Natasha Pov.
(Im her Husband)
Paano maghikahos ang pusong nilamon na ng pag-ibig? Iyong tipong hindi mo makalimutan ang taong nagpapatibok nito sa bawat segundo, bawat pag-pihit ng 'yong ulo ay panibagong memorya ang iyong naaalala sa mga kaganapang nangyari.
Napalunok ako habang nakaupo sa gilid ng kama, malalim ang iniisip at tungkol iyon sa lalakeng kagabi pa gumugulo sa utak ko. Medyo hindi pa ako nakapag-ayos dahil nagdadalawang isip akong magbukas ngayong araw, huminga ako ng malalim bago balingan si shaira na kakatayo lang sa kanyang higaan.
Nagtataka siyang nakatingin sa akin habang pumupungay ang mata.
"Hindi ka pa ba magbubukas?" umiling ako, napagpasyahan ko'ng magpahinga muna dahil sa hindi rin naman ako makapag-focus, iisipin ko lang ng iisipin ang lalakeng 'yon.
"Aalis ako ngayon, bibisitahin ko si papa. Ayaw mo bang sumama?"
"S-sige, mas mabuti pang sumama na muna ako sayo para makamusta ko si tito.." tumango si shaira bago tumayo.
"Maliligo na muna ako.."
"Hm, magluluto ako ng agahan, dalhan natin si tito.." nagpauna na rin akong tumayo at lumabas ng kwarto, dala ang aking cellphone at pumasok ako ng kusina habang nagtitipa sa isang costumer na nagpapareserved ng bulaklak.
Ngunit hindi ko pa na-isend ang message ng bigla ay tumawag si brandon. Madali kong sinagot iyon dahil madalang lang sa patak ng ulan kung tumawag ang kapatid ko'ng ito.
"Oh, brandon. Napatawag ka?"
"Isinugod namin si amang sa ospital! Nahihirapan siyang huminga!" biglang nanlambot ang sistema ko sa sinabi ni brandon, kung hindi pa ako nakakapit sa upuan ay baka kanina pa ako natumba dahil sa kanyang ibinalita.
"S-saang ospital?" Naluluha ako sa hindi malamang dahilan, nanlalabo ang aking mata habang tinutungo muli paakyat ang kwarto upang makapag-bihis na agad.
"Dito lang sa publikong ospital, malapit sa roxas!" ibinaba ko na ang tawag at pilit huminga ng malalim, tila nahabag pa ako dahil hindi ko na matandaan kung kailan ang huling pag-uusap namin ni amang.
Hindi ko mapigilan magalit sa'king sarili dahil inabala ko ng todo ang sarili ko sa trabaho, halos nakalimutan ko na si amang at ang pagbisita sa kanya.
"Anong nangyari?" nilingon ko si shaira pagkalabas nito ng banyo, kinagat ko ang labi bago umiling. Alam ko'ng marami na siyang problema pa, ayoko ng dumagdag pa sa mga iisipin niya.
"T-tumawag lang si brandon sakin, nais akong makita ni amang kaya hindi na muna ako makakasama sayo.." tumango siya dalawang beses bago suriin ang aking mukha.
"Sigurado bang walang problema?"
Pilit akong ngumiti, nilalaban ang damdaming nasa loob ko. "Wala ano ka ba, next time na lang kita sasamahan kay tito, hm?"
"Sige, walang problema. Ingat ka, sabihan mo ako agad kung anong nangyari.."
"Sure.."
Madali akong kumuha ng aking pamalit, hindi na ako naligo pa kundi naghilamos na lamang dahil sa pagmamadali, nauna akong lumisan kay shaira at pumara lamang ng taxi. Nagmamadali akong makatungo sa ospital dahil kinakabahan ako kung ano nga ba ang nangyari kay amang.
Nang marating ang nasabing ospital ay nagmadali akong hanapin ang kwarto ni amang, dahil maliit lamang at publiko ito ay madali kong nahanap ang nasabing kwarto.
"Amang!" nakahiga siya sa ospital bed ng lumapit ako, matamlay ang kanyang mukha at bahagyang namumutla. "A-ano pong nangyari?" umiling siya, hindi makapag-salita.
"Nahimatay siya kanina dahil nahihirapan itong huminga.." nilingon ko si inang na nasa paanan ni amang habang bahagyang nakangiwi. "Mataas ang sugar niya, kailangan niya ng panibagong gamot.."
"Nagbigay po ako ng pera hindi ba?"
"Anong akala mo sa perang ibinigay mo! Kakasya ba iyon sa araw-araw na gastusin, natasha!" dumistansya ako sa pagkalakas-lakas ng kanyang sigaw, ngunit hindi na ako nakapag-salita pa ng hawakan ni amang ang kamay ko.
"A-ayos lang ako a-anak.." itinikom ko ang labi dahil hindi ko mapigilang maging emosyonado, si amang lang naman ang nakakaintindi sa akin, siya lang naman ang nagmamahal sa tulad ko kaya't hindi ko kakayanin kung sakaling mawala siya sa piling ko.
"P-pasensya na po kung hindi na ako nadalaw sa b-bahay, sorry amang.."
"A-alam kong abala ka, h-hindi muna man ako kailangan b-bisitahin palagi.." tumango ako at hindi na makasagot, naninikip ang aking dibdib dahil sa sitwasyon nito.
"Maayos naman na ang amang mo, hindi na kailangan i-admit pa siya dahil maaari naman itong uminom ng gamot, hinihintay ka na lang namin para makapag-bayad kami.." pinunasan ko ang luhang tumakas sa aking mata bago harapin si inang, hindi na ako umangal pa bagkus ay kinuha ko ang sampung libo sa pitaka upang tanungin kung magkano ba ang bill.
Ngunit hindi pa ako nakapag-salita ng kunin na iyon ni inang sa mga kamay ko.
"Ako na ang magbabayad, bantayan mo na lang ang amang mo dito!" naiwan akong kumukurap sa pwestong nilisan niya, ni hindi man lang siya nagtanong kung may pera pa akong sumobra para sa gamot ni amang.
Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon dahil may pera pa naman ako para sakin, sobra man iyon ay hindi na ako nakipagtalo kay inang dahil alam ko ang kanyang ugali.
"P-pasensya na anak, g-gumastos ka na naman ng malaking halaga.." pilit akong ngumiti kay amang.
"H'wag niyo na pong intindihin iyon, ang mahalaga ay maayos ang kalusugan niyo.." pansin ko ang mga lukot sa noo ni amang senyales na nagkakaroon na siya ng wrinkles, medyo na-stress na yata si amang dahil sa mga kasama sa bahay. Gustuhin ko man manatili roon ay hindi ko na kaya, baka hindi kayanin ng sistema ko at mabaliw ako, ayokong mangyari iyon dahil wala na silang pagkukuhanan pa ng pera.
Nang umaga rin iyon ay nai-uwi namin si amang sa bahay, sinundo kami ni brandon sakay ng tricycle na hiniram lang naman niya sa kapitbahay.
"Bigyan mo ako ng limang daan.." nagsalubong ang aking kilay sa paghingi ng pera ni brandon.
"Bakit?"
"Kailangan mabayaran ang mutor na hiniram ko, hindi iyon libre!"
"Wala akong limang daan, humingi ka kay inang dahil nagbigay ako ng sampong libo kanina.." tinalikuran ko na si brandon upang asikasuhin sana si amang sa kwarto, ngunit humarang na si inang sa pinto upang hindi ako makatuloy.
"Ibinili ko ng gamot ang sukli, ang ilan ay itinabi ko para sa pang-gastos, abutan mo na ng limang daan si brandon at naghihintay ang may-ari ng tricycle!"
Napabuga ako ng hangin, nag-iwas ako ng tingin bago kagatin ang aking labi. "Hindi naman ako sumusuka ng pera inang! 'yung mga pera sanang ibinibigay ko ay wag niyo namang lubusing gastusin!"
"Aba't nagrereklamo ka na ngayon!" dinuro ni inang ang sintido ko kaya't halos magkagulo ang gilid ng aking buhok. "Kung hindi lang naman dahil sayo ay hindi malulumpo ang amang mo, perwisyo kang bata ka! dapat lang na tustusin mo ang pangangailangan namin dahil kasalanan mo naman ang lahat!"
"HELDA!" dinig ko ang tinig ni amang na nagmumula sa kwarto, hindi ko maiwasang magdamdam dahil sa kanyang sinabi.
Simula bata pa lang ay itinatak na ni inang sa akin iyon, ang magtrabaho para kumita ng pera.
"Huwag mong sisihin si natasha!" muli ay sumigaw si amang, alam kong hindi siya makatayo kaya't hindi na ako nakipagtalo kay inang.
"Magtatrabaho po ako, ang sa akin lang naman. Magtipid sana kayo.."
"Wala kang karapatang pagsabihan ako!" dinuro-duro ako ni inang sa noo, halos iparamdam nito sa akin na hindi niya talaga ako anak, alam ko naman. Dahil ang totoo ay ako ang sampid dito.
"Kung ako sayo, magpayaman ka! Ipamukha mo sa totoo mong ina na hindi ka niya katulad, iniwan niya kayo ng amang mo dahil sa dukha lamang kayo!" nag-iwas ako ng tingin sa masasakit na salitang ibinato niya, hindi ko alam ang totoo. Pero madalas ay iyon ang sinasabi ni inang sa akin.
"Ikaw lang ang inaasahan ng amang mo ngayon, huwag mong isumbat ang perang binibigay mo dahil responsibilidad mo kami, tandaan mo yan!"
Lumisan na si inang sa harapan ko, hindi na nag-atubili pang tingnan si amang kundi lumabas na ito ng bahay. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi, kay bigat ng aking dibdib habang hinaharap si brandon na walang pakialam sa nangyari.
Huminga ako ng malalim bago kunin ang isang libo sa pitaka, ibinigay ko sa kanya iyon ng walang imik bago ito talikuran upang puntahan si amang.
Gaya ng inaasahan ko ay nakaupo ito sa kanyang higaan, lumapit ako at umupo sa gilid.
"Mahiga na kayo at magpahinga.." umiling si amang, hinawakan niya ang aking kamay bago haplusin ang aking pisngi.
"Huwag kang maniwala sa inang mo, hindi ka iniwan ng totoo mong ina.." wala akong masabi kay amang habang nakatitig ito sa akin. "Nawalan ng alaala ang iyong ina kaya't hindi na nito tayo matandaan, isang caregiver si rossette sa manila, naaksidente ito.."
"T-totoo po?" tumango si amang. "N-nasaan po ito?"
"Ang huling pagkikita namin ay kinupkop siya ng mga anak ng inaalagaan niya, ngunit ayaw niyang sumama sa akin dahil hindi na nito tayo matandaan pa.."
"Saang lugar po siya naroon?"
"Wala na akong ideya pa, anak. Anim na taon ka palang noon, ang haba na ng taon at wala na akong balita.."
Nagbaba ako ng tingin, hindi makalimutan ang sinabi ni amang tungkol sa totoo kong ina. Ngunit gayun pa man, hindi ko maiwasang magkimkim, malungkot at maging matamlay sa narinig.
"Mahal ka ng iyong ina ng isilang ka, ngunit dahil mayaman sila at mahirap lang ako ay itinakwil siya ng kanyang ama kaya't kailangan nitong magtrabaho.."
"Nasaan po ang mga pamilya niya?"
"Narito lamang sila sa manila, ang mga merciales at salvador.."
"H-hindi ko po sila kilala.." bumuntong hininga si amang.
"Huwag mo ng isipin pa iyon, ayoko ng hanapin mo pa ang ina mo dahil hindi mabuting tao ang kinabibilangan niya.." wala sa sariling napatango ako, pilit ko'ng kinalimutan ang sinabi ni amang at nagfocus sa kalagayan nito.
"Hindi na po ba masakit ang ulo niyo?"
"Ayos na ako, ayos lang.."
"Ano po ba ang nangyari at nagkaganon?"
Nag-iwas siya ng tingin, hindi ako sinagot. Nagdududa man ay hindi ko maiwasang magtanong.
"Binibili po ba ni inang ang mga gamot niyo?"
"O-oo, b-baka nasobrahan lamang ako ng kain kaninang umaga.." nagpakawala ako ng mabigat na paghinga bago tingnan ang mga gamot na nagmula sa doctor kanina.
"Mahigit isang buwang gamot ito, kukunin ko ang reseta para ako na ang bibili ng gamot mo.."
"P-pasensya ka na kay papa, anak. Kailangan mo pang gawin yan.."
"Naku si amang naman, pag nakapag-ipon ako makakalakad ka na at maooperahan, may ipon ako para sa inyo iyon.."
"Anak naman.."
"Ako po ang may kasalanan kung bakit bali ang paa niyo at hindi kayo makalakad, kung hindi niyo po ako iniligtas edi sana ako ang nasa kundisyon niyo at nakakalakad pa kayo, tama si inang, k-kasalanan ko.."
"Hindi mo kasalanan, hindi kagustuhan ng diyos ang nangyaring ito, bawat pangyayari ay may dahilan, walang dapat sisihin sa bagay na nangyari na, tandaan mo iyan, pagsubok lamang ito at malalampasan rin natin.."
Ngumuso ako kay amang bago siya yakapin. "Mahal ko po kayo amang, dadalasan ko na po ang pagdalaw dito, bibilhan kita ng bago wheelchair.."
"Ikaw ang bahala anak.."
Humiwalay ako at ngumiti. "Sa susunod, pag maayos na ang kundisyon niyo ay isasama kita sa shop para makita mo ito."
"Huwag na anak.."
"Si amang naman, kayo ang inspirasyon ko kaya ko itinayo iyon, sumama na kayo.." naghihimutok ako kay amang dahil kilala ko siya, pag-ayaw nito ay hindi mo siya mapipilit.
"Baka malasin lamang ang shop mo.."
"Ikaw talaga amang, walang malas sa tao, nasa kapalaran iyon!"
"Marami akong balat sa katawan.."
"Pupunta kayo, amang, period!" hindi na naka-angal pa si amang sa sinabi ko, hindi na rin naman siya nakapag-salita ng pumasok si chloe sa kwarto na nakapag-bihis na uniporme.
"Nakauwi ka na te!" ngumiti ako sa aking kapatid, dalagang dalaga na. "Tamang tama, may bagong bukas na cosmetic bar doon, gusto kong bilhin yung set ng liptint!" napawi ang aking ngiti, ang akala ko pa naman ay naging masaya siya dahil nakita niya ako, iyon lang naman pala ay nagmumukha akong pera sa kanyang paningin.
"Sige, bibigyan ka ni ate.." hindi na ako nag-atubili pang bigyan ito, ngayon lang din naman kami nagkita kaya lulubusin ko na.
"Kailangan ko rin ng pera.." hindi ko alam na nasa likuran pala si brandon, nakahalukipkip ito at hindi nakatingin sa akin. "Mag-aapply ako ng trabaho at kailangan ng requirements.."
"Mag-aral ka na lang ulit!" singhal ko, umirap siya bago magpamulsa.
"Hindi na ako makakapasok pa, tapos na ang enrollment, next year na!"
Napabuga ako ng hangin. "Anong papasukan mong trabaho?"
"Sa bolivard, manager sana sa supermarket.." hindi na ako nagtanong pa, nakapagtapos naman na tatlong taon si brandon sa kursong accountancy, iyon nga lang ay huminto dahil nabarkada ang putragis.
"Nasaan na si doreen?" tumaas ang kilay ko bago ko siya abutan ng pera, natawa si chloe bago hawiin ang buhok.
"Sinundo si ate doreen dito, bongga ang babaeng yon. Mamahalin ang kotseng sumundo, nakakatakot yung papa niya!"
Sinenyasan kong manahimik si chloe dahil ang lakas ng boses niya, papahimbing pa naman sana si amang kaya niyaya ko silang lumabas ng kwarto.
"Paano iyong dinadala niya?" nag-iwas ng tingin si brandon.
"Gusto ko siyang panagutan, ngunit ng humingi ako ng tulong sayo ay hindi mo ako tinulungan.." tumaas ang kilay ko.
"Kasalanan ko pa?"
"Oo, dahil kailangan magpa-check up ni doreen, dinudugo siya ng tatlong araw, hindi ko alam kung saan ako lalapit kaya pinuntahan ko ang ama niya!"
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni brandon, nakunsensya pa ako dahil lagi na lang yata ako ang may kasalanan.
"Hindi ko alam na mayayaman pala sila, binugbog pa ako at tinakot na papatayin kung hindi ko ibabalik si doreen!"
"Kumusta na siya ngayon?"
"Wala na akong balita pa, kesa naman sa madamay pa tayong lahat dito, mananahimik na lang ako.." lumisan na siya sa harapan ko, mabibigat ang kanyang yapak na lumabas ng barong-barong.
"Si Doreen Penafiel Salvador ang girlfriend ni kuya, napag-alaman kong mayaman nga sila dahil yung friend ko sa school kaibigan ni Nicole Merciales Salvador, magkapatid sila. Mayayamang tao.."
Kunot ang noo ko sa sinabi ni chloe, bigla kong naalala ang mga taong kumupkop sa totoong magulang ko kaya hindi ko maiwasang mag-usisa pa.
"Sino ang kanilang ina?" tumaas ang kanyang kilay, natatawa.
"Hindi ko alam, itatanong ko minsan pag nagkita kami.." hinawi nito ang buhok bago tumalikod, ngunit bago siya lumisan ay may sinabi pa ito sa akin. "Pero ang alam ko ay mga drug lords sila, gwapo rin ang kuya nila na nag-ngangalang Stanlee Salvador, kaso sa fatima lang nag-aaral."
Tuluyan na siyang lumisan pa, at dahil sa nalaman ay gulong-gulo ang isip ko dahil tila kilala ko ang stanlee na sinabi niya. Kung ganon, imposibleng may ugnayan kami ni nicole, doreen, at stanlee?
HAPON na ng makabalik akong muli ng shop, hindi ko iniwan si amang na hindi umiinom ng gamot, pinaalala ko rin kay chloe at brandon na kailangan uminom ni amang sa tamang oras. Halos tango lang naman ang kanilang isinagot, maayos ang trato nila sa akin bago ako lumisan, maliban lamang kay inang na hindi ko alam kung saan nanggaling buong araw.
Saktong pagbukas ko ng pinto ay may itim na van ang huminto sa harapan ng shop, nanlaki bigla ang mata ko ng makitang bumaba roon ang tatlong lalake na may itim na balot sa kanilang mukha.
Hindi ko na naisara ang pinto dahil ang bilis nilang nakapasok sa shop na kinaroroonan ko.
"SINO KAYO!" halos mamakas ang ugat ko sa aking leeg sa pag-sigaw, ngunit lumapit ang isa sa akin at inilahad ang palad sa aking harapan.
"Kailangan kong makuha ang perang inutang sa akin ng yong ina!"
"T-teka, hindi ko alam ang sinasabi niyo!"
"Anak ka ni helda hindi ba!" hinawakan ako ng isa sa braso na may pagkakahigpit, hindi ako makapiglas sa nararamdamang takot.
"Sisenta mil ang utang ni helda, kung hindi mo iyon ibibigay ay palalayasin ko kayo sa lupang tinitirikan ng yong bahay para maibenta yon!"
"Hindi pwede yon!" pilit akong kumawala ngunit ang lakas niya. "Wala akong kinalaman sa utang ni inang, hindi ko kayo kilala!"
"Talaga lang? May pirma siya sa bawat papel kung magkano lahat ng kinukuha niya, kung hindi mo iyon maibibigay ay maghaharap tayo sa korte at kukunin namin ang titulo ng lupa niyo!"
"Wala kayong karapatang gawin yon!" sinigawan ko ng ubod sa lakas ang may hawak sa akin, kita ko ang galit sa kanyang mata at akma ako nitong sasampalin ng biglang may magsalita sa likuran.
"Try to hurt that woman, you won't never seen your family once your hand lands on her face!"
The man in front of me stopped immediately, hindi ako makapag-salita sa presensya niya dahil hangga ngayon ay kinakababan pa rin ako sa mga lalakeng ito.
"Sino ka ba!"
"You don't know who am i?" Noah smirked at the man who asked, gusto ko siyang murahin dahil ang yabang niya. Nag-iisa lang naman siya at tatlo itong nasa harapan ko. "I am that woman's husband.." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni noah. "Kaya maaari bang bitawan mo ang asawa ko, dahil nagdidilim ang paningin ko sayo.."
Madali akong binitawan ng lalake, ang akala ko'y magkakagulo sila ng tumawa ang lalakeng may hawak sa akin kanina.
"Asawa mo pala ang babaeng ito.." dinuro ako ng lalake. "May atraso kasi ang ina niya samin, ngunit halatang mayaman naman kayo kaya hahayaan kong magbigay kayo ng pera upang mabayaran yon.."
"Do you have evidence of my mother-in-law's debt?" palihim akong natawa, paninindigan niya talagang asawa ko siya?
Teka lang, nawala yata bigla yung panty ko.
"Meron ako, ngunit hindi ko dala!"
"Then no receipt, no payment! Get out of here and don't scare my wife anymore!" walang nagawa ang ginoo kundi samaan ng tingin si noah, at dahil halatang batas at makapangyarihan itong monteclaro na'to ay lumisan ang mga kalalakihan, ngunit nangangamba akong babalikan nila ako.
"Who are those guys?"
"Malay ko!" umupo ako sa bakanteng upuan at pilit kinakalma ang sarili, hindi pa rin ako mapakali hangga ngayon ngunit bumaling ang paningin ko kay noah. "Ano nga palang ginagawa mo rito?" nagsalubong ang aming mga mata, at kahit natakot ako sa nangyari kanina ay bigla kong naalala ang kagabing pinagsaluhan namin.
Ako ang unang nag-iwas ng tingin samantalang siya ay parang chill lang.
"I came here because I wanted to tell you about what happened to Shaira"
Namilog bigla ang mata ko. "Anong nangyari kay shaira!"
"Nothing happened to shaira, I just want you to accompany her to the hospital."
"Sinong nasa ospital?"
"Her father.."
Madali akong binalot ng pag-aalala, tama siguro ang desisyon kong hindi na pinaalam kay shaira ang tungkol kay amang. Dahil ngayon ay siya na naman itong nahihirapan. Tinanong ko kay noah kung saan ospital naroon si tito, ngunit hindi na ito sumagot dahil abala siyang tinatawagan ang mga pulis upang i-report ang nangyari dito.
Mabuti na lamang talaga at umuwi na si shaira, ngunit halos habagin ako dahil sa kanyang kalagayan. Naaawa ako dahil alam ko ang pakiramdam sa tuwing may sakit ang isang ama, lalo na kung malapit ka pa dito.
"We will go with her, because she needs someone to lean on now, lalo na ikaw. Kaibigan ka niya.." nilingon ko si noah ng umakyat si shaira upang makapag-bihis, hindi ito makausap ng maayos at ayoko rin ipaalam sa kanya ang nangyari dito sa akin.
"Huwag na wag mong sasabihin sa kanya ang nangyari dito!"
"Okay, But you can't stop me from what I'm planning about the cctv footage, kailangan iyon dito. Lalo na kung hindi mo naman pala kilala ang mga taong iyon.."
Umismid ako. "Asawa naman kita e, edi takutin muna lang sila next time.."
"Are you kidding me?"
"Kidding you, no. Im killing you softly.."
"Can you be serious even now? This is not a joke, mapapahamak ka!
"Uy, nag-aalala sakin.."
Nakangiti ako subalit alam kong seryoso ito, ngunit hindi ko lang mapigilan ang pusong umiiskapo sa dibdib ko, todo na ang t***k. Lalo na't ramdam ko ang kanyang pag-aalala.
"Magseryoso ka kahit ngayon lang, natasha.."
"Matagal na akong seryoso, noah."
Bumuntong hininga siya bago ipagkrus ang kamay sa dibdib, he's handsome and attractive, my fear disappears because I know I'm safe with him, I don't know. But that's what I've feel, I'm safe and i know he won't leave me when something bad happens to me..
Ngumiti ako ng lingunin niya akong muli, bakas pa rin ang pag-aalala rito habang mariin ang titig sa akin.
"I'm serious noah, I just want to make fun of everything. I can calm if im joking around, I don't want to take everything too seriously, because inside me, I'm already struggling and hurting too much."
Naiwan siyang tulala sakin, hindi na makapag-salita at nagbago na rin ang ekspresyon na bumabalot sa kanyang mukha.
"If you want to make close to me, just stay and I'll tell you everything, even if you don't ask.." ngumiti ako "That's how i am serious against you.."
*****
to be continued..
Malapit na tayo sa exciting part. ❤️
Ayun delay na naman ang update, paano ang daming kailangan gawin. Hindi ako pweding manatili lamang sa cellphone nakatingin, busy akong tao. Pero dahil umuulan today, free ako. ✍️
So, thankful ako sa mga readers na walag sawang naghihintay, basta wag lang kayong magsawa, love ko kayo. Kayo yung nagbibigay lakas sakin, iyon. Medyo OA pero makatotohanan.