Chapter 6

3963 Words
Natasha Pov. (Wild virgin) Tahimik ang buong shop habang naglilinis ako, sarado ito dahil na rin sold out ang mga stock ko kaninang umaga pa. Sino bang mag-aakala na ang dalawang iyon ang siyang tatalo sa income ko everyday, ang laki ng kita ko ngayong araw. Ubos ang mga cups at flavor na meron ako, kaya't ang paglilinis ko ay may pagmamadali. Nasa alas dose na ang oras sa aking relos, hindi pa ako nakapag-handa ng tanghalian kaya medyo kumakalam na ang aking sikmura. Nagugutom na ako. Itinabi ko ang gamit paglinis sa loob ng counter, bago ako tumungo sa taas ay pinatay ko muna ang switch para maghanda sa pagligo. Balak ko'ng tumungo ng shop kung saan ang supplier ko, medyo may kalayuan iyon kaya ang paghahanda ko sa sarili ay naging mabilis lamang. Kalahating oras ang ginugol ko sa itaas bago lumabas ng shop, isinara ko'ng mabuti ang pinto bago tanawin ang kalsada kung may naligaw ba na taxi. Ngunit halos mga studyante lamang ang nakikita ko na may kanya-kanyang landas, may napapadaan nga na kotse ay mga yayaming studyante lang iyon ng fatima. Nakakamangha lang na sa ganoong edad ay may kotse na sila, ako 'tong road to bente uno na ay wala pa rin nahawakang manubela. Kailan kaya 'yon at ng hindi na ako makapag-hintay pa. Itinaas ko ang kamay sa kotseng itim na paparating, balak ko'ng makisakay hangga sa paradahan ng jeep o doon man lang sa bandang highway. Sinuswerte nga naman dahil huminto siya sa gilid at ibinaba ang bintana ng kotse. Nagmamadali akong lumapit dito dahil nais ko ng sumakay sa sanhi ng init nitong araw, ayoko namang lakarin ang kalsada para mangalap lang ng taxi, sayang 'yung outfit ko na nabili sa UK, ukay-ukay. ”Makikisakay lang p--” naiwan akong bitin sa pagsasalita ng makita kung sino ang lalakeng nagmamaneho, nakangisi ito sa'kin. Hindi ko type yung ngisi niya kaya umirap ako. "Get in..” he command like a boss. Medyo sumulyap ako sa kanyang kotse, nakataas ang kilay. ”Bakit bago na naman itong kotse mo?” ”This is giovanni car, I'm just testing it..” nangiwi ako, sana all maaaring subukan. Siya ba ayaw niya akong i-testing? Napailing ako, medyo wild na naman ang utak ko dahil heto siya at nakita ko na naman. Naalala ko bigla ang paghingi niya ng sorry kaninang umaga, feeling ko tuloy boyfriend ko siya at humihingi ito ng paumanhin dahil may nagawang kasalanan. ”Where are you going?” noah asked me like we're really close, minsan mabait siya sa'kin. Ngunit madalas naman ang pag-iinsulto. ”Sa baclaran..” i answered shortly. ”Why are you going on that place?” ”Required ba na sabihin ko sa'yo?” umismid ako, bahagyang pinapaypayan ang sarili dahil naiinitan na. "Can you just open the door for me, makikisakay lang ako hangga doon sa sakayan ng jeep..” He raised his one brow while scanning my body. ”Sasakay ka ng jeep na naka-body fit dress?” ”So what?” ”Nagpanty ka lang ba naman niyan?” ”Why did you care if i'm not, kung hindi mo ako papasakayin wag ka ng magtanong pa..” ”Tsk..” he rolled his eyes before open the door for me, doon sa passengerseat ay tumungo ako ng mabilisan. Nararamdaman ko na ang paghapdi ng balat ko dahil sa sinag ng araw. Nais ko pa naman magpaputi katulad ng kay shaira, baka sakali lang naman na matipuhan rin ako ng lalakeng unromantic pagdating sa babae. ”Why don't you just paired yourself with patty, she was simply with her dressing clothes.” "Why don't you just ignore me?” ”And why do i'll do that?” ”Because you annoyed me that much!” ”Then why are you wave for me to take a ride?” napaismid akong muli, ilang beses ng umikot ang mata ko dahil ewan ko ba kung bakit bigla akong nawalan ng gana. Ayos na sana, ngunit hindi. Iyong tipong ako ang kasama niya pero iba ang nasa isip. Okay, that's enough. Wag na lang tayong affected kunwari. Pero, bakit nga ba bigdeal sa'kin bigla iyon? Do i have a crush on him? Sh*t. Sign na ba 'to na may gusto ako sa lalakeng ito? At dahil naiinis ako dahil si shaira ang gusto niya? ”I'll help you to go on baclaran, may bibilhin din ako..” muli ko siyang binalingan ng tingin, nagtataka habang binubuhay na niyang muli ang makina. ”Anong bibilhin mo doon?” ”Some cheap things, and i'm looking a ready to cook foods for our booth..” ”Cheap talaga? Porket mura ganoon ka na kung magsalita, magkano ba ang pera mo sa bulsa? Mabibili ba nito ang shop ko?” medyo sarkastiko ang tinig ko, hindi naman na cheap ang mabibili doon. Ika nga ng mahihirap, kung saan ka makakamura ay doon ka. Kung saan ka sasaya, doon ka. Pero eto ako at nililihis ang sariling landas. ”Kaya kang bilhin ng bulsa ko, kung iyan ang inaalam mo..” bukod tanging pagkamangha ang namutawi sa'kin, nakukurap sa kinauupuan habang nakatitig sa kanya. Ang yabang talaga ng monteclaro na'to. ”Hindi ako mabibili ng bulsa mo, I'm not that cheap as you think..” ”Really?” ”Ah ha..” nakangisi siya habang nagmamaneho, kaya eto ako at hindi na nilubuyan ang mukha niya. Maayos na sana't lahat kung hindi siya nag-iinsulto, sa lahat ng nakasalamuha ko'ng lalake ay siya lamang ang ganito akong tratuhin. HINDI nagtagal ang biyahe namin dahil mabilis ang pagpapatakbo niya sa kotse. Ipinarada niya iyon sa gilid habang nakasilip ako sa bintana. Kahit ang init ay ang dami pa rin palang tao, sanay ba siya rito? Kung hindi ako nagkakamali ay halos branded lahat ng suot niya mula damit hanggang medyas, ultimong brief siguro nito'y branded. ”Anong brand ng brief mo?” ”F*ck!” nagulat siya sa tanong ko, hindi naman na yatang masamang magtanong. Si apollo kasi ay bench ang kanya. Natawa pa nga ito ng itanong ko iyon ngunit kalaunan ay sinabi rin. ”Bench ba, calvin klein?” ”Will you stop asking me about that..” kumikibot ang labi ko sa sagot niya, ang taray naman. Hindi nais ipaalam ang branded ng brief niya, gusto ko lang naman malaman dahil ang sabi ni abby ay doon daw masusukat kung gaano kahaba ang ano ng lalake. ”Si apollo kasi bench ang gamit, pero ikaw. Ayaw 'mong i-share..” ”Sh*t..” lumabas siya ng kotse, naiiling ako sa kaartehan niya dahil parang sa simpleng tanong lang naman. Kung ako ang tatanungin niya ay avon ang gamit ko, minsan ay plain. O di kaya naman ay 'yung mga lace na nabibili ko sa divisoria. Pero nauna na siyang lumakad sa'kin, kaya sa huli ay humabol ako kung saan siya pupunta. He stop on the front of 50% shoes shops, nasa glass wall ang tingin niya kaya't nakasilip ako. But it's too close when i look at the shop, kaya ng lingunin niya ako ay medyo dumistansya ito sa lapit ko. ”Anong bibilhin mo dito?” he asked me irritated, hindi nakatingin sa'kin kundi nasa malayo. ”Tutungo ako sa supplier ko, kukuha ako ng stock at magtitingin na rin na maaaring bilhin..” Tumango-tango siya. ”I have one hour to come with you, let's go..” nauna siyang muli, hindi naman na niya alam ang pupuntahan ko ngunit pumasok siya sa loob ng mga nakahilerang tindahan. Napailing ako, sumunod ako sa kanya hangga sa magpantay ang lakad namin. I don't have any clue if why he's coming with me, ayos lang naman kung hindi na niya ako samahan. Pwedi rin naman samahan niya ako para makatipid ako sa pamasahe. Nangisi ako bago magpauna sa paglalakad, samantalahin na ang kanyang kabaitan. Dahil pag-naubos na 'yan ay paniguradong iiwan na ako nito dito. Tumungo ako sa'king supplier kung saan ako kumukuha ng paninda, may kalakihan ang kanilang shop at kumpleto. Gaya ng unang order ko ay ganun rin ang kinuha ko ngayon, pero marami-marami na rin kaya't ipapadeliver ko na lang sa shop kung may time sila. Nagbayad ako at kinuha ang resibo, tanaw ko pa si noah na tila naiinip na sa labas ng shop. Kaya bago pa ito tuluyang mainip ay lumabas na ako upang lapitan siya. ”Nasaan ang mga pinamili mo?” nagtataka siya habang sinusuri ang kamay ko. ”Ipapadeliver ko iyon sa shop mamaya, hindi ko iyon madadala.” ”May kotse naman ako.” ”I know, but i want to take a delivery from them, libre naman dahil suki na nila ako..” umismid siya bago magpamulsa. ”Uuwi ka na ba?” he asked again, pansin ko ang konting pasensyang meron siya na tila'y nais na nitong lumisan. Umiling ako. ”Hindi pa, kakain pa ako..” ”I'm getting bored here..” sabi na nga ba at iyon ang naiisip niya, pero nagugutom na ako at ayoko pang umuwi. ”Mauna ka na, kakain pa ako doon sa kalenderya..” ”Kalenderya?” ”Yes, a small resto..” ”San 'yon?” kunot ang kanyang noo, lalong naniningkit ang kanyang mata na talaga'y singkit na. ”Lalakarin lang 'yon, sama ka?” ”Kung libre mo 'bat hindi?” ”Wow, ako pa ang manlilibre sa mayaman?” namamangha ako ngunit nag-uumpisa ng maglakad, nakasunod siya sa'kin at sakto lamang ang lakad ko para magpantay ang katawan namin. ”Babayaran kita, i don't have cash now, it's a card..” ”Woah, black card? Yayamanen talaga..” ”I'll pay you once i sent you home..” Nanguso ako bago magpauna sa daan, ewan ko ba kung bakit feel ko'ng nakasunod siya sa'kin. Feeling ko hinahabol niya bawat hakbang ko kahit medyo binibilisan ko na, hangga sa marating ang nasabing kalenderya sa hindi kalayuan ay pinagtinginan itong kasama ko. Instant celebrity kasi itong mga monteclaro, siguradong kilala na sila dahil mayayaman nga. At ang swerte ko lang dahil ako ang kasama niya. ”Are we going to eat here?” medyo may pandidiri ang kanyang tinig, sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasang manahimik. ”Masarap ang pagkain dito, kasing sarap ko!” ”What?” ”I mean, masasarap ang pagkain dito, dahil unlimited sa magic sarap!” salubong na ang kanyang kilay ngunit inirapan ko siya at tinungo ang babaeng nasa likuran ng nakahilerang pagkain. ”Pahinge ng menudo, mechado, adobo, at pritong paborito..” ”What are you saying?” nakasunod pala si noah sa'kin, nilingon ko siya. Nakangiti, ”Masasarap ang mga pinili ko, kung hindi mo magustuhan wag ka na lang kumain..” muli ay nilingon ko ang tindera, tinanguan ko siya bago pumunta sa gilid kung saan may bakante pang pwesto. Madali namang nakasunod sa'kin si noah na hindi pa rin nagbabago ang mukha. ”Why don't you told me about this kalenderya, it's cheap..” nilingon kami ng costumer sa katabing mesa, nakakahiya itong kasama ko kaya't sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. ”Just shut up!” ”I'm just telling the truth, natasha..” ”Wala akong pake sa truth mo, libre lang 'to wag ka ng choosy!” Umismid siya at sumandal sa kanyang upuan, gaya ng mabilis ko'ng pag-order ay madali din na na-serve ang pagkain sa lamesa namin. Natatakam ako at feeling ko'y mauubos lahat ng in-order ko'ng ito sa bango nila. Masarap sa paningin kaya kinuha ko ang plato na may kanin na at agad kumuha ng napiling putahe. Nakadalawang subo na yata ako bago ko mapansin ang titig ni noah sa'kin, medyo nakangiwi siya pero ang mata nito'y natatakam. ”Masarap nga kasi, tikman mo muna..” ”Malinis ba 'to?” he asked again, sounded secured. ”Ofcourse, ang arte mo!” ”Naniniguro lang dahil ayoko pang mamatay..” ”Hindi ka naman mamatay diyan, mas mamatay ka pag minahal kita..” ”What?” umirap ako, bingi ba siya. Medyo vulgar ang bunganga ko today kaya itinikom ko na lang at nagpatuloy sa pagkain. Hinayaan ko ang tingin niya sa'kin habang diretso akong sumusubo, sa huli ay wala siyang ginawa kundi kainin ang in-order ko. At sasabihin ko'ng mas marami pa ang nakain niya kesa sa'kin, ang lakas magreklamo pero simot lahat ng bawat in-order ko'ng putahe, ang galing. ”Are you sure it's that only 300 pesos?” nasa loob na kami ng kotse pero hindi pa rin siya makapaniwala sa binayad ko, tumango ako. ”Yes..” ”Really?” ”Oo, may utang kang tatlong daan sa'kin..” Binuhay nito ang makina habang nagtitipa ako sa'king cellphone. The delivery man is on his way on my shop, dapat ay maka-uwi na ako. ”Kumain ka rin naman..” ”Yes, but it's your treat, ang yaman mo kaya, anong gagawin mo sa pera mo?” Hindi ko siya nilingon, ewan ko lang kung anong reaksyon niya dahil nag-umpisa na itong magmaneho. Hinayaan ko ang pananahimik niya, marami akong messages today sa mga costumer na nais magpagawa ng boquet. I reply them all, abala ako sa pagtitipa ng magsalita si noah. ”Are you related with patty?” Nilingon ko ito, Hindi ko pinatay ang ilaw ng screen at kita doon ang text ng costumer na may kalambingan sa'kin, it's a boy. Nais niya ng magandang boquet of rose sa girlfriend niya, ngunit eto ay haliparot sa kanyang message dahil nais makamura. "No, shaira is just my friend, nagkakilala lang kami sa club..” Sa cellphone ko siya nakatingin, nasa hita ko kasi iyon at talagang binasa niya pa yata ang text na nakikita nito. ”Who's that, your boyfriend?” Itinaas ko ang cellphone at pinatay, bakit niya ba tinatanong? Interesado siya bigla. Paano kung sabihin ko'ng oo, pero baka hindi na niya ako lapitan kung may boyfriend ako kahit wala naman. ”Manliligaw..” tumaas ang kanyang kilay habang nagmamaneho, focus ang tingin nito sa daan habang nangingisi akong tumingin sa bintana. ”Anong nagustuhan ng lalakeng 'yan sayo?” I glanced at him, unexpected amused for what he said. ”Marami siyang bagay na magugustuhan sa'kin noah, Kung hindi mo lang alam kaya ko siyang paligayahin sa loob ng dalawang minuto..” he swallowed while temptating to look at me, kalaunan ay hindi na nagtanong pa o sumalungat sa sinabi ko. Samantalang ako ay natatawa sa itsura niya, hindi ko naman na alam ang sinabi ko'ng iyon. Narinig ko lang kay abby at sa mga kasamahan ko sa club, At kahit out of experience ako ay hindi naman na ako inosente. My mind is wild virgin. ”Thankyou for the ride..” nagpasalamat na ako bago bumaba ng kotse, hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nagmamadali akong lapitan ang delivery boy na ibinababa ang mga order ko. ”Sorry, kanina ka pa ba?” ”Hindi ma'am, sabay lang tayong dumating..” tumango tango ako, binuksan ko na ang pinto at nagmadaling itaas ang harang. And before i face the delivery man someone helping him, si noah na akala ko'y umalis na. "Where did i put this?” he asked while carrying the box of flavor. Lutang lamang ako ng ituro ang loob, dalawang box kasi ang dala niya at feeling ko'y ang hot niya sa ganoong lagay. It's minimum ten box of coffee flavor, may ilang bundle na cups din na idinala niya sa loob. Good for one month stock, dipendi sa kita at tumal ng benta. ”Babalik na lang ako mamaya..” natapos ito na hindi man lang umabot ng sampung segundo, at ang sinabi niyang babalik siya mamaya ay hindi ko alam kung bakit? Wala akong masagot sa kanya kaya't tinalikuran ako nitong nagtataka, maging ang paglabas niya ay hindi ko na nasundan. Sabay lamang sila ng truck delivery na umalis, habang ako'y hindi pa alam kung saan mag-uumisa dahil nalilito ako sa kanyang sinabi. Babalik siya mamaya? Napakamot ako sa ulo bago maglakad patungong counter, isa isa ko'ng binuksan ang bawat box at sunuri kung tama ba ang mga laman nito. Umabot iyon hanggang alas tres ng hapon, naisalingsing ko na lahat sa cabinet at ang ilang stock ay inilagay ko muna sa gilid. Hindi ko isinara ang pinto dahil baka ngayon na bumalik si noah, I prepared five sandwich while making a coffee. Nasa loob ako ng maliit na kusina sa gilid malapit sa counter ko. Ngunit nakuha ko ng maubos ang ginawang sandwich ay walang noah na dumating. Iniisip ko na baka hindi ngayon siya babalik. Kaya ng gumabi ay pinanatili ko'ng hindi nakasarado ang pintuan, nakaligo na ako at bukod tanging cotton shorts at longsleeve na mahaba ang aking suot. Malamig sa loob ng shop habang sinisindihan ko ang tv na nasa itaas, this is for costumer only. Hindi naman na ako nahilig manuod ng tv ngunit dahil tila may hinihintay ako ay hindi ako makatulog. Naisip ko pa nga na baka niloloko lang ako ng lalakeng iyon, paano kung hindi naman talaga siya bumalik? Naupo ako sa gilid hanang tanaw ang tv, tahimik ang paligid at walang nadaan ng kotse sa labas, tulog na rin si shaira pero ng makarinig ako ng kaluskos ay madaling bumaling ang ulo ko sa pintuan. May anino roon na nakatayo, tahimik lamang siya at hindi ko makita kung sino iyon dahil pinatay ko na ang ilaw sa labas. Tumayo ako ng kumatok siya, doon ko lang nakita na babae ang nasa ilabas na inakala ko'ng si noah na. ”Inang?” gulat ako ng makita si inang helda, nakatayo lamang siya sa harapan ng pintuan habang may tamad na tingin sa'kin. ”Napadalaw kayo?” ”Hindi naman na ako magtatagal, kailangan ko lang ng pera para sa pang-gastos doon sa bahay..” ”Pero nagpadala pa lang ako sa g-cash ni chloe..” ”Kulang iyon, natasha. Mga gamit at libro pa ng kapatid mo ay binili niya doon, anong ipagbibili ko ng gamot sa ama mo, tumataas ang diabetes niya ngunit hindi ka man lang nadalaw sa bahay para silipin ito!” Nag-iwas ako ng tingin, noong huling dalaw ko doon ay hindi pa buntis ang nobya ni brandon, dalawang buwan na ang lumipas at hangga ngayon ay hindi ko pa nakikita si amang. Miss ko na rin naman siya, ngunit sa t'wing umuuwi ako ay mga alaalang masasakit lamang ang bumabalik sa'kin. ”Sa kaarawan niya ay dadalaw ako roon, bibilhan ko siya ng bagong wheel chair..” ”Pwedi pa naman ang luma niyang gamit, ang ipagbibili mo ng wheel chair ay ibigay muna lang sa akin at ng maipagawa ko ang bahay!” ”Aparte iyon, inang. Magbibigay ako ng gastos sa bahay at sa wheel chair ni amang, kinakalawang na'yon at baka masugatan siya, hindi maaari sa kalusugan niya iyon..” ”Nasaan na kung ganon?” ”Wala pa akong ipon ngayon, magbibigay na muna ako ng tatlong libo dahil gumastos ako kanina..” "Tatlong libo lang?” tumaas ang kanyang kilay, alam ko'ng hindi nito nagustuhan ang sinabi ko base sa tono ng kanyang boses. ”Kulang 'yon, bigyan mo ako ng limang libo!” ”Inan--” ”Limang libo ang ibigay mo sa'kin dahil may utang ako sa tindahan!” I closed my eyes tightly, full of stress but in the end. I give the five thousand amount with a heavy sighed. ”Sa setyembre ako dadalaw doon..” "Bahala ka kung kailan mo gusto, aalis na'ko!” lumisan na siya ng tuluyan habang ibinubulsa ang pera, naiiling ako habang medyo naluluha. Wala man lang pasalamat, ni wala man lang galak at tila utang na loob ko pa ang bigyan sila ng pera. Kung hindi ko lang alam ay kasama na roon ang pagsusugal niya. Napabuga ako ng hangin muli, mabibigat ang aking yapak bago tuluyan ng isara ang shop. Nang gabing iyon ay hindi bumalik si noah, sa totoo lang ay umasa akong dadalaw siyang muli. Minsan ay hinahanap ko siya sa mga nagdaang araw na dumaan, bawat gabi'y inaasan ko siyang babalik ngunit natapos na ang selebrasyon ng fatima ay ni walang noah na dumating. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko'y pinaglalaruan niya lamang ako at eto ako ay umaasa sa wala. Iniisip ko kung bakit ako apektado, naiirita ako habang pinapatay ang ilaw sa buong shop. It's september 13, malakas ang benta dahil araw ng fatima. Kaya alas nuebe na akong nagsara at tamang tapon na lang ako ng basura sa gilid ng daan kung saan ay may garbage truck na kukuha bukas. Ngunit natigilan din ako ng may aninong naglalakad palapit sa pwesto ko, it's tall and masculine man. Ang haba ng paa kaya't medyo kumakabog ang puso ko. I know this shadow. I know this scent of perfume. Pamilyar ang pabango na nalalanghap ko kaya't sigurado akong siya 'to. "Can i buy a cup of coffee?” umirap ako sa hangin ng magtanong siya matapos ko itong tingnan, after a long weekend ay eto na naman siya at magpapakita bigla. What a nice eve. "Sa dis-oras talaga ng gabi?” muli akong umismid. ”Sarado na ako..” ”What do you mean sarado ka na? Hindi ka na manganganak?” Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata. ”It's not that what i mean, sarado na ang shop, close na!” ”Bawal ng bumili?” napaka-lambot ng tinig niya ngayon, tila natutunaw ang pagmamatigas at inis na nabuo sa matagal na araw ng hindi niya pagpapakita. Pero ano nga ba ang dapat ko'ng ikagalit. Hindi ko naman siya boyfriend. Hindi rin naman niya ako tinuturing na kaibigan. Maybe enemy pa. ”Bat hindi ka na lang doon sa club!” ”I won't drink alcohol tonight..” Umarko ang nguso ko sa pagkamangha, anong meron? Araw ba ngayon ng pagbabago? ”Tsk, 'don ka na lang. At saka pa, walang babae dito!” ”Ikaw, hindi ka ba babae?” nakangisi siyang nakatingin sa'kin, maliwanag ang buwan ngunit tila'y walang liliwanag sa kanyang ngiti. Kay dilim ng kalangitan ngunit nagbibigay kislap ang kanyang mata na animoy bituin na kay nilag. Nag-iwas ako ng tingin bago magpauna sa shop. ”Hindi ka pa ba papasok, dami 'mong tanong!” ”Papasukin rin pala ang dami pang sinabi..” i faced him amused, but suddenly i froze because he's on my front. Too close and too hot, ngumisi siyang muli dahil nabitin ang labi ko'ng nakabukas dahil may nais akong sabihin. ”I want an coffee tonight, iyong hindi gaanong matapang ang lasa..” Umatras ako, hinahagod ko ang aking batok habang pumapaling ang ulo. ”Matatapang ang lasa ng kape ko rito, baka hindi mo gaanong kayanin..” ”It's okay, just make me a smooth aroma..” Umismid ako. ”Hindi ako smooth, tough ako. Kaya kung ako sa'yo try mo ang flavor na paborito ko.” Tumaas ang kilay niya. ”I don't like your flavor, it's cheap..” ”Tsk, narito na naman tayo sa cheap na 'yan, kung ganon pala bakit ka nandito?” ”As i've said, i want a coffee. And i'm here to give your money..” may kinuha siya sa bulsa, nakasobre iyon na kulay pula habang may ribbon pa. Wow, susyalero. ”Accept it, it's yours..” kinuha ko ang sobreng inabot niya, nakangisi. ”Hindi naman ako choosy, hindi rin naman ako tumatanggi sa grasya..” "Okay, gawan mo na ako ng kape..” lumakad siya paloob ng shop at tuluyan na akong iniwan sa labas, at bago ako pumasok ay sinilip ko na muna ang sobre na naglalaman ng pera at invitation. Your invited to Dianneya Monteclaro Pool Party. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD