwasang alalahanin ang daddy nya. "At kung dimo naitatanong ija, sinuri ko ng husto ang resume mo at nakita kong parehas tayong petsa ng kapanganakan kaya nakakasiguro ako ng piliin kita bilang pribadong magsisilbi lamang sakin." "Hu?" Anya na ikinataka ang sinabi ng matanda. "Tama ang narinig mo ija, ang trabaho mo lang dito ay pagsilbihan ako dahil ang ibang gawain dito sa bahay ay may gagawa nyan." "P-pero, diba.. Ibig ko pong sabihin si aling meding lang po ang nakita ko?" Anya pa. "Tama ka, dahil hindi pa bumababa ang iba kung mga kasambahay at dipa dumarating ang mga bodyguard ko. Pero maya maya ay nandirito narin silang lahat." Anang matanda at tiningnan ang oras sa relo... Tama nga at marami itong mga tao ibig sabihin marami itong transaksyon. Pero mabait ang Imahing pinapakita ng matanda sa kanya o baka pagbabalat kayo lang nya ito?... Matapos nga ang usapan nila ng matanda ay sinamahan na sya ni aling meding sa kanyang magiging bagong kwarto. Dito ay malinis na kaya isinasaayos na lang nya ang kanyang gamit sa aparador.. "Maswerte ka ija, dahil unang kita palang sayo ng senyor ay nagaan na ang loob nya sayo dahil kung tutuusin marami ng umalis sa bahay na ito dahil di sila nakapasa sa unang pagsubok ng matanda." "Kaya nga po, kahit ako nagulat rin kasi Unang kita ko sa kanya kanina ay masyadong istrikto pero ng magsimula na syang tumawa ay mabait naman po pala!" Anya kay aling meding na sinabayan pa ng ngiti. "Basta pag butihin mo lang ang paninilbihan sa kanya, at gaya ng sabi nya sayo na magkapareha kayo ng ugali ay gawin mo rin ang makakaya mo para lang matuwa sya at sinisiguro kung gagantihan karin nya ng magandang trato at sweldo narin.." Itinuro pa ni aling meding sa kanya ang kung ano ang dapat at di nya dapat gawin sa bahay na ito. Pati kung anong oras kakain ang amo at mga kakainin nito. at hindi sya pweding pumasok sa kwarto ng senyor na walang pahintulot... Matapos nga ang pag uusap nila ni aling meding ay magtutulog muna sya sa dito sa kwarto para naman makabawi sa ilang araw nyang walang tulog.. ****** ELLIAN's POV. Kararating lang nya sa mansyon lulan ng kotse at kasunod narin ang mga kasama sa hulian. Binuksan ng security guard ang napakalaking gate upang bigyang daan ang mga sasakyan at ban na papasok. Sa itaas ay kita nya ang ibang katulong na kumakaway pa sa kanya na kinawayan ding balik. Ngayon din lalabas ang ibang katulong na ito kung kailan sila darating dahil kailangan silang pagsilbihan sa pagkain. Tuloy tuloy syang pumasok sa loob ng mansyon at tulad ng mga nakaraang araw ay abala na ang auntie meding kasama ng mga ibang tagaluto na hindi na magkamayaw sa gawain.. Gusto nya sanang puntahan muna ito upang humalik ngunit nakikita nyang aligaga pa ito, kaya nagpasya syang tungohin muna ang kwarto upang magpalit ng damit.. Nagtataka man sya dahil sa ibang amoy ng kwarto ay binaliwala nalang nya saka tuloy tuloy na pumasok sa loob ng banyo upang maligo.. Makalipas ang labing limang minuto ay lumabas na sya ng nakatapis lang saka tinungo ang aparador kung nasaan ang mga damit nya.. Ngunit nagtataka nyang binuksan lahat dahil wala itong laman maliban sa gamit pambabae, saka naman nya napansin na may imahi sa salamin kaya lumingon sya dito at nakita ang isang babai na natutulog sa kanyang kama.. Nagtataka nyang tinititigan ang mukha nito dahil ngayon lang sya nakakita ng ganitong babaing napakaganda. Ang puti nito, ang buhok nitong kulay brown, ang matangos nitong ilong pati ang natural na pulang labi nito masyado itong perpekto.. Umupo sya sa tabi ng babai saka tinitigan pa ng husto, bigla naman itong gumalaw hanggang sa idilat nito ang mata at mabilis na bumangon sa kama yakap yakap ang kumot.. "S-sino ka, p-paano kang nakapasok dito?" Anang babai na pautal utal ang sinasabi ngunit di naman nya ito nakikitaan ng takot sa mukha. "Pumasok ako sa pinto, saka kwarto ko ito.. Ikaw paanong nandito ka at sino ka?" Anya na sinadya pang dahan dahanin ang sinasabi at pagandahin ang boses. "Dito ang kwarto ko, saka bakit wala kang damit!?" Anang babai pa, na ngayon ay nakikitaan na ng takot. Sinisipa sipa sya nito upang paalisin sa kama kaya tumayo nalang sya at sa di sinasadya ay bigla nalang nalaglag ang tuwalyang nakatabing dito. "Bastos, bastos, basto!!" Sigaw ng babae saka tinakpan ang mata. Pinulot naman nya ito ng walang pag aalala. "Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito?" Anya. Bigla namang tumingin sa kanya ang babai at ibinabato nito ang nahahawakan. Hanggang sa may kumatok sa pinto na mabilis namang lumapit sa kanila. "Ellian! Anung ginagawa mo sa kanya?" Anya auntie meding. "Wala akong ginagawa sa kanya, sya itong nagtatatapon ng bagay sa akin!" "Pero bat ka nga walang damit!?" Anang babae naman.. "Nakalimutan ko palang sabihin sayo kanina ija, na kwarto nya ito dati.." Anya auntie meding sa babai saka sya binalingan. "At ikaw bat kasi dika muna pumunta ng kusina ng maabisuhan kitang may bagong dating dito!?" "Aligaga ka kasi kanina -" Anya pa, pero di natapos ang sasabihin dahil pinapabihis muna sya nito.. Dinala nalang ng auntie nya sa kusina ang babai at pinapasunod nalang sya nito... "Aryana, ito pala ang pamankin kong sinasabi sayo kanina, si Ellian." Pakilala sa kanya sa babai. "Bagong salta ka rito?" Salabung ang kilay nyang tanong sa babai habang nginunguya ang kinakain. Tiningnan lang sya ng babai ng masama at di sumagot hanggang sa naririnig na nya ang matanda mula sa labas, kaya dali dali narin syang lumabas dito. "Oh Ellian, nandyan kapala." Anya senyor. Humalo sya sa mga kasamahan na lahat ay maayos ng nakalinya at nagsimula naring magsalita ito. Inaanunsyo nito ang tungkol sa mga produktong dinala nila na hanggang ngayon ay nasa truck parin at dadalhin ulit sa pier at bago nito tapusin sinasabi ay nag salita ito ulit. Tinawag nito ang babai kanina at ipinakilala sa lahat, pinapaalalahanan sila nito na wala dapat humaras o humawak man lang dito dahil kung hindi ay may kaparusahang matatanggap mula sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD