ARYANA POV.
Pinapatawag sya ng matanda sa opisina nito ngayong umaga kaya dali dali na rin syang nagbihis at lumabas ng kwarto, hanggang sa makarating at matapat sa pintuan na bahagya pang nakabukas kaya naririnig din nya ang pag-uusap ng mga tao sa loob, pero minabuti narin nyang kumatok ng tatlong beses upang maagaw ang pansin ng mga ito.
"Pumasok kana ija."
Boses iyon ng senyor, kaya dahan dahan rin syang pumasok.
"Pinapatawag nyo po ako, senyor?"
Wika nya habang nakatayo sa gilid ng lalaking presko ang utak para sa kanya.
"Oo ija, gusto kitang makausap tungkol sa trabaho mo, dahil may pagbabagong magaganap..."
Sabi pa ng senyor, habang sya ay nakakaramdam na ng di maganda sa sasabihin palang nito.
"Bakit nyo pa kailangang ipaalam uncle, eh kung tutuosin papayag at papayag naman yan o kung hindi sisantihin nyo nalang. "
Maangas na turn naman ng lalaki habang natakingin lang ito sa matandang senyor.
"Tumahimik ka Brandon!
Pagbibigyan lang kita ngayon, pero hindi ko kukunsintihin yang ugali mo!"
Nagkakapalitan ng masamang titigan ang dalawang lalaki samantalang sya ay nakatayo lang at hinihintay ang sasabihin ng matanda.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa ija, nais ng pamangkin kong sya ang pag silbihan mo."
Natitigilan man sya sa sinasabi ng matanda ay di sya nagpahalata rito, lalo na sa lalaking nakaupo na ngayon ay tinitingala na sya.
"Ngunit paano kayo senyor?"
Pormal nyang tanong sa matanda at tama ang lalaki hindi sya maaaring umaayaw dahil kailangan nya ang trabahong ito, pero sa kadahilanang ang misyon nya ay dapat tapusin.
"Wag kang mag alala sa akin ija, dahil nagpakuha narin ako ng bagong kapalit mo pansamantala, ang pamangkin ko nalang muna ang pagsisilbihan habang nandirito pa sya. "
Nakangiting wika ng senyor, kaya tumango na lang din sya.
"Paumanhin po sa sasabihin ko, senyor...
Pero hindi po ba malakas pa naman kayo senyorito para kailanganin niyo ng taga-silbi?"
Matapang nyang tanong kay Brandon na ikinatawa ng matanda, ang lalaki naman ay aaktong tatayo ngunit sinenyasan ito ng matanda na manatili lang sa upuan kaya wala itong nagawa kundi pagsalikopin lang ang dalawang palad.
"Yan talaga ang hinahangaan ko sayo ija, masyado kang prangka at matapang kagaya ko kaya naman pag mayroon itong ginawa na labag sa loob mo ay sabihin mo sakin kaagad ng maipabugbog ko rin sa mga tauhan."
Aniya senyor at tumango sya dito ulit...
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nakayuko syang lumabas ng kwarto habang nakakasalubong si Ellian na bahagya pa syang hinawakan sa kamay dahilan para mapahinto.
"Bat parang problemado ka?"
Aniya Ellian, tinaas nya ang tingin dito at makikita nga sa itsura ng lalaki ang pagmamalasakit.
"Hindi na kasi si senyor ang babantayan ko, kundi yung pamang-"
Wika nyang hindi naituloy dahil sa biglang lumabas si Brandon sa opisina ng matanda at matalim pa itong nakatingin sa kanya hanggang ilipat sa kamay ni Ellian na nakahawak din sa kanyang kamay, maya maya ay humakbang ito at nilagpasan silang dalawa ngunit bigla ring nagsalita.
"Come to my room!"
Aniya Brandon.
Naiiwang nakamasid lang si Ellian habang sya ay sumusunod na sa lalaki kahit paman labag sa loob nya. Hanggang sa marating ang pintuan at kumatok sya ng tatlong beses ngunit bahagya narin pala itong nakabukas.
"Senyorito Brandon?"
Aniya sa mahinang boses at dahan dahan naring pumasok.
Ngayon lang nya napasok ang kwarto na ito at gaya sa senyor ay malawak din na panglalaking lalaki ang istilo, ang malawak na kama na kulay abo ay kapareha sa dingding nito...
Nakita nyang may nakataob na litrato sa lamesa at aakto sana syang titingnan ito ngunit narinig nya ang boses ng lalaki kaya bigla nya itong nabitawan saka huminga ng malalim at humarap sa lalaki, pero bigla namang kumunot ang kanyang nuo dahil sa nakatapis lang ito ng tuwalya.
"Sorry po, hindi na mauulit.
Saka babalik nalang po ako ulit pag kailangan nyo na ako."
Aniya at aaktong lalabas ngunit mabilis na humarang ang lalaki sa pintuan dahilan para magkalapit sila nito ng maigi kaya amoy na amoy nya rin ang mabangong gel na ginamit nitong panligo.
"You don't need to go out, I need you right now."
Baritonong boses ng lalaki.
Patay malisya na nya itong tiningnan sa mata saka umatras ngunit kasabay nito ay ang pag hawak ng lalaki sa kanyang balakang at tuloy tuloy sa kama, kaya ngayon ay nakapatong ang lalaki sa kanya habang pwersahan pang itinutulak ito sa dibdib, pero para lang syang batang walang lakas dahil di man lang ito natitinag.
"Sisigaw ako dito Brandon pag dimo ako pinakawalan."
Pagbabanta nya, ngunit imbis na matakot ang lalaki ay mas ngumisi pa ito kaya ng aakto syang sisigaw ay nakain lang nya ang sariling boses dahil bigla syang dinakma ng halik.
Ginagalaw ng lalaki ang halik nito pero sya ay nakapirmi lang kaya naman huminto ito saka sya tiningnan sa mata.
"Gaya kaparin ng dati, walang pakiramdam."
Aniya Brandon.
Bumangon ang lalaki sa pagkakapatong sa kanya saka naman sya tumayo habang nagugulohan sa sinabi nito, pero kahit ano paman ang pinupunto ng lalaki sa kanya ay tuloy tuloy parin syang naglakad papalabas sa pintuan.
"Don't try to tell to uncle or else..."
Habol pang sabi ng lalaki, ngunit di na nya ito pinatapos pa sa halip ay tuloy tuloy ng lumabas ng kwarto...
Nasa kwarto sya ngayon at iniisip ang sinabi ng lalaki at kung ano ang ibig nitong sabihin, nang biglang may kumatok sa pintuan kaya binuksan nya ito at ang lalaking si Ellian pala.
"Galing ako sa kwarto ng senyor at dinaanan na kita rito, kasi pinapasabi din ni auntie meding na bumaba ka lang daw kung nagugutom kana."
Anang lalaki habang ngumingiti ito, saka naman nya naramdaman ang pagkalam ng sikmura dahilan para matigilan silang dalawa at ikinangiti narin nya.
"Mas maganda kapala pag nangingiti."
Dagdag pa lalaki.
"Salamat, pero sige mauna kana at susunod nalang ako."
Aniya naman...
Matapos bumaba ay nandito na sya at magkaharap pa sila ng lalaki, at habang kumakain ay masaya rin silang nagkukwentohan kasama ang ilang tauhan.
"Alam mo Aryana yang si Ellian ay pa simple lang, sa una lang yan masungit pero tingnan mo ngayon bahag na ang buntot sayo... At alam mo ba kung bakit?"
Aniya Anton, tauhan din ng senyor.
Sa mga nakaraan araw ay mas nakikilala pa nga nya ang iba at ngayon nga ay nagiging kaibigan pa nya ang iilan.
"Dahil may gusto ang leader natin sa magandang binibini na si Aryana, di ba."
Sigunda naman ni Rob.
Nakita pa nya kung paanong tinapunan ng mansanas ni Ellian ang kasamahan dahilan para makantyawan ito, habang sya ay nakayuko lang at walang masabi dahil sa totoo lang ay di sya sanay sa mga ganitong usapan.
"Kaya naman Aryana, sagutin mo na lang ang leader namin ng mabuhayan na sya sa trabaho dahil nung wala ka dito ay wala rin yang gana-"
"Tumigil na kayo, nakakahiya na kay Aryana."
Baritonong boses ni Ellian.
Tumingin ito sa kanya saka ngingiti ng bahagya, pero imbis na tumigil ang mga kasamahan ay mas lalo pa silang kinantyawan at kaya pa raw madalas na itong nandirito sa bahay ay dahil gusto raw ng lalaki ang makita sya...
"What's going on here?!"
Boses ni Brandon na nagpatigil sa kanila.
Taas nuo itong pumapasok at humarap sa kanilang lahat habang nakapamaywang.
"Nagkakatuwaan lang senyorito."
Hinging paumanhin Ellian at nakayuko na ang mga kasama, habang sya ay matapang lang na tumititig sa lalaki.
Sa totoo ay parehas lang sila ng tangkad ni Brandon, malaki ang pangangatawan at pareha din na may itsura, pinagkaiba lang ay mabalbas si Ellian kumpara kay Brandon dahil parehas ding malinis manamit at kung tutuosin ay may ibubuga rin ang lalaki kung hindi lang ito tauhan...
"Pwes hanggat narito ako sa pamamahay ay ayukong nakakarinig ng mga boses nyong nagtatawanan, maliwanag?!"
Mautorisado nitong utos at sa huli ay sa kanya tumitig.
"OPO SENYURITO!!"
Sabi ng lahat maliban sa kanya at kay aling meding ngunit nakikitaan narin nya ng takot ang matanda, maya maya ay biglang lalapit ang lalaki sa kanya saka ito bumulong sa kanyang tainga.
"And you obey me also you, coz I'm still your boss..."
"Opo senyorito."
Sagot nyang mabilis.
"Good! Now follow me and you had something to work!"
Anang lalaki pa sa kanya.
Susunod nga sya dito ngunit hinawakan pa sya ni Ellian sa kamay.
"Ellian Regor!"
Sigaw ulit ng senyorito, pero di man lang nya nakitaan ng takot si Ellian sa halip ay nakipagtitigan pa ito, hanggang sa unti unti nalang din sya nitong binitawan dahil sa kanyang pangungumbinsi.
Maya maya naglalakad na sila sa pasilyo habang nakasunod lang sa lalaki, hanggang sa marating din ang library.
"Gusto kong linisin mo yan lahat dahil maalikabok at hindi yung nakikipag kwentuhan ka lang sa mga lalaki dahil hindi yun ang trabaho mo dito."
Mautorisado na namang wika ng lalaki.
"Nagkukwentohan lang po kami at saka sa pagkakaalam po namin ay mayroon kaming oras para sa pahinga at yun ay galing mismo sa senyor."
Aniya.
"Wala akong pakialam sa patakaran ni uncle dahil hangga't naririto ako ay utos ko ang masusunod nyo, mo!"
Naiinis nyang tinalikuran ang lalaki at pumanhik nalang sa hagdang bakal, pero sa nakikita nya ay malinis naman dito at ni walang alikabok kaya syang bumaba ulit ngunit sa kamalasan ay bigla syang nadulas at nahulog, hanggang sa pakiramdam nya ay nakalutang sya sa ere habang nakapikit at ng magdilat sya ng mata at nakita ang gwapong mukha ng lalaki.
"Mag iingat ka sa susunod pag wala ako sa tabi mo."
"Tama ba ang narinig ko sa boses ng lalaki?
Parang ibang tao ito kung magsalita, parang isang kakilala nuon?"
Bulong nya sa sarili.
Binaba sya nito at dahan dahang tumayo hanggang sa hawakan pa sya sa magkabilang pisngi at unti unting ipalapit ang kanyang mukha dahilan para tumingkayad sya...
Ang halik nito ay napakagaan na parang dinadala sya sa kabilang mundo na noon pa nya natikman, hanggang sa magdilat at nakita na naman ang mata nitong kulay abo.
Tama at nakita na nya ito noon pa man, ngunit saan ba at kailan?