Chapter 5

2729 Words
Natasha Pov. (Pesteng Gwapo) Alas siete ng magbukas ako ng coffee shop, maganda ang panahon ngayon dahil lumisan na ang bagyo noong isang araw pa. Today is august 25, ang daming nangyari sa mga nagdaang araw. Nanatili si shaira dito dahil na rin hindi pa sila nagkaka-ayos ni jacob, ewan ko nga lang sa lalakeng 'yon dahil ultimong si shaira ay dinamay nito sa sama ng kanyang loob. Napabuntong hininga ako, inilalapag ko ang free flavor today dahil may promo ako kung may limang cup na makakabili, that's a small thing. Mabili naman na ang shop ko this past few weeks, maraming suki at talagang patok sa mga studyante. Pumasok ako sa loob upang sana'y kumuha ng basahan, ngunit tanaw ko na si shaira pababa ng hagdan habang may malamyang kilos. Pinagtaasan ko siya ng kilay. ”Woo, ang aga ng gising?” malamya rin ang kanyang titig ng bumaling sa'kin, actually iyong pinto pa lang ang bukas sa shop. Balak ko pa sanang i-angat ang dalawang gatter bago punasan ang mga salamin. ”Tutulungan kita sa pagbubukas..” lumakad siya palabas, tumungo ito sa gilid at walang kahirap-hirap na ini-angat ang dalawang bakal. Napailing ako sa kanya ng pumasok ito na parang walang nangyari. ”May pasok ka ba ngayon?” i asked her, simpleng tango muli ang iginawad niya na animo'y hindi man lang ininda ang bigat ng gatter. "Mamayang alas nuebe pa..” tumango ako, mariin ang aking titig dahil pinagmamasdan ko siya. ”Ayos ka lang ba?” i ask again, hindi ako sure kung move-on na ba ito. Hindi ko rin alam kung madali lang ba ang mag-move on sa lalake. Wala pa kasi akong official boylet simula ng mag-legal ako. Timeout sa mga lalake. ”Oo naman, bakit?” ”Kagagaling mo lang sa breakup, nag-aalala lang ako..” ”Hindi ko iniisip na naghiwalay kami ni jacob, wala akong oras para magmukmok sa sulok at dibdibin lahat ng nangyari..” lumikna ng pabilog ang aking labi, namamangha sa kanyang sinabi na tila'y hindi apektado. ”Idol na kita, shaira. Kung pweding lang ay dapat ipamukha mo kay jacob na parang wala man lang nangyari..” "Iyon ang gagawin ko, kung hindi niya ako kakausapin hindi ko ito papansin, bibigyan ko siya ng sapat na oras..” "Hays..” napairap ako ”Hindi ganon, hindi dapat ganyan..” ”Ha, paanong hindi?” nagtataka siya sa'kin, alam ko kung paano hulihin ang mga lalake sa kanilang kiliti, sabihin man nating NBSB ako ay hindi ang utak ko. Expert 'to. ”Dapat chin up ka, dedmahin mo siya at wag pansinin kahit kinakausap ka nito, hayaan mo siyang magsisi at hayaan mong marealize na mahal ka pa nito..” kumurap siya dalawang beses, napaisip habang umiwas ng tingin. ”Pero paano kung hindi tumalab iyon sa kanya, alam mo kasi mataas ang pride ni jacob, baka hindi effective..” ”Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" nginisian ko siya, sa reaskyon nito ay malapit ko na siyang makumbinsi. Kung ako man ang nasa paa nito ay ganun rin ang gagawin ko, lalake lang sila. Sabihin na nating kawalan ang mga babae dahil alam ko'ng tinangay na ng lalakeng iyon ang pagka-birhen ni shaira, pero sasabihin ko na malaki ang kawalan ni jacob kay shaira. She had a goddess look. Kaya't siguro maging ang pinsan nitong si noah ay nabighani dito. ”Alam mo shaira, knowing na patay na patay si jacob sayo ay hindi ka nito matitiis, ang ganda mo kaya at ang sexy pa..” tumango tango siya, pilit ko'ng inilihis ang iniisip ko kung bakit pumasok na naman ang lalakeng iyon sa kukote ko. Gwapo nga sana'y ngunit manghihipo lamang siya ng pang-upo, matapos ako nitong pakiligin noong huli naming pagkikita ay hindi na siya sumulpot pa sa paningin ko. Mahabang usapan pa ang nilakbay namin at alam ko'ng gagawin ni shaira ang sinabi ko, at buo ang kumpyansa ko'ng hindi siya matitiis ni jacob. Tahimik ang shop habang nag-aayos kami sa counter, but when the wind charm alarm. I glanced at the buena mano costumer to great him. Pero ng makita kung sino iyon ay tila naging magaspang ang mood ko. ”Susme!” i whispered before look away.. ”May peste..” tumayo si shaira upang tingnan iyon, pesteng gwapo. Gwapo nga sana ngunit hindi naman na ako nito napansin ng makita si shaira. ”Patty!” lumabas si shaira sa counter, sinalubong siya ni noah na gwapong gwapo sa uniform nitong suot. Lalo pa siyang kumislap sa'king paningin dahil gwapo 'yan sa kulay ng kanyang buhok. But still, he can't notice. ”Oorder ka?” ako ang unang nagsalita, nakataas ang kilay ngunit ngumiti lamang siya ng lumingon sa'kin. Tsk. ”Oo naman, magkano ba ang dalawang cup?” ”Mura lang naman..” inabot ko ang menu sa kanya, mahaba ang kanyang kamay at hindi na nito kailangan umusog palapit upang makuha 'yon. Tumungo siya sa gitnang pwesto dala ang listahan ng mga flavor, ngunit ayun siya at pumitik sa kanyang daliri. ”Waiter!” ”Wala kaming waiter!” i hissed while rolling my eyes. ”Ow, hindi ba ikaw?” at for the third time, he always keep calling me a waiter. Hindi ko alam kung may tama siya sa ulo o talagang trip lang nitong asarin ako. Lumapit si shaira, pilit ang kanyang ngiti bago bumulong kay noah. "Wag mo ng bwisitin!” shaira whispered slowly, but i heard it clear lalo na ang sagot ni noah. ”Ang sarap kasing asarin, pikon agad..” "Sinong pikon?” alam ko'ng nagmumukha akong bulkan na nag-aalboroto dito, hindi ko alam kung bat ba inis na inis ako sa lalakeng 'to. Pero sa kaanyuan niya'y nagiging mahina ako. Ako yata ang may diperensiya. "Iyong hindi gaanong maganda..” ”Pinaparinggan mo ba ako?!” ”Hindi, natamaan ka ba?” ”Hindi ka naman din kagwapuhan ha!” i yelled at him to keep my answer back, anong akala niya ay hindi ko siya papatulan. Pero, sa totoo lang ay gwapo siya. Asar lang ako dahil ako lang talaga ang nakakakilala sa kanya. "Ikaw lang ang nagsabi niyan, armalite woman..” "W-what did you say?” ”Amazing woman daw natasha, kalma lang, costumer natin yan..” sumabat si shaira, nais kami nitong awatin pero hindi ko natipuhan ang tinawag niya sa'kin. Hindi naman ako armalite! ”Hindi iyon ang narinig ko..” "Yun yon, sige. Kukunin ko lang order niya..” umirap ako at pilit pinapahupa ang kaasaran sa aking ulo, ang ganda sana ng umaga kung walang bwisitang costumer. ”Um-order ka na para hindi na yan magtransform.” i heard shaira again, napabuntong hininga ako at tuluyan ng pinakalma ang sarili. Siguro dapat ko ng kalimutan ang gabing iyon, dapat ko ng kalimutan na minsa'y may isang taong tumulong sa'kin. Kung hindi niya ako matandaan, ibabaon ko rin sa isip ko'ng nakalimutan ko na siya. Okay, enough. Parang mas broken hearted pa ako kay shaira. I sighed before grab the lucky charm vase, idinala ko iyon sa gilid ng counter katabi ng tissue. Nakangiti ako habang tinititigan iyon, i buy this lucky vase on binondo. Swerte siya simula ng i-pwesto ko sa harapan ng counter. At matapos ko'ng haplusin iyon ay may bagong costumer na akong dumating. At masasabi ko'ng ito ang literal ng gwapo. ”Miguel!” i can't help not to scream, ang bango niya at mula sa kinatatayuan ko 'y langhap ko ang mamahalin niyang perfume, madalas ko siyang makita noon sa club, costumer siya roon pero hindi naman na nahilig sa babae. ”Ang gwapo mo naman! Ikaw ang tunay na gwapo!” ”Tsk!” dinig ko ang tinig ni noah, nilingon ko ito ng nakataas ang kilay at kita ko kung paano siya magkrus ng kamay. "This place is cool..” miguel praised my shop, lumakad ito patungo sa kinaroroonan ni noah at masasabi ko'ng mas cool pa siya sa shop ko. ”I want a capuccino..” um-order siya kay shaira, pero itong kaibigan ko'y tila starstruck rin dahil makatitig siya'y wagas. ”Wag mo ng titigan, shaira. Gusto daw ng capuccino..” napalukso pa siya ng bumulong ako, at bago ko muling tingnan si miguel ay kay noah na tumama ang mata ko. Umirap siya sa'kin, ewan ko't anong meron sa kanya at ganito siya umakto sa isang tulad ko. Tuluyan na akong naaasar sa kanya't kahit gwapo siya, ukluban siya ng gwapo at sana'y lalo pang lumiit ang kanyang mata! They stayed almost ten minutes, um-order si miguel para kay shaira. At sana all na lang talaga dahil si shaira lang talaga ang noticeable, extra lang naman ang beauty at kasexyhan ko dito. ”Tss, sino bang nagsabing pangit si patty?” sumabat si noah sa usapan ng mga costumer ko'ng studyante, pinag-uusapan nila si shaira habang abala ako sa pagpupunas ng lamesa. ”May future yang ganyang mukha..” napanguso ako, sana all pinupuri. Maganda nga naman kasi talaga si shaira. ”Your right, I like her e--" naputol ang sasabihin ni miguel ng biglang sumabat si noah. Sa totoo lang ay ang ingay niya. "What!" umirap si miguel sa kaibigan, well. Alam ko namang magkaibigan ang mga 'yan. Lima yata sila at halos ang dalawang monteclaro ang hindi ko lang kasundo. "What do you mean you like her?!" naibuga ni miguel ang sinisimsim na kape kay noah, nagulat ito dahil sa sigaw ng kaibigan. ”Not that totally like, I just want to say that i like her eyes, tsk..” umismid ako sa hangin, grabe siya maka-react porket may gusto kay shaira. Pero itong kaibigan ko ay patay na ang puso kay jacob. "Bakit kailangan mo akong bugahan ng kape?” "It's that an accident, kasalanan mo naman..” ”Edi sana kinanlaro mo agad na hindi mo siya gusto..” "Edi sana pinatapos mo muna ako..” nagbabangayan talaga sila dahil lamang doon, pero tila'y badtrip si noah dahil sa kapeng nasa polo nito. Bagay nga sa'yo. "Sh*t..” nagmura si noah bago tumayo, pinapagpagan nito ang polo bago lumakad patungong counter. Kumuha siya ng tissue ngunit natamaan nito ang vase na katabi ng tissue organizer. Napamaang ako at nanlaki ang mata ng makitang mahulog ang lucky charm vase sa sahig. Nabasag iyon, at halos umakyat ang dugo ko sa ulo bago siya lapitan. ”Ayan na nga ba ang sinasabi ko!” kung dragona lang ako ay baka kanina ko pa siya binugahan ng apoy dahil sa galit. "Bakit ba kasi nanggugulo ka dito?” "Pardon?” nangunot ang noo ni noah sa sinabi ko, h'wag niyang sabihin na may gana pa siyang magalit sa lagay na 'to. ”Sinabi ko, bakit ginugulo mo ang shop ko?” ”Hindi ako nanggugulo, um-order ako, nakita mo di ba?” pinunasan niya ang uniporme gamit ang tissue, habang ako'y nagtitimping muli habang nakatingin sa kanya. Pero ng maisip ang lucky charm ko'y napabuntong hininga ako, umupo ako bago pulutin ang piraso ng vase na kailanman ay hindi na mabubuo. Ngunit dahil sa talim ay nasugatan ako, dumugo iyon sanhi upang mapatayo ako. ”D*mn it!” i curssed when pain hits my finger, pero wala ng sasakit sa pagkawala ng swerte sa negosyong ito. ”Sino ba kasing nagsabing pulutin mo?” nagulat ako bigla sa pagtaas ng boses ni noah, mabilis ang paghila nito sa aking kamay upang tingnan ang nagdurugo ko'ng daliri. ”Alam mo namang masusugatan ka ginawa mo pa?” binawi ko ang kamay, akala ko'y concern na siya ng talikuran ako nito bigla. Nagkukumahog ang kamay ko'ng sapakin siya. Pero dahil humahapdi ang sugat ko'y wala akong ginawa kundi sigawan ito. ”Kasalanan mo naman!” and because of that, the new costumer is walkout to go outside. Napapikit ako dahil hindi pa yata ako makakabenta sa buena manong kamalasan. ”Pag wala akong benta ngayon humanda ka sakin!” "What!” hindi makapaniwala si noah sa sinabi ko. ”Binasag mo ang lucky charm ko! swerte to, ito 'yung nagdadala ng swerte!” ”Tsk..” umirap ito, wala lang yata sa kanya ang sinabi ko dahil hindi ko siya katulad, samantalang siya'y hindi na nito kailangan kumayod dahil ang yaman na ng pamilya nila. ”Bibilhan kita ng maraming ganito, gusto mo punuin ko ng vase ang shop mo..” umirap ako sa yabang niya.. ”Wag kang mag-alala, ngayong araw ay doble ang kikitain mo..” pinagtaasan ko siya ng kilay, masama pa rin ang tingin ko na hindi na talaga magbabago kung siya ang kaharap ko. ”Talaga lang? kaya mong magbenta ng limang-pu na cup?” ”It's just a small and simply issue for me..” nilingon nito si miguel na nakaupo pa rin, chill lang siya habang inuubos na nito ang kape. ”He can help me..” bumaling si miguel ng tamad na tingin, paano siya matutulungan niya? Balak ba nilang bilhin ang 50 cups na ninanais ko? ”I can't help you, sorry..” tumayo si miguel, akmang lalabas na ngunit hinigit ni noah ang kanyang suot. ”You can help me, kasalanan mo ito!” ”What's my fault?” ”Basta, tulungan mo ako! halika doon tayo!” Lumisan sila patungong labas, wala akong ideya kung anong gagawin nila ngunit hinayaan ko sila sa kanilang diskarte. Sa huli'y nag-umapaw bigla ang costumer dahil sa pakulo ni noah. And it's make me annoyed too much. Nagpapahalik siya't nagpapayakap para lamang bumili ang mga studyante dito, ang yabang niya talaga at ang hangin pa. Oo na't may gusto sa kanya ang mga studyanteng 'yon kaya heto sila't pumipila ng matiyaga sa counter. Sa ilang oras na kaganapang iyon ay hindi lang limang pu ang naibenta namin ni shaira. Sold out today, at hindi ko alam kung paano nangyari iyon dahil ito ang unang beses na maubusan ako ng stock. Limpak ang kinita ko at hindi na naging maayos ang cashier dahil sa mga salaping pinapaloob roon ni shaira. ”Gusto niyo ba ng kape?” nag-alok ng kape si shaira, umiling si miguel habang hinihintay ko ang pagsagot ni noah. ”Passed!” nakatitig ako kay noah habang sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mahahaba niyang daliri, he's cool but still i'm annoyed. ”Can i have a tissue?” madali ko'ng hinagilap ang tissue ng humingi si miguel, kumuha ako ng isa at nilingon si noah na nag-aabang na abutan ko. ”Oh tissue!” inihagis ko ang isang balot na tissue sa hita niya, umirap ako ng hindi ako nito lubayan ng titig. ”Ako na magpupunas sayo..” i gazed my eyes on miguel who still waiting, hindi ako mapakali dahil ramdam ko'ng nakatingin pa rin siya sa akin. ”Nagseselos ka ba?” dinig ko ang katanungan ni shaira kay noah, at bago pa sumagot ang lalakeng 'yon ay lumipat na ako ng pwesto. Ayokong marinig ang walang kwenta niyang sagot. ”Mauuna na ako..” nagpa-alam si miguel bago umakyat si shaira, balak nitong pumasok dahil muli ko siyang kinumbinsi. Kung mananatili lamang siya dito ay masisira lamang ang kanyang pag-aaral dahil lamang iniiwasan niya si jacob. Napabuntong hininga ako ng umalis ang sinasakyang kotse ni miguel, nagpasalamat ako na binigyang tango niya lamang. Sa huli ay kami ni noah ang naiwan sa shop ng walang imikan, lumunok ako dahil sa katahimikan. Nakatayo ako sa pinto habang siya'y nakaupo sa gilid malapit sa kinatatayuan ko. ”H-hey..” he's shuttering when he speak, nilingon ko siya ng walang reaksyon dahil badmood pa ako ng very medium slight kahit hard siya sa paningin ko. Okay, lukaret ka talaga. ”I'm s-sorry about that, p-papalitan ko na lang ng bago..” umismid ako, bahagyang nakanguso kahit nais mangiti. Rurupok ba ako? ”Gusto ko ang rebulto mo ang siyang ipaburda mo!” muli'y umikot ang mata ko, nakangiti ako ng lumabas dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Balak ko sanang isara at ibaba na ang harang na gatter ng matigilan ako sa mainit na katawang nasa likuran ko. It's noah. Siya na mismo ang nag-abot at walang kahirap-hirap na ibaba 'iyon. And before he leaves my back, he say an apology for a second time. ”I'm sorry again..” Okay, karupukan forgives it. *** to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD