ANG NAKARAAN....
PEDRO POV.
Nakaupo sya malapit sa gate ng kanilang University at hinihintay ang kuya nitong kanina pa wala na sabi ay
kukunin lang ang mga gamit na naiwan sa library...
"Why you're still waiting?"
Aniya kuya Plavio ng makalapit, habang nangingiti pa ito.
Bukod sa professor nila ito at subrang istrikto ay palihim din ang relasyon nila bilang nakababatang kapatid sya, kaya naman minsanan lang din sila kung magkasabay sa pag uwi...
"Pinag iinitan mo nalang parati si Aryana kuya."
Wika nya sa nakatatandang kapatid kaya napahinto ito sa paglalakad.
"Thats all Brandon?
Your asking me for nonsense questions?"
"K-kawawa naman kasi ang babai."
Aniya pa.
"Ooh... So are you concern or you like her, don't you?"
Anang kuya nya pa, habang palihim pa itong nangingiti.
Pero di nya sinagot at nag tuloy na lang sa paglalakad ng bigla pa sya nitong tinapik sa balikat habang sumasabay ulit papuntang parking area.
"Di ka magugustohan nun, masyadong kilala ang pamilya nya kesa sayo at tingnan mo naman yang itsura mo... Nerd. "
Natatawang turan ng kuya, kaya tinitigan nya ito ng masama saka bumitiw.
Kahit paman maraming nagsasabi sa kanya ng katagang yun ay binabaliwala lang nya, pero pagdating sa nakatatandang kapatid na parati syang iniinsulto ay mas nawawalan sya ng tiwala sa sarili...
"At alam mo bang may ginawa ako sa babaing iniibig mo?"
Wika pa ng kuya Plavio na ikinakunot na ng kanyang nuo, hinintay nyang buhayin muna ng kuya ang makina saka sya nagtanong dito ng naiinis.
"Anu na naman ginawa mo sa kanya?"
"I Corner her... and kiss?"
Nakangising sagot ng nito habang pinaglalaruan ng kamay ang manibela.
Habang sya ay parang sinuntok sa narinig dahilan para agawin ang manibela at tapakan ang breaker kaya ngayon ay huminto sila sa gilid ng kalsada saka sya bumaba at mabilis na kinwelyuhan ang nakatatandang kapatid na ngayon ay salubong ang kilay at bigla pa nyang sinunggaban ng suntok sa mukha..
"Don't you ever try again kuya, or else I kill you."
Mariin nyang pagbabanta at iniwan na itong duguhan ang bibig....
******
Kinabukasan ay pumasok sya sa Unibersidad ngunit wala ang presensya ng babai kaya tinanong nya ang kaibigan nito at ang sabi di raw maganda ang pakiramdam kaya di ito nakapasok...
Makalipas ang isang gabi ay nagdisisyon narin syang dalawin ito dahil sa pag-aalala at ngayon nga ay nasa tapat narin sya ng bahay ng babae upang magmasid, ngunit wala paring Aryana na lumalabas sa bakuran.
Naghintay pa ng ilang oras hanggang sa magpasya na syang aalis ng bigla namang lumabas ang isang lalaking matangkad, matipuno at kasunod nito ang babai.
Sa nakikitang eksena ay masayang nag-uusap ang dalawa hanggang sa humalik ang lalaki sa nuo ng babai saka ito nagtungo sa sasakyan at tuloyang magpaalam.
Gustohin man nya sanang sundan ang sasakyan ng lalaking lumabas ay nagdalawang isip na sya lalo na't nakakasiguro syang kasintahan ng babai ito, kaya nagpasya nalang din syang na umalis na sa lugar...
Nang makarating sa kanilang bahay ay pabalyang pang sinarado ang pinto ng kwarto at nagtanggal ng uniporme, saka padapang humiga sa kama.
"Sino ang lalaking yun Aryana?
At Ilang beses ba kitang iisipin ng ganito at magkakaroon ng lakas ng loob para ligawan ka?! "
Naiinis nyang bulong sa sarili.
Inaamin nya sa sarili na matagal na syang may gusto sa babae, kahit pa nuong unang pagpasok palang nila at magpa hanggang ngayon ay nararamdaman parin ang puwang nito sa kanyang puso...
Di nya alam kung anong oras sya natulog kagabi pero ngayon ay umaga na naman, tiningnan ang oras sa relo nito at malalate na pala sya kaya dali dali nalang syang nag toothbrush at inayos ang itsura saka mabilis na bumaba...
"Oh, Brandon ijo, hindi kaman lang ba mag aagahan?"
Wika ng mama nya at humalik lang sya dito.
"Hindi na hu mama, malalate narin kasi ako."
Pahabol naman nyang sabi at hindi na inintindi ang sinabing huli ng mama.
Nang mahagip pa ng kanyang mata ang kuyang papalabas sa gate ngunit tuloy tuloy parin sya sa sariling sasakyan.
"The nerd!"
Sigaw ng kuya nito...
Ngayon ay binabaybay na nya ang kalsada papuntang University, pero nagdesisyon pa syang lumiko para sana sa mabilis na lulusotan ngunit mali ata ang kanyang desisyon dahil sa iskinitang dadaanan ay traffic narin...
Makalipas ang halos tatlumpong minuto na pamamalagi sa kalsada ay narating din nya ang tapat ng paaralan na wala ng gana, pero ng saktong bubuksan ang pinto ay may bumaba naman sa kotseng pula na nasa harapan, naglalambing ang lalaki habang nakaakbay sa babae at paminsan minsan pang bumubulong na kinangingiti naman ng babae, hanggang sa sundan nya ang mga ito habang naglalakad patungo sa Dean office, kaya kitang kita na naman nya ang pagiging malapit nila sa isat isa dahilan para kumulo na naman ang kanyang dugo...
Sa loob ng silid ay kasama na nga ang babai pero balisa parin ito ngayon at kahit nagtataka dahil ibang professor na ang nandito sa harapan ay minabuti nyang manahimik nalang at malamang ay may kinalaman ang babai sa pagtanggal sa kuya nya...
"Aryana, maari ba tayong mag usap?"
Pautal utal nyang tanong sa babai ngunit di ito sumasagot at sa halip ay nagpatuloy lang sa pag liligpit ng gamit, kaya inulit pa ang pagtawag dito.
"Ah?
B-bakit?"
Nauutal ding sagot ni Aryana sa kanya na bahagya pang umatras.
"Tinatanong kita kung ayos ka lang ba?"
"A-ayos lang ako, sige excuse me."
Anang babai saka ito tuloy tuloy sa lumabas na kanya namang sinundan.
"Napapansin kong balisa ka Aryana, saka pwedi mo naman akong maging kaibigan."
Tanong pa nya habang sumasabay na sya sa paglalakad.
Ngayon ay nagkakaroon sya ng lakas loob para kausapin ang babai at dahil yun sa kuya nya ang may kasalanan.
"Hindi ko kailangan ng kaibigan."
Tipid na sagot ng babai, kaya naiiwan na syang nakamasid lang dito habang iniisip kung ano ang dapat na nyang maitulong...
Sa lumipas na mga araw ay nagpursige parin syang lapitan ang babae kahit pa di sya nito pinapansin na minsan din ay naiiwanang mag isa sa ere at ngayong araw naman ay sinusundan nya ito habang papatawid ng muntikan pang mahagip ng sasakyan pero buti nalang ay nahawakan nya ito sa kamay saka hinila papalapit sa kanya...
"Aryana?"
Wika sa babae dahil mukhang umiiyak na ito, hanggang sa mararamdaman na nya ang pagsandal ng ulo nito sa kanyang dibdib, kaya di na sya nagdalawang isip na damayan ito.
"Maaari mo akong maging kaibigan Aryana at sabihan ng problema mo kung nanaisin mo lang..."
Aniya.
Matapos ang tagpong yun sa gilid ng kalsada ay naging magkaibigan na nga sila, hanggang sa lumipas ang mga araw ay nagiging maayos na ang babai at nag sisimula na ring magkwento.
"Mapagkakatiwalaan ba kita?"
Aniya aryana habang nasa labas at lilim sila ng mga puno tumatambay.
"Oo Aryana at pangako ko kahit ano pa yan ay walang ibang makakaalam..."
Nagsimula nga itong magkwento tungkol sa pagiging balisa nya at kung anong dahilan nito.
Pakiramdam naman nya'y galit na galit sya sa taong gumawa nito dahil pinagbantaan pa pala sya na huwag magsusumbong kung gusto pa nyang magtapos ng pag aaral, kaya palihim din syang nagdedisisyon kung paano maipaghihiganti ang babai sa kanyang kuya at habang nagkukwento parin ito ay nagtanong narin sya kung sino ang lalaking kasa-kasama at nasabi nga nito na kuya lang ang lalaki, kaya ngayon ay nabawasan na ang pangamba sa kanyang dibdib at nakasisiguro na syang wala ng kaagaw sa babai...
Mabilis ng lumipas ang mga araw at tuloyan na nga silang magkaibigan na mandalas pa ay nakakasama na sya sa lakad ng babai, sya narin mismo ang madalas mag bayad sa mga kinakain nilang dalawa at ultimo panunuod nila ng sine ay sagot narin nya at kahit pa nagagalit ang babai sa ginagawa nyang panlilibri ay pinagsasawalang bahala nalang nya...
"Pedro, baka gusto mong sumama samin sa outing?"
Aniya Aryana, umuupo ito sa katapat nyang upuan habang sya ay nag iisip kung sasama ba o hindi pero bigla nalang nyang mapapansin ang pagtaas ng kilay ng babae.
"Sige, pero kasi..."
Sagot nyang di matuloy tuloy hanggang sa tumayo ang babai at namaywang pa saglit sa kanyang harapan.
"Wala ng pero pero basta sumama kana lang..."
Yun lang at umalis ito.
Makalipas nga ang dalawang araw ng kanilang pag uusap at ngayon ay binabagtas na ang kahabaan ng kalsada papunta sa islang kanilang pagkikitaan.
Ngayon lang din nya nakitang ganito manamit ang babae, naka short lang ito ng maiksi at sandong pinarisan ng jacket kaya naman litaw na litaw ang makinis at maputi nitong balat...
"Oi!
Natulala ka dyan, mamaya nyan ay mabangga tayo."
Agaw pansin ng babai sa kanya dahilan para ituon bigla ang paningin sa kalsada at humingi nalang din ng pasenya, maya maya ay pakanta kanta narin ito habang sya ay nakikinig lang...
Hanggang sa narating din ang lugar at kapwa sila namamangha sa nakikita.
Hinawakan ng babai ang kanyang kamay at hilain patakbo sa buhangin.
"Salamat sa pagsama."
Nakangiting wika ng babai, habang sya ay natatameme parin at sa kamay na magkasalikop na ang kanyang tingin...
Sumapit ang hapon at nakaupo sya buhangin habang ang mga kasamahan ay nasa dagat at masayang naliligo, nang maramdaman ang paglapit ng babai at abutan sya nito ng maiinom.
"Pedro alam mo, mas bagay sayo ang walang salamin."
Anang babae na inalis bigla ang kanya ng salamin at ng aakto syang tatayo ay sya namang pagtakbo nito, kaya tinatawag nalang nya ito upang ibalik gunit kinakaway kaway pa at sinasabing kunin nya.
Di na sya nag atubiling tumayo at tumakbo narin, ngunit sa kamalasan ay bigla pa syang nadapa dahilan para maringgan nya ng pagtawa ang iba nilang kasamahan.
"Ayos ka lang ba?
Sorry diko naman alam na malabo pala talaga ang mata mo."
Pag alaalang sabi babai habang tinutulongan sya nitong patayuin at ibinalik narin ang salamin.
"Basta wag mo ng kukunin ulit."
"Promise, saka sorry ulit...
Halikana at kumain na tayo sa loob."
Yaya na ng babai at pinag salikop pa ulit ang kanilang kamay...
Pagkatapos nilang kumain ay tumutulong sya sa Iba para magligpit habang ang babai ay nasa dagat at kinakawayan sya para palapitin, kaya ng matapos ay lumapit narin habang nagtatanggal ng damit.
"May abs kapala, dimo sinasabi!"
Namamanghang sabi ng babai pero sya ay iiling iling lang, hanggang sa mariringgan nya ng pagtawa ang babai kaya naman pakiramdam nya'y ito na ang pinaka magandang boses na kanyang narinig, pero bigla na itong tumigil at humawak sa kanyang braso.
"Tingnan mo yung mga tumatawa sayo kanina, ngayon ay napapaganga sa katawan mo."
Wika pa ng babai habang nakatingin na sa kanyang mata, pero bigla nyang naramdaman hiya kaya yumuko nalang sya kahit pa nagsasalita itong muli.
Hanggang sa yayain na sya nitong magpapicture na minsan ay nakapatong ang kamay sa balikat ng babae, may sumakay pa ito sa likod nya at buhat buhat pa ito...
Pagsapit ng gabi ay nasa tabing dagat sya ulit habang nakaupo, lumapit ang babai at tumabi sa kanya.
"Parati ka palang nag iisa nuh, kasi kami dun sa loob nagkukwentohan at nagkakasayahan, pero ikaw nandito lang."
"Sorry, hindi lang ako nasanay."
Aniya.
"Ibig sabihin nyan ay hindi ka nag enjoy sa pagsama sa akin dito?"
Wika ng babae na ikinalungkot ng mukha nito.
"M-mali, hindi ganun Aryana...
Ang totoo nyan ay masaya akong nandito't kasama ka at sana makasama pa kita ng matagal."
Aniya habang napapalunok, pero ang kaharap ay mataman lang na tumititig sa kanya.
"Aryana...
May gusto ako sayo..."
Pautal utal nyang sabi, habang ang babai ay hindi na makapagsalita hanggang sa hawakan nya ito sa batok habang unti unting inilalapit ang mukha.
Ngayon ang pakiramdam nya ay sya na ang napaka swerting lalaki dahil sa wakas ay nahalikan narin ang babai sa unang pagkakataon....