ARYANA POV.
Lumipas ang dalawang araw ng pamamahinga nya ay narito na syang muli sa tapat ng mansyon, huminto ang motorsiklo sa tapat ng gate saka sya nag bayad dito at bumaba.
"Salamat po manong."
Aniya sa matandang lalaki.
Binati naman nya ang manong guard sa loob ng gate at saka sya nito pinag buksan at nagtuloy tuloy narin sa paglalakad, pero nagkaagaw pansin sa kanya ang dalawang sports car na kulay pula at dilaw kaya huminto sya saglit at sinipat ito, saka maaalala ang nakaraan kung saan hilig din nya ang ganitong sasakyan.
Nang matapos ay nagtuloy narin syang sa loob at dalawang lalaki kaagad ang sumalubong sa kanya sa may b****a palang, pinapahinto sya ng isa saka aaktong kakapkapan ngunit biglang nagsalita ang matandang boses.
"Ayos lang mga ijo, patuloyin nyo sya dito."
Aniya senyor.
"Magandang araw po senyor at paumanhin po kung nahuli ako."
Wika naman nya habang nakayuko at kaharap na ang matanda.
"Ayos lang ija.
Saka gusto ko ang bago mong itsura ngayon, bagay na bagay sayo ang ganyang kaiksing buhok."
Nangingiti pang sabi ng senyor kaya gumanti rin sya ng ngiti dito.
"Salamat po senyor."
"Halika muna sa tabi ko at ipakikilala kita sa aking-"
Anang matanda, ngunit di nito natapos ang sasabihin.
"Brandon, pamangkin ako ni uncle George."
Pakilala ng lalaki sa kanya matapos syang humarap dito, saka nito inilalahad ang palad sa kanya upang makipag kamay ngunit nagdadalawang isip sya kung tatanggapin ba, kaya minabuti nyang lumingon muna sa senyor upang hingin ang permiso nito, pero sa nakikita nyang pag-aalinlangan ng itsura n matanda ay minabuti nyang tumango nalang sa lalaki.
"Magandang araw po senyorito, kasambahay lang po ako ng senyor kaya paumanhin po kung hindi ko maaaring tanggapin ang kamay nyo."
Paliwanag nya sa lalaki dahilan para pumikit-pikit ito, saka nagbawi ng kamay.
Ngayon lang din nya napansin na may katabi rin pala itong lalaki na animoy parang mga model sa tindig dahil sa tangkad, malaki ang katawan at may itsura gaya ng lalaki ring si Brandon.
Saka naman nya binalingan ang matanda.
"Senyor, maari po ba akong umakyat muna sa itaas?"
Nangingiti nyang sabi rito.
"Ah, oo naman ija, sige tumuloy kana muna..."
Ramdam nya ang paninitig ng mga lalaki sa kanyang likuran habang iniiwanan nya, pero pinagsawalang bahala nalang at nagtuloy tuloy na sa itaas upang magpalit naman ng uniporme sa kwarto...
Habang nasa loob ay nagtataka syang inaaalala ang itsura ng lalaking si Brandon dahil pakiwari nya ay parang nakita na nya ito noon, ngunit di lang nya maalala kung saan at kailan...
Makalipas ang labing limang minuto ay bumaba na sya at tinungo naman ang kusina, total ay wala na sa sala ang kaninang nag uusap at baka magkasama na ang nurse at ang senyor at dahil hindi nya maaring sundan ito sa kwarto ng walang pahintulot ay mananatili syang maghihintay ng tawag.
"Naku ija, hindi kita nakilala kaagad sa bago mong itsura pero bagay sayo para kang, yung mga babaing police!"
Namamanghang turan sa kanya ni aling meding na bahagya pa nyang naibuga ang iniinom na tubig, kaya ang matandang babai ay nag-aalalang tinitigan sya saka hinimas ang kanyang likuran.
"G-ganun po ba talaga ang itsura ko, aling meding?"
Tanong pa nya sa matanda.
"Oo, dahil ganyan yung mga napapanuod ko sa TV, mga babaing bida na kadalasan ay police at may mga hawak pang baril."
Napapalunok na sya dahil sa reaksyon ng matanda na masayang masaya pang sinisipat ang kanyang itsura.
"Mahilig po pala kayo sa aksyon na drama aling meding."
Wika pa nya ulit, habang kinakalma na ang sarili sa isiping mabubuking na sya ng maaga nito ulit pag di sya mag dahan-dahan sa ginagawa.
"Bat kasi hindi nalang ako nag suot ng wig."
Bulong nya sa sarili, na sa totoo lang maliban sa kanyang trabaho ay hilig talaga nya ang ganitong istilo at kahit noon pamang nagdadalaga na sya bago pumasok sa kolehiyo ay nagugustohan na nya ang ganito na minsan pang ikinakagalit ng mommy Leah nila...
"Oo ija natitigilan kana dyan?
Saka kamusta pala ang pahinga mo? Nakadalaw kaba sa magulang mo?"
Sunod sunod na tanong ng matanda, habang nagsasalin na ito ng pagkain sa mangkok.
"Mabuti naman po, at opo nakadalaw ako sa kanila pero sabi ng nanay ay mamimis na naman raw po ako ulit."
Pagsisinungaling nya na nilungkotan pa ang boses, kaya naringgan nya ang matanda ng malalim na paghinga.
"Ganyan talaga ang mga magulang ija, at kundi mo lang iniisip ang pag tulong sa kanila ng pinansyal ay dika rin nun papayagan sigurado, dahil walang magulang na gustong mapalayo sa anak..."
Malungkot na turan ni aling meding, saka ilalapit ang mangkok sa kanya.
"Ang tawag dyan ay bilo bilo, baka lang hindi mo alam gaya nung babai ulit na walang alam sa pagkaing mahirap dahil galing pala sa mayamang pamilya."
Dagdag pa nito, na kinababahala na naman nya dahil tukoy na tukoy ng palabas ang sarili nya ngayon.
Pumasok naman si Ellian at gaya rin ni aling meding ay nagulat rin ito, ngunit biglang nag iba ang itsura nito sa dating mabait na ngayon ay masama na syang tinititigan habang lumalapit na sa kanya.
"Sana hindi nya maalala!"
Bulong nya ulit sa sarili.
"Nagkita ba tayo nung isang araw?" Pabulong nitong tanong, kaya kahit natitigilan sya ay di parin nagpahalata.
"Saan?"
Balik tanong nya, habang ang lalaki ay pinag-iisipan kung saan nga ba.
"Ah wala, baka guni guni ko lang yung nakita, kasi naman ilang araw karing wala dito."
Anang lalaki na kinahinga nya ng maluwag...
Umupo ito katapat sya at nag-umpisa silang magkwentohan nila aling meding na minsan ay di nila maiwasang matawa dahil kay Ellian.
Di nya akalain na kahit pala mukha itong barumbado ay magaling din pala sa pagpapatawa.
Nasa eksena silang tumatawa ng pumasok naman ang kaninang Brandon na kausap ng senyor, sinipat sila nito na nagtagal pa sa kanya.
Di nya sigurado pero may kung ano ang mga titig nito na kinababahala ng kanyang sarili, masyado itong malalim kong makatingin na animoy naghahalungkat sa kanyang pagkatao...
"When do you start to work here?"
Baritonong boses ni Brandon na nasa harap na pala nya.
"D-dalawang buwan na hu, senyorito."
Sagot naman nya habang nakayuko.
"Ah... And for what purpose?"
"Po?"
"I mean like you, a gorgeous woman, tall and white is not necessarily to work here as a maid?"
Kinawalang gana nya ang tanong ng lalaki dahil nahahalata nya na may pinupunto ito, pero kailangan parin nyang hindi magpakaapekto rito kundi ay matatalo sya kaagad.
"Salamat po kung ang ibig nyong sabihin ay maganda ako, pero kung ipinanganak ka pong mahirap ay wala hu sigurong masama sa pagiging kasambahay lang."
Aniya naman, pero naringgan nya ito ng mahinang pag ngisi saka lumabas ng walang paalam.
Natatahimik na naman sya sa isiping bagong trabaho na naman ba ang lalaki iyon, dahil kung oo ay mukhang mas malala ito kung mang hinala...
"Pero kahit sino pa sya, kahit pamangkin pa sya ng senyor ay di ako dapat magpatalo!"
Nasa kwarto sya ngayon ng matanda at hinihintay nalang na matapos bihisan ng bago nitong nurse na lalaki, dahil pinalitan pala ang dating babae sa kadahilanang nahuli pala ito ng senyor na di maganda ang pagpapa-inom sa kanya ng gamot at nalaman lang nya ang balita ng aksidenting marinig ang pag-uusap ng Ibang kasambahay at kung nasaan man ang babae ngayon ay malaking katanungan para sa kanya na hindi nya maaaring buksan sa senyor dahil maaari itong manghinala na maging dahilan pa ng pagkasira ng kanyang misyon...
Nagkukwentuhan silang dalawa ng matanda sa may biranda ng kwarto nito at ang lakas na naman nitong tumawa.
"Maari ba kitang tanungin sa personal mong buhay ija?"
Pag-iiba ng senyor sa kwentuhan nila.
"Maaari naman po."
"Kung ganun, gusto malaman kung nakilala mo ba ang totoo mong magulang at bakit hindi mo na sila hinanap?"
Nakaramdam sya ng simpatya sa matanda na kahit paman alam nya sa sarili na pagsisinungaling lang ang lahat ng pinapakita nya dito.
"Hindi ko na po sila hinanap dahil sabi ng nanay at tatay ay namatay raw silang dalawa sa isang aksidente at isang taon palang po ako noon...
Pero kwento pa ng tatay ay matipunong tao raw po ang daddy ko gaya nyo at maganda raw na purong pinay naman ang aking ina at nag iisang anak lang din po ako. "
Kwento nya na sinabayan pa ng malungkot na boses.
"Ang lungkot ng sinapit ng magulang mo ija, kaya nakikiramay ako."
"Salamat po senyor, pero ayos naman po ako dahil matagal na po yun na pangyayari..."
"May kamag-anak kapa naman siguro sa ibang bansa, wala ka ng balak puntahan sila para matulongan ka o makilala man lang ng iba mong pamilya?"
Dagdag pa ng senyor.
"Hindi na po siguro dahil masaya n apo ako sa mga magulang ko ngayon."
"Pinapahanga mo ako sa pananaw mo sa buhay ija, mabait kang anak kaya naman napakaswerte din ng magulang mo ngayon."
Aniya pa senyor, ng bigla itong pumikit pikit.
"Napuwing ata ang mata ko ija."
Tawag nito sa kanya kaya di na sya nag atubiling tulongan ito kaya dumukwang sya upang hipan ang mata ng matanda.
"Ayos na hu ba?"
Tanong nya pa dito at mukhang ayos na.
"Salamat ija, mahirap talaga pag wala kang anak na babae dahil kung puro mga lalaki lang ay wala kang maaasahan gaya nalang ng simpling pagtulong na ganito."
Madamdaming hayag ng matanda, saka ito bumuntong hininga.
Nagugulohan syang nag-iisip kung may anak ba talaga ito, dahil wala sa nilalamang impormasyon na may iba pa itong kamag anak, kaya ng makita nya ang lalaking si Brandon ay nagulat rin sya dahil pamangkin raw pala nya ito.
"Hindi po ba kayo nagkaroon ng kahit isang ana-"
Tanong nya ngunit di nya natapos dahil sa pag ubo ng isang lalaki mula sa loob.
"Hindi sya nagkaroon ng anak, at ako lang din ang nag-iisang pamangkin nyang makakasama na dito sa bahay habambuhay."
Aniya Brandon, lumapit pa ito sa kanila at umupo sa katapat na upuan ng senyor.
"Napakayabang pala ng lalaking ito na pamangkin lang naman!"
Bulong nya habang winawasiwas ng bahagya ang kanyang ulo para maalis ang isipin tungkol sa lalaki...
Maya maya ay dinako nya ang tingin sa senyor at ni wala rin itong ka emo- imosyon sa sinabi ng lalaki, hanggang sa magsimula na itong magsalita sa matanda tungkol sa isang bagay kaya nagpasya syang mag paalam muna upang bigyan sila ng sarilinang pag uusap...
Nasa pasilyo na sya at balak sana nyang bumaba ng biglang may humablot sa kanyang braso.
"Brandon?"
Gulat nyang tinig.
"Do not seduce the old man Aryana, or isn't?"
Mariing sabi lalaki at mahigpit na nitong hawak ang kanyang braso.
"A-ano hung sinasabi nyo?
M-mali po kayo ng iniisip, N-nag uusap lang po-"
"I saw you.
You trying to kiss him."
Mariing sabi ulit ng lalaki, gunit bigla nya itong sinampal ng malakas dahilan upang matabingi ang mukha nito.
"Ang senyor ang amo ko, kaya hindi ko kailangang magpaliwanag sayo kung iba ang pakahulugan mo sa pagtulong kong hipan lang ang mata ng matanda."
Aniya sa matapang ding pag harap dito.
Tinitigan sya ng lalaki habang nanggagalaiti ito sa galit, ngunit bago pa man ito makapag salita ay tinalikuran na nya ito saka tinungo ang hagdanan papuntang ibaba, kaya naiiwanan ang lalaki habang hawak hawak parin ang panga at palihim pang nangingiti...