(Hurt Him)
Third Person Pov
Dalawang oras ang lumipas simula ng umalis si noah sa shop upang ihatid si chloe, ang kapatid ni natasha. Nagtataka ang dalaga kung bakit hindi pa bumabalik si noah ganun hindi naman kalayuan ang unibersidad na pinapasukan ng kapatid nito.
Hindi siya mapakali habang inaasikaso ang nag-iisang costumer na nagpumilit bumili ng kape. Hindi sana siya magbubukas dahil mabigat ang kanyang katawan. Ngunit heto siya at napipilitang bigyan ng order ang isang babae habang hindi mapakali.
Iniisip niya kung umuwi na ba si noah, ngunit bakit hindi man lang siya nagpaalam?
Napabuntong hininga si natasha bago i-abot ang kape sa babae. Muntik pa siyang mapasigaw dahil sa biglaang pagkakasagi ng maliit na vase sa ibabaw ng kanyang counter.
Napakurap ito habang pinakikiramdaman niya ang pintig ng kanyang puso. Ang vase na iyon ay mula pa kay noah, maraming ipinundar na kagamitan dito si noah na siyang hindi niya natanggihan.
Nakumpleto ng gamit ang buong shop at ultimong stock na grocery ay hindi na magkasya sa kanyang kusina. Ang ref nito ay busog na busog sa mga fresh na karne at gulay. Hindi siya gaanong naging magastos simula ng makasama niya si noah.
"Alam mo ba ang mga pamahiin ng matatanda?" napatitig si natasha sa babaeng nagtanong. Ang paghinga niya ay hindi nito maipaliwanag dahil hinahaluan iyon ng kaba at pag-aalala.
"Hindi mo naman intensyong patamaan ang vase. Paano ito nahulog?"
"Anong ibig mong sabihin miss?"
"Siguro may nangyaring masama sa taong malapit sa'yo." nangunot ang noo ni natasha bago pumaling ang ulo.
"Are you trying to scared me?" tanong ni natasha na may bahid na kairitasyon ang kanyang boses.
"Hindi kita tinatakot. Nasa sayo naman kung paniniwalaan mo ang pamahiin." tumalikod na ang babae matapos nitong sabihin iyon. Hindi niya sana nais maniwala sa dalaga ngunit ang t***k at kutob nito ang siyang nagbibigay ng kabalisaan sa kanyan sistema.
Lumabas siya ng counter habang tinatawagan ang numero ni noah. Palakad lakad siya sa tapat ng shop hangga sa may sumagot na babae sa cellphone ni noah.
"Sino to?" nagtataka siya kung sino ang babaeng sumagot sa tawag nito.
"Kilala niyo ba ang pasyenteng nag-ngangalang noah monteclaro?" naguguluhan man siya ay nakuha nitong sumagot.
"Kilala ko siya, nasaan ito?"
"Isinugod po ito ng isang babae sa ospital, masama po ang lagay nito."
Bumilis lalo ang pagtibok ng puso ni natasha matapos marinig iyon. Ang pag-aalala nito kay noah ay lalong nadagdagan at halos hindi na ito mapakali.
"Saang ospital siya naroon?"
Sinabi ng babaeng nasa kabilang linya kung nasaan si noah. Mabilis na kumilos si natasha upang tumungo doon na halos hindi mapaglagyan ang pag-aalala nito.
Iniisip niya kung anong nangyari at bakit isinugod sa ospital si noah. Nanginginig ang kanyang mga palad habang nakasakay ng taxi, sinubukan niyang tawagan si chloe ngunit hindi nito mareach ang cellphone number ng kapatid.
Nag-aalala rin ito sa kapatid nitong babae dahil si noah ang huli nitong kasama. Hindi sana niya nais mag-isip ng masama ngunit hindi niya mapigilan.
Bumaba siya ng taxi matapos nitong magbayad. Lakad takbo ito papasok ng ospital upang tumungo sa nurse station. Agad niyang ipinagtanong kung nasaan ang kwarto ni noah.
"Nakasalang po ito sa operation room, hinihintay lang po namin ang mga kamag-anak niya."
Napamaang si natasha habang nakalapat ang palad nito sa ibabaw ng nurse station. Hindi na siya nakapagtanong pa dahil tuluyan na siyang nilamon ng pag-aalala.
Sumandal siya sa pader malapit sa hallway. pinagtitinginan siya ng mga taong dumadaan dahil sa emosyonal niyang luha. May kutob na si natasha kung bakit narito si noah, ngunit hindi niya lang lubos maisip kung bakit kailangan madamay pa ito kung ganon wala naman siyang kasalanan.
"Hintayin niyo na lang po ito sa labas ng operating room.." blanko si natasha ng tumango ito. Nilakad niya ang kahabaan ng hallway upang tumungo sa nasabing kwarto kung nasaan si noah.
Pula ang ilaw sa itaas ng pinto senyales na naroon siya. Wala itong ibang magawa kundi humawak sa double door na pinto habang pigil na pigil ang pag-iyak.
Bakit kailangan si noah pa?
Isang oras na naroon si natasha matapos niyang marinig ang tinig ng isang babae. Nag-iiskandalo ito habang inaawat ng ilang nurse.
"I need to check my brother! Why don't you let go of my hands!" naka maxi dress ang isang dalaga habang hinahawakan ng mga nurse. Namukhaan ito ni natasha dahil madalas itong tumungo sa club na pinasukan niya noon, nakilala na niya rin ito noong kaarawan niya dahil kay shaira.
Si Dianneya Monteclaro.
Ang nakakatandang kapatid ni noah.
"Nasa loob pa ito maam. Hintayin na lang nating lumabas ang doctor."
"It's almost three hours miss! Bakit wala pang balita!"
"Maghintay na lang po tayo hangga sa lumabas ang doctor." napapikit si dianne dahil sa sinabing iyon ng nurse. Huminga siya ng malalim bago maupo sa mga upuan na nakahilera sa gilid.
Napahilamos siya sa mukha. Halatang kumalma na dahil nakuha ng umalis ng apat na nurse.
Muli itong humugot ng mahabang paghinga. Inilinga nito ang ulo at saktong tumama iyon kay natasha.
Hindi masabi ni natasha kung ano ang kanyang naramdaman matapos magtama ng kanilang mata. Nababasa niya ang galit at pagbibintang mula sa mata ni dianne.
Tumayo si dianne at lumapit kay natasha. Kunot ang noo habang may masamang tingin.
"What are you doing here?" matigas ang pagkakatanong ni dianne kay natasha. Hindi nagbaba ang tinig nito maging ang ekspresyon niya ng makita siya.
Napalunok si natasha bago sumagot.
"N-nandito ako para kay noah."
Natawa si dianne dahil sa sagot nito. "Don't you know what happened to my brother?" tanong ni dianne na walang pagbabago ang tinig. Hindi nakasagot si natasha sa halip ay nag-iwas lamang siya ng tingin. "He was just shot by an unknown man. I'm sure those guys are the only one who entered our mansion last year."
Hindi pa rin naka-imik si natasha dahil maging siya ay ang mga salvador ang kanyang iniisip. Kahit wala itong puweba ay iyon ang nararamdaman ng kanyang kutob.
"Surely you have something to do with it. What did you do and even my brother sympathizes with your mess. Hindi na nga siya umuuwi, ito pa ang matatamo niya dahil lamang sa pagtulong niya sa'yo!"
Nagulat si natasha dahil alam iyon ni dianne. Hindi nito maramdaman ang mga binti dahil sa panlalambot. Idagdag mo pa na hindi pa rin lumalabas ang doctor upang ibalitang nasa ligtas na kundisyon lamang si noah.
"I-im s-sorry..." iyon lamang ang bukod tanging nasabi ni natasha dahil alam niyang may kasalanan ito sa nangyari. Hindi lang nito alam kung paano bibigyan katarungan dahil wala silang matibay na ebidensya.
"I don't know what's something about with you and you got my brother to be like this. He's not like this with women, but on you. He can disobey daddy just to see you.."
Napayuko na lang si natasha dahil hindi naman niya alam na nagkakaganito pala si noah. Buong akala nito ay maayos sa kanyang pamilya ang pananatili niya sa shop nito. Ngayon lang nalaman ni natasha na sinusuway lang pala niya ang kanyang ama.
"Napakasama mong impluwensya sa kapatid ko, natasha. Alam mo bang huminto siya sa pag-aaral?" Natigilan si natasha dahil sa narinig. "You have no idea right? this is what you did to my brother. My dad and noah had a fight because he stopped studying!"
"H-hindi ko a-alam."
"Dahil hindi mo naman iniisip kung anong meron siya. Alam mo? Kahit kaibigan ka pa ni shaira hindi naman ibig sabihin 'non na kailangan mo rin mapalapit sa kapatid ko, hindi ka ba nahihiya?"
Nawalan ng imik si natasha dahil sa prankang pagsasalita ngayon ni dianne. Hindi niya alam na ganito ang ugaling meron ang dalaga sa kabila ng lahat matapos nilang magkita.
Napakasama niyang magsalita.
"You better to stay away from my brother. Wala naman siyang mapapala sa'yo kundi kapahamakan lang!"
Natasha swallowed to gather strength. Tumitig siya kay dianne at doon lamang muling nakasagot.
"H-hindi ko m-magagawa ang g-gusto mo."
Dianneya laugh bitterily. "Ano pa bang gusto mo? Baka hihintayin mo pang mamatay ang kapatid ko para lamang layuan mo!"
Muling napalunok si natasha dahil sa kaisipang iyon. Alam nito ang pinupunta ni dianneya. Na nasa kanya nakadikit ang kapahamakan kaya't siguradong mapapahamak si noah dahil kahit anong gawin niya ay hindi siya pababayaan ng binata.
"Maawa ka naman kay mommy, kagagaling lamang niya sa operasyon at ngayon, nag-aagaw buhay na naman ang kapatid ko nang dahil sa'yo!"
Nagbaba ng tingin si natasha. Lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa kanya ay tinanggap nito. Siguro nga ay nararapat lamang niyang matanggap iyon dahil walang dapat ibang pagbintangan kung hindi lang siya.
Hindi sana mapapahamak si noah kung hindi sila magkalapit, kung malayo sila sa isa't isa ay tiyak na maiiwasan ito.
"Bibigyan kita ng pagkakataong makita ang kapatid ko, pero hindi ko hahayaang manatili ka dito sa oras na magising siya." tumango si natasha, banayad na pagtango lamang dahil nakabuo na siya ng pasya. Masakit man ngunit wala siyang magagawa kundi pakawalan na kung ano man ang nagpapaligaya sa kanya.
"Hindi kita pinalalayo dahil hindi kita gusto, Actually. I don't care if who is my brother likes. Pero, kung ikaw lang din. Di bale na, nasa iisang hukay ang paa ng kapatid ko ng dahil sa'yo."
Nilagpasan siya ni dianne matapos sabihin iyon. Tumungo siya sa kabilang gilid at doon naupo habang nag-uumpisa ng magtipa sa kanyang cellphone.
Napa-iwas siya ng tingin dahil sa eksenang nangyari ngayong araw. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa kanyang dibdib habang nasasaktan siya sa desisyon na gagawin.
DUMAAN pa ang isang oras bago tuluyang lumabas ang doctor. Naunang lumapit si dianneya habang nakaantabay si natasha sa gilid upang makinig kung ano man ang sasabihin ng doctor.
"Who is the patient's relative?" the doctor asked while looking at dianne and natasha.
Dianneya pointed herself. "Ako po, kumusta ang kapatid ko?"
"The operation was successful. He just lost too much blood to took us a long while to remove the bullet, and also his heart was also weak so we had to revive him several times."
"Maayos na po ba siya ngayon?"
"Well, I can't say if he's okay. Let's just wait for him to wake up because the patient has no strength. His heartbeat was really weak."
Napalunok si natasha dahil sa sinabi ng doctor. Nanatili siyang nakatayo habang pinakikiramdaman ang sarili. Hindi na siya mapakali, hindi na ito makapaghintay na makita pa si noah dahil sa pag-aalala.
"The bullet was too close on his heart. It's good that he survived because his heart stopped beating earlier, maybe it's a miracle that we saved your brother. Mas mabuting huwag ng maulit ito dahil baka tuluyan ng bumigay ang puso niya."
"What do you mean doc?"
"I think your brother have a heart disease. Let's try the cardiovascular thec after he wake up."
"Oh my god."
"The patient will be transferred to the ICU ROOM because his condition is not yet stable. Sa oras na magising ito ay doon lamang siya ililipat sa private room. I'll just go a head first, thankyou."
Tumango tango si dianne at natasha. "Salamat po doc, maraming salamat." si dianne na ngayo'y mangiyak-ngiyak dahil sa kundisyon ng kanyang kapatid.
Walang masabi si natasha kundi maupo sa gilid habang iniisip si noah. Ngayon lamang niya sinisisi ang sarili kung bakit kailangan pagdaanan ni noah ang ganitong pagsubok, muntik na siyang mamatay ng dahil sa kanya. Siya lang ang dapat sisihin dahil siya lang ang kailangan ng mga salvador.
DINALA ang katawan ni noah sa ICU kung saan may inilagay sa kanyang katawan. Naroon ang machine kung saan nakikita mo ang mababang numero ng kanyang puso. May oxygen ito upang hindi siya mahirapan huminga dahil sa sugat na nasa dibdib niya.
Naroon si natasha sa gilid. Nakatingin kay dianneya na ngayo'y kinakausap ang kanyang kapatid. Hindi nito maiwasang maluha, naninikip ang dibdib niya dahil lamang sa nakikita nitong kalagayan ni noah.
Ang saya lamang niya kaninang umaga.
Ang sabi nito ay mananatili lamang siya sa tabi niya, ngunit heto siya. Mahina at halos walang buhay na nakahiga.
Napapikit ito bago mag-iwas ng tingin. Hindi niya natagalan ang pananatili sa loob ng ICU dahil lumabas rin ito. Hinubad lahat niya ang mask at protective clothes nito bago buksan ang pinto.
Ngunit natigilan din ito sa paghakbang ng makita ang ginoong nakatayo malapit sa pintuan.
"You're still here." she was looking at manuel monteclaro almost holding her breath. She knew this was Noah's father because Shaira had told her. "Why aren't you leaving anyway?"
Natasha was speechless because of what Manuel said. She knew that he was also angry because of what happened to his son.
"You can leave" napalunok si natasha matapos niyang magbigay daan sa pagpasok ni manuel monteclaro. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang muli ng magsalita ang ginoo.
...."And don't even plan to come back"
*************
TWO MONTHS since that incident happened. Natasha has no news because she can't enter the hospital where noah is.
She knew that Noah's family had pushed her away. But she couldn't bear not to visit there.
But as soon as she step the entrance, she was blocked by men in black.
She couldn't even see Noah to get used to just looking at him for a moment. Nalulungkot siya dahil sa lumipas na dalawang buwan ay hindi niya ito nakita, napagtanungan rin nito si chloe na walang ibang sinasabi sa kanya kung anong nangyari.
Nagtanong din ito kung nabalitaan niya ba ang nangyari kay noah. Nawawalan lamang ng imik ang kanyang kapatid sa tuwing binubuksan niya iyon, hindi nito alam kung bakit ganito ang kilos ng dalaga. Hindi rin umuuwi si natasha dahil sa pangambang maabutan siya ng mga salvador doon.
Isang araw ng bumisita siya sa ospital kung nasaan naka-admit si noah. Nagtataka ito kung bakit ngayon ay walang humarang na lalake sa kanya, malaya itong nakapasok sa ospital na kung saan ay agad siyang dumiretso sa nurse station.
"Pwede ko po bang malaman ang kwarto ni noah monteclaro?" nakatitig sa kanya ang nurse bago kumurap at tingnan ang screen ng computer. Ilang segundo lang ng umiling ang nurse.
"Discharge na po si mr monteclaro noong isang linggo."
Naisara ni natasha ang bibig dahil sa sinabi ng nurse. Tuluyan na siyang dumistansya habang iniisip ang kalagayan ni noah.
Maayos na ba siya?
Nagising ba ito agad matapos ng kanyang operasyon?
Huminga siya ng malalim bago lumakad palabas ng ospital. Isang linggo na ang lumipas ng makalabas si noah, siguradong malakas na ito. Ngunit hindi na ito maaaring mapahamak pa dahil sa huli nitong operasyon.
Kailangan na niyang sanayin ang sariling wala na ito sa tabi niya.
Lulan ng taxi ay tinatahak nito ang daan patungo sa shop ni natasha. Ilang minuto lang ng marating nila ang tapat ng shop, nagbayad na muna siya bago bumaba. Binitbit niya lahat ng pinamiling pagkain dahil balak na nitong magluto.
Ngunit sa pagharap niya sa shop ay bigla niya rin nabitawan ang mga dalang plastik bag.
Bahagyang bumukas ang kanyang bibig habang tinatangay ng hangin ang kanyang buhok. Hindi man lang niya magawang kumurap habang nakatingin sa lalakeng nakatayo sa tapat ng kanyang shop.
Maayos na maayos ang kanyang tindig. Matikas pa rin ito at tila walang pinagbago. Mapula na ang kanyang labi hindi tulad ng huli niyang masilayan ito.
Humakbang si noah palapit dito. Nais man tumakbo ni natasha upang yakapin siya ay hindi niya iyon magawa. Nagpipigil siya dahil lahat ng sinabi ni dianneya ay kanyang naalala.
'Kapahamakan lamang ang dulot ko sa kanya'
Iyon ang ibinulong ng isip nito.
Lumuhod si noah habang bahagyang nakababa ang buhok nito. Pinulot niya ang mga plastik at siya na mismo ang nagbuhat 'non.
He smiled at natasha after he faced her. but his smile also disappeared because of the seriousness he could read in her eyes.
Nangunot ang noo ni noah habang mariin na tinititigan ang dalaga.
"What happen?" he asked her gently, nag-iwas lamang ng tingin si natasha bago sumagot.
"Anong ginagawa mo dito?" pinararamdam ni natasha ang inis sa kanyang tinig dahil nais niyang sundin ang gusto ng mga monteclaro.
"I'm here because i miss you, didn't you miss me? I was gone for two months."
"You've been gone for two months, and now you're coming back as if nothing happened."
"Bumalik ako ngayon dahil ito lang ang araw na nagkaroon ako ng lakas."
"Hindi mo na dapat ako binalikan noah, nasanay na ako e!"
Mataman ang naging titig ng binata sa dalaga. Maraming sinabi ang mga monteclaro sa kanya tungkol kay natasha, ngunit lahat ng kasiraan na sinasabi nila ay hindi niya iyon pinaniwalaan dahil kilala nito ang dalaga.
"Didn't you really visit me in the hospital when I was comatose?" natigilan si natasha at hindi na muling makatitig kay noah.
Comatose?
Wala siyang balita na ganon ang nangyari, hindi nito nabalitaan iyon dahil hindi nga siya pinapapasok sa ospital.
"I am unstable for two months because of gunshot. I'm sorry because I wasn't able to defend your sister, but i already checked her. she is fine." muli ay natigilan si natasha dahil sa sinabi niyang iyon. Ngunit hindi niya pinahalata, hindi na nito nais humaba pa ang usapan dahil gusto na niyang tuluyang lumayo ang binata. Napabayaan na nito ang pag-aaral niya kaya't dapat lamang na gumawa na siya ng paraan.
"Bakit pa ba kita bibisitahin, wala ka naman na din silbi." napatitig si noah sa sinabing iyon ni natasha, doon na tuluyang humarap si natasha na may matapang na tindig. "Ano bang inaasahan mo? Iiyak ako sa tabi mo at hihintayin ang pag-gising mo?"
"Iyon ang ginagawa ng taong nagmamahal, natasha.."
"Hindi naman talaga kita m-mahal..." nangunot ang noo ni noah dahil sa muling sinabi ng dalaga. Kahit bahagyang nanginig ang boses ni natasha ay pinilit niya pa rin maging matatag upang mapaniwalang totoo ang kanyang sinabi.
Noah shooked her head. "Your lying.." tumango tango si natasha habang nakatitig dito.
"Oo, sinungaling akong tao. Nakuha kitang paniwalain sa lahat ng pagpapanggap ko."
Nagsalubong lalo ang kilay ni noah dahil sa mga sinasabing ito ng dalaga. Naguguluhan siya kung bakit nagkakaganito ito.
"Why are you saying this, natasha?"
"Wag mo ng itanong, noah. Umalis ka na lang, bumalik ka na sa america!"
"No! I will stay here, nangako ako sa'yong mananatili ako sa tabi ko. Hindi na ako aalis!"
"I don't need you, noah.." madiin ang pagsasalita ni natasha at nais nitong iparamdam ng totoo lahat ng kanyang sinabi. "Ginagamit lang naman kita, kaso lang nagsawa na ako sa'yo"
Mariin ang titig ni noah sa dalaga na tila binabasa lahat ng emosyon sa mata nito. Nagagalit siya at sinasamahan ng hinanakit kung bakit ganito ngayon ang trato ng dalaga.
"Bakit mo ginawa iyon?"
Natasha smirked. "Dahil isa kang monteclaro, naiinggit lang naman ako kay shaira dahil kay jacob. So, I decide to you use because of money.."
"You're really unbelievable woman, natasha. napakababa mo, pera lang lahat?"
"Yes noah, hindi ko naman alam na uto-uto ka pala, akalain mo sa simpleng kilos ko nauto kita."
Noah clenched his jaw while looking at natasha. Hindi lang galit ang nararamdaman niya kundi pagkadismaya.
"I thought your not like what i think, natasha. Isa ka rin lang naman pala sa mga basurang nakilala ko."
Nilabanan ni natasha ang kung anong bagay na namuo sa kanyang dibdib. Pinilit niyang tumayo ng tuwid at panindigan ang kanyang lahat ng sinabi.
Para ito kay noah.
para sa kaligtasan niya.
"Siguro nga nauto mo ako, but it's just what we called lust. Siguro pagsasawaan din naman kita kung nagtagal pa tayo." noah smirked like he really wants to hurt her too. "It's easy for me to find a replacement girl, natasha. You're not worth it."
*************
to be continued.....