Natasha Pov.
(Pwedi na)
On the second week of july the flower shop is finally open, katuwang si apollo na nag-ayos habang inaabala ko ang pagpapaskil sa harapan upang ipakitang may promo ang shop today.
It's already 8:00am in the morning, ang sabi ni jacob ng makita ko ito ay umuwi daw si shaira sa kanilang probinsya. Nagtanong ako kung bakit biglaan naman yata ang uwi niya ganong kakabalik lang nito noong ikalawang linggo pang lumipas.
”Ayos lang ba ang kulay ng shop?” apollo nod when i ask him, kulay light blue ang shop at may kaonting cloud na design sa gilid, maganda sa paningin ko. Maging ang mga mesa ay nasa ayos na, ang mga bulaklak na pinagpaguran ko kahapon ay may sarili ng boquet at napaka-bango, kumpleto rin ang vendo coffee kung nais nilang maghulog, maaari din akong gumawa ng sariling coffee kung nanaisin nila ng ibang flavor.
”Maganda, presko sa mata at malinis..” malawak ang aking ngiti sa kanyang komento, tama siya. Ganun rin ang nakikita ko at sobra ang tuwa sa'king puso dahil finally. May sarili na akong negosyo at pagkaka-kitaan.
”Oh, may costumer..” there's a four group of student who enter the shop, nasa menu ang kanilang paningin malapit sa counter.
”I want a black coffee today..” sa tinig pa lang ng babaeng nasa gilid ay mayaman na, ang nanungungunang babae ay maganda rin at suspetikada kung pumustura.
"Oh, apollo?” nilingon lang siya ni apollo ng tawagin niya ito. ”I thought you like trixie, why are you with another girl?”
”She's my friend, samantha..” nilingon ko ang tinatawag niyang samantha, kung kayang samanthalahin ko ang kanyang pera at ipagbili ko ang mga bulaklak sa kanya, ang yaman ng dating, maging ang bag ay yayamin.
”Sus, Kung hindi ko lang din alam, gaya ka rin naman ni stanlee..”
”Kung may nalalaman ka man, wala akong pakialam sa opinyon mo..” nilayasan siya ni apollo, ang taray niya dahil tinalbog nito ang beauty ni samantha.
Nilapitan ko siya, nakangiti. ”Oorder ba kayo?” nilingon niya ako, bahagyang nakataas ang kilay niya bago tumango.
”Can you give us a four capuccino..”
”Black 'yung sa'kin, samantha..”
"I said, capuccino..” inulit ni samantha ang kanyang sinabi, muli ay bumaling siya sa'kin bago ngumiti.
”Four capuccino, miss.”
”Okay, five minutes..” lumakad ako sa counter, at itong si apollo ay naroon na pala at gumagawa na ng capuccino sa apat na cup.
Tinulungan ko siya, Nilagyan ko ng ilang sangkap bago punuin ng mainit na tubig. Bago iyon ay madali ko'ng tinakpan at inilapag sa tray upang mai-serve na sa mga studyanteng naghihintay.
”Your shop isn't boring, it's cool..” samantha praised the whole place, she's my buena mano costumer actually. Siguradong magandang opening ang magaganap kung gaya niya na mayaman ang nanguna.
”Keep the change..” tulala lamang ako sa isang libong nilahad niya, lumisan na sila habang dala ang kanilang mga baso.
One thousand? As in, fourthy pesos lang naman per cup, ang yaman.
”Tsk, nagmamayabang lang 'yon..” nilingon ko si apollo habang tinatanawan ang grupo nila dahil kita pa iyon mula sa loob dahil na rin salamin lamang ang harapan.
”You know her?”
”Yes, And you should not trust that woman..”
”Huh?”
”Noong isang araw ay inapi nito ang kaibigan mo, si shaira. And i know her secret, siya ang nag-uutos kay sabrina para kuhanan ng litraro ang paghahalikan nila ni noah..”
Natigilan ako, medyo matagal nagproseso sa isip ko ang sinabi niya. Si shaira at noah naghahalikan? Pero, how? Hindi naman type ni shaira si noah, Kung iisipin ay si noah ang humalik.
”W-what do you mean paghahalikan?”
”Hindi ko alam ang buong impormasyon, bugbog sarado nga si noah noong isang araw kay jacob, ayun nasa america..”
Muli akong kumurap sa sinabi ni apollo, nasa america ang haliparot na'yon?
E ilang linggo lang naman kaming hindi nagkita, Anong ginagawa niya sa america?
”A-anong ginagawa niya sa america?”
”Nagpapalamig siguro, alam mo kasi. Iyang si jacob masyadong hulog kay shaira, bawat lalakeng napapatingin dito'y siguradong tablado sa kanya, ultimo pinsan nito..”
Bumuntong hininga ako bago mag-iwas ng tingin, kung ganon. Nagugustuhan ni noah si shaira. Tsk, Hindi naman imposibleng mangyari iyon, at saka. Kung ako kay noah ay maghanap na lang siya ng iba, hindi iyong sinasama niya pa ang sarili sa iba.
”Siguradong mabenta ang darating na augusto dito, nagsisimulang magdiwang ang fatima sa unang araw ng september, malamang na maging abala at pagod ang studyante at dito sila mag-rerelax..” napawi ang kaisipan ko kay noah ng magsalitang muli si apollo, iyon nga ang naiisip ko. Sana'y tangkilikin nila itong shop na naitayo ko.
At sa oras na makapag-ipon ako ay siguradong maipapagamot ko na ang paa ni amang upang makalakad na siyang muli.
Alas diyes ng umalis si apollo, lumiban siya sa klase nito upang sandali'y masamahan ako. Kaya ko naman ng mag-isa, hindi pa naman ako dinadagsa ng costumer at kung minsan ay dadalawa lang ang nagsasabay.
Buong maghapong naging abala ang shop na ito, Sulit ang pagod dahil kahit papaano ay kumita ako ngayong araw. Nakaupo ako sa loob ng counter at doon nagbibilang ng kita nang biglang tumunog ang wind charms sa pintuan. Nag-angat ako ng tingin, nagtataka ako ng makita doon si brandon na nililibot ang tingin sa kabuuan ng shop.
Tumayo ako, dumapo ang tingin niya sa'kin bago lumapit. ”Nagbukas ka na pala..” tumango ako, kapatid ko siyang lalake at ikalawang nakakatanda.
Halos magkasing-edad lang kami ngunit matanda ako ng limang buwan dito.
Ang hirap hindi ba? Buntis ang aking ina samantalang buntis rin si inang sa lalakeng 'to. Sa madaling salita ay nagkasala si amang, ang ikinapagtataka ko lamang ay kung hindi ang mama ko ang siyang kasama niya ngayon.
Ako ang unang anak, ngunit mas tila'y pinili nito si inang helda.
”Napadaan ka, may kailangan?” tanong ko agad, alam na alam ko na ang kilos nila, ganyan naman ang role ko. Ang lapitan nila ako at humingi ng kanilang nais.
”Nabuntis si doreen, te..” blankong tingin ang ipinukol ko sa kanya, buntis ang girlfriend niya? Malamang buntis 'yon dahil binahay niya ba naman.
”Hindi malabong mangyari 'yon dahil nagsasama kayo..”
”Pero, te. Dalawang buwan pa lang kaming nagsasama, h-hindi ko kayang ibigay ang nais ng mga magulang niya..”
Nag-iwas ako ng tingin, masama ang aking loob dahil dito. ”Kailangan ko pa ba iyon problemahin, brandon?” muli ay sinulyapan ko siya, ang nagmamaka-awa nitong mukha ay tila naging mabangis na hayop.
”Hindi mo ako tutulungan?”
”Lahat ng tulong brandon, binigay ko na! Hinayaan kitang makatapak sa kolehiyo kahit madalas pabalik-balik ka lang, pero ano to? Graduating ka na sana magbubuntis ka pa ng babae!”
”H'wag mo akong sumbatan kung hindi mo rin lang naman ako tutulungan!” galit ang tingin niya sa'kin, masamang masama ang loob ko dahil kailanman ay wala silang pasalamat sa mga ginagawa ko'ng sakripisyo.
Mga taong lang sila na kaya akong abusuhin
”Ikaw ang may gawa niyan, lusutan mo ang sarili mo'ng problema dahil nag-aaral pa si chloe, kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo, hindi ka na kailanman makakahingi sa'kin..”
”Tsk, porket nakapag-patayo ka na ng negosyo ang yabang mo na! Lahat ng ito ay sasabihin ko kay inang, hindi maaaring ganito!”
Lumisan siya matapos nito akong sigawan, hindi ako makapaniwala sa ugali niya. Mangangabayo siya ng babae at hindi man lang mag-iingat, binuntis pa ang babaeng iyon na sa balita ko'y classmate niya.
Napasapo ako sa aking noo, lumabas ako ng shop at tumungo sa gilid upang ibaba ang bakal, gabi na. Napaka-tahimik at maging ang mga katabi ko'ng computer shop at school supplies dito ay nakasara na, ako na lang talaga ang atat sa piso.
Nang gabing iyon ay mag-isang muli ako, ilang linggo ng senaryo ang sandaling ito at tila nasanay na akong mag-isa, mabuti na lamang at malakas ako kay lord at hindi niya ako pinapabayaan.
Nang mga sumunod na araw ay naging mabenta na ng tuluyan ang mga bulaklak, madalas may studyanteng nakatambay sa kapehan na siyang hinahayaan ko lamang upang magkaroon ako ng kasama sa loob. I decide to put a wifi for my costumer, naging malaki ang kita ko at ang ilang costumer ay talagang sinasadya pang bumisita sa shop ko upang magpa-sadya lamang ng mga bulaklak.
When august came up it means, rainny season. Maulan sa labas habang may ilang studyanteng nasa loob na nakasilong, but when i focus my eyes on the outside door, I saw shaira standing while letting the rain fell on her body.
Madali akong lumabas, nag-aalala ako sa kanya ng lumapit ako at makitang basa na ang ilang bag na dala niya.
”Oh my god, anong nangyari sa'yo!” nag-angat siya ng tingin sa'kin, umiiyak.
”S-si p-papa..”
”What? Napano, si papa mo?”
”D-dinakip siya ng mga p-pulis, si j-jacob..” umiiyak siya, hindi ko ito maintindihan kaya't hinayaan ko muna itong pumasok sa loob.
Madali akong umakyat sa taas at agad humagilap ng towel, nagmamadali akong bumaba para maibalot lamang ang tuwalya sa kanyang katawan.
”S-salamat..” nanginginig ang kanyang labi, I decide to make her coffee before i asked her. Inilapag ko ang mainit na kape sa kanyang gilid habang nakatitig ako rito.
”Tell me, what happen?”
”M-may kaso si papa, n-nahuli siya. Dinakip siya kahapon at ngayon ay nasa m-muntinlupa siya..” napamaang ako sa kanyang sinabi, naguguluhan at hindi ko alam kung anong dahilan.
”Shhh, tahan na. Stop crying..” pilit ko siyang kinakalma, but still. She's crying like a child, naging mata kami ng mga costumer at tila'y nakikinig sila sa'min, ngunit ng makitang nakatingin ako ay bumalik sila sa pagkukwentuhan.
”Magpahinga ka muna, bukas na natin 'to pag-usapan..” inalalayan ko siyang tumayo dahil ultimong katawan niya ay nanghihina. ”Magpalit ka ng damit sa taas..” i help her to go upstair. Ako na ang kumuha ng extrang damit dahil marami ako nito, I let her to change while closing the shop.
Nakakahiya man sa ilang costumer ay kailangan ko munang asikasuhin si shaira.
I'm worried.
”S-salamat natasha, p-pasensya na sa istorbo..”
”Tsk, Bal*w ka ba? Sinong istorbo ikaw, sapakin kaya kita..” naupo ako sa gilid ng kama kung saan siya naroon, nakasandal ito sa headboard at kung suswertihin nga naman ay dalawa na ang kama sa kwarto ko.
Ni-ready ko talaga ito in-case na may unexpected visitor ako.
”H-hindi ko kasi alam kung paano uumpisahan, h-hindi ako makatulog dahil sa nangyari..”
Bumuntong hininga ako. ”Ano nga ba ang nangyari?” maging siya ay nagpakawala ng mabigat ng paghinga, hinayaan ko siyang magkwento tungkol sa nangyari. At halos hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig.
Nakulong ang papa niya dahil siya ang nakapatay sa kinilalang ama ni jacob.
”Oh my god..” iyon ang nasabi ko habang nakatitig sa kanya. ”Anong sabi ni jacob sa'yo?”
”Hindi siya tuluyang nakipag-hiwalay, nais niya ng space ngunit sa susunod na linggo ay didinigin ang unang hearing ni p-papa..” kinagat nito ang labi, nagbabadya muli ang luha sa kanya na maging ako'y nadadala.
”H-hindi m-maaaring makulong si p-papa, may sakit siya. A-ayoko mapasama ang k-kalagayan niya sa b-bilangguan..”
”Sshh, magiging maayos rin ang lahat, tutulungan kita okay? Sasamahan kita sa hearing..” tumango tango siyang naiiyak, naaawa ako dahil hindi ko akalaing magiging ganito bigla ang buhay ni shaira.
Ang akala ko'y tuluyan na siyang sasaya kay jacob dahil maibibigay nito lahat ng nanaisin niya, ngunit eto't nagkamali lamang pala ako.
Sa kalagitnaan ng gabi ay may namulabog na ingay sa labas ng pintuan, it's almost 10:oo in the evening but someone knocking and shouting at outside.
Nilingon ko si shaira at nakitang nagising rin ito, ngunit gaya kanina ay wala siyang imik at tila'y nakikinig lang sa lalakeng sumisigaw.
Bumaba ako sa first floor at doon binuksan lahat ng ilaw, nagmamadali ko'ng buksan ang pinto bago i-angat ang bakal na harang.
”Bakit ba ang ingay mo!” iyon ang bungad ko kay noah matapos mai-angat ang bakal, gabing-gabi na at eto siya ay mang-gigising ng tulog na!
”Narito ba si shaira?”
”Oo, at namamahinga siya ngunit nagising ng dahil sa'yo!”
”Kumusta siya?” mabigat ang aking paghinga dahil doon, tama nga ang kutob ko na may pagtingin siya kay shaira. Tsk, e ano ngayon? Hindi naman din siya tipo ni shaira dahil alam ko kung sino ang mahal niya.
”Tulog na nga di'ba?” nagpamewang ako sa harapan niya, ang tangkad niya lang na halos lamangan nito ang taas ko.
Tsk, kapre na may abong buhok. Nagpunta lang ng america ay pumuti na ang buhok, hindi kaya umuulan ng abo doon?
”Can you just let her to stay here?”
Umirap ako, umiwas sa mukha niya na napaka-concern kay shaira, sana all.
”Ofcourse, That's what friends will do. Gagawin 'yon kahit hindi mo sabihin..”
”Thankyou..” umikot muli ang mata ko, hindi ko alam kung bakit naiinis na naman ako. Ano ba 'tong pakiramdam na ito? Nakakainis lang dahil sa t'wing nariyan siya ay ito ang nararamdaman ko.
I feel unwanted.
Never notice by him, walang pakialam sa'kin.
And he will never remember me.
”Umalis ka na, magsasara na ako..”
Humakbang siya paatras, nakatingin na ngayon sa katawan ko na madalas niyang gawin sa t'wing magkikita kami.
”Your braless again?”
"Tsk, pakialamero ka rin no?”
Umismid siya, ang ganda sana ng mukha niya dahil may black dot siya sa gilid, gwapo sa new hair style at color.
Pero, di bale na lang.
”Just keep shaira safe and stay comforting her, i'm leaving..” ngumiwi ako, hangga sa huli ay si shaira pa rin talaga.
E ako, ayaw niya bang i-comfort?
”Chupi!” napaatras siya sa sigaw ko, tumataas ang dibdib ko sa inis dahil sa kanya.
Dapat hindi na lang siya nagpakita pa sa'kin!
”Bakit ba ang init ng ulo mo sa'kin?” sa katawan ko talaga siya nakatingin habang nagtatanong, kulang na lang ay silipin nito ang damit ko para makita iyon ng buong-buo.
”Hindi mo talaga ako natatandaan?” nangunot ang noo niya. ”Sabi na nga ba at wala kang kwentang kausap!” salubong ang kilay niya bago muling hagurin ang katawan ko.
Sh*t.
”Will you stop drooling my body!”
”Tsk, sino ba kasing nagsabing lumabas ka ng nakapanty lang?” sinamaan ko lang siya ng tingin, this is the whole me. Matutulog ng walang saplot sa ibaba at hahayaang nakapanty lang, kung maalinsangan pa ay baka hubo't hubad pa ako.
”Gustong gusto mo naman!”
”Not totally my taste, pwedi na.”
”W-what!”
”I'm leaving, close the door and wear some short..”
Lumisan na ito ng tuluyan, lumapit siya sa kotse nito at doon pumasok bago mabilis na mawala sa paningin ko.
”Not my taste? Ano 'bang lasa ang gusto niya!” umirap ako sa hangin bago pang-gigilan ang pagsasara ng pinto.
Ginambala niya ang gabi ko na sana'y hindi siya ang nasa isip ko hangga sa makatulog, hindi rin sana siya pumasok sa panaginip ko kung hindi ko lang siya nakita.
Bakit ba kasi nagpakita pa siyang muli!
__
Nang sumunod na linggo ay tinulungan ko si shaira na dumalo sa hearing, narito kami sa kanyang gilid kasama ang kanyang kapatid. Ang kanyang ina ay pinanatiling bantayan si mayumi na kakagaling lang sa operasyon at hindi pa maaari sa mga ganitong eksena.
Alfred Santos, her father. Plead guilty for accused murdurer on Limuel Monteclaro. Napuno ng luha ang dalawang magkapatid na si shaira at jillian ng hatulan ang kanilang ama ng reclussion perpetua na pang-habang buhay na pagkaka-kulong.
Wala akong nagawa kundi ang umalalay kay shaira hangga sa matapos ang paglilitis. Tito alfred make an conversation to manuel monteclaro, nakilala ko ito sa kalagitnaan ng hearing dahil nabanggit ang kanyang pangalan. Pero ang isang monteclaro na nagngangalang samuel ay hindi sumulpot sa hearing.
Nalulungkot ako sa nanyari, hinayaan ko'ng magka-usap saglit ang mag-ama bago ito dalhin muli sa muntinlupa. Nakakapanghinayang lang ang relasyon nila ni jacob, umalis ang lalakeng iyon ng walang ano mang salita kay shaira.
Tuluyan na nga siyang nilamon ng galit na akala mo'y madadala niya hangga dulo.
I sighed for the second times, I'm facing the front door while waiting them. Tahimik lang ang pagmamatyag ko ng biglang dumugin ng reporters ang pintuan na halos muntik pa akong mabunggo kung hindi lang sana may humila sa'kin.
"Excuse me!”
”Kukuha lang kami ng interview!”
”Nasa loob pa po ba si alfred santos?”
samut-saring katanungan ang naririnig ko sa mga reporters na hinarangan ng mga pulis, ngunit ang hindi lang mawaglit sa isip ko ay ang kamay na umakap sa'kin.
"Ang hilig 'mong humarang sa pintuan..” it what was noah said before i push him, namimilog ang aking mata bago siya duruin.
”Bakit kailangan dampian mo ng hawak ang puw*tan ko!”
”It's an accident, natasha..” natulala ako ng matindi sa kanya, this is the first time he mentioned my name. Ngunit para sa kanya ay tila wala lang kahit na nagkukumahog akong humilata dahil sa minsan lang nito bigkasin ang pangalan ko.
”Tsk..” nilihis nito ang tingin sa mga reporter, habang ako'y hindi makalimutan ang pagdidikit ng katawan namin, hindi niya man lang ba talaga ako matandaan?
Bakit ba hindi ako makapag-move on sa part na 'yon?
”Maganda ka naman sana kung hindi ka nagsusungit..”
Kung pwedi lang himatayin ay ginawa ko na, but after i give him an answer, He turns his back before leave me speechless.
*****
to be continued.
Yung mga side sa eksena ng story sa series 1 ay mapapasama sa bawat series na up-coming. Magka-kaibigan sila, hindi malayong nasa story din sila bawat adonis series. ❤️
Sa mga nagtatanong, posted po ang adonis series 1-2&3 sa EWSA. Nasa pinned post din iyon sa timeline ko kung nahihirapan kayong hanapin, Btw. Thankyou for reading. ❤️