Chapter 13

2110 Words
Natasha Pov. (Meet the Boss) ”Thankyou sir for coming early here..” nakaupo lamang ako sa gilid habang pinapanuod si noah na kausapin ang dalawang pulis. Nakabalik na kami sa shop, hindi ko alam na may natawagan siyang pulis kanina na agad tumungo sa shop upang dakpin ang lalakeng pinatulog ni noah. Bumalik lamang sila rito upang kumuha ng statement sa akin, nag-uusap pa sila sa pintuan habang nakatulala na ako. Kung saan saan na napadpad ang isip ko dahil sa ugaling meron ang madrasta ko. Hindi ako makapaniwala na nais niya akong sumama sa mga lalakeng pinagkaka-utangan niya. Kung sabagay nga naman, bakit pa ba ako magtataka? Nagawa na nga niya akong pagkakitaan noong kinse anyos pa lang ako, iniwan niya ako sa club at agarang kinuha ang isang buwang pursyento ko. Napaka-sama niyang tao, kung meron akong ugaling gaya niya. Baka hindi ako magtitiis ng ganito. ”Sasama ka ba sa prisinto?” hindi ko napansing nasa tapat ko na pala si noah, hindi agad ako nakasagot. Nasa katawan ko pa rin ang takot dahil hindi naman kadalasan nangyayari sa akin ang mapasukan ng ibang tao rito. ”Nahuli na ang mga taong pumasok rito kanina, nakita sila sa cctv at naroon sila ngayon sa prisinto..” ”Sasamahan mo pa rin ba ako?” ”Ofcourse, hindi ko naman hahayaang tumungo kang mag-isa mo roon. Sino pa ba ang makaka-antabay mo?” hindi ako nakasagot sa sinabi ni noah. ”Alangan naman ang nanay mong walang pakialam sayo?” Hindi ko alam na lalabas iyon sa bibig ni noah, buhat kanina ay tahimik at wala siyang imik paukol sa nangyari doon sa apartment. Ngayon lang siya nagsalita ng ganito. ”Alam mo, kung hindi ko lang iniisip na nanay mo iyon. Baka nasagot ko siya at napagsalitaan ng hindi maganda, hindi tama itong ginawa niya. Anong klaseng nanay siya?” ”Hindi ko siya totoong ina kayat paano ito magkakaroon ng pakialam sakin?” natigilan si noah sa sinabi ko, ipinaglapat niya ang labi at ilang segundong natahimik. ”Kung ganon, step mother mo lang siya?” bumuntong hininga ako bago tumango. ”Tama ka..” ”Pero bakit ganyan ka kung umasta, dinaig mo pa ang tunay na anak kung akuin mo lahat ng problema niya?” ”Dahil responsibilidad ko sila..” ”What the h*ll?” natawa siya, mahihimigan na tila iniinsulto niya ako sa tawa niyang iyon. ”Hindi mo dapat akuin ang ganyang bagay, natasha. Iyong lalakeng nakausap mo, anak niya iyon hindi ba? Dalawa pa ang kanyang anak, hindi lang ikaw..” ”Hindi man niya ako anak, ayos lang. Hanggat kaya ko at hindi pa naman ako nahihirapan go lang. Ayos lang..” tumayo ako, nagpakawala ako ng mabigat na paghinga bago siya balingan ng tingin. ”Umalis na tayo..” nauna akong lumabas ng shop, at doon nakita 'kong naghihintay ang police mobile. Nakasunod sa akin si noah at siniguro niyang sarado ang pinto bago siya lumapit sa kanyang kotse. Pinagbuksan niya ako sa pagkakataong ito, hindi niya iyon kadalasan ginagawa dahil feeling ko'y hindi naman siya romantic pag-dating sa babae. Tahimik akong pumasok at naupo, siya na ang nagtulak ng pinto bago umikot upang umupo sa driverseat. Naunang umalis ang mobile police na sinundan ni noah, tahimik kami sa biyahe hangga sa marating namin ang police station. Lumabas si noah habang nagmamasid ako sa bungad, maraming tao at tila natatakot akong lumabas. Ngunit pinagbuksan ako ni noah at sinenyasang lumabas na. ”Ayos ka lang ba?” he asked me, full of concern and his sight didn't leave my eyes. I looked away before answered him. ”Kinakabahan ako..” i feel nervous because of thoose men, hindi ko sila kilala pero alam kong malalaki silang tao. At hindi ko na sana nais umabot sa puntong ito ang nangyari kanina, gusto ko na lang sanang makipag-aregluhan ng harap-harapang walang pulisya. ”Im here, natasha. Hindi naman kita iiwan, hindi ka na masasaktan ng mga lalakeng 'yon..” because of what he said I felt really safe. I feel reassured and gathered the strength to get out of the car. He was leaning on me and his hand was on my shoulder. He walked lightly, he still support me walked until we got inside. We caught up the five mens who entered my shop earlier. Some of them have bruises caused by Noah's punch. They looked at me with a glared, I couldn't stand it so I looked away. But from the voice that called my name, I immediately looked up to the woman was running towards on me. ”Mag-usap muna tayo..” hinawakan ni inang helda ang kamay ko, hinila niya ako palabas at muling dinala sa gilid ng kotse ni noah. Binitawan niya ang kamay ko roon sa napakamaharas na paraan, masama agad ang tingin niya at kahit wala pa siyang sinasabi ay alam kong galit ito. ”Bakit kailangan mo silang dalhin si prisinto, natasha! Hindi ka ba nag-iisip!” ”Hindi bat ayos lang naman na may makaalam sa ginawa nila, tinulungan ako ni noah para magkaharap-harap kami rito at magka-usap ng maayos..” ”Magka-usap ng maayos?” natawa si inang, ngunit masama pa rin ang tingin sa akin. ”Makakasuhan sila dahil rito, at sa tingin mo ba na ikatutuwa nila ang bagay na 'to?” ”May kasalanan naman silang ginawa, inang. Kung lagi nila akong idadaan sa ganoong paraan dapat lamang na bigyan sila ng aral!” ”Hindi ka talaga kailan nag-iisip!” tinuktok nito ang sintido ko at madiin itinulak gamit ang daliri. ”Hindi mo alam kung gaano kalaki ang mga miyembrong iyan, ang isa riyan ay anak ng mga merciales!” Natigilan ako sa pamilyar na pangalang narinig, nais kong alalahanin kung saan ko iyon narinig ngunit dahil sa galit ni inang ay hindi ko na iyon maala-ala pa. ”Pag nalaman iyan ni boss salvador, damay tayo rito!” ”Ano po ba ang ginawa niyo!” ”Kinuha ko ang perang inabot ni boss Hector Salvador sakin, ang ama ni doreen! Binigyan niya ako ng pera upang layuan ni brandon ang anak niya, Ngunit dahil kailangan ko ng pera. Kumuha pa ako..” ”A-ano pong sabi niyo?” hindi ako makapaniwala sa sinabi ni inang. ”Kaya ba ganon na lang ang galit ni brandon dahil nagpabayad kayo! Nagpasilaw kayo sa salapi!” isang malakas na sampal ang natamo ko kay inang, tumabingi ang ulo ko habang hawak ko ang aking pisngi. ”Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan, babae ka! Hindi kita anak!” Naiiyak man ako ay pilit kong pinigilan iyon, mabigat ang aking dibdib dahil sa dami ng sakripisyo ko ay hindi niya iyon alam balikan. ”Hindi nga niyo po ako, anak. Hindi po ako lumuwal sayo. Tama kayo, pero ultimong papasok sa bibig niyo ay galing sakin. Mga perang pinagbibili niyo at pinagsusugal niyo nagmumula sakin! Hindi niyo ako anak, pero ina ang turing ko sa inyo!” ”Huwag mo ako dramahan, natasha! I-urong mo ang kasong isinampa ng binatang kasama mo, kundi. Malaking problema ang kahaharapin niya kung hindi niya ito titigilan!” Tinalikuran na ako ni inang, iniwan niya ako na halos manikip ang dibdib. Hindi ko na napigilang umagos ang luha ko dahil sa nangyari. Ang sakit lang dahil ginawa mo na ang lahat para maging mabuting anak para sa kanila, ngunit sa kabilang ng kabutihang ginawa ko ay wala naman pala akong kwenta sa kanila. ”Natasha..” mabilis kong pinunasan ang luhang nasa aking pisngi, nilingon ko si noah na para wala man lang nangyaring sagutan sa amin ni inang. ”Nariyan ang magulang ng isang lalake..” Kinabahan ako bigla, hindi ako nakapag-bigay reaksyon dahil masama ang pakiramdam ko. Idagdag mo pa ang sinabi ni inang sa akin kanina. Hector Salvador at merciales. Pamilyar sila sa akin. ”Nagbigay piyansa sila para makalaya ang mga ito, nais ka nilang makita..” ”B-bakit pa?” ”Nais humingi ni Mr salvador ng dispensa dahil sa ginawa ni roiland..” nangunot ang noo ko. ”Kilala mo sila?” Tumango si noah. ”Kapatid ni stanlee ang lalakeng nakatulog sa shop kanina..” ”Stanlee?” ”Hm, pumasok ka na. Hinihintay ka nila roon..” tinulungan niya ako lumakad papasok muli, hindi ko alam kung magkatugma pa ba ang buto ko sa aking katawan dahil sa kaba. Sa bungad pa lang ay tanaw ko na ang mysteryosong ginoo na sinesermonan ang lalakeng may pasa sa mukha. Hindi siya nakikinig kundi puro sama lamang ng tingin ang ginagawa niya. Sa gilid ng ginoo ay naroon ang isang babae na may mahabang dress na kulay red. Sa suot pa lang nila ay napaka-bigatin na nila, ang kanilang presensya ay nagsusumigaw ng kapangyarihan. Nilingon ako ng lalakeng pinagsasabihan ng ginoo, sa tingin koy ito ang tinutukoy ni noah na mr salvador. Ito rin ang sinabi ni inang na si Hector. Kung ganon, ito ang ama ni doreen. Ang babaeng nabuntis ni brandon. Nabaling ang atensyon sa akin na nagpa-ayos ng kanilang tindig. Pormal kung lumakad ang ginoong salvador palapit sa akin hangga sa i-abot nito ang kamay niya. ”I am Hector Merciales Salvador. Im here to say a apology about what my son did to you..” Hindi ako makapagsalita, naghimutok ang anak niya na sinenyasan ng ginang na tumahimik. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko rin nagawang tanggapin ang kamay niya dahil sa nerbyos Lalo akong hindi makakilos ng magtama ang paningin namin ng ginang na kasama ni Mr Hector Salvador. Lumapit siya sa kinatatayuan ng asawa na ngayo'y binaba na ang kamay, yumuko ang ginang sakin at gaya ng kanyang asawa ay humingi ito ng dispensa. ”Patawad sa nangyari, hindi na ito mauulit pa. Kung may kasulatan man ang nanay mo tungkol sa utang ay maaari natin iyong pag-usapan..” Gaya lamang kanina, hindi ako muling nakapagsalita. Tila akong nananalamin sa t'wing titingnan ko ang ginang. At nang tuluyang sumagi sa isip ko ang pamilyar nilang apelyido ay lalo na lamang gumulo ang sistema ko. ”Kukuha ako ng abogado upang siya ang humarap sa lawyer niyo, sila na ang mag-uusap tungkol sa utang na meron sila..” Kay noah nabaling ang atensyon matapos niyang sabihin iyon, ngumiti ang ginoo. ”Hindi ko alam na magkikita tayo rito, Monteclaro..” ”Hindi ko rin inaasahan..” iyon ang sagot ni noah, hindi naman bastos ngunit hindi lang magandang pakinggan. ”Girlfriend mo ba ang anak ni helda?” ”We shouldn't talk about this, Mr salvador. I already call her lawyer and sent the money to paid all the cost of her mother debts..” Yumuko si noah upang magpakita ng galang bago umalis, isinama na niya ako at agarang isinakay sa kanyang kotse. Mabilis ang pagmamaneho nito na halos hindi ko alam kung saan siya papunta, hindi ako makapagtanong dahil nagmamadali siyang tumungo sa kung saan. Nagtaka na lamang ako ng tumigil ang kotse niya sa harap mismo ng hospital. Hindi ko maiwasang magtanong at biglang mag-alala. ”Anong gagawin mo rito?” nilingon niya ako bago bumaba ng kotse. ”Isinugod si daddy dito, heart attack..” napamaang ako sa sinabi niya, lumabas siya at tuluyan ng pumasok sa loob. Sumunod ako rito habang tumatakbo siya, huminto siya sa nurse station at agad ipinagtanong ang kwarto kung saan naka-admit ang ama niya. Matapos malaman ang silid nito ay madali kaming tumungo roon, nasa second floor ito ng malaking hospital at naka-private room ito. Pumasok siya habang nakasunod lamang ako sa kanya. Sa kwartong iyon ay naabutan ko ang lalakeng nakahiga sa kama ng walang malay. Sa gilid nito ay naroon si dianne na umiiyak habang hinahawakan ni mr samuel, ang ama ni jacob. ”Anong nangyari!” galit agad ang tinig ni noah, agaran siyang nilapitan ni mr samuel upang pakalmahin. ”May mga taong nanloob sa mansyon niyo, hindi sila kilala ni dianneya. Ngunit pinagbantaan siya..” Nagsalubong ang kilay ni noah. ”Ikaw, noah! Ano ba itong pinag-gagawa mo!” hindi maiwasang tumaas ang boses ni dianne, todo kung umawat si mr samuel sa dalawang pamangkin upang hindi maabala ang pamamahinga ng kanilang ama. ”Bakit ako?” ”They told me to stop you meddling in their business! Who are these people!” natigilan ako sa sinabi ni dianne, hindi ko pa man tuluyan nalalaman ang dahilan ay tila may sagot ng pumapasok sa isip ko. Nilingon ako ni noah, sa pagkakataon ito ay tuluyan na akong nahiya. Nadamay pa pati ang pamilya nila dahil sa problema ng pamilya ko. _____________________ to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD