ARYANA POV.
Dalawang araw ang lumipas at magkasama naman sila ngayon ng lalaking si Ellian, kung saan naghahakot sila ng ilang kahon at ipinapasok sa loob ng sasakyan...
"Bat kailangan ko pang sumama sayo, atsaka bat mo ako pinapagbuhat?"
Wika nya kay Ellian.
"Nagrereklamo kaba?
Kasi pwedi kong sabihin kay senyor na ayaw mo!?"
Anang lalaki na nakikitaan nya rin ng inis, kaya natahimik syang bigla.
"Nagtatanong lang po, at magkaiba ang reklamo."
"Miss Aryana, dito ay walang magtatanong at walang magrereklamo.
Pag sinabi ng senyor na gawin mo ito ay dapat umuo ka lang, dahil bago kapa pumasok dito ay alam mo na ang patakaran, dibah?"
Anang lalaki pa, habang ipinapasok ang isang kahon sa likod ng kotse.
"Patakaran nya yan sa inyo, pero ako ang responsibilidad ko ay kay senyor lang kaya bat ko pa kailangan sumama rin sayo?"
Aniya pa.
"Aahh basta, pumasok ka nalang at wag ng maraming tanong."
Naiinis paring turan ng lalaki saka nito binuksan ang pinto para sa kanya.
"Dito ako uupo."
Sabi naman nya dahil binuksan rin ang nasa likod.
"Hindi mo ako driver."
Masungit paring turan ng lalaki.
"Akala ko may gusto sa akin ang lalaki ito?
Bat 'to masungit?
Saka dibah dapat magalang, gentlemen at hindi bastos makipag usap?"
Bulong nya sa sarili.
Tinanong na nya ang kanilang leader at tinuruan sya nito kung paano paamuin ang mga lalaking kagaya ni Ellian pero sa nakikita nya ay mukhang mahirap itong mapasunod lalo na't mataas din ang turing sa sarili kung makaasta...
Wala narin syang nagawa kundi ang sumunod dito kaya naman binabaybay na nila ang kalsada papuntang lungsod, pero huminto muna sila sa isang convinient store saka ito bumaba at pagbalik ay mayroon na itong dalang isang supot ng pagkain?
"Kainin mo yan at baka magutom ka sa kakahintay sakin mamaya."
Anang lalaki at pinaandar na ulit ang sasakyan.
Tinititigan nya ang binili nitong pagkain at puro ito chips at may iilang biscuits pati mga energy drink kaya naman nagdadalawang isip sya kung kakainin ba o hindi, pero naisip nyang kailangang makita ng lalaki na hindi sya maarte sa pagkain kung kaya binuksan nalang ang isang biskwit, at habang ngumunguya ay panay rin ang tingin sa kanya ng lalaki.
"Bakit?"
"Nagtataka lang ako dahil yang mga katulad mo ay di nararapat sa ganitong trabaho, maganda ka maputi at mukhang may pinag aralan...
Pero dahil sa kinwento na ni senyor sa akin ang tungkol sayo ay maniniwala na ako na galing ka nga sa mahirap na pamilya, na ampon ka lang ng isang mag asawang pinoy?"
Wika ng lalaki na may pagtataka parin.
"Kung ganun ligtas na ako sa lalaking ito."
Nangingiti nyang bulong sa sarili.
"Oo, ikaw lang kasi itong ipinagpipilitan na ibang tao ako...
Pero salamat narin, kasi naniniwala kana sakin.."
Aniya.
"Oo kaya sorry din, maari na ba tayong maging kaibigan?"
Wika pa ng lalaki.
Biglaan man ang pagiging mabait nito ay minabuting makipag kaibigan nalang sya dahil kung naniniwala ito sa sinabi ng senyor tungkol sa kanya ay wala syang magiging problema pa, ang kailangan nalang nya ay mag ingat.
Inilahad ng lalaki ang kamay sa kanya at tinanggap naman ito....
Matapos mapuntahan ang lugar kung saan naghintay nga sya ng ilang oras ay pabalik naman sila sa mansyon at nagsisimula na nga itong makipag- usap sa kanya, at madalas ay sya rin ang nagtatanong rito ng mga bagay bagay tungkol sa buhay nito...
Kailangan muna nyang isantabi ang misyon sa utak total nakuha na nya ang loob ng dalawang lalaki sa bahay at madali narin para sa kanya ang magmanman ng walang sumisita..
*****
Makalipas pa ang dalawang buwang naninilbihan sa mansyon ay gamay na talaga nya ang ugali ng senyor at ng lalaki at ngayong araw nga ay nasa harden sila ng senyor kasama pati ng nurse nito habang nakikipag kwentuhan...
"Natutuwa ako ija dahil magkaibigan na kayo ng lubos ni Ellian, hindi pa ba sya nanliligaw sayo?"
Wika ng senyor.
"Po, naku h-hindi po."
Nahihiyang sa got nya saka yumuko sa harap ng matanda.
Iiling iling naman ang matanda at may pabulong pa itong sinasabi saka iibahin ang usapan.
"Sya nga pala ija, bibigyan kita ng dalawang araw na pahinga para naman mabisita mo ang mga magulang mo, total ay natapos mo na ang dalawang buwang paninilbihan dito at nararapat lang na ibigay ko rin sayo ang gantimpala."
Wika ng matanda sabay abot sa isang makapal na sobre at kahit nag-aalangan ay tinanggap parin nya.
"Salamat po senyor..."
Nang matapos ang usapan nila ng senyor ay nandito naman sya sa kwarto upang magbihis dahil ngayong araw sya liliban at sa makalawa pa ang balik na pabor na pabor sa kanya dahil ang totoo ay pagbibigay impormasyon sa kapolisan ang tatrabahuin nya...
******
"REPORTING FOR DUTY SIR!"
Wika nya sa kanilang hepe habang sumasaludo, saka pinababa at paupoin sya sa katapat na lamesa .
"Bagay na bagay sayo ang ganyang kaiksing buhok Miss Hendas."
Nakangiting pagpupuri ng hepe sa kanya dahil sa buhok nitong pina iksi.
"Salamat Sir... "
Nag umpisa syang magsalita tungkol sa mga nadiskubre sa bahay at inihahayag din kung paanong naiipapasok ang mga iligal na transaksyon gayong mahigpit naman ang seguridad sa bawat checkpoint na daraanan...
"Kung ganun, kahit pa nakakasiguro tayong mga armas ang laman ng van na yan ay kinailangan parin natin ng klarong ebidensya... Nakukuha mo naman siguro ang pinupunto miss Hendas?"
Wika ng hepe.
"Opo..."
Anya.
Kinailangan nyang makuhanan ng litrato o kahit na anumang ebidensya na magpapatunay sa iligal na transaksyon, kaya mabusising pagpaplano ang kanyang pinag-iisipan at gagawin upang di sya mabolilyaso sa muling pagbalik sa mansyon.
Lumabas sya sa opisina ng hepe at dumiretso muna sa kanyang sariling lamesa.
"Mukhang maganda tayo ngayon Miss Hendas."
"Salamat Cruz."
Aniya naman sa seryusong mukha, ganito sya pagdating sa trabaho at sa mga kabaro.
"May lakad ka mamaya, dahil kung wala maari ba tayong manuod ng sine?"
Wika ulit ng kabaro.
"Masyado akong busy para dyan Cruz kaya iba nalang ang yayain mo."
Malumanay nyang sabi dito habang inaayos parin ang laman ng lamesa dahil ilang buwan na naman nya ito mababalikan.
"Ikaw naman Miss Hendas kaya ka hindi nagkakaboyfriend kasi masyado kang mapili, gwapo naman itong kabaro natin, matikas, malaki ang katawan at mayaman katulad mo!"
Aniya Ymenis.
"Hindi ako mapili Ymenis, sadyang ayuko lang sa kanya."
Sabi nya habang tumatayo, saka sya ngingiti sa mga ito.
Nang maringgan naman pa ng paninipol at palakpak ang mga kasamahan at sinasabi nilang ganyan dapat ang mga babae, ang iba naman ay naaawa para sa dalawang kabaro kaya bigla rin nag iba ang itsura ng isa.
"Baka nakakalimutan mo kung sino ang kinakausap mo Miss Hendas?"
Aniya Cruz na hinawakan na sya sa braso na kanya ring tiningnan.
"Hindi ko nakakalimutan Cruz, dahil isa ka ngang magaling at gaya narin ng sabi ni Ymenis.
Pero dito ay magkatrabaho lang tayo, ayuko ng personalan."
Wika naman nya na ikinabitiw na ng lalaki at siguro ay naiintindihan na rin sya...
Maya maya ay may pumaradang motor sa labas, bumaba ito at nagbigay galang saka kumaway sa mga kabaro kong babai habang pumasok saka magtatanggal ng helmet, kaya unti unti narin nyang nakikilala at ito pala ang kanyang kuya Leonn.
Nakipagkamayan ito kay Cruz at Ymenis na nasa tabi nya at nagsaludo naman sa iba, habang ang iba pang babai na nasa loob ng opisina nila ay lumabas rin para masilayan ito.
Wala parin talagang pinag bago ang kuya nya dahil gaya parin ng dati na mapapalingon talaga ang mga kababaihan...
"Am I late?"
Aniya kuga Leonn, saka humalik sa kanyang nuo.
"Sya ang boyfriend mo?"
Biglang tanong ni Cruz na tinuro pa ang kanyang kuya.
gayon lang pala makikita ng kabaro ang kuya Leonn nya dahil bagong lipat ito sa departmento nila at ng bigla pang tumawa si Ymenis para sa nakakaawang kabaro.
"Cruz dimo ba nakikita na magkahawig sila ng itsura?
Magkapatid sila."
Aniya Ymenis.
Bigla naman nakipagkamayan ulit ang kuya nya kay Cruz at nagpakilalang Hendas rin, maya maya ay nagpaalam narin silang dalawa habang namamangha parin ang itsura ni Cruz...
"Sa susunod kasi huwag mo na akong hahalikan sa nuo, yan tuloy napagkakamalan ka nilang boyfriend ko."
"Yan ang way namin sa pagpapakita ng pagmamahal namin sayo bunso, kaya wala akong pakialam sa mga manliligaw mong yan."
Wika ng kuya nyang nangingiti, habang nakasakay na sila sa motor nito...
Dinala sya nito sa bagong restaurant at namamangha dahil sa loob ng dalawang buwan ay ito na pala ang kinukwento nitong bagong patayo, moderno ang istilo ng loob at mukhang mayayaman lang ang magiging customer nito...
Dumiretso sila sa opisina nito saka sya pinaupo sa couch at nagtanggal ng uniporme.
"Saludo na talaga ako sayo kuya, asensadong asensado na talaga kayo ni kuya Nethan."
Wika nya sa kuya habang nagsasalin na ito ng alak sa baso at iaabot sa kanya.
"Eh ikaw lang naman itong nagtitiis sa ganyang trabaho na kung tutuosin ay pwedi kana mang sumunod sa America kay kuya.
Remember na may ibinibigay syang pwesto mo sa opisina?"
"Salamat nalang, pero ito ang pasyon ko sa buhay kuya ang maglingkod sa bayan at manghuli ng mga kriminal, kaya kayo ni kuya Nethan ay bahala kayong magpayaman basta masaya ako dito."
Sagot niya na ikinatango nalang ng kuya Leonn saka sila cheers.
"So, ilang buwan naman ba tayo bago magkikita?"
Tanong ng kuya nya kaya pinaliwanag na nya dito lahat lahat...
"Oh sige, basta mag iingat kaparin dun at parati mo akong tatawagan."
"Oo naman kuya..."
Aniya.
Niyaya pa sya nitong kumain dahil raw ipapatikim ang mga espesyal na mga putahing sariling luto, kaya ngayon ay nakaupo sila sa isang sulok kung saan tanaw ang mini garden ng restaurant nito na pweding pagkuhanan ng litrato.
Nang matapos kumain ay niyaya nga nya saglit ang kuya dito para kuhanan sya ng litrato, at masaya na nga nyang tinitingnan ang mga kuha habang papalabas sila sa restaurant nito.
Ngayon ay balak naman nilang mag shopping na katamaran ng kuya nito, ngunit dahil sa pamimilit nya ay naisasama rin...
Nang bigla pang mapadako ang mata nya sa nakatagilid na lalaki habang inaalalayan nitong bumaba ang isang matandang lalaki sa sasakyan, kaya mabilis din nyang niyaya ang kuya Leonn sa loob ng sasakyan nito upang di sya makita, ngunit ng papasara ang bintana ay sakto naman ng kanilang pagtititigan sa mata, kaya kahit kinakabahan sya ay minabuti nalang nyang huwag ng sabihin sa katabi.
"Sinasabi ko na nga bang nagpapanggap ka lang George Montero!"
Bulong nya sa sarili.
sigurado sya na ang senyor at ang kanang kamay nito ang nakita, kaya kailangan rin nyang maghanda sa muling pagbabalik sa mansyon dahil nakakasiguro syang malaki ang pagbabago lalo na't nakilala sya ng lalaki...