Natasha Pov.
(Meant to fight)
”Kailangan ko ng pera..” napabuntong hininga ako ng dumalaw si inang sa trabaho ko, ilang buwan na ng huli siyang nagpunta dito at humingi siya ng malaking halaga para sa pambayad ng ilaw at tubig, idagdag mo pa na kailangan ng mga gamot ni amang.
”Gagamitin ko po ang pera, inang. Baka pwedi sa susunod na lang..”
”Hindi pwedi!” agad mataas ang kanyang boses, dinig iyon sa loob habang nasa labas kami ng club. ”Bigyan mo ako kahit limang libo lang!” napapikit ako, limang libo lang? Anong akala niya sa'kin, pinupulot ko ang pera.
”Ano po ba ang gagawin niyo sa limang libo?”
”Enrollment na bukas ni chloe, kailangan niya ng magpasukat ng bagong uniporme!” bumuntong hininga ako, mabuti pa ang kapatid ko ay nasa ikalawang baitang na ng pagiging kolehiyo, samantalang ako ay eto pa rin at walang napapatunayan.
”Sige po, ngunit sa susunod ay baka hindi ko pa muna kayo mabibigyan..” tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
”Ang lakas ng kita mo dito hindi mo ako mabibigyan!”
”Balak ko na pong umalis dito..”
”Ano!” hindi marunong maging mahinahon si inang kung ako ang kaharap niya, ngunit desidido na akong lumisan dito dahil narin nais ko'ng magtayo ng sariling negosyo, hindi rin naman habang buhay ay narito ako.
”Nakabili po ako ng space malapit sa fatima, doon po ako magtatayo ng shop..”
”Magnenegosyo ka kamo?”
”Opo..” umirap 'yan, nais ko lamang ng suporta nila ngunit tila'y pera lamang talaga ang kanilang nais.
”Buong akala ko'y maghahanap ka ng mababang sweldo, pero. Mabuti iyon, siguraduhin mo lang na kikita 'yang shop mo at ng mabigyan mo pa rin kami ng pera..”
I sighed before look away, this is my role. Ang sustentuhan sila habang kaya ko, ultimong pangangailangan ko ay hindi ko na maibigay sa sarili. Basta't meron sila ay sapat na sa'kin kung anong meron ako.
Nang umagang iyon ay lumisan din si inang dala ang limang libo na nais niya, sa tinagal ko rito ay nakapag-ipon naman na ako ng pera. Ngunit kung hindi sana madalas ang paghingi ni inang ay baka noon pa man ay wala na ako rito.
”Aalis ka na kamo dito?” nasa silid opisina ako ni ginang dahlia ng matapos mananghalian, ibinalita ko sa kanya ang balak ko. May pangarap din naman ako sa buhay at hindi laging narito ako.
Ayokong maging mababa na lamang ang tingin ng ibang tao sa'kin.
”Opo, mag-aabroad po ako..” iyon ang dahilan na sinabi ko sa kanya, natawa siya. Inilapag nito ang cellphone bago mag-focus sa'kin.
”Anong trabaho mo sa abroad, DH? caregiver o isa 'ring entertainer?” sa isip na lamang ako umismid, grabe talaga ang matandang 'to. Minamaliit niya ba ang ganoong trabaho, mas gugustuhin ko na rin namang maging DH kesa manatili dito.
Pero hindi iyon ang plano ko.
”Sa hotel po ako..” tinodo ko na ang kasinungalingan sa matanda, matapos nito ay malamang na ito na ang huli naming pagkikita, hindi na ako kailanman babalik rito.
”Mag-aabroad ka, at malalayo sa pamilya mo. Mas nanaiisin mo siguro iyon para lamang makalayo sa madastra mo..”
Napabuga ako ng hangin. ”Sa susunod na linggo na ako aalis, ma'mang. Salamat po sa pagkupkop niyo sa'kin..” labas sa ilong lahat ng katagang binitawan ko, mas malaki naman ang pursyento niyang nakukuha sa'kin, siya dapat ang magpasalamat.
"Oh, siya! May isang linggo ka pa naman, papayagan kitang lumisan ngunit nais ko'ng makuha ang limang pu't pursyento bago dumating ang araw na 'yon..”
Hindi na ako nagsalita pa, pasalamat na lang ako at pinayagan niya. At saka, hindi ko na rin problema ang pwestong kukuhanin ko. Si apollo na mismo ang naghanap ng space para sa'kin at siya ang dahilan kung bakit mismong malapit sa fatima ako nakahanap.
Nang gumabi ay muli akong binisita ni apollo, hindi na siya madalas dito dahil narin nag-uumpisa na ang klase. Nasabi niya rin sa'kin na may natitipuhan siyang babae na ang pangalan ay Trixie Domingues.
”Maganda siya, ngunit masungit sa'kin..” iyon ang sabi ni apollo habang umiinom kami, wala siyang kasama, natural wala din ang lalake na gwapong-gwapo sa sarili.
In short GGSS!
”May babae talagang masungit sa una, pero kung ipapakita mo talaga ang mabuting motibo mo dito ay lalambot din 'yan..”
”Really?” ibinaba nito ang hawak na baso.
”Oo, kung sinusungitan ka nito, hayaan mo lang..”
”Masyado siyang inglesera, madalas niya ako irapan at parang may ibang lalake siyang gusto..”
”Sus, kung gusto mo may paraan, makukuha mo rin 'yon.." sumandal ako habang nililibot ang tingin, maingay na naman dahil nasa hating gabi na ng oras, nagsasaya at nanunuod sa bawat dilag na umiindak sa entablado.
”Ikaw, wala 'bang nagtatangkang manligaw sa'yo?”
Ngumisi ako. ”Meron, ngunit marami pa akong responsibilidad, hindi pa nakapagtapos ang dalawa ko'ng kapatid..”
Nakatitig siya sa'kin habang diretso ang aking tingin, alam naman niya ang takbo ng buhay ko. Kaya't eto siya ay todo kung protektahan ako sa abot ng kanyang makakaya, siya rin ang nagkumbinsi sa aking umalis na dito at udyukin akong mag-negosyo na lamang.
”H'wag mo masyadong isipin ang responsibilidad mo, baka tumanda kang dalaga niyan..”
”H*ll no!” nag-sterikal ako sa sinabi niya. ”Kahit ganitong kababang uri lang ako ng babae ay pinangarap ko rin naman magkaroon ng masayang pamilya!”
”Hey, easy!”
”Bunganga mo talaga sarap upakan..”
Natatawa siya sa'kin habang naiiling. ”Kung bakit nga ba kasi ayaw 'mong mag-aral na lang..”
”Sus, sabi na sa'yo may pinapakain akong pamilya, nang-gagamot pa siya amang at hangga ngayon ay hindi ko pa nagagawa ang pangako ko..”
”Inaalokan kita ng tulong ngunit hindi mo naman tinatanggap..”
"Tsk, gagastos ka na naman. H'wag na lang, Makapag-iipon rin naman muli ako..”
Bumuntong hininga ito, madalas niyang sabihin iyon ngunit hindi ko rin naman nais ang palagi niya akong tinutulungan.
Sapat na sa'kin na siya ang sumasalo sa trabaho ko.
”Aalis ka na talaga?” nakangisi ako kay abby sa tanong niya, isang linggo na ang nagdaan at eto ako ay lilipat na sa space na 'yon. Yun nga lang ay halos bakante pa ang lugar na binili ko, need ko pang mag-start from the top, sana'y hindi magkulang ang pera ko.
”May pangarap ako sa buhay, kung paparito lang ako ay hindi ko iyon matutupad..”
”Sus, hindi mo man lang naranasan tumungtong sa heaven..”
”Mararanasan ko rin 'yan, syempre sa tamang tao, hindi kahit kanino!”
”Wow, fast talk ha?”
Umirap ako, natawa si kate sa sinabi ko dahil alam ko ang kanilang gawain. Pero ako, never. Ni madampian ang dibdib ko never, first kiss, ayun lumilipad pa sa ere, hug? Meron din naman, pero except sa mga 'yon.
”Ang ganda ng dahilan mo kay ma'mang, paano kung mapadaan iyon sa shop mo?” nginiwian ko si abby.
”Ano ngayon, I can say hello to her. Kung sasabihin ko'ng magtatayo ako ng negosyo baka hindi niya ako payagan, at saka. Finish na 'yon, nakapag-paalam na ako at babush sa inyo!”
Tumayo ako, dalawa yatang maleta ang mga gamit ko na tila'y mag-aabroad ako. Pero second hand lang ang mga bag na 'yan, hindi pa keri ng poor kung bulsa na bumili ng brand new.
”Si natasha talaga magpapayaman sa labas, pero kung ako sa'yo. Gagayahin ko na lang ang ginawa ni shaira, nakasungkit ng milyonaryo!”
Nilingon ko si abby, nakapamewang habang suot ang magandang dress na nabili namin ni shaira minsan sa divisoria.
”Paano kung iba ang masungkit ko, alam mo. Parang puno lang 'yan ng mangga. Nasa ilalim ka at hindi mo makikita ang mga hinog at sira!”
"Sus, idinaan pa sa mangga!"
”At saka, hindi iyon ang nakatadhana sa'kin. Dahil busy pa si lord sa lovelife ko..”
Hinawakan ko na ang dalawang maleta, wala na akong time makipag-plastikan sa kanila dahil excited na akong makawala sa lunggang ito.
__
Alas otso ng umaga nang makapag-paalam ako kay ma'mang, Konting drama at chena lamang ang sinabi ko para kumbinsido siyang naging masaya ako doon sa bulok nitong club.
Pero dahil kumita naman na ako ng pera doon ay enough na sa paglalait.
Inilapag ko ang dalawang maleta sa isang bakal na kama sa kwarto, dalawang palapag ang nabili ko'ng shop. May banyo sa ibaba maging dito sa ibabaw. Maalwalas ang espasyo sa ilalim dahilan upang maisipan ko'ng magtayo ng flower shop at coffee table.
Naupo ako sa bakal na walang lamang higaan, kailangan ko pang bumili ng mga gamit sa bahay ngunit hindi pa dumarating ang ibang na-order ko'ng table at upuan.
Kailangan unahin iyon para hindi ma-short sa pera.
”Where are you now, shai?” iyon ang bungad ko kay shaira ng sagutin nito ang tawag ko, Balak ko sanang magpasama sa kanya upang magtingin-tingin ng materials para sa shop na'to.
"Sa bahay ni jacob..”
"Wow, sa bahay? Meaning to say sa mismong bahay ni jacob!” namamangha talaga ako sa isinagot ni shaira, kung dati'y nasa condo lamang siya. Ngayon nasa mismong bahay na ni jacob?
Bigtime na yata ang kaibigan ko.
”Kaya nga sinabing bahay e..” medyo natawa ako sa sagot niya, feeling ko ay excited akong makita kung nasaan man siya.
Kaya ng sabihin nito ang lugar ni jacob ay madali akong sumakay ng taxi at panandalian isinarado ang bakanteng space.
”Dito na po!” huminto ang taxi sa malaking gate kung saan nakasandal doon si shaira, medyo natatawa ako sa kasuotang meron siya dahil balot ang kanyang katawan.
I kissed her cheeks after i greet her. ”Anong fashion 'yan shai, balak mo 'bang um-attend ng meeting?”
”Ito nga ang sasabihin ko sana sa'yo kanina..”
”Iyan ba? Tatanungunin mo ba ako kung paano mamilin ng fashion everyday?”
Umismid siya, hangga ngayon ay ma-attitude. ”Hindi iyon, tsk. Halika pumasok muna tayo sa loob..”
”Wiie, okay!” nauna pa akong pumaloob sa kanilang nasabing mansyon, ay hindi. Monteclaro Mansion nga pala, at ang dyosang si shaira ay nakasungkit nga ng hinog na mangga!
”Dito ka na nakatira!” namamangha ako habang iniikot ang paningin, bongga ang chandelier na nasa gitna at talagang kumikislap ang mata ko 'don.
"Pansamantala lang habang nag-aaral ako..”
”Oh my god, jackpot ka talaga kay jacob, ang ganda ng bahay, palasyo!” nakangiwi sa'kin si shaira, pero ano ba! Namamangha lang kasi ako sa nakikita ko, hindi yata deserve ng mga munti ko'ng paa ang tumapak sa ganitong lugar, dapat pala nagpa-foot spa muna ako, pero syempre wag na lang!
”Alam ko sandali ikukuha kita ng maiinom..” akma siyang tatalikod ng humirit ako.
”Ayoko ng tubig, gusto ko ng juice!” pinagtawanan ko muli ang reaskyon niya, sa ganda ng bahay na'to. Siguradong mayaman din sila sa pagkain.
”Oo na, gusto mo with sandwich pa e..”
”With cake wala?”
”With kotong you want?” ay ang harsh naman, pero wag na chossy balasi. Gutom na rin ang munti ko'ng alaga sa tiyan, hindi pa yata ako nag-aalmusal sa kakatipid ko.
”Sige, with sandwich na lang..” tumalikod na siya na may ngiwi pa rin sa mukha, pero ang weirdo talaga ng kasuotan niya na animo'y may itinatago sa kanyang katawan.
Lumakad ako sa gilid ng may matanawan akong mga picture frame, ang bongga dahil naroon ang ilang family pictures ng mga monteclaro. At ang mas ikinapag-taka ko pa ay kung bakit narito ang haliparot na si noah.
May tumikhim sa aking likuran, ngunit hindi ko iyon pinansin dahil sa litrato ng lalakeng 'to. Kasama niya roon si jacob maging si dianneya, ang gwapong tipaklong.
”Excuse me?” nilingon ko ang boses lalakeng kumausap sa'kin, at ng makita kung sino iyo ay halos mangunot ang noo ko.
”IKAW!” sabay pa talaga kami ng pagkakabigkas, pero. Anong ginagawa niya dito!
”Anong ginagawa mo dito?” kunot pa rin ang aking noo ng magtanong ako, ngunit heto siya at tumawa.
”Ako dapat ang magtanong niyan, anong ginagawa mo dito?” pinagtaasan ko lamang siya ng kilay, tama ba na ibalik ang aking katanungan?
”Ah, I know! You're the new maid here, sus. Alam ko na!”
”A-anong sabi mo?” hindi ako makapaniwala. ”Sa ganda't ayos ko'ng ito maid kamo?”
"Saan banda ang maganda?” hinagod nito ang katawan ko habang nakataas ang kilay, patuloy iyon sa pagbaba hangga sa huminto ang kanyang mata sa'king dibdib, tsk. Ano ka ngayon?
Nag-iwas siya ng tingin. ”I-ikuha mo ako ng maiinom mabuti pa, pakitawag na rin ang boss mo..”
"HINDI NGA AKO MAID DITO!” gulat iyan sa biglaang sigaw ko, nakakairita lang dahil pinagkamalan na nga ako nitong waitress noon at ngayon ay katulong naman.
May naka-dress 'bang sexy na katulong?
”W-why are you shouting?”
”Because your annoying, ugly chinito!”
”W-what!”
”I HATE YOU!”
Iritable ko siyang tinalikuran, mabigat ang mga yapak ko habang papasok kung saan tumungo si shaira kanina.
"Akala mo ang gwapo niya, mukha rin naman siyang janitor sa suot nito!” naupo ako sa bakanteng upuan, may kasama si shaira na naghahanda ng pagkain sa gild.
”Sinong mukhang janitor?” inilapag ni shaira ang ilang gawang sandwich sa harapan ko. Kumuha ako ng isa bago sumagot.
”Kilala mo pa ba yung lalakeng kumuha sa'yo sa club?”
”Si noah?”
Natawa ako, malamang kilala na niya iyon, siguro nga'y kamag-anak siya ni jacob.
”Iyon ba ang pangalan niya?” umakto akong ngayon lang nalaman ang ngalan nito, pero halos ilang taon ko ng alam iyon noon pa man. ”Kasing pangit nito ang pangalan niya..”
”Gwapo po si sir noah ma'am.." tumaas ang kilay ko sa katabing maid ni shaira.
”Ganun na ba kababa ang standard mo sa gwapo?”
"Po?”
”Hindi gwapo iyon para sakin, 'yung naniningkit niyang mata, mukha siyang tipaklong!” natigilan siya sa'kin, kinagat nito ang labi at hindi sumagot. Tila'y may nakakatawa akong nasabi upang magpigil siya ng ngiti.
”Nga pala, Ano nga palang good news mo?” iniba bigla ni shaira ang usapan, nilingon ko ito, nakangiti.
”Umalis na ako sa club..”
”Kailan pa?”
”Magdadalawang araw na..”
”Talaga? Buti pinayagan ka?” humugot siya ng upuan at tumabi sa'kin.
”Binayaran ko si mamang upang payagan akong umalis, alam mo na. Malaki na rin ang naipon ko dahil sa tagal ko'ng naroon..”
”Nilamon na talaga ng salapi ang matandang 'yon..”
”True..” kapwa kami bumuntong hininga, pero eto siya't may itatanong muli.
”Iyon na ba ang goodnews?” ngumiti ako, pailalim bago umiling.
”Hindi syempre, ito ang goodnews..” kinuha ko ang cellphone sa pouch at madaling hinanap ang litrato ng space na nabili ko.
”Ano yan?” nagtataka siya sa ipinakita ko.
”Nabili ko..”
”Wow, talaga?” tumango-tango ako ”Magpapatayo ka ng sarili 'mong bahay?”
”Hindi, gagawan ko iyan ng mini flower shop na may kasamang coffee tambayan..”
”Kailan mo balak umpisahan?”
”Bukas!” magiliw ang aking tinig, bukas na ako mag-uumpisang mag-ayos dahil sa sobrang excitement ko, bibili na ako ng ilang gamit dahil paniguradong darating na bukas ang mga orders ko.
”Malapit lang ito sa fatima dahil kakaonti pa lang ang mga coffee shop doon, plus ako pa lang ang nagtitinda ng flowers sa banda ng fatima..” karagdagang ani ko.
”Kung ganun mahal mo itong nabili?”
”Swak naman sa bulsa..”
tumango siya. ”Pag hindi ako abala bibisitahin kita, hindi ako mawawala sa opening..” nginitian ko ito bago ilapat ang kamay sa lamesa.
”Hindi ko akalaing mabibili ko 'yon, ang daming gastusin ni amang sa pag-papagamot, si inang ay lagi pa akong hinuhuthutan ng pera..”
”Kumusta ng ang papa mo?”
”Ganun pa rin, may sakit pa rin..” bumuntong hininga ako. ”Tatlo kaming magkakapatid, ako 'yung panganay pero bakit laging na sa' kin lahat? Iyong kapatid ko'y nag-uwi pa ng palamunin..” muli akong napabuntong hininga, nasa edad na bente na ang kapatid ko'ng lalake at iyon ay may ini-uwi pang nobya.
Hindi sa masama ang ugali ko, subsob na nga ako sa trabaho at kulang pa ang kita ko ay dagdag pa iyon sa gastusin, kung sana'y tumutulong sila ngunit hindi.
”Kasi ikaw lang ang may trabaho..”
”May trabaho din naman si brandon, silang dalawa ng babae niya. Pero sakin lahat ang pasanin, wala na ako sa bahay kargo ko pa lahat..” masama ang loob ko, ngayon lang yata ako naghihinakit simula ng itaboy ako ni inang at ibenta.
”Magulang mo pa rin sila, dapat lang na suklian mo at bigyan ng utang na loob ang ginawa nilang pagpapalaki sayo..” marahas akong natawa, kung si amang lang sana ang maaari ko'ng alagaan ay pwedi na, ngunit hindi ako ganoon kasama sa mga kapatid ko.
”Hindi naman nila akong tinuturing na anak, para akong ampon kung tratuhin nila, nagawa nga ni inang na ebenta ako..”
Kung sabagay, hindi ko naman siya totoong ina. Malamang ay magagawa niya ang kanyang nanaisin, ano pa ba ang dina-drama ko?
”May nagagawa talagang kamalian ang isang tao..”
”Hindi kamalian iyon shai, kagustuhan..” napailing ako, pero ng tuluyang maisip ang kalagayan ko ay wala na akong magagawa, siguro ay ito na lang talaga ang misyon ko sa mundo. ”Pero tama ka, kahit na itinakwil nila ako noon, hindi ko magagawang talikuran sila dahil may puso ako, hindi gaya nila..”
Hinawakan niya ang balikat ko. ”Mabuti kang tao..” natawa ako,
”Maganda akong tao..”
"SINONG MAGANDA?!” nilingon ko ang pamilyar na tinig mula sa pintuan, narito na ang haliparot.
Epal alert.
”Ikaw?” tinaasan ko lang siya ng kilay sa tanong nito sa'kin.
”I dont talk to a grasshopper..” umirap ako, dinig ko ang mahinang tawa na nagmumula sa gilid, At doon ay naroon ang gwapong jacob.
Ang hot naman niya today, sana all kay shaira.
”Sa gwapo kong ito tatawagin mo akong tipaklong?” muli akong napairap sa tinig ni noah.
”Sinong nagsabing gwapo ka, konsensya mo?”
”Madami ng nagsabi, hindi lang sampo, kundi bente..”
”Masyado kang naniniwala sa sabi-sabi, tsk..”
”Hoy!" nanlalaki ang mata niya sa'kin, kumikibot ang labi na tila'y naaasar na, don't tell me papatulan niya pa ako, anong akala niya aatrasan ko siya? ”Ang yabang mo ha!”
"Bakit gusto mo ng suntukan?!” tumayo ako, pinagtataasan siya ng noo.
”Hindi ako pumapatol sa babaeng patpatin!”
”Kung ganon wala kang bayag, ang lamya mo..”
”Sa tingin mo dahil sinabi mo 'yan maghuhubad ako!” natawa ako habang naiiling, parang ginaya niya lang ang sinabi ko noong huli naming pagkikita.
Tsk.
”Bat di ka maghubad, pakelam ko..”
”Ha!" Natatawa iyan, hawak niya ang kanyang baba habang nakatingin sa'kin. ”Sabi na nga ba at may matindi kang pagnanasa sakin! Aha!”
”Ang kapal mo!” kinagat nito ang labi, at dahil 'don ay tila na-blanko na ang aking isip.
Gwapo nga siya, pero binubuhay nito ang kairitasyon sa katawan ko. Hindi ko matanggap na kaya niya akong hindi matandaan bagkus sa isip ko'y hindi na siya nawala noon pa man.
”Magpapasama sana ako sa'yo ngayon, kaso nga lang baka hindi ka payagan ni jacob..” nasa labas na ako ng mansyon, ang dami naming napag-usapan matapos umalis ni noah, nakaka-high blood talaga ang lalakeng 'yon.
”Pwedi din naman..”
”Sus, h'wag na. Baka mamiss ka ni jacob..” nginitian ko ito, bukod sa mabait na kaibigan si shaira ay may mga usapin din ito tungkol sa kanyang ama, nalaman ko ngayon na hindi totoong ama ang kinalakihan niya, nakakalungkot lamang na halos kapwa kami ng karanasan.
Hindi ko rin nasilayan ang aking ina.
”Sa susunod, dumalaw ka shop, hm?”
”Oo, naman. Ako pa..” malaki ang aking ngiti ng lumisan, ngunit sa loob ko'y tila ay may kulang.
Masaya si shaira kahit pa na hindi niya kadugo ang kumupkop sa kanya, ngunit ako'y hindi niya kailanman tinuring na anak.
Beeeeppp..
Isang busina na sasakyan ang nagpalingon sa'kin, walang nadaan na taxi dito kaya kailangan ko pang lumakad sa di kalayuan na highway.
Nakakahiya naman kung magpahatid pa ako kay jacob.
”Uuwi ka na?” umirap ako sa singkit niyang mata, matapos ako nitong barahin kanina eto siya't kakausapin ako na parang walang nangyari.
”Sumakay ka..”
”No, thanks..” dumiretso ako ng lakad, balak siyang dedmahin ngunit sunod ng sunod ang kotse niya.
”Ihahatid kita sa pupuntahan mo..” huminto ako, nilingon ko siya ng may halong pagtataka.
”And why are doing this?”
”Sumakay ka na lang at wag ng magreklamo” umikot ang mata ko bago matanawan ang malinis na daan, wala ba talagang taxi sa lugar na 'to?
Kung sabagay, kesa sa mamasahe ako ay 'bat di ko na lang aksayahin ang bigla'y kabaitan niya.
”Sa isang marketing ako pupunta, ihatid mo ako doon.” kusa akong pumasok sa likurang upuan, nakatingin siya sa'kin ng may kunot ang noo.
”Why?”
Umirap 'yan, akala mo'y karpekto ng kanyang mata bagkus ay singkit lang. Tsk, nakakatuwa lang na halos hindi ko na makita ang daan dahil sa tangkad niya, nahaharangan ang daan kaya't sa bintana na lang ako tumingin.
Ang bango pa ng kotse, sana all.
Kailan ba ako makakabili ng kotse.
”Why are you going in a market?” bigla'y nagtanong siya, ano 'yan fc?
”Tatambay lang sana..” medyo nakangiwi ako, ano bang gagawin ko doon? Natural mamimili.
”Oh, really?”
”Tsk, malamang mamimili ako, I need foods and things to use!”
”You're really have a big voice..”
”A-ano?” hindi na nito inulit ang sinabi niya, pero ano nga daw? Malaki ang boses ko.
Malaki ba ang boses ko?
Kunot ang noo ko na nakatingin sa bintana, iniisip ko kung tama ba na malaki ang boses ko. Ang buong akala ko'y ka-tinig ko lang si shaira na kahit maingay ay pino ang boses.
Samantalang ako?
”Bumaba ka na..” natauhan ako sa boses ni noah, hindi ganoon kalaki ang tinig niya. Sakto lang, lalakeng lalake.
”Tsk..” hindi ko alam kung bakit gumaganon siya, binuksan niya ang kanyang pinto at lumabas ng kotse, nakatulala lang ako dito hangga sa pagbuksan nito ako ng pinto.
”Your already here..” nag-iwas ako ng tingin, kalaunan ay humakbang din pababa bago ilibot ang tingin sa paligid.
11-11 Marketing
Iyon ang pangalan ng malaking mini mall na pinaghintuan niya sa gilid.
”Thankyou..” nagpasalamat pa rin naman ako kahit na war kami kanina, pero hindi ko lang ma-take na kaya niyang pagsalitaan ang isang babae na hindi maganda at pangit ang katawan.
Ang ganda ko kaya't sexy pa.
”Papasok ka diyan ng ganyan ang suot?” tumaas ang kilay ko.
”E, ano naman ngayon sa'yo?”
”Your bo*bs is waving when your walking..” umismid ako, bahagyang nakangisi.
”Eh bat ba kasi sa dibdib ko ikaw nakatingin?” itinaas ko ang dalawang dibdib sa pamamagitan ng palad, napamaang siyang kumukurap.
”M-malamang diyan ako titingin dahil sa suot mo, it's too getting more attention, you look braless..”
”Wala nga akong bra..” bigla siyang naubo, naubo ng tuluyan dahil sa sinabi ko.
”Your unbelievable!”
”Yeah, I'm available..”
****
To be continued...
Natasha niyo available daw. Maharot rin. Pero before niyong basahin 'to dapat done na kayo sa series 1 ❤️