"Good morning, Mama. Good morning, Kuya." Bati ni Xander sa dalawa nang maabutan niya ang mga ito sa komedor habang kumakain kinabukasan ng umaga. Maaga ang pasok niya noon sa school at pagkatapos ng klase ay didiritso din siya sa opisina ng mama niya kung saan ay isa siyang associate.
"Good morning din. Kumain ka na." Sagot ng kanyang kuya na umangat ang paningin mula sa paghigop ng kape.
Nginitian niya ito. "Salamat, kuya." Naupo siya sa kaharap na upuan ng kapatid at saka binalingan ang ina na mukhang masaya ang aura sa umagang iyon. "Ang ganda ng Mama ah."
"Binola mo pa ako. Good morning din naman sa'yo, Xander. Salamat sa papuri mo." Ani ng donyang natatawa. "Sasabay ka ba sa akin ngayon?"
"Hindi na po, Mama. Paalis na po ako eh. Maaga ang pasok ko ngayon." Tiningnan niya ang pambisig na relo at ngumuso. "Marami po akong gagawing preparation para sa report ko ngayong umaga."
"Mag-almusal ka naman muna pala." Paanyaya ng ina. "Sige na, mauna ka na."
"Thank you, Mama."
Mabilis siyang kumuha ng makakain sa kanyang pinggan at minadali iyong inubos. Ang totoo ay hindi talaga ang oras ng pasok niya at mga report sa eakwela ang dahilan kaya siya madaling-madali. Ayaw niya lang na makasabay sa pagkain si Uela na lubos-lubos ang pangungulit sa kanya.
Nang matapos siya ay uminom lang siya ng tubig at nagmadali ng tumayo.
"Yung gatas mo, hintayin mo at ipapakuha kita kay Socorro."
"Huwag na po, Mama. Kailangan ko na talagang umalis."
"Pero saglit lang 'yun."
"Hindi na, Ma. Busog na po ako."
"Sigurado ka?"
"Opo."
"O sige, mag-iingat ka." Parang bata ang kinakausap ng kanyang ina habang binibilinan siya nito.
"Yes, Ma. I'll take care. Mag-iingat din kayo."
Liningon niya ang kanyang Kuya Ramon at sinaluduhan na gumanti naman ng ngiti at tango bago siya lumakad palabas ng komedor.
Ekasakto naman na pagkalabas niya sa may sala nakita na rin niyang pababa na ang kanyang Ate Letecia sa may hagdan kaya binilisan niya lalo ang lakad. Alam niyang anumang oras ay susunod na rin dito sina Elly at Uela at iyon ang ayaw niya niyang antayin.
Nang makalabas ng tarangkahan ng bahay ay patakbo na niyang tinungo ang kinaroroonan ng kanilang garahe kung saan niya dinatnan si Mang Fidel. Ang driver at mekaniko nila.
"Mang Fidel, tama na po yan!" Tawag pansin niya dito na naglilinis ng kanyang sasakyan. Todo kuskos pa ito sa parteng kaharap nito kaya hindi siya nito nilingon kaagad.
Lumang model ang sasakyan ng Toyota at pinaglumaan ng kanyang kuya Ramon bago ito umalis walong taon na ang nakakaraan at kesa sa gumastos ang kanyang mama para bilhan siya ng bagong sasakyan upang magamit sa pagpasok sa kolehiyo ay hiniling niya na lang dito na iyon ang gamitin niya. Tutal ay maganda pa naman ang Toyota Starlet na iyon at sa kaunting linis nila ni Mang Fidel at pagpapalit ng upuan ay nagmukha ulit iyong brand new na ngayon ay kinaiingitan ng kanyang mga kaibigan.
Ayon sa mga ito ay para raw siyang nasa lumang palabas kung saan ay siya ang bida na sa tuwina ay kinatutuwaan niyang pakinggan.
Isang taon na niyang minamaneho ang pulang Toyota Starlet na iyon- buhat ng siya ay magkaroon ng lisensya. Sa lugar naman nila ay hindi gaanong mahirap magmaneho dahil hindi naman ganoon karami ang mga sasakyan kaya pinayagan na rin siya ng ina sa kabila ng pag-aalala nito noong una.
Naguguluhang nilingon siya ni Mang Fidel dahil halatang hindi pa naman tapos ang ginagawa nitong paglilinis sa sasakyan. May mga sabon pa iyon at hindi pa naku-kuskos ang kabilang bahagi na kita sa mga duming nakadikit pa roon.
"Huwag niyo na pong kuskusin 'yan, kailangan ko na ho kasing pumasok ng eskwela." Ulit niyang saway rito.
Tumango-tango na lang ito. "Sige." Kinuha nito ang hose at in-spray-han ang gawing hindi pa nakukuskos at ang gawing may mga sabon pa.
"Tama na ho 'yan, Mang Fidel." Saway niya sa matanda at umanyong lalapit sana dito kung hindi lang narinig ang may katinisang boses na iyon.
"Xander!" Pasigaw na tawag sa kanya ng babaeng boses. Hindi iyon kay Letecia at lalong hindi ang kanyang mama. Ayaw nga niya itong makita kaya siya aalis ng maaga tapos heto naman ito at sumunod pa sa kanya.
Napangiwi siya at luminga. Nagkunwari siyang hindi iyon narinig at lumigid sa pwesto ni Mang Fidel na mas tago kaysa sa kinaroroonan niya.
"Xander!" Rinig niyang tawag ulit ng papalapit na boses.
"Tinatawag ka Xander o." Ani ni Mang Fidel habang sige pa ring binabanlawan ang sasakyan gamit ang hose ng tubig.
Nagmaang-maangan siya sa pagtingin dito at ikinunot pa ang noo na akala mo ay hindi alam ang sinasabi ng matanda.
Bahagya pa siyang tumungo sa kinatatayuan para hindi siya mapansin pero ilang segundo lamang ay may nagsalita na mula sa kanyang likuran.
"Xander! Hey!"
Gulat siyang napatingin sa dalagita sa likuran niya.
"Maam Uela." Gulat na sagot ni Mang Fidel sabay iwas ng hose sa bahaging kinaroroonan ni Uela. "Magandang umaga po. Anong ginagawa niyo dito? Baka mabasa ho kayo."
"I'm fine." Bahagya lang nitong nilinga si Mang Fidel at sa kanya na naman ito tumingin. "Haven't you heard me calling you?"
Kinunutan niya ito ng noo. Isip-isip niya ay 'napaka-englisera naman nito na kahit ang accent ay pang amerikana na rin', pagkuwan ay isang palsipikadong ngiti ang ibinigay niya rito. "Ah, Uela, good morning. Sorry, I didn't hear you calling. I am about to leave. I have an early morning class."
"Really?" Pinag-krus nito ang dalawang braso sa harap nito at tinaasan siya ng kilay. "Don't you want to talk to me?"
Nagpakawala siya ng pilit na tawa sa sinabi nito. "Why wouldn't I?" Iling niya pa. "I just need to leave early because of my early class."
"Are you sure?"
"Oo." Pilit niyang sagot dahil sa biglaang inis na nararamdaman niya. 'Hindi yata ito nakakakilala ng mas matanda rito.' Bulong niya sa isip. Kung magtaray ito ay kuhang-kuha si Donya Milagros na kinatatakutan ng lahat.
Halatang hindi kumbinsido ang kanyang kausap sa kanyang tinuran ganoon pa man ay tumango-tango ito. "Okey. Anyways, we might get to see each other often in your school because I already ask 'Ma regarding my transfer in your school's high school department." Mahabang litanya nito na binalewala niya lang. Ano naman ang pakialam niya sa transfer nito?
"Okey. Good for you." Pagkuwan ay nilingon niya si Mang Fidel na parang naestatwa sa pagkakamata sa kanila. "Mang Fidel, tapos na ho ba?"
Ilang saglit muna siyang tiningnan lang nito bago ito sumagot. "Ah, oo. Tapos na nga, Xander."
"Sige ho, salamat." Ibinalik niya ang tingin kay Uela na parang walang balak na umalis sa harapan niya. "I have to go. Get inside and eat your breakfast."
Noon ay napangiti ito sa sinabi niya na kanyang ipinagtaka.
"Okey." Ani nito at gumilid.
Tumalikod na siya at tinungo ang pinto ng sasakyan. Hindi pa man niya iyon nabubuksan ay narinig niyang nagsalita ulit si Uela.
"Aren't you going to pat my head? I remember, you used to do that when we were kids!"
Hindi niya ito nilingon at itinuloy niya ang pagbukas ng pinto sa driver's seat. He has to leave.
Agad niyang binuksan ang makina ng sasakyan at nag-maniobra palabas ng garahe. Iniwasan niyang tingnan sa side mirror si Uela na nakatayo pa rin doon sa kinatatayuan nito nang gumilid hanggang sa tuluyan siyang nakalabas ng gate.
Isang malakas na buntunghininga ang pinakawalan niya ng tuluyang nawala ito sa kanyang paningin.
Hindi ganoon ang pinraktis niya sa isip noong gabi bago siya nakatulog noong nakaraang gabi.
.....
Xander spent all his day busying himself.
Wala siyang panahon para mag-isip ng iba maliban sa mga gawain niya sa school habang nasa school siya at trabaho naman kapag nasa opisina siya.
Nang makarating siya sa school noong umaga ay kaagad niyang inasikaso ang kanyang report at nag-finalize rin siya ng case study na ipapa-check muna sa kanilang adviser bago ang araw ng submission. Ilang araw na kang kasi ay matatapos na ang deadline at ayaw niyang maghabol ng oras para lang sa ganoong bagay.
Right after his subject ay tinatapos niya kaagad ang kanyang mga assignment kasihadong mag-stay siya sa library ng ilang oras. Kahit ang pagkain niya ng tanghalian kasama sana ang isa sa mga kaibigan na si Tyron ay tinanggihan niya muna. Sayang nga at hindi siya nakasama sa mga itong dumayo sa kakabulas pa lamang na kainin sa City nila.
He has to kept himself busy at alam niyang madaldal ang kanyang kaibigan. Anak ito ng kaibigan ni Donya Milagros at imposibleng hindi pa alam ng mga ito ang pag-uwi ng kuya niya at ng pamilya nito and in that case, lahat-lahat ay alam niyang itatanong nito and that will lead him to thinking about-
Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya pwedeng ma-distract. He needs to concentrate para matapos niya ang kanyang mga gawain dahil maya-maya naman ay trabaho sa opisina ang kakaharapin niya.
Iginala niya ang tingin sa kinaroroonang silid-aklatan. Focus ang kailangan niya ngayon kaya siya nagkukulong doon. Aantayin niya lang na magsimula ang kanyang huling klase at pagkatapos niyon ay pupunta na siya sa opisina ng ina kung saan naman siya nagti-training din.
In the meantime, he has to stay focused. He can't afford to have distractions especially when it comes to the daughter of his brother.
With that, he frowns.
A distraction is keeping him from studying properly. Tumayo siya at nag-inat ng mga braso. Bago siya naupo ay makailang beses muna siyang huminga ng malalim at saka siya muling bumalik sa pagkaka-upo upang ituloy ang naudlot niyang gawain.
.....