Chapter 12

4000 Words
Natasha Pov (Pasanin) Isang malamig na umaga para sa katulad kong nag-iisa, mag-isang nagkakape sa tahimik na lamesa at paligid. Walang kausap, walang malaanan ng oras kundi ang pag-ihip ko sa aking mainit na kape. Lunes ngayon, buwan ng octobre at malamig ang simoy ng hangin. Nasa mababang temperatura ng lamig ang aircon na nasa shop ko, hindi ko na iyon nilakasan dahil malamig rin ang panahon. Senyales ito na palapit ang pasko. Isang paskong hinihintay ng karamihan, inaabangan upang magkita sila ng kani-kanilang pamilya. Samantalang ako, hindi ko na alam kung kailan ang huling pasko kong kasama si amang. Pati na rin ang pamilya ko na hindi naman pamilya ang turing sa akin. Napabuntong hininga ako, walang gaanong costumer dahil alas nuebe na ng umaga. Alas otso na ako nakapag-bukas at lahat ng studyante ay nasa loob na ng fatima. Nakakapanibago lang dahil simula ng umalis si shaira patungong america ay naging tahimik na ang paligid, isang buwan na matapos lumipad ang eroplanong sinasakyan nila ni noah. Ang nag-iisa kong kasandalan sa buhay ay iniwan na ako. Naisin ko man malungkot ay alam kong mas masalamuot pa ang pinagdaanan ni shaira kesa sa akin. Sa pagmumuni-muni ko ay natanawan ko ang van na huminto sa gilid ng aking shop. Hindi pamilyar iyon at ang nasa isip ko ay baka bagong costumer. Bumaba roon ang isang lalake, nagtaka pa ako ng sunod-sunod silang lumabas ng kotse at agad na pumasok sa shop ko. Napatayo ako ng wala sa oras, lalo na ng makita kong may baril ang isa. Pawang naka-itim sila at hindi ko alam kung bakit nilooban na lang ako bigla. ”Ikaw ba ang anak ni helda!” nilapitan ako ng isa, nasa likuran ang apat na lalake habang nasa harapan ko na ang matangkad at matabang lalake. ”Ang nanay mong walang hiya ay nagtatago ngayon, ilang linggo ang binigay naming palugit sa kanya para mabayaran nito ang utang niya pero hindi siya tumupad sa usapan!” ”W-wala po akong a-alam sa utang ng m-magulang ko!” ”Ganon ba, kung ganon. Ipapaalam ko sayo!” may kinuha itong papel sa kanyang kasama, inilapag niya iyon sa mesa at doon nakasaad ang halagang kinuha ni inang kada linggo. May pirma siya, hindi ako maaaring magkamali dahil sa kanya pirma iyon, kasama ang fingerprint nito na tila malaking tao talaga ang kanyang pinagkaka-utangan. ”Mahigit kalahating milyon ang nakuha niya, ang sabi nito magbibigay siya kada linggo ngunit nasaan na, nagtago na!” ”M-maaari naman po natin itong pag-usapan, b-babayaran ko kayo” kunot ang noo ng lalake, tila hindi kumbinsido kayat nilukot niya ang papel na nasa mesa. ”Sumama ka samin, ikaw at ang lupang tinitirikan niyo ang kapalit ng perang kinuha ng nanay mo!” ”T-teka, bitawan mo a-ako!” hinampas ko siya ngunit malakas na sampal ang naitamo ko dahil sa paglalaban ko, nabingi ako na parang hinampas ako ng tubo sa aking pisngi. Napaupo ako habang hawak ang kanang pisngi, tuluyan na akong naiyak. Iniisip ko kung bakit at paano nagka-utang si inang kung kada linggo ay binibigyan ko ito ng malaking halagang pera. Hindi ganoon kalaki ang kita ko dahil nilalaan ko ang ibang pera ko sa gamot ni amang kada buwan, nag-iipon ako para sa paa niya upang makalakad na ito. Ngunit ano na naman itong napasukan ni inang? ”Dalhin niyo yan!” umatras ako habang nakaupo, ngunit agaran akong nahawakan ng dalawang lalake. Nagpumiglas ako ngunit balewala ang lakas na meron ako sa pangangatawan na meron sila. Sa huli, naitayo nila ako ng walang kahirap-hirap. Dalawang lalake ang may hawak sa akin, naunang lumabas ang tatlo na ngayon ay bigla na lang humilata sa labas. Ang isang palabas na sana ay tumalsik mula sa sipa ng lalakeng bagong dating lamang. Natigilan ako ng makita kung sino iyon, ang mga kamay na may hawak sa akin ay madaling kumalas upang sunggaban ng suntok si noah. Napatakip ako ng bibig dahil natamaan siya ng isang lalake, ngunit gumanti siya at doble ang lakas ng suntok nito na naging sanhi upang bumagsak ang lalake. At bago tuluyang makalapit ang isa ay madali nitong itinutok ang baril na hindi ko alam kung saan nakuha ni noah, umatras ang lalake habang nakataas ang dalawang kamay. Hindi ko alam kung anong nangyari, hindi ko inaasahang may ganitong eksena akong masasaksihan ngayong umaga. Tumakbo ang lalake at agaran sumakay sa van na paalis na, naiwan ang napabagsak ni noah na halatang nakatulog dulot sa malakas na suntok nito. ”Are you okay?” hindi ko napansin ang paglapit niya sakin, bakas ang pag-aalala rito ng tingalain ko siya. Ngunit wala akong masabi, nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot. Naiiyak ako sa nangyari, kung hindi lang dumating si noah ay baka napahamak na ako at naisama ng mga lalakeng 'yon. ”This is what im talking, i know they're going back here!” ”H-hindi ko sila k-kilala” naiiyak ako, maging ang boses ko ay nanginginig. Binabalot ako ng takot at bigla akong napaupo sa upuang nasa tabi ko. ”Your not safe here, mag-isa ka! Wala ka man lang kasama?” Hindi ko siya sinagot, magulo ang isip ko kung paano ko malulusutan ang problemang pinasukan ni inang. Alam kong babalik sila, at lalo lamang akong nangangamba na baka si amang ang isunod nilang puntahan. ”Where the h*ll are you going!” hinawakan ni noah ang kamay ko ng tumayo ako, gusto kong umuwi at masigurong ligtas sila. Kung makiki-usapan ang mga pinag-kakautangan ni inang ay gagawin ko. Ayoko ng humantong pa sa dahas at sakitan. ”U-uuwi ako” ”What? Where, saan ka uuwi?” ”Sa tondo!” ”Sh*t, your living there?” Binawi ko ang kamay sa lalakeng hindi maikubli ang pagkakakunot ng noo, sinamaan ko siya ng tingin dahil sa tinig nito'y nilalait na ang lugar kung saan ako lumaki. ”Kailangan kong puntahan si amang, baka doon sila pumunta at may gawing masama sa ama ko, hindi ako papayag!” tumalikod ako, nagmamadaling lumabas ngunit heto muli ang kamay niyang pumipigil sa akin. ”I have a car, natasha. Sasamahan kita, after this. We need to report what happen here!” ”Teka, bakit i-rereport agad? Kakausapin ko sila, baka magalit ang mga lalakeng iyon kung ibabagsak ko ito sa pulisya!” ”I cant let them to skip this time, pang-ilang beses na 'to? Madalas ka ba nilang takutin!” Hindi ako nakasagot, wala akong masabi kung saan nagmumula ang pag-aalala niya. Sobra naman yata kung mag-worry ito kung kaibigan lang ako ni shaira, pero. Pangalawang beses pa lang na nangyayari ito, ang una ay si noah rin ang sumagip sa akin ng pasukin ako ng mga kalalakihan rito. ”I want them to pay for this, look at your lips. Sinaktan ka nila!” Nag-iwas ako ng tingin. ”Ihatid mo ako sa tondo, kung sasama ka” tinungo ko ang kotse niya at hindi hinintay ang kanyang kasagutan. Mabilis ang kanyang pagsunod habang may mukhang hindi kumbinsido sa akto ko. Ayoko ng palakihin ang gulong ito, kung maaaring ibigay ko ang kita ko sa kanila sa loob ng isang linggo ay gagawin ko para lamang mabayaran ang utang ni inang. Nahuhulaan kong sa sugal na naman ang punot dulo ng lahat, hindi mababaon si inang kung kuryente at tubig ang kanyang babayaran. Alam kong lulong na siya sa bisyo kayat umabot na ng kalahating milyon ang nakuha niyang pera. Napahilamos ako bago yumuko sa aking palad, hindi ko totoong ina ang babaeng iyon. Pero hindi ako tulad niya na walang puso at awa, iniisip ko rin ang maaaring mangyari sa kanya lalo na sa mga kapatid kong nasa bahay. Sabihin na nating sampid ako sa kanilang paningin dahil anak lamang ako ni amang sa ibang babae, ngunit tinuring ko na silang pamilya na kailanman ay hindi ko naramdaman at naranasan sa puder nila. ”Stop crying, natasha..” huminto ang kotse habang nakayuko akong umiiyak, hindi naman ako masamang tao. Ngunit bakit sumusobra na yata si inang? Hindi na niya iniisip ang kanyang pamilya, pansarili at bisyo na lamang ang mahalaga rito. ”Ano ba ang totoong nangyari?” huminga ako ng malalim bago umayos ng upo, nasa gilid kami ng kalsada kung saan natatanawan ko ang mga vendor na nag-uunahan pumwesto sa sidewalk. ”Nagka-utang si inang, nagtago siya dahil hindi niya mabayaran ng sapat na pera ang kinuha niya.” ”Its that all?” nilingon ko si noah, salubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. ”Hindi ito ganoon kadali, noah. Mahigit kalahating milyon iyon. Saan ako kukuha ng pera?” tumaas ang kanyang kilay. ”Kung hindi ko lang ibebenta ang sarili ko gaya ng ginawa ni shaira ay hindi ako magkakapera ng ganoong halaga!” ”Sinong ibebenta, ikaw!” ”Kung gusto mo ikaw ang ibenta ko!” ”Tsk..” umismid siya na tila kainsulto-sulto pa ang sinabi ko, pero totoo iyon. Hindi ko kikitain ang ganoong halaga sa mahabang araw. Aabutin iyon ng buwan, baka taon pa nga dahil marami din akong gastusin sa shop. Lalo na sa gamot ni amang. ”Matutulungan kita, barya lang naman sakin 'yon.” may kinuha siya sa harap ng kotse, isa iyong papel. Hindi ako tang* para hindi mahulaan kung ano iyon. Isa iyong cheque. ”You dont need to sold yourself in anyone, anong klaseng ideya 'yon?” inilahad niya ang papel matapos nitong makapagsulat. 600.000 Wala akong nagawa kundi titigan ang papel na 'yon, anong ginagawa niya? Ibibigay nito ang ganoong kalaking halaga sa akin? At para sa kanya ay barya lamang ito? ”H-hindi kita mababayaran a-agad kung k-kukunin ko ito..” ”Hindi mo kailangan madaliin ang pagbabayad, ginigipit ka ng mga lalakeng yon? Ano bang klaseng negosyo ang meron sila?” ”Hindi ko sila kilala, ngayon ko lamang sila nakita..” ”Then you told me that your gonna talk with them, but you didnt even know single of there names?” ”Alam kong babalikan nila ako, pakiki-usapan ko sana sila. Ngunit..” kinuha ko ang cheque na hawak nito. ”Binigyan muna ako, hindi ko tatanggihan dahil kailangan ko ito, babayaran kita..” ”Ofcourse, you should pay me back. Pinaghirapan ko iyan..” Napapatitig na lang ako sa lalakeng kasama ko, wala na akong sinabi pa dahil mas mahalaga sa akin ay may pera na akong hawak. Ang kailangan ko lang gawin ay puntahan na si amang upang siguraduhing ayos lamang sila. ____________________ Tahimik ang sala ng makapasok ako sa aming bahay, nakasunod sa akin si noah na halos maabot na nito ang bubong ng aming bahay. Gaya ng sabi ko noon ay barong-barong lamang ang tinitirhan namin, mga kahoy at yerong nakadikit lamang sa pader ang gamit namin. Ang kwarto ay siyang bato ngunit hindi maganda ang pagkaka-flooring ng bahay. Ito ang inirereklamo ko kay inang, nais ko sanang mag-ipon rin at bigyan na lamang sila ng sapat na pera. Ngunit hindi ko magawang makapag-ipon upang sanay mapa-ayos ko itong tinitirhan nila. Ang perang umaabot kay inang ay hindi ko alam kung saan na niya dinadala. ”Amang!” dumiretso ako sa kwarto ni amang ngunit wala ito roon, wala ang kanyang gamit maging ang wheel chair. Nabahala ako kayat tinungo ko ang kwarto ni chloe, ngunit gaya sa silid ni amang ay wala rin ito dito. Lumabas ako at hindi ko mapigilang maging balisa, nasaan sila? Bakit wala si amang rito pati na ang mga kapatid ko? Tumungo ako sa kalapit bahay upang ipagtanong sana sila, ngunit natanawan ko na si brandon na patungo sa kinaroroonan ko. Ni hindi man lang siya nagulat ng makita ako, tila wala man lang sa kanya na bigla akong napadalaw. ”Si amang, nasaan sila?” Nagpamulsa siya. ”Wala sila rito, umalis sila ni inang kasama si chloe..” ”Ano? Saan sila nagpunta?” ”Nangupahan sila, nakasangla itong lupa sa mga pinagkakautangan ni inang. Baka bukas lang gigibain na ang bahay..” ”Ano!” Bumuntong hininga siya bago malingon sa likuran ko, wala sa oras itong napangisi bago umiling. ”Kaya naman pala abala ka na sa buhay mo, may kinahuhumalingan ka ng lalake..” ”Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan brandon, ate mo pa rin ako. Kung hindi mo ako kayang respetuhin kahit nakakatanda lang sayo, manahimik ka na lang!” ”Totoo ba ang sinabi ko? Nakalimutan mo na si amang, isang buwan kang hindi halos dumadalaw rito, ngayon heto ka't akala mo kung sino ka!” ”Sinusustentuhan ko kayo, brandon! Ano ba ang problema mo!” ”Problema ko? Kayo, kayong lahat. Kung hindi lang sana sa pamilya niyo ako napabilang, marangya sigurado ang buhay ko, mga wala kayong kwenta!” wala sa sariling nasampal ko siya, umaabot ang galit ko sa dibdib na halos maiyak ako dahil sa sakit. ”Kapatid lamang kita sa ama brandon, ngunit ganun pa man. Hindi ko iyon ginawang basehan para pabayaan kayo! Hindi mo man lang iyon mabigyan ng pasasalamat, sino ba ang may kwenta sa ating dalawa ngayon!” ramdam ko ang kamay ni noah na umawat sakin, hinaplos niya ang balikat ko na tila doon ako nito pinapatigil. ”Iyan lang ang alam mong gawin, ang isumbat lahat ng tinulong mo. Wala ka naman talagang nagagawa, saan na ba ang narating mo? Nasa lugmok ka pa rin, kaya huwag mo rin akong pagsalitaan na parang ikaw ang nagpapalamon sakin!” ”Wala ka talagang utang na loob!” ”Hindi ako magtatanaw ng utang sayo, bahala ka sa buhay mo!” Mabilis ang aking paghinga habang tinatanaw ang paglayo nito sa kinatatayuan ko, ang ilang kapitbahay namin ay nasa labas at nakiki-usisa sa pagtatalo namin ni brandon. Alam kong may ganoon na siyang ugali noon pa man, kahit ako ang nakakatanda ay ni hindi niya ako ginalang kailanman. Dahil hindi naman kapatid ang turing niya sa akin, isa lang naman akong huthutan ng pera para sa kanila. ”Kapatid mo ba 'yon, wala siyang respeto..” binalingan ko lamang ng tingin si noah, alam kong nakakahiya dahil nasaksihan pa niya ang pagtatalo naming magkapatid. Ngunit iwinaksi ko iyon sa aking isip bago punasan ang luha sa aking pisngi. ”Pumunta tayo sa rentahan..” ”Where?” ”Naroon ang mga magulang ko, gusto kong makausap si inang..” Nauna na akong lumakad paalis sa harapan ng aming bahay, tinahak ko ang kotse nitong nakaparada sa gilid na pinalilibutan ng mga tambay rito. Pinuri pa nila ako dahil nakachamba ako ng lalakeng mayaman, karagdagang kahihiyan iyon dahil narinig pa ni noah. Ngunit hindi niya na iyon binigyang imik pa, tahimik lang din itong sumakay ng kotse. Matapos kong ituro ang daan ay hindi na ito nagsalita pa. Wala rin ako sa mood mag-explain, ang nasa isip ko ay kung paano ko sasabihan si inang. Sa ganitong sitwasyon napaka-hirap lumugar lalo na kung para sa kanila at tama sila. Huminto kami sa mga rentahang bahay, katulad sa kinatitirakan ng aming bahay ay napaka-sikip rin rito. Maraming batang nagkalat at ang ibang tao ay nasa kani-kanilang tapat ng bahay. Nasa limang palapag ang paupahan rito, kailangan ko pang ipagtanong kung nasaan ang kwartong inuupuhan ni inang. Sa mahigit isang daang pamilyang narito ay para na akong mahihilo. ”Aakyat tayo sa taas..” kunot ang noo ni noah, nasa labas na kami ng kotse. Tiningala nito ang gusali na puno ng vandalism ang pader, maraming nakasampay na damit sa kani-kanilang tapat na kwarto. At sigurado akong nasa itaas na bahagi sila inang dahil iyon ang mga kadalasang bakanteng kwarto. ”Are you sure?” ”Oo..” ”Safe ba ang pag-akyat riyan, baka hindi na na tayo makalabas sa dami ng tao..” Bumuntong hininga ako. ”Kung ganon, hintayin mo na lang ako rito..” tinalikuran ko ito, tinahak ko na ang hagdan na puno ng mga lalakeng nakaupo. Karamihan ay kilala ko kayat panandalian akong huminto. ”Oh, natasha. Lilipat ka na rin ba dito?” isang tindero ng sigarilyo ang lumapit sa akin, umiling ako. ”Saang palapag lumipat si inang helda?” ”Sa pang-apat sila, unang kwarto..” ”Sige salamat..” ”Teka sandale, bumili ka ng yosi bago ka umakyat..” ”Hindi ako naninigarilyo..” ani ko, binawi ko ang kamay dahil hinawakan niya pa ako. ”Si natasha talaga, akala mo hindi lumaki sa hirap, bumili ka na kay pa-eng. Pang tanghalian na niya yan..” ”Wala akong dalang pera..” totoong wala akong dalang pera, problema ko pa dahil iniwan kong nakabukas ang aking shop. Sana lamang ay pumaroon si apollo upang manatili saglit roon. ”Ang kuripot mo naman, balita ko nakapag-negosyo ka na. Isang daan lang hindi mo mapakawalan..” ”Wala nga kasi akong pera dito..” ”Kung ganon, ibalato mo na lang ang bracelet mo, mukhang mamahalin yan..” hinawakan ng isang tambay ang aking pulsuhan, ngunit hindi ko na nagawang bawiin iyon ng may humigit sa akin paatras upang mailayo sa lalakeng may hawak sa akin. ”What are you doing!” galit agad ang sigaw ni noah, agaran ko siyang hinawakan upang pakalmahin. Umiling pa ako upang ipahiwatig na huwag siyang gagawa ng gulo rito. Kung hindi, hindi na talaga siya makakalabas. ”Aba may kasama ka palang inglesero, mukhang bigatin din ang isang 'to ha!” ”Kaibigan ko siya, tigilan niyo kami at kailangan ko ng makausap si inang..” umiling-iling ang dalawang tambay, nakangisi na ang kanilang kasama habang masama na ang tingin ni pa-eng sakin. ”Alam mo naman ang patakaran dito, natasha. Hindi kami nagpapasok ng dayo rito kung walang iaabot sa amin..” nilingon niya si noah, pormado pa naman ang lintik at sa kutis nitoy lalamangan niya ang mga lalakeng ito ng sampong ligo. Para siyang attorney sa suot niyang black suit. ”How much do you want?” dinukot ni noah ang pitaka niya, halos masilipan ko ang laman nito habang kumukuha siya ng pera. "This is enough?” hindi ko alam kung magkano ang ini-abot niya sa lalakeng ito, pero libo-libo ang inilabas niya. Agaran iyong binilang ng lalake at base sa itsura nitoy mukha siyang aso na naka-jackpot ng malaking buto. ”Pweding-pwede na 'to pare..” hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, tuluyan na akong nahiya kay noah dahil sa mga taong narito. ”Kung ganito naman pala kabait ang kaibigan mo, natasha. Magkakasundo kami, pwede siyang pumunta rito araw-araw para makainuman namin siya..” ”Mauuna na kami..” hinila ko na si noah at nilagpasan ang kanilang grupo, ang ilang batang nakakita sa amin ay sinundan pa kami ngunit hindi ko na binigyang pansin iyon. Nagmamadali akong lumakad, hawak ko pa rin ang kamay ni noah dahil hindi ko siya nais bitawan. Alam kong hindi siya sanay sa ganitong lugar, ang mga tao rito ay uhaw sa pera. Ang tulad ni noah ay pinagtatakahan nila kung bakit ito napunta rito. Ilang minuto ang nilakad namin bago matagpuan ang kwartong inuupaan ni inang, nadatnan ko si chloe sa tapat ng pinto at doon nakaupo. Nagtitipa siya sa kanyang cellphone habang nakangiti, At nang sandaling makita niya ako ay agaran itong tumayo. ”Ate!” lumapit siya sakin, napaka-saya nito ngunit nawala rin ang ngiti niya ng makita nito ang kasama ko. ”Wow, ate. May boyfriend ka na?” nanlalaki ang kanyang mata, namamangha kay noah bago magsisigaw. ”Wahhhh, inang! si ate natasha!” tumakbo siya papasok, hindi ko matingnan si noah dahil hindi ko nais makita kung anong reaksyon ng kanyang mukha. Imbes na imbitahan siya sa loob ay nauna akong pumasok, isang maliit na sala at kurtina sa gitna ang naabutan ko. Mukhang ginawang kwarto ang kalahating parte at ginawa namang pasugalan ang sala. Hindi ko nagustuhan ang naabutan ko, sa dami ng problema ay sugal pa rin ang aatupagin ni inang? ”Inang, ayan ang boyfriend ni ate! Mayaman!” napamura ako sa sinabi ni chloe, paniguradong narinig iyon ni noah. Gusto ko na lamang lamunin ng lupa upang mawala na sa kinatatayuan ko. ”Sige na sige na, tama na ito. Bukas ulit..” niligpit ni inang ang mga barahang nasa mesa, nagrereklamo pa ang mga ginang dahil sa perang natalo at naudlot na paglilibang. ”Nandito ang anak ko, may bisita kami!” ”Yung utang mo helda, ibigay mo mamaya!” ”Oo na, labas na!” pinagtulakan ni inang ang tatlong ginang, hindi rin nila pinalagpas na sulyapan si noah at purihin. ”Ang swerte naman ni helda, jackpot pa yata sa manugang..” ”Oo nga, siguradong anak mayaman yan..” ”Sinabi mo pa..” Napapikit na lamang ako bago mapahilamos sa sarili, doon ko lamang hinarap si inang na ngayon ay palapit na kay noah. ”Maupo ka, bakit ngayon ka lang isinama ni natasha?” "Inang..” sinuway ko siya bago lapitan. ”Gusto ko po sana kayong maka-usap kaya narito ako.” ”Ipaghahanda ko lang ng miryenda ang kasama mo.” ”Its okay, mrs abuelo” Anang noah, Nilingon siya ni inang. ”Were here because natasha wants to talk to you, about your debts..” Nilingon ni inang si chloe, nagtatanong ang mata habang kunot ang noo. ”Ano daw kamo?” ”Gusto ka daw makausap ni ate, inang. Tungkol sa debts..” iyon ang sagot ni chloe na mukhang naintindihan ang inihayag ni noah. Tumango si inang. ”Hindi mo ba gusto ng maiinom?” ”No, im waiting for natasha. After she talks and told everything about what happen to her, were going home..” Kunot muli ang noo ni inang, bago pa siya muling bumulong ay nilapitan ko na ito. ”Ang mga pinagkaka-utangan mo pinuntahanan ako..” naging pantay ang kilay ni inang, nakatitig na ngayon sa akin bago niya hawakan ang aking pulsuhan at ipasok sa kurtinang nakapagitan sa kwarto. ”Binigyan mo ba sila ng pera?” iyon ang bungad niyang tanong, pabulong lamang dahil sa gilid ay naroon si amang na mahimbing ang tulog. Halos mapaaang ako, hindi ko nagugustuhan ang nangyayaring ito lalo na sa kalagayan ni amang. Nais kong magalit kay inang, ngunit alam kong mapapasama lamang ako. ”Galit po sila, hindi sila mapaki-usapan ng maayos at muntik pa nila akong isama..” ”Kung ganon, bakit narito ka?” ”Ano po ang ibig niyong sabihin?” ”Edi sana sumama ka na lang, kung gusto ka pala nilang isama, ginawa mo na sana!” ”Seryoso po ba kayo?” natawa ako ng pagak. ”Hindi ko alam kung okay pa ba kayo, inang. Sobra po kalaki ang inutang niyo, at ako. Sa akin niyo pinasan lahat!” ”Nagrereklamo ka ba? Ginawa ko iyon para matubos ang titulo ng lupa na nagamit ko noong binigyan mo ako ng maliit na halagang pera!” ”Bakit po umabot ng ganoong kalaki?” ”Huwag mo na akong kwestuyin!” tumaas na ang boses ni inang. ”Iyang lalakeng kasama mo, mukhang mapera iyan. Bakit hindi mo gamitin ang utak mo!” ”Hindi po ako tulad niyo, inang. Bakit hindi niyo po tigilan ang pagsusugal!” ”Wala kang pakialam sa nais kong gawin, lumabas ka rito at aasukasuhin ko ang bisita mo!” tinalikuran niya ako, nagdala siya ng mga baso palabas na nasa gilid ng bintana. Sinagi pa nito ang braso ko bago tuluyang lumabas ng kurtina, napabuntong hininga ako bago magbaba ng tingin. Hindi ko alam na sobrang hirap maging anak nila. Nakakapagod ang maging anak ng isang tulad niya. Kung hindi ko lamang iniintindi si amang ay baka susuko ako bilang anak nila. ***** to be continued. Next update ko po ay si cordaphia. Ilang chapters na rin ang accidentally, we fall ay aabot na tayo sa epilogue, Book1 is waving for end. Pero, tanong lang. Sinong gustong upakan si mareng helda? ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD