Chapter 23

4069 Words
Natasha Pov. (He's back) "Are you looking for employee?" Nasa labas ako ng coffeeshop habang kinukuhanan ang kabuuan ng shop sa harapan. Nilingon ko si apollo dahil sa katanungan n'ya. "Oo, kailangan ko na talaga ng makakasama dahil masyado ng dumarami ang costumer ko." I click the middle botton to capture the whole area. Bago kasi ang pintura ng shop, may mga bago akong lamesa at ilang palamuti sa loob. Natutuwa lang ako dahil lalong lumago ang aking negosyo. Iyon nga lang ay todo kayod ako dahil sa dami ng mga costumer na tumutungo dito, kailangan ko na rin maghired ng isang kasama upang hindi na ako mahirapan pa. Sa tagal at haba ng taong nakatayo ang shop na 'to ay ngayon ko lamang naisipang kumuha ng makakasama. Ilan taon na ba ang lumipas? Napabuntong hininga ako bago matuon ang atensyon kay apollo dahil sa sinabi n'ya. "Kilitasin mo lang mabuti ang taong tatanggapin mo, marami ng masasamang loob ngayon." "Oo naman officer rivas, mas gusto ko sana ay empleyadong lalake. Para doon sa mga mabibigat na stock ko." Nagsalubong ang kilay ni apollo. Kahit graduate na ito at isa ng pulis ay hindi pa rin nagbabago ang trato niya sakin, maging ang ugali n'ya ay walang pinagbago. Mabait pa rin. "Hindi ako sang-ayon diyan." aniya. "At bakit naman?" "Ikaw lang ang mag-isa dito, hindi maganda na lalake ang kukunin mong kasama." "Mas mainam 'yon apollo. Huwag mo munang husgahan lahat ng lalake, natural lamang na kikilatisin ko muna yung tao bago ko ito tanggapin." Napabuntong hininga na lamang s'ya. Ang gwapo sana ni apollo ngunit sayang lang ang gandang lalake n'ya dahil antipatika ang girlfriend nito. Ibang babae ang pinakilala n'ya sa akin noon. Hindi si trixie na dati n'yang nililigawan. Wala talagang forever sa feelings ng mga tao. Lahat iyon magbabago once nasaktan ka. Napahinga ako ng malalim. Naisip ko na naman s'ya, lagi na lang siyang sumasagi sa isip ko kahit hindi ito ang pinag-uusapan. Natutunan ko naman ang maging mag-isang muli simula ng umalis s'ya. Ilang taon na ang lumipas at hangga ngayon ay wala na akong balita dito dahil iniiwasan ko talaga ang mga monteclaro. Alam kong tanga ako sa part na pinakawalan ko pa si noah. Hindi pa ako nakuntento dahil sinaktan ko pa ito, ginawa kong masama ang sarili sa paningin n'ya upang kamuhian n'ya ako at mapadali ang pag-iwan nito sakin. Pero masakit pala, bawat araw at buwan ay halos pagsisihan ko iyon dahil hindi ko man lang pinaglaban ang nararamdaman ko para kay noah. Siguro nga ay tama lang din ang ginawa ko. Para din naman ito sa ikabubuti niya dahil umiiba na siya ng landas noon. "Alam mo na ba?" Nakaupo na kami ngayon sa loob kung saan magkaharap kami ni apollo, may costumer naman ngunit tapos ko ng asikasuhin. Ito lang tanong ni apollo ang nagpakunot ng noo ko. "Alam na ano?" Nakatitig s'ya sakin na tila seryoso ba. Halatang may nais sabihin kaya napatakip ako sa aking bibig. "Huwag mong sabihing buntis na si shannine!" Naging ngiwi ang nguso n'ya ng itanong ko kung buntis na ba ang nobya niya. Kalaunan ay nailing itong natawa. "Wala pa iyon sa isip ko, Natasha. Ang tinutukoy ko, ay ang pag-uwi ni noah dito sa pilipinas." Naisara ko ang labi dahil sa sinabi ni apollo. Hindi ako nakasagot agad dahil tinambol bigla ang dibdib ko. Umuwi na s'ya? Bakit ganito ang nararamdaman ko kung wala namang chance na bisitahin n'ya ako dito. I know noah is successful now, baka nga may sarili na siyang kumpanya at construction site dahil isa na siyang engineer. Bigating engineer. Siguradong marami pa siyang babae, o kaya baka may nobya na s'ya na soon to be fiancee na. "Bakit sinasabi mo sakin? Ano ngayon kung umuwi na s'ya?" Bumuntong hininga si Apollo. "I just want you to be ready. Maliit lang ang mundo, baka magkita kayo." Umismid ako "Edi mag-hehello ako sa kanya." "You can't do that, natasha." "Why not? Alangan naman hindi ako lumabas dahil umuwi lang ang ex ko?" "Noah is your first boyfriend. Hangga ngayon wala pa rin sumunod sa kanya, ano sa tingin mo ang iisipin n'ya?" Natawa ako. "Bakit ba gusto mong problemahin ko pa kung anong iisipin n'ya? Bahala siyang mag-isip ng kung ano, basta move on na'ko. Period!" Nangisi lang na nailing si apollo sa sinabi ko. Alam niya kasi ang lahat, sinalaysay ko sa kanya ang nangyari mula sa mga Salvador hangga sa ate ni noah. Kaya't naiintindihan ako ni apollo, wala lang akong mapagsabihan noon dahil siya lang naman ang taong malapit sa akin ng mga panahong nagkikimkim ako ng sakit. "Move on ka na nga ba?" irap lang ang aking naging sagot dahil hindi ko na nais ulitin pa ang sinabi ko. Ayokong magtunog bitter dahil lamang sa ako ang nakipaghiwalay kay noah. Ayoko ng isipin s'ya dahil ngayon pa lang na umuwi na ito sa pilipinas ay hindi na ako mapakali. Tama si apollo, maliit lamang ang mundo. Bumuntong hininga s'ya ng hindi ako sumagot. "May party mamaya sa bar, sama ka sakin?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Anong meron?" "Birthday ni shannine, gusto n'ya doon mangyari. Sama ka?" tumango lamang ako. madalas naman akong isama ni apollo sa mga night out nilang dalawa. Marami akong nakilala, hindi n'ya ako hinahayaang magmukmok dito dahil hindi niya nais malungkot ako ng tuluyan. Madalas kaming tumungo ng bar, marami akong nakilalang mga lalake ngunit wala ni isa akong naging karelasyon, mga kadate at kabonding lang. Ewan ko ba kung bakit hindi na ako nagkaroon ng gana sa mga lalake. Kahit anong bulong ko sa sarili na makipag relasyon na ay hindi mismo sang-ayon ang puso ko. Nakakalito lang. Inabala ko talaga lalo ang sarili sa trabaho. Nakabili ako ng lupa upang lumipat at umalis na sila amang doon. Sumang-ayon naman si inang, binigyan ko siya ng puhunan upang makapag patayo ng sari-sari store doon sa bagong bahay. Nakapag-ipon din ako ng pera upang makalakad na si amang, nakakalakad na ito gamit ang paa na bakal. Hindi lang maaaring magtrabaho dahil tuluyan ng naghina si amang. Bumagsak ang timbang ng kanyang katawan, naging malungkot ito simula ng manatili na lamang s'ya sa bahay. Madalas nitong sabihin sa'kin na masyado na siyang pabigat, na baka daw nahihirapan na ako sa pagtustos ng bawat pangangailangan nila. Wala naman iyon sa akin. Alam ko naman ang role ko sa buhay. Hangga't may kinikita akong pera ay hindi ko sila pababayaan. Graduate na si chloe sa kursong accountancy. Nakakatulong na rin ito sa pinansyal na gastusin lalo na't nasa banko ang kanyang trabaho. Si brandon ay bihira ko lamang siyang makita. Wala akong ideya kung saan s'ya nagtatrabaho. Malungkot pa rin ito ng huli ko siyang makita, may kinikimkim pa rin ito ng sama ng loob dahil hindi pa siya bumisita ni isang beses sa bahay. Galit pa rin siya kay inang dahil sa ginawa nito sa karelasyon niyang si doreen. Napabuntong hininga ako. May mga costumer pa matapos umalis ni apollo, dito na siya kumain at dumiretso na sa police station para sa duty niya hangga alas siete ng gabi. Nasabi ko sa kanya na tutungo akong mag-isa sa nasabi nitong bar. May kotse naman na rin ako, second hand nga lang dahil hindi ko pa afford bumili ng brandnew dahil sa sunod-sunod na nagastos ko para sa aking pamilya. Naghanda ako ng string dress na kulay maroon, pinunasan ko ang paborito kong heels na may three inches ang taas. Maaga akong naligo ng pumatak ang alas sais. Ang sabi kasi ni apollo ay didiretso na ito sa nasabing bar kung saan gaganapin ang birthday ni shannine. Mahilig kasi sa parties lalo na't night out bar ang nobya n'ya. Nalaman ko rin na kaibigan pala ni trixie ang girlfriend n'ya ngayon. Naguguluhan nga ako kay apollo, paano n'ya nagustuhan ang kaibigan ng babaeng nagustuhan at niligawan n'ya noon. Hindi na ako nag-usisa pa dahil sinuportahan ko na lamang ito gaya ng pagsuporta niya sa bawat desisyon ko sa buhay. Nakaupo ako sa harap ng salamin matapos kong maligo, I'm using blow dryer to dried my hair. Medyo mahaba na, kulay black ang buhok ko. Natural na black at umaabot sa bewang ko, hindi din ako gaanong nagpapataba. Pinanatili ko ang katawan ko sa magandang pustura dahil ayokong maging losyang sa harapan ni noah. Napahagod ako sa buhok dahil sa naisip ko. Bakit ba iyon pumasok sa isip ko? Ayos lang naman kung magpaganda ako para sa sarili ko, hindi para kay noah. Yeah! Hindi para sa ex ko na iniwan at pinagtabuyan ko noon. Tumayo ako matapos patuyuin ang aking buhok. Hinayaan kong bagsak iyon habang sinisipat ang susuotin ko. It's exactly 7:00 in the evening and i'm sure apollo got arrive there anytime. Nagmadali akong nagbihis, hindi na ako naglagay ng makeup kundi pulang lipstick na lang ang in-apply ko sa aking labi, I spray my body using my recent perfume. Matapos 'non ay hinagilap ko ang aking pouch at ipinasok doon ang pabango, nagmamadali kong kinuha ang susi ng kotse sa gilid ng mesa at agaran ng lumabas sa silid. Sinuri ko ang kabuuan ng shop kung off lahat ng switch, isinara kong mabuti ang front door bago sumakay sa aking kotse. I check my phone to message's apollo, pero may mensahe na sa akin si shannine na naroon na raw sila. Hindi na ako nagreply pa, nagmaneho ako patungo doon at halos kinse minutos lamang ang ginugol ko sa daan. Inayos ko ang buhok bago lumabas ng kotse. Hinila ko pababa ang aking dress habang naglalakad papasok ng bar. Nginitian ako ng bouncer at agarang pinapasok, regular na costumer kami dito. We always hangout here, nagsasayaw, nag-iinuman hangga sa malasing. But i handle myself when it comes on hard drink. Sanay na ako noon pa man, wala pa yata ako sa right age ng malasahan ko ang pait ng alak na yan dahil kay inang. Well, dahil na rin siguro sa mga taong nakapalibot sa akin noon sa una kong trabaho. Hindi ko na yata makakalimutan iyon kahit umabot pa ng isang siglo akong mabuhay sa mundo. "Happy birthday, shannine." i greet her when i got there place, sakop nila ang gilid ng bar. May mga kasama na sila but i didn't give a short of time to search the whole group. Inakbayan na kasi ako ni apollo na nginusuan ng seloso niyang girlfriend. "Traffic ba?" apollo asked me before i remove his hand on my shoulder. Ayoko lang ma-issue sa mga kaibigan ni shannine. "Hindi naman, natagalan ako sa pagligo. Ang bagal ng tubig sa shop." Naupo ako ng igaya niya ako sa mahabang sofa. May mga katabi kami, si shannine ay nawala na dahil may babaeng dumating na nakipagbesohan sa kanya. paniguradong may makikilala na naman akong bagong lalake o babae ngayong gabi. "Huwag kang masyadong uminom ngayong gabi, maraming bagong bisita ngayon." ani apollo habang naglalagay s'ya ng yelo sa kanyang baso. Nginisian ko siya ng lingunin niya ako. "Anong tingin mo sakin, first timer? Ilang beses na ba akong nalasing ng hindi umiiyak?" i teased him, trying to switch the topic about his behaviour. Umiiyak kasi siya pagnasobrahan sa lasing, hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan n'ya. Wala naman siyang problema dahil lahat ng kapatid nito ay nakapagtapos na. May kanya kanya na silang trabaho, maayos ang negosyo nilang bigasan at ilang pwesto na ang meron sila dito sa manila. "Hindi ako umiiyak, natasha." "Oh? Ikaw ba ang tinutukoy ko?" he didn't answer me instead he just shot the glass he was holding. Umiwas s'ya ng tingin at hindi ko na tinuloy pa ang pag-bubwisit kay apollo. Pikon pa naman, madalas kay trixie pag inaasar ko na baka siya ang dahilan kung bakit ito umiiyak. Pero hindi na bumalik iyon, hindi ko na nga nakikita kahit gumala pa ako kahit saan dito sa manila. Ayoko na rin naman makita pa ito dahil alam kong matinding sakit ang idinulot niya kay apollo. Kinuha ko ang walang laman na baso at agarang nilagyan ng yelo. Nagulat pa ako ng biglang may magsalin doon. Nasa tabi ko ito, ngayon ko lang napansin na lalake pala siya. And on the rightside is a guy too but he have a girl on his lap. Itong katabi ko lang ang walang kasama and his face is new for me. Tila ngayon ko lang siya nakita. "Hi." he greeted me confidently, walang ilang o hiya dahil gwapo. His jaw is perfectly combined on his handsome faced. Ngayon ko nga lang siya nakita. "Hey." i tried to be friendly. Kinuha ko ang basong nilagyan n'ya ng laman at agarang kinalahati iyon. I know apollo is looking at me, ano pa ba? Para ko ng kuya iyan kung kilatisin kung sino ang kausap ko. But he didn't cross the line when i talk the guy who keep smiling at me. "I'm Spencer." nilahad niya ang kamay sa akin na agaran kong tinanggap. Nakipagkamayan ako bago ko banggitin ang aking pangalan. "I'm natasha." "Natasha?" "Abuelo." i smiled when i answered him. Hindi niya binitawan ang kamay ko na para bang wala ng balak pakawalan pa. Medyo nadistract ako sa titig ni spencer, ngumiti ako kahit na-ilang bago itanong kung anong apelyido nito. "Spencer Harris.." sagot nito sa katungan ko. Doon lang din niya pinakawalan ang aking kamay dahil nagsalin ito sa sarili niyang baso. I watch him to drink his wine. Medyo amazed pa ako sa adams apple niyang tumaas baba bago nito ako lingunin. "Kaibigan ka ba ni shannine?" aniyang tanong kasabay ng paglapag niya ng baso sa mesa. Wala ng laman ang baso dahil diretso niyang inubos iyon. Tumango ako. "Yes. Her boyfriend is my friend too." "Si apollo?" muli ay tumango ako, nang lingunin ko si apollo ay wala na ito sa tabi ko. Hindi na makita ng mata ko kung nasaan siya pumunta, nasa kabilang mesa si shannine at doon tumatawa kasama ng ilang babae. "Are you new here? Ngayon lang kita nakita dito, natasha." Oh come on. bakit kailangan niya pang magtunog maharot pag binabanggit ang natasha. Alam kong gwapo s'ya, he looks like a model pero wala akong panahon makipag-date na muna. Pero, ngayong gabi ay pagbibigyan ko ito. Kung iimbitahan niya akong sumayaw. "Hindi, madalas akong pumunta dito." "Talaga? Hindi lang siguro nagkukrus ang landas natin." muli akong nagfocus kay spencer dahil regular costumer na rin pala siya rito. Pero ngayon ko lang talaga siya nakita. "Hindi nga lang siguro." "Yeah, i meet a lot of girls here. Pero walang kumukuha ng interes ko, ikaw pa lang." natawa ako kunwari, hinawi ko ang aking buhok dahilan upang mapatingin siya sa aking leeg. Oh, confirm. May pagkamanyak din ang isang 'to. "Grabe ka naman sa papuri, spencer." "Sinasabi ko lang ang totoo, nang umupo ka sa tabi ko. Gusto na kitang kausapin pa, but your busy with apollo." Bahagya kong nginuso ang labi dahilan upang doon naman bumaling ang paningin niya, ang dali-dali naman niyang akitin. But not now, ayokong magpaasa ng lalake. "Naninibago lang kasi ako sa mga bagong kaibigan ni shannine." "Yeah, I am her new friend. Nagpapatayo ako ng apartment malapit dito and she's my architect, naghahanap din ako ng mahusay na engineer." "Ow." pinakita kong interesado ako sa kanyang sinabi. Pero mukhang mayaman naman si spencer, ayoko lang sa pabango niya. Parang asiete. "Nakahanap ka na ba ng engineer?" "Yes, Nakausap na siya ng kanang kamay ko. Siguro mamemeet ko siya after two weeks." "Well, goodluck sa negosyong itatayo mo." "Thankyou. You can visit my other shop too, If you want to go on resort just call me, here's my number." natawa ako sa isip ko. Siya na mismo ang gumawa ng paraan upang magkaroon kami ng komunikasyon. Ibang klase rin, pero baka pwede ko rin naman i-suggest na gumamit na lang siya ng ibang pabango, yung hindi nangangamoy asiete de mansinila. "Wait, were's your phone." hindi ko pa man nakukuha ang number nito ng hingin niya ang aking cellphone. Dinukot ko iyon sa aking pouch, ibinigay ko rito na agad niyang kinuha. "Tatawagan ko ang numero ko rito para masave ang number mo sakin." nangiti na lang ako, magkakaroon pa yata ako ng obligasyong sagutin ang tawag niya kung nagkataon na contact-in niya ako. "Iyan na ba ang number mo?" tumango siya. "Yes. Thankyou." ibinalik niyang muli sa akin ang cellphone. Pangiti-ngiti ito na parang nasisiyahan sa akin. Ipinasok kong muli ang cellphone sa pouch bago makitang sinasalinan niyang muli ang baso ko. Wala namang problema sa akin. Hindi naman ako ganon kadaling malasing, kahit lasingin niya pa ako dito o kaya mag one on one kami ay hindi niya ako mapapatumba. Ininom ko ang basong nilagyan niya ng wine. This is my favorite wine kaya't walang tigatig na inubos ko iyon, marami pa siyang sinabi na hindi naman ako interesado. Naubos na ang laman ng bote sa dami ng ibinahagi niya sakin, spencer is nice. Hindi naman mayabang kundi friendly pa siyang nagsasalita. Mapungay na ang mata niya kesa sakin, normal pa ako. Mainit lang ang aking pakiramdam pero hindi pa ako natamaan. "Naiihi ako." ani ko, tumango siya sakin. Sa dami ng nainom ko ay iyon lamang ang aking nararamdaman. Normal lang ng tumayo ako pero inalalayan niya pa rin ako. Nagulat pa ako sa tangkad niya dahil para lang itong si noah sa sobrang taas. Medyo nanliit ako kahit nakaheels na ako, hinawakan niya ang aking bewang ng makita niyang nakatingin sa kanya. Hindi ko kasi alam na ganoon siya kataas, pero ngayon. Parang gusto ko na lang maupong muli. "Sasamahan na kita." aniya na parang wala lang, hinayaan ko ito. Nakaalalay siya sakin hangga sa malagpasan namin ang isang mesa. Ngunit nahagip ko ang pamilyar na matang nakatingin sa akin, hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako kaya muli kong binaling ang ulo sa lalakeng iyon. Nakatalikod na ito at hindi na ako sinundan ng tingin, may dalawang babaeng nakaupo sa magkabilaan niya. Hindi ako maaaring magkamali, siya 'yon. Kahit nakatalikod ito ay hindi ko makakalimutan kung gaano kagulo ang kanyang buhok. But his hair is natural color black, hindi ko lang makita ang kabuuan nito dahil nahaharangan siya ng upuan at dalawang babaeng nakadikit rito. "Ayos ka lang ba?" dalawang beses na napakurap ang aking mata matapos matuon muli ang atensyon kay spencer. Hindi ako maaaring magkamali, nakatingin siya sa akin kanina. Ngunit hindi lang gaya ng dati. Ibang iba na ang mata niya, hindi na gaya noon sa tuwing tititigan niya ako. Tumango ako kay spencer, nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan ang dibdib kong tumambol ng tumambol. Pinakawalan ako ni spencer sa gilid at doon siya naghintay, pumasok ako ng banyo at agarang nagkulong sa cubicle. Tulala ako sa pintuan at maiging iniisip kung totoo bang narito nga si noah. Hindi ako mapakali maging ng lumabas ako upang humarap sa salamin, medyo napakagat labi pa ako dahil sa itsura ko. Hindi man lang ako nakapagmake up para maging maganda. Bakit ngayong gabi pa na wala kahit anong effort ang mukha ko, ano na lang sasabihin niya? Na napaka losyang ko na! Sh*t. Bakit na naman ba inaalala ko iyon! Pakialam ko ba! Dapat ako ang hindi maapektuhan dahil ako ang siyang nakipagkalas, dapat maging chin up at chest out ako sa harapan niya! Sinalubong ako ni spencer sa paglabas ko. Maamo pa rin ang mukha niya at gwapo, pwedeng pwedeng ipagtapat kay noah kahit papaano ang charms ni spencer. Pero alam ko sa sarili ko na hindi amoy asiete si noah, ang pabango ni noah ay naiiba. Hindi ko lang alam kung anong gamit niya ngunit alam kong mabango iyon kesa kay spencer. "Let's go." tumango ako rito. Lumakad kami at hinayaan kong sayupusin niya ang katawan ko. I feel his hand on my waist, hindi naman gaanong malikot kundi suportado lamang niya ang paglalakad ko. Nilagpasan muli namin ang mesa nila noah ngunit biglaan akong hinablot ni shannine upang ipakilala sa mga kasama niya. Doon lang ako nagpanic habang kamay ko na ang hawak ni spencer. "This is natasha pala, bestfriend ni apollo." I tried to smile on shannine's friends, ayoko lang dumapo ang tingin ko kay noah kahit na napansin kong isang babae na lang ang katabi niya. "This is behati and patricia." ani shannine sa dalawang babaeng nakita kong katawanan niya kanina, tumabi sa akin si spencer. Nagpacute ang ilang babae sa kanya ngunit pinalupot lang nito ang kamay sa aking bewang. "Ay taken?" bulong ng isa dahil sa nakitang ginawa ni spencer, natawa si shannine dahil alam naman niyang hindi kami at wala akong boyfriend na ipinapakilala pa sa kanila. Pero nanatili siyang tahimik bago ipakilala lahat ng kasama niya. "And ofcourse, kasama namin si noah. Engineer Noah monteclaro." doon na dumapo ang mata ko sa lalakeng nakatingin pala sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nagawang panginigin ang tuhod ko gamit ang titig niya. Nararamdaman kong nanlalambot iyon ngunit suportado ako ni spencer kaya't nakakatayo ako ng maayos. "Siya ang engr. na tumayo sa bagong bahay na ipinatayo ni daddy. He's a succesfull engineer at may sarili siyang construction company." Nagmamalaki ang tinig ni shannine, wala naman kasi siyang ideya na ex ko ang lalaking pinagmamalaki niya. Bukod tanging kay apollo ko lang nasabi at halatang hindi iyon binahagi ni apollo sa kanyang nobya. "We're going back there, mukhang hindi magandang ang pakiramdam ni natasha." sumabat si spencer dahil ramdam yata niya ang panginginig ng aking katawan. Iyon din ang ikinapagtataka ko. Akala ko ayos lang kahit magkita kami, akala ko makakapag-hello ako tulad ng sinabi ko kay apollo kanina. Ngunit, hindi pala. Hindi ko kayang tumingin sa kanyang mata dahil nag-iiba ang takbo ng puso ko na siya lang ang bukod tanging nakakagawa. Naupo kaming muli ni spencer sa pwesto namin, medyo nangalahati ang tao sa lamesang iyon dahil nag-uumpisa ng mag-ingay ang dancefloor. Doon lang ako kumalma ng i-upo ako ni spencer. Nababagabag rin ako sa nararamdaman ko kaya't kinuha ko ang bote at nagsalin sa aking baso. Tinungga ko iyon sa pag-aakalang maiibsan ang nararamdaman ko, ngunit bibilangin pa yata ng ilang baso ang maiinom ko upang makakuha ng lakas ng loob. "May problema ba?" umiling na nangiti ako kay spencer. Bakit ba kailangan kong magpanic, hindi dapat ako ganito! Napaglalamangan ako dahil kalmado lamang siya. Nagmumukha akong ano dito dahil nakita ko lamang ito na may kasamang iba! Well, may kasama naman din akong lalake. "Ikukuha lang kita ng tubig, wag ka ng uminom." aniyang muli bago ako tuluyang iwan dito. Wala akong nagawa ng tumayo siya. Luminga lang ang ulo ko upang hanapin si apollo ngunit dumapo lang ang tingin ko kay noah. Five years ago nang ipagtulukan ko ito. Sinabi ko sa kanyang hindi ko siya mahal kahit na sa mga panahong iyon ay siya lang ang taong nagpapasaya sa akin. Napabuntong hininga ako. Nakaupo sila sa dulo. Nasa bewang ng babae ang kamay n'ya habang may binubulong iyon sa kanya. He was fiercely looking at the front of dance floor. Walang pakialam sa katabi but he smirked one more time to cause my heart beat fast. Wala pa palang pinagbago si noah. He still the monteclaro who can seduce any woman. Inilihis ko ang tingin, hindi matagalan ang nakikita ngunit hindi rin ako makatiis na muli silang balingan ng tingin. Napaatras ako bigla ng hindi inaasahan. Tila nanuyot bigla ang lalamunan ko ng makitang nakatingin na sa akin si noah. Tumayo s'ya, iniwan na ang kasama na ngayo'y salubong ang kilay. Hindi ko alam kung bakit tumayo rin ako upang umalis sa kinauupuan ko. Hindi ko naman iniisip na lalapit s'ya sakin ngunit tumakbo ako upang magkulong sa comfort room. Natatawa pa ako sa isip dahil bakit ako narito? Bakit ba ako nagpapa-apekto kung wala na lang sa mga mata niya ang presensya ko? Muli akong lumabas. Ngunit napaatras din ako ng makitang may babae na sa gilid kung saan nakakulong sa bisig ng isang lalake. Napalunok ako ngunit tila may nagbara lang na bato doon, noah is kissing the girl while his hand is exploring her back. Bumilis ang paghinga ko, napahawak na lang ako sa pinto ng tumingin si noah sa akin habang hinahalikan ang babaeng iyon. And all i can say. This is too much. ********** to be continued. So, kanino kayo galit? Kay natasha na pinakawalan pa ang ginto o kay noah na walking red flag?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD