Natasha Pov.
(Expectations)
Lumisan si noah sa lumipas na kalahating oras, hindi rin naman siya nagtagal dahil may tumawag na babae sa kanya. I heard her name, it's dianne. Hindi ko alam kung anong problema o talagang hinahanap na lang siya ng kanyang ate.
Natutulog si shaira ng bumisita si noah, hindi na ako nag-abalang gisingin siya dahil mahimbing na ang tulog nito.
Wala din naman kaming gaanong pinag-usapan sa buong pagkakape niya, nais ko ng matulog ngunit narito siya.
At nang sandaling lumisan ito ay madali na akong namahinga, nalingat pa si shaira sa gilid ngunit hindi ko na ito napansin.
Alam ko'ng pagod rin siya sa nagdaang pagdiriwang ng fatima.
”Napapadalas yata ang pagbili mo ng bulaklak?” kinaumagahan ay bumisita si apollo sa aking shop, maaga akong nagising. Maging si shaira na kaka-alis lang at tumungo na ng fatima.
”Gusto ko lang siyang bigyan ng bulaklak, araw-araw..” naiiling ako kay apollo.
”Ano nga kasing pangalan ng babaeng iyan?”
"Trixie..”
”Wow, pangalan pa lang mukhang maganda na, hm?”
Ngumisi siya, nagtitingin ito ng bulaklak at inaamoy pa. ”Anong maganda sa dalawang ito?”
”Iyong pula syempre, pagnanliligaw ka. Required na red flowers ang ibigay mo..”
“Really?”
"Hm..” tumango ako. ”Kung gusto mo lang naman yung babae, ask a friends. Iyang pink o puti..”
Tumango-tango siya, actually hula ko lang naman iyon. Mas mahal kasi ang pula kaya iyon ang gusto ko'ng bilhin niya, sumang-ayon ito sa sinabi ko kaya't kinuha nito ang pulang boquet ng rosas.
”Ito na ang bibilhin ko..”
Tumango akong muli, kinuha ko iyon para pabanguhan ng flower scent. ”Ang swerte naman ng trixie na yan, pinag-gagastusan pa..”
”May nanliligaw rin kasi kay trixie, si philip..”
Nilingon ko siya, nagtataka. ”Si philip, iyong madalas na kasama ni kate sa club?”
”Oo, ang yabang nga, akala mo kung sino..”
”Pero gwapo siya..” nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko.
”Kailangan ba na daanin ang gwapo sa panliligaw?"
”Dipende iyon sa taste ng babae, minsan kasi o di lang minsan, karamihan sa mga babae yung taste nila ay gwapo, kumbaga sa ulam gusto nila 'yung masabaw..”
”Ang dami mong nalalaman..”
”Kaya maniwala ka sa akin, nasaan na ang papel at ballpen..” naiiling siyang natatawa, ilang beses na itong nadalaw sa akin t'wing umaga. Paano ba naman ay nagpapagawa siya ng love letter na ibibigay daw sa babaeng nililigawan niya.
Ang tagal na yatang nanliligaw pero ni ngayon ay wala pang sagot.
”It's seems she's not happy on your letter..”
Nilingon ko siya, nakataas ang kilay matapos ako nitong bigyan ng papel at ballpen.
”Happy 'yon, ano ka ba..” muli ko'ng binalik ang tingin sa papel, sisimplehan na lang natin ang sulat para hindi na gaanong mahabang basahin.
Matapos ko'ng isulat ang nais ay itinupi ko iyon at ibinigay sa kanya.
”Sa susunod kasi itanong mo kung anong gusto niyang regalo..” bumuntong hininga siya, binulsa nito ang papel at gaya dati ay hindi na nito binasa ang nakapaloob doon.
”Next time..”
”Kung sinabi niyang gusto nito ng pang-babaeng gamit, puntahan mo ako..”
”Sure, taga-payo..” ngumuso ako sa sinabi niya.
”Kung pakipot ang trixie na iyan, magpalit ka na lang. Sayang ang mga ibinibigay 'mong bulaklak..”
Hindi ito nagkumento sa sinabi ko, ngumiti lang siya kaya't kinuha ko ang bulaklak at ibinigay na rito.
”Papasok na ako..” tumango lamang ako, ang swerte naman ng ilang babae. Nakakatanggap ng bulaklak sa lalakeng may gusto sa kanila.
Samantalang ako ay ni hindi pa naranasang mabigyan ng bulaklak, tatanda na yata ako at mamatay ay doon lang ako makakatanggap ng bulaklak sa burol ko.
Napanguso ako, nasaan na ba kasi yung truelove ko. Magmemenopause na ako waley pa, ni-ready ko na yung night tees ko para medyo hot ang gabi sa kanya.
Sa pagtanaw ko sa labas ay saktong may humintong kotse doon, hindi siya nagbukas ng pintuan habang naghihintay ako sa pagbaba niya.
Hindi pamilyar 'yung kotse, hindi ko rin alam kung anong trip niya at dito sa harapan ng shop ko siya pumarada.
Lumabas ako, hawak ko ang spray water at basahan habang pinupunasan ang salamin sa labas. Panay ang sulyap ko sa kotse pero hindi pa rin lumalabas kung sino ang naroon doon.
Lumapit ako na medyo may katarayan ang mukha, ang swerte naman niya't nakahanap siya ng parkingan! Paano na lang kung biglang may dumating na costumer at narito pa siya.
Kinatok ko ang salamin gamit ang spray na hawak ko, ngunit walang nagbukas kaya kumikibot ang labi ko. Ni hindi ko naman makita ang loob dahil sarili ko ang nakikita ko sa salamin.
Ang ganda ko pa naman today, ang haba na ng buhok ko pero ang dumi ng salamin ng kanyang kotse.
Hinayaan yatang mabasa sa ulan kaya't nagkaroon ng bilog-bilog.
In-sprayan ko ang kanyang salamin, sinadya ko talaga iyon para buksan niya ang bintana. Pero swerte siya dahil pinunasan ko pa iyon para mawala ang ilang dumi na nakadikit sa kanyang bintana.
Um-spray pa ako ng ilang beses, pero un-expected niyang binuksan ang bintana kaya't nabasa ang kanyang mukha.
Naibaba ko ang spray ng makita kung sino ang naroon, medyo kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
”Anong ginawa mo?” umirap ako, halos maglanding ang bilog ng aking mata dahil sa kakairap.
”Ikaw, bakit mo dito iniharang ang kotse mong marumi?”
Nag-iwas siya ng tingin, napaka-attitude ng singkit na 'to.
”Bibili ako ng kape, iyong tulad ng ginawa mo kagabi..”
Ngumuso ako, medyo kibot ang aking labi dahil sa sinabi niya. ”Nagustuhan mo 'yung kape ko noh?”
”Pwedi naman ng pagtiyagaan..”
”Sus, kung hindi ko lang alam. Baka gusto mo rin akong nakikita..”
Ngumisi ito sa sinabi ko, medyo naasar ako sa ngiti niyang iyon na akala mo'y nagkamali ako.
”Ganyan talaga ang iniisip ng babaeng may gusto sa akin..” hindi mawala ang ngisi nito, nakakainis lang kaya't tinalikuran ko siya para pumasok sa loob.
Dumiretso ako sa aking counter, hindi ko ginawa ang nais niya dahil magbibilang na lang ako ng kita imbes na asikasuhin ito.
Bwisita talaga.
”Where's my coffee?” pumasok siya, sa counter ko ito dumiretso kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
”Who told you to enter my counter!”
”Bawal ba na pumasok rito?”
”Oo, bawal. Pag pumapasok ka dapat kumukuha ka muna ng pahintulot!”
"Bakit ikaw?”
”Anong ako!”
”Pumapasok ka sa panaginip ko ng walang pahintulot!” napakurap ako, medyo hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya.
”Tell me, did we see each other before?”
Napamaang ako, nawawala na yata ako sa sarili at parang hindi na nag-function bigla ang utak ko.
”Tsk, did you saw the invitation i gave last night?”
Nag-iwas ako ng tingin, hindi ko yata napaghandaan ang araw na ito kaya't eto ako ay kinakapos na sa paghinga. Sumikip yata bigla 'yung bra ko.
”B-bakit naman ako i-invited doon?”
”Ipapabigay ko lang sana iyon kay patty, sa'yo yung pera..” nilingon ko siya, halos manlisik ang mata ko dahil sa sagot na sinabi niya sa akin.
”Kung ganon hindi sa akin iyon?”
”Hindi..”
”Gag* ka talaga!”
”Hey!”
”Lumayas ka sa paningin ko at baka gahasain kita!”
”W-what?”
”Sasagasaan talaga kita!”
Kunot ang kanyang noo, hindi makapaniwala sa inasta ko. ”Hindi iyon ang narinig ko kanina!”
”Wala na akong planong iparinig pa, kaya lumayas ka na!”
”Tsk, your invited too. You don't need to act like wild woman..”
”Wild talaga ako, mas wild pa sa inaasahan mo!”
”Bakit ba ang lakas ng boses mo?”
”Hyper kasi ako pag ikaw ang kausap ko, mabingi ka sana!”
”Sh*t..”
Umismid ako, hinarap ko ang calculator at binuksan ang cashier para kunin lahat ng perang naroon.
Ang ganda na sana ng morning kung hindi na nito sinabing kay shaira ang invitation na 'yon, ang haba na ng hair ko e. Pinutol niya bigla.
”Your coming?”
”Yes, I'm c*mming..”
”F*ck, natasha!” natawa ako sa reaskyon niya, kung hindi pa talaga siya aalis talagang gagahasain ko siya rito.
”Do you want to talk to me?” i asked him, a little bit smirking.
”Tsk, di bale na..” tumalikod siya at akmang lilisan ng tawagin ko ito.
”Noah!” nilingon niya ako, bahagyang nakataas ang kilay. ”Bukas ang zipper mo!”
Nagbaba siya ng tingin sa pantalon, kanina ko pa iyon napapansin ngunit hindi ko lang sinabi. Hindi ko kasi makita kung anong gamit nitong brief, pero black yung nakita ko sa loob, sayang.
”Zipper ko talaga ang napansin mo, huh?”
”What do you mean?”
”You really want to know what brand of brief i use?”
Ngumuso ako. "Hindi na, di bale na lang..” ngumisi ito sa akin, nakakamatay talaga ng bad spirit ang ngisi niyang iyon. Ang gwapo, pero iniinis niya ako.
”Maybe later?”
Nag-angat ako ng tingin rito. ”Later?”
"Yes, see you later..” lumisan na siya ng tuluyan, lumabas na ito at agarang sumakay sa kanyang kotse.
Napalunok ako, medyo mainit sa paligid dahil sa presensya niya kanina lang. Pero hindi ako mapalagay dahil see you later daw.
”Anong gagawin namin later?” nagtataka ako habang kausap ang sarili, pero ng may naisip ay napatakip na lamang ako sa aking labi.
”Oh my god!”
BUONG maghapon yata ay iniisip ko ang 'see you later' na sinabi niya, lutang ako habang nagseserve sa mga costumer. Muli pa ngang bumalik si apollo dahil nagrereklamo siya sa sulat na binalik sa kanya ni trixie.
”Bakit iyon ang sinulat mo?” iyon ang tanong niya kanina ng tumungo rito, wala namang masama sa sinabi ko. Kung ako kasi ay baka kiligin pa ako sa nabasang iyon.
Dear trixie.
Tanggapin mo ang bulaklak na sumisimbolo sa pag-ibig ko, kasing pula nito ang labi mo. Kung ako'y iyong iibigin ay hindi kita bibiguin at aalipinin, bibigyan kita ng anak na iyong nanaisin.
Nagmamahal
Apollo, your sperm supplier.
Napapailing ako habang binabasa iyon, ayaw ba ni trixie ng ganitong sulat? Kung ganon. Dapat galingan ko sa susunod, pero mukhang nabusted yata si apollo dahil sa sinabi ko.
Bumuntong hininga ako, nag-assist ako ng costumer sa pagpasok ni shaira. Pansin ko pang may kasama siya na mukhang namumukhaan ko, madalas siyang kasama ni dianne sa club kung tumungo siya roon.
”Gagawan kita ng kape..” tumango ako kay shaira ng pumasok ito ng counter, naupo roon ang babaeng kasama nito habang tinatapos ko ang paglapag ng kape sa studyanteng um-order sa akin.
Matapos makapag-timpla ni shaira ay lumapit ako sa kanila, naupo ako sa tabi nito at doon naalala ko ang invitation na ibinigay ni noah sa akin.
”Pinuntahan ako ni noah dito..” ani ko, kinuha ko ang kapeng inihanda niya na para sa akin rin.
Pang-apat na kami para sa akin ngayong araw.
”Anong sabi sayo?"
”Inimbitahan niya ako mamayang gabi.”
”Magkakilala kayo ni noah?" nagtatakang nagtanong ang kasama ni shaira, medyo natatandaan ko siya dahil narinig ko na yata ang pangalan nito.
If im not mistaken, baka si selena 'to.
”Hindi naman sa magkakilala talaga, nagkataon lang na alam ko ang pagmumukha ng lalakeng yon..”
”Pero kilala ka ni noah, natasha.” nilingon ko si shaira, alam ko naman na iyon, ilang beses na ba kaming nagka-usap ”Nababanggit ka niya samin madalas, diba selena?"
”Ha?” lumingon si selena kay shaira, medyo nag-aalinlangan. "HAHAHA, yeah. Noah is always mentioning your name, kaya pala pamilyar ang pangalang natasha!” tumaas ang kilay ko sa kanila, medyo pinagkakaisahan yata ako ng dalawang 'to.
"Talaga?” ipinakita ko'ng interesado ako, pero totoo namang interesado ako pagdating kay noah.
Leche talaga siya!
”Kung hindi mo natatanong, may lihim na pagtingin sayo si noah, nahihiya lang iyon at hindi masabi sayo, pero tinatanong niya sa akin kung anong gusto mo sa lalake..” nangunot ang noo ko kay shaira.
Kung may nais pala siyang malaman ay bakit hindi ako ang tanungin niya, kung magtatanong ito kung anong gusto ko sa mga lalake, malamang iyong mahaba at malaki ang ano.
Mahaba ang pasensya at malaki ang pagmamahal sa akin.
"Parang hindi ko nakikitang may gusto sa akin ang singkit na 'yon, If you don't see his eyes while looking at you, the way he stare to your face, doon pa lang makikita mo ng may gusto sa'yo si noah..”
Tila kay manhid lang ni shaira pagdating sa lalakeng iyon, kung sabagay. Hindi ko rin naman siya masisisi kung nahulog na ang loob niya kay jacob.
”Pero hinihingi nito ang number mo sa'kin..”
Hindi mawala-wala ang pagkaka-kunot ng aking noo. ”Binigay mo?”
"Oo, bakit hindi?”
"Kung ganon bakit wala pa siyang text sakin?” nakataas ngayon ang aking kilay, kailan niya kinuha ang number ko? Bakit hindi na lang niya ako pinersonal para dama ang kilig na meron ako.
Torpe pa yata.
”Because noah decide to talk to you in person, kaya nga inimbitahan ka niya sa party mamaya..” napakurap ako kay selena, kung ganon. Aamin na sa akin si noah?
Oh my god!
Kaya ba see you later ang sinabi niya kanina?
”Si jacob pupunta ba?” iniba ko ang usapan dahil hindi ko na keri ang pinagsasabi nila.
Si noah may gusto sa akin?
E bakit madalas niya pa akong asarin kesa ipahiwatig na gusto niya ako.
”Ewan ko..” sagot ni shaira, napailing ako sa malamyang tugon nito.
"Pupunta iyon, si jacob pa! Alam niyang naroon si shaira kaya pupunta talaga yon!” tumango-tango ako sa sinabi ni selena.
"Kung ganon magiging masaya ang gabing 'to, pupunta pala ang gwapong mahal ni shaira.”
”Tsk, gwapo rin naman si noah.” umismid ako, gwapo nga. Ang sarap gahasain,
”Pero mas gwapo si jacob, kaya mahal na mahal mo e..” umirap ito sa sinabi ko.
"Minahal ko si jacob hindi lang dahil sa gwapo siya, minahal ko siya hindi lang din dahil sa mayaman siya, minahal ko siya hindi dahil maporma ito, minahal ko siya dahil sa taglay niyang pambihira.”
Napapangiwi ako sa kanyang isinambit, gusto ko'ng matawa dahil naging iba na yata ang epekto ng babaeng ito kay jacob.
Malapit na rin yatang masiraan.
"Wait, shaira. Is that a song right?” si selena, natatawa, tumango ako at napa-apir sa aking sarili.
”Oo, kanta 'yon ng mga aegis, si shaira dinaan pa sa kanta ang pag-ibig.” naiiling ako bago kumanta upang gayahin siya.
”Oh, bakit.... Puso ko'y iyong sinugatan...."
"Tigilan mo iyang kanta mo, natasha..” natatawa ako kay shaira dahil sa itsura niya, marupok naman kase.
Pero kung ako ang tatanungin, magiging marupok din naman ako kung isang dakilang monteclaro ang luluhod sa akin.
Baka pahihigain ko na siya agad.
Para matulog.
NANG gabing iyon ay naghanda ako para sa party na iyon, it's dianneya monteclaro pool party. Magiging masaya yata dahil first time ko ito. Nananabik na akong mag-swimming kahit hindi naman na ako marunong, paano nga ba kasi ang sumisid?
”Kabilang ba kayo sa mga dadalo?” hindi kami nais papasukin ng guard na nakaharang sa malaking gate, ang gara ng bahay. Ang laki at ang lawak ng hardin.
Pero naaaliblaran ako sa lalakeng nakaharang sa amin.
"Aba't syempre, papasok ba kami kung hindi?” pinagtaasan ko siya ng kilay.
”Nasaan ang invitation niyo kung ganon?”
"Bakit yung mga naunang pumasok walang invitation?" tanong ko, meron naman ako ngunit naiwan nga lang sa shop.
Nakakainis lang dahil bakit ko ba iyon nakalimutan?
"Mga kilalang kaibigan iyon ni señiorita dianne, at mahigpit na pinagbawal na huwag magpapasok ng hindi nito kilala.” umismid ako ng natural sa guwardya, kung ganon. Dito na lang pala kami sa labas?
Aba't nasaan na ba ang noah na 'yan?
”Shaira?” may isang ginoo na lumabas ng gate, lumapit kay shaira na may pagtataka. "Bakit narito kayo sa labas, pumasok kayo..”
”Hinarangan niya kami don samuel!” dinuro ni shaira ay guwardya na madaling namutla sa kanyang pwesto.
Don samuel?
”H-hindi ko po alam na magkakilala kayo, p-paumanhin..”
"Hinahanapan niya po kami ng invitation.” sabat na ani ko, dapat kuyugin ang guwardyang ito dahil ayaw kaming papasukin kanina.
”This is jacob's girlfriend, and noah's friend, tandaan mo sila at sa susunod ay hindi ko na nais maulit pa ito.."
”Opo, opo. Patawad.”
Maswerte at nakapasok kami sa loob ng walang kahirap-hirap, binelatan ko pa ang guard at tawang-tawa na sumabay kay shaira.
”Sino yon?” tanong ko habang nilalakad papasok ang maalwalas na hardin.
”Iyon ang ama ni jacob.”
”Oh my god! Really!” napasigaw ako, ang gwapo naman.
Kung ganon siya ang don monteclaro?
”Oo, siya si don samuel."
”Sh*t, para siyang artista.”
”Mayaman kasi.” napangiwi ako kay shaira, porket mayaman nagmukha ng artista. Kung ganon na gaya ko'ng mahirap ay isang extra lang.
Aba't hindi ako papayag!
Dapat maging bida rin ako.
”Dito po ang daan..” iginaya kami ng isang babae paloob ng venue, ang ganda talaga at hindi ko maiwasang humanga.
Lalo na ng marating namin ang lugar kung saan nagtitipon na ang karamihan.
"PATTY!” umalingawngaw ang tinig ni noah sa paligid, doon ko ito nakita na papalapit sa pwesto namin habang nakapantalon lamang at black shirt. "Bakit ngayon ka lang?”
”Ngayon lang kasi ako dumating..”
"Oo nga, bakit ngayon lang?” medyo nangiwi ako sa ulit na tanong ni noah.
”Ngayon lang kasi kami nakaalis..” ani shaira, ngunit ang singkit na lalake ay hindi yata makaintindi.
"Kailangan muna namin kasing magsara..” sabad ko, lumingon siya sa akin panandalian bago nito harapin si shaira.
”Ipapakilala ko muna kayo kay ate..” akma nitong hahawakan ang kamay ni shaira ng itago niya iyon sa kanyang likuran, napipilitan siyang ngumiti na akala mo'y may atraso.
"Susundan ka na lang namin..”
Tumango si noah, nag-aalangan pa siyang lumakad ngunit nagpauna rin bago nito tawagin ang birthday celebrant na napaka-ganda sa kanyang ayos.
Ipinakilala niya kami, ngunit hindi ko na kailangan pang magpakilala dahil alam naman na namin ang isa't isa. Nagkakilala na kami sa club noon pa man.
”Magbihis ka na, natasha!” naririndi ako sa sigaw ni selena, ang ingay niya kaya't medyo naiirita ako. Idagdag mo pa na ang sarap lampasuhin ng babaeng umaakit kay jacob. Dapat kay shaira lang si jacob, mga monteclaro talaga!
”Oo na!” bulyaw ko rito ngunit buko tanging pagtawa ang isinagot niya, nasobrahan na yata sa tuwa.
”Umakyat muna tayo sa kwarto ko..” nagyaya si dianne patungong kwarto, ang sabi nito'y mag-bibihis na siya kasama namin, at maswerte pa na mapapalitan ang suot ko dahil pinahiram niya kami ng swim suit.
Natural lamang na piliin ko ang itim, bikining itim ika nga ang mapang-akit sa tinalupan.
Nakangiti ako kay shaira ng bumaba kami, sinalubong agad ako ni apollo ng makita ako na narito. May kasama siyang dalawang lalake na tila kilala si selena at shaira.
”Let's swim?” the tall guy asked shaira, hindi ito tumango at nag-aalinlangan na lumakad dahil nahihiya.
”Doon na tayo sa pool..” apollo invite me, tumango ako bago maglakad. Nakasunod naman sa akin si shaira na hindi kinibo ang lalakeng matangkad.
Naiiling ako bago ilibot ang paningin sa pool, ang lawak at ang ganda. Ang sarap sanang mag-swimming ngunit hanggang sa mababaw na pwesto lamang ako.
May waiter na lumapit sa akin, kumuha ako ng wine at madaling inabutan si shaira, nginitian ko ito.
”Hinubad mo na pala ang balabal mo?”
Nanlaki ang mata niya bago siya magbaba ng tingin sa katawan ”Hindi ko hinubad!” natatawa ako sa kanya bago ko ito purihin, ang ganda at ang sexy naman niya. Hindi na ako magtataka kung bakit nahulog si noah rito.
Speaking of him.
Nawawala siya at hindi ko ito makita, akala ko pa naman ay may sasabihin siya sa akin.
Ano nga ba ang sasabihin nito?
Naupo ako sa gilid ng pool, lumapit sa akin si apollo na bahagyang nakanguso. Siguro'y nagtatampo ito sa akin dahil sa sulat na nagawa ko, pero hindi naman niya pinapahalata.
”Hindi ka lalangoy?” he asked me, umiling ako.
”Hindi ako marunong lumangoy..” natawa siya, pinagtatawanan ako nito dahil hindi ako marunong lumangoy.
Pinilisikan ko siya ng tubig gamit ng aking paa, tumawa lamang ito bago hilain ang aking paa.
”Apollo!” sinigawan ko siya at madaling kumapit sa kanyang leeg, samantalang ito'y natatawa lang dahil sa reaksyon ko.
”Pag nalunod ako dito mumultuhin talaga kita!”
”Nasa mababaw lang tayo, natasha. Ilapat mo man ang paa mo..” masama pa rin ang aking tingin, pinanlilisikan siya habang ganoon pa rin ang pwesto.
”Ang sweet hm?” nilingon ko ang aking gilid ng may magsalita roon, at itong lalakeng 'to ang hinahanap ko kanina pa.
Nakababad siya sa tubig, wala ng damit at may hawak na wine sa kabilang kamay. Humiwalay ako kay apollo, hindi ko na makita si shaira dahil nawawala na ito sa aking paningin, saan siya pumunta?
”Long time no see..” he greet apollo who still on my side, pansin ko lang ang pagtango ni apollo dahil medyo hindi ako kumportable sa tubig.
Hindi ba ako malulunod dito?
”Where's your date?” apollo asked him, lumingon sa akin si noah bago sumagot.
”May date na yata siya..”
Kunot ang noo ko siyang tiningnan, pumaling pa ang ulo ko na akala ko'y ako ang pinapatamaan niya.
”Sino ba?” muling nagtanong si apollo, at dahil hindi ko keri marinig ang sagot ni noah ay umatras ako at nagpakalayo, doon ko lang nalaman na lumalalim na pala ang pwesto ko kaya't hindi ko na ramdam ang tiles sa aking paa.
”Leche kasing noah na 'yan!” lumulukso ako upang tumungo sa gilid, ngunit hindi na ako nakaahon ng may kamay na humila sa aking bewang at sakupin ang katawan ko.
”You can't swim right?” noah whispered on my ears, medyo kinikilibatun ako hindi dahil sa lamig, kundi doon sa hininga niya.
”E a-ano ngayon?” basag yata ang katarayan ko dahil sa panginginig ng aking boses.
”Turuan kita?”
”Tsk, wag na. I can teach my self..”
”Hindi naman kita lulunurin..”
”Nalulunod na nga ako e..” nilingon ko siya at doon ko nakita ang pagtaas nito ng kilay, dumistansya ako at hindi na nagpatuloy sa pagsasalita.
Nalulunod ako sa kagustuhang mapapansin niya rin ako.
”I have something to tell about you..”
Hindi ko alam kung bakit binabalutan ng seryoso ang kanyang tinig, pero hindi ako makasagot, hindi ko alam kung bakit kinakabahan na ako.
****
to be continued..
Wala pa tayo sa exciting part. ?
Painitin muna natin ang ating imahinasyon.
_
Next update, (The adventures of yaya cordaphia)