Natasha Pov
(Care)
Tatlong araw ng tumungo kami sa probinsya nila shaira, sa bataan. Maganda ang kanilang lugar, hindi gaya kung saan ako lumaki.
Payapa rito at malapit sila sa tabing dagat.
Sa amin, ibang-iba. Magulo, maraming rayot, Welga, sugal, droga at marami pang iba na hindi angkop sa magagandang pangyayari gaya rito.
Samantalang dito ay napaka-tahimik, may ilang tao man ay halatang simple at tahimik ang kanilang pamumuhay.
Ito ang gusto ko, iyong tipong walang mang-hihimasok sa buhay mo. Walang kaguluhan at halos kapayapaan ang siyang namumutawi sa buhay nila.
"Ate natasha, Pinapatanong ni kuya kung pwede bang kunin ang number mo.." nilingon ko ang babaeng may hawak na kape, hindi ko siya kilala pero nasabi nitong malapit lang ang kanilang bahay.
Nasa labas kasi ako kung saan may malaking tent, kakatapos ko lang mag serve ng kape sa mga bisitang nakikipag-lamay ngayon.
Nginitian ko ang dalagingding na babae. "Sino ba ang mga iyan?"
"Kuya ko po yung naka-itim, yung may hikaw sa kaliwang tenga.." she pointed on my side, naroon nga ang limang kalalakihan na nakasulyap sa akin.
Hindi na masama.
But theyre too minor, gwapo nga ang kaso lang ay mukhang bata para sa akin.
They are look 19 years old, samantang ako'y turning 21 na.
"Ilan taon na kuya mo?"
"19 po." hindi nga ako nagkamali, sa tingin pa lang ay bata na sila. Sigurado pag ibinigay ko ang aking number ay itatanong nya kung may boyfriend ako, hangga sa araw-araw syang magtext sa akin at dumating sa puntong manliligaw na yan.
Ayokong maging child Abuse.
"Sige, ibibigay ko ang number ko, pero hindi pa kasi ako available.."
"Po?"
"Amina yang cellphone mo.."
"Wait lang te, kukunin ko lang cellphone ni kuya.." mabilis siyang tumakbo patungo sa pwesto ng nasabi niyang kuya, inabot ng binata ang hawak na cellphone bago muling bumaling sa akin.
He look too simply, walang bakas na yabang sa kanyang mukha o sa paraan ng pananamit nya, maayos rin naman ang buhok nito. Hindi gaya ni noah, Mukhang playboy, Noah is like an beautiful flower. Iyong tipong natitipuhan sya lahat ng paro-paro at walang sawang dinadapuan.
Noah is full of seductivity, A very strong appealed who can get your attention, kahit dumaan lang sya sa harapan mo ay mababali leeg mo kakasunod rito.
Kahit hindi ka nya kausapin, pansinin, ngitian. ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mangyari lahat ng nais mo, kahit um-epal ka pa sa mga ginagawa nya, mapansin ka lang. Lahat gagawin mo.
Iyon ang tingin ko kay noah.
"Eto po.." nginitian ko ang babae ng maupo sa tabi ko, inabot nya ang cellphone sa akin ngunit iba ang kumuha.
Napaangat ako ng tingin sa kamay na yon, and i saw the paro-paro favorites, the perfect arts of god, a very perfect jawline and pointed nose.
"What do you need?"
"Po?" mukhang dudugo pa ilong ng dalagingding na ito sa pag-sasalita nya ng ingles.
"What do you need to her?" kinuha ko ang cellphone ng muli ay hindi makapag-salita ang babae.
"Wala ka sa manila, noah. H'wag kang pa sossy talk dito!"
"Sossy?"
"Sosyal? Hindi mo 'yon alam?" umirap ako.
"Why she's offering her phone?"
"Kukunin nya number ko, gusto kasi akong makatext ng kuya nya, kaya chupy ka diyan.."
In-snob ko ito, umayos ako ng upo at tumingin sa hawak na touch screen. Ngunit bigla na lang iyon nawala sa kamay ko, tinapik niya kasi sanhi na pagkahagis nya sa ere.
Napamaang ako, hangga sa tumalsik iyon at tumungo pababa sa kanyang palad.
Nasalo nya ang cellphone sa swabeng paraan.
Tumulo yata laway ko kaya lumunok ako.
Chutang pasikat talaga, alam ko naman na gwapo sya at hot to the highest level, pero bakit kailangan nyang pahirapan ako ng ganito.
"You didn't even know that guy, natasha. Ibibigay mo number mo? Para saan, hindi ka ba mag-iingat?"
"Hindi naman sya mukhang masama, noah. Anong problema mo?"
"No, you wont give your number in strangers, until i give you a permit.."
Tumaas ang kilay ko, permit?
"Bakit mo ako bibigyan ng permiso?"
"Dahil sinabi ko.."
"Sino ka ba tatay ko?" pinagtaasan ko sya ng kilay, ngunit hindi ito natinag bagkus ang pinilit nya pa ang kanya at muling binalik ang cellphone sa babae.
"Bring this back to your brother, and tell him about this woman that she didn't available for his text conversation.."
the young lady hold the phone back again, mukhang hindi naman nya gets pinagsasabi ni noah e, pero tumaas balahibo ko.
Feeling ko, over protected sya sakin dahil may gusto ito.
Iyon naman ang madalas nyang iparamdam, masyado syang paasa sa mga akto nito.
Kainis
Tumayo ako at iniwan sya doon, pumasok ako sa mismong loob kung saan nakaburol si tito. Tumabi ako kay shaira na nasa harapan ng ataol ni tito.
Maga na ang mata nito, malamang sa puyat, medyo bumagsak rin ang kanyang timbang dahil hindi sya gaanong kumakain ng maayos.
Silang magkakapatid ay halos ganon, maliban lamang kay mayumi na bawal malipasan ng gutom.
"Matulog ka na muna.." ani ko ng makaupo sa kanyang tabi, nakayuko si jillian doon mismo sa tabi ni tito. si mayumi ay siguradong namamahinga na dahil bawal sa kalusugan nya ang magpuyat.
Si tita ay nasa tabi ni jillian, tahimik lamang simula ng mai-uwi ang bangkay ni tito.
"Hindi ako inaantok.." mataman ko siyang pinagmasdan bago pagtaasan ng kilay.
"Hindi halatang nagsisinungaling ka shaira, magpahinga ka na. Alas onse na po, gigisingin kita mamayang umaga.."
"Ayoko, mabuting ikaw na lang ang magpahinga.."
"Hindi ako puyat.."
Nilingon nya ako. "Nagkaka-tigyawat ka na, natasha. Sa sobrang puyat yan.." hinawakan ko ang aking mukha, ngunit wala naman akong nakapang pimples.
"Wala naman.."
"Matulog ka na, hindi din naman ako makaka-iglip sa kwarto.."
"Bakit? Takot ka, gusto mo tabi tayo?"
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Sinong matatakot sa sarili ama, natasha. Ilang beses ko ng nakita si papa, ayoko lang talagang umalis dito.."
Medyo natahimik ako sa sinabi nya, ngunit nakabawi rin bago tumingin sa paligid. Hindi sa takot ako sa multo, medyo hindi kasi humuhupa pagtaas ng balahibo ko dahil sa sinabi nya, idagdag mo pa iyong ginawang eksena ni noah kanina sa labas.
"Saan ba natutulog si tito dito?"
"Sa kanang kwarto, doon ka sa gilid. Iyon ang kwarto ko.." tumango tango ako.
"Ayaw mong matulog?"
Umiling sya. "Ilang araw na rin naman at gabi akong magpupuyat, malapit ng mailibing si papa. Gusto ko siyang makasama ng matagal.." bumuntong hininga ako sa kanyang tinuran, siguro. Kung ako rin ang nasa kinatatayuan nya, maybe i act like this, kahit ano pa ang sabihin nila, i wont leave my father side.
"O sge, doon na ako sa kwarto mo, magpapa-iglip lang ako saglit.."
Tumango lamang syang muli, at dahil hindi ko naman na makausap ng maayos sila tita ay hindi na ako nagpaalam.
I enter shaira's room with a dim lights, hindi gaanong maliwanag ang ilaw ngunit nagbigigay liwanag naman ang bukas na bintana dahil sa sinag ng buwan, naupo ako sa kama nya, hindi gaanong malambot ang higaan, banig lang yata 'to katulad ng sa amin.
Humilata ako at halos itaas ko ang aking kamay para mag relax, sa buong araw ay hindi nawawalan ng bisita sila shaira. Ngayon ko lang napag-alaman na sobrang close nilang lahat dito, at kahit bali-balita noon na napatay ni tito si limuel Monteclaro ay hindi na nila iyon binuksan pa.
Kinuha ko ang kumot ng pumasok ang malamig na hangin, dahil hindi ako kumportable at medyo nakakaramdam ako ng takot ay sumukob ako at bumaluktot sa higaan.
I close my eyes and think another scene to remove the scared feeling on mind, hindi naman ako matatakutin, ngunit dahil may nakaburol mismo sa kinaroroonan ko ay hindi ako mapalagay.
Kalahating oras yata akong ganon, nakukuha ko na ang aking tulog ng bigla ay may tumunog sa gilid ng higaan.
I dont want to remove the cover in my body, sino 'yon? Parang may humiga o umupo bigla sa kinahihigaan ko, Lalo akong natakot. Umusog ako sa gilid ng kama at halos mahulog na ako para lamang maging kumportable, but her is the sound again.
Thist time, the bed sheet i was holding is getting more lower on my body. Hindi ko maiwasang lingunin iyon na nagbigay gulat sa akin.
"Anong ginagawa mo ditong hinay*pak ka!" it was noah who lying on my side, tinakot nya ako. Ang akala ko ay may tumatabi ng multo sa akin.
"You dont need to punch me, natasha. Matutulog lang ako dito.."
"Sinong nagsabing matulog ka dito!"
"Tatlong araw ng akong walang maayos na tulog natasha, i cant sleep outside, itabi mo naman ako dito!"
"Ano pa bang magagawa ko e nakahiga ka na, asan na nga yang kumot ko!" hinila ko ang kumot ngunit hindi sya pumayag na makuha ko iyon ng tuluyan, kunot ang kanyang noo. Ganun pa man, ay hindi ko maiwasang kabahan, his eyes was lighting tonight. The cold i feel earlier is starting to gone, whats going on?
I know hes hot and handsome, hindi ko alam na kaya pala nitong painitin ang kwarto.
"We shared room, natasha. ofcourse we share bed and comforter, matulog na tayo.."
Patihaya siyang natulog, pumikit ito at hindi alintana na nasa tabi nya ako. Samantalang yung pakiramdam ko'y hindi ko ma-explain.
Tinalikuran ko sya at hindi na nagkumot pa, ayokong dumikit ang balat ko sa katawan nya. Baka atakihin ako o hindi na makatulog pa, nakakainis lang. Ayos lang ba sa kanyang magkatabi kami ngayon? Lalake sya, babae ako. Ano na lang iisipin ng mga nakatira dito na magkasama kami sa iisang kwarto.
"Hoy!" nilingon ko sya, ngunit hindi man lang ito lumingon. Ganun pa rin ang posisyon nya, nakapikit at may malalim ng paghinga.
Ang bilis naman nyang nakatulog?
"Doon ka sa upuan, hindi tayo magtatabi!" pinilit ko pa rin magsalita, pero hindi ako nakatanggap ng sagot. "Baka anong isipin nila tita, hindi naman tayo mag jowa!"
Ni hindi sya lumingon o umimik, tulog na ba talaga?
Sinilip ko ang mukha nito, itinukod ko ang siko ko sa gilid nya at pinakatitigan ang mukha nito. Tulog na nga, paano nya ginawa 'yon? paano sya nakatulog ng ganon kadali.
Tinusok ko ang ilong nito, ang ganda. Hindi kaya nagparetoke ang lalakeng 'to.
Imposibleng oo dahil limpak ang kanilang salapi, isa syang monteclaro at dapat lamang na pagandahin nya lalo ang kanyang mukha.
Kahit tulog singkit ang kanyang mata, maganda ang labi at sobra ang pagkapula. May nunal sya sa mukha, asset naman nya iyon at hindi iyon nakarumi sa kanya.
Ang bango pa nya, ano bang gamit nyang pabango?
I tried to moved closer to him to smell his perfume, mabanga nga. Sinubukan kong amuyin ang mukha nito, ganun din. Mabango kahit poso lamang ang gamit, mabango ba ang lumalabas na pawis sa lalakeng 'to?
Balot pa ang kanyang katawan ng kumot, akala mo may gagawin akong masama, hindi naman gaanong malamig, natatakot ba sya?
Binalik ko ang tingin sa knyang mukha, muntik pa akong mapalukso ng makitang nakagising na ito, tumikhim sya bago ngumisi.
"Are you checking my body?" nag-iwas ako ng tingin, hindi ko alam kung paano dedepensahan ang sarili bago humiwalay at umayos ng higa.
"Akala ko patay ka na, hindi ka na kasi humihinga na maayos.."
"Then why are you touched my nose?"
Nilingon ko siya. "Natural, para maramdaman ko ang hangin, kung humihinga ka pa!" tumaas ang kanyang kilay.
"May paamoy-amoy ka pa, huh?"
"Hindi kita inaamoy!"
"Hindi?"
"OO!"
I rolled my eyes, trying to look pissed but i cant hold the heat on my face. Gising ba sya kanina?
Bakit alam nya pinag-gagawa ko?
"Arent you going to sleep? or you cant sleep here because your scared?"
I faced him again.
Nanlalaki ang mata.
"Who told you that im scared!"
"Nararamdaman ko.."
"Ano ka, santo para maramdaman mo!"
He sighed while looking at me. "Just tell me if you scared, but im sure you are.." he growled at me, lumapit sya sakin dahilan upang matigilan ako.
I could almost feel his arm as he lifted the blanket to wrap it around me
I can not move.
I felt stiff because of the heat of his body
"I accompanied you so you could sleep, rest now."
"Per--
"Go to sleep, Natasha. Don't be confrontational.." hindi niya pinatapos ang sasabihin ko, bagkus niyakap nya ako habang nakatagilid sya, nakatihaya ako at nasa tiyan ko ang kamay niya.
Wala akong nararamdamang kahit na pagkabastos, Lahat ng nararamdaman ko ay pag-aalala niya lamang.
I let Noah hug me tonight.
to be honest, I cant sleep here.
But now, I suddenly felt comfortable.
I lost my fear and I don't know how I fell asleep so easily.
TWO DAYS LATER
Tito alfred has been buried, I feel a mixture of pity and pain as we take him to his final destination.
Even though, I don't know the pain of losing a father, I grieve for Shaira. Nakikiramay ako sa pagkamatay ni tito, at kahit pagod at wala akong kita ay ayos lang, masamahan ko lamang sya sa kanyang pagdadalamhati.
"Natasha.." nilingon ko si shaira na tawagin ako nito, nasa sala ako at nagliligpit ng ilang kalat doon. "Maaari mo ba akong samahan?"
"Saan?" i asked her before set a side the small vase.
"Sa kabilang isla.."
"Huh, isla? Island?" nakuha nya agad ang interest ko.
"Kabilang bayan, basta. Maaaring isla iyon ngunit makakabili ka ng pasalubong.."
"Sasakay tayo ng bangka?"
"Oo.."
"Really? wow!" madali akong pumayag sa alok nito, ilang araw na rin naman ang rito at halos nakaka-inip din.
Lumabas kami sa bakuran, nagpaalam siya kay tita at sinabi ang balak niya. Nais nitong magsindi ng kandila doon at mag-iwan ng ilang litrato ni tito kasama kami.
"Hi miss!" may tumawag na grupo ng kalalakihan matapos naming malayo sa kanilang bakuran.
Mga kasising-edaran lang namin at mukhang may pupuntahan silang laban ng basketball. "Kaibigan mo ba shaira?" ang mataas na binata ang nagtanong kay shaira, sa akin sya nakatingin.
"Oo, H'wag mo yan!"! iyon ang sagot ni shaira sa gwapong lalake, maangas ang kanyang pagtayo, pero wala ng mas aangas pa kay noah.
Napailing ako, bakit ko ba iniisip ang lalakeng 'yon?
"Ang ganda, pakilala mo naman, sawa na ako kay coleen at celeen.." nginitian ako ng naka-asul na jersey, gwapo naman ang kanyang mga kasama ngunit mas nakaka-angat ang kanyang dating.
"Hi, cutie. Can i know your name?" napailing si shaira ng tanungin ako ng binata, he offer hes hand. Akma kong tatanggapin iyon ng bigla na lamang ay may kotseng humarurot sa gilid namin.
Naibaba nya ang kanyang kamay, samantalang ako'y halos magsalubong ang kilay ko ng mamukhaan ang kotse.
Huminto iyon at bumaba si noah, hindi ko alam kung bakit galit siya o baka mainit lang ang panahon.
"Who are you!" agad ay nakasunggab ito sa binata, tumaas ang kamay ng binata na pinagtawan ng kanyang grupo.
"Hindi ko alam na may boyfriend siya!" natatawa siya bago umatras. "Bakit hindi mo pinaalam na may boyfriend yang kasama mo?" si shaira ang kinausap ng binata.
boyfriend?
Porket pinaharurot lamang ang kotse boyfriend na agad?
Pa-epal talaga ang noah na'to. Kagabi pa sya!
"Alam ko kasing darating siya, seloso pa naman ang boyfriend niya.." pinamilogan ko ng mata si shaira, nakisakay pa ang g*ga.
Kung totoo sanang boyfriend ko ang lalakeng 'to, baka wala ako dito.
baka nasa kwarto kami.
NATUTULOG!
"Sh*t.." dinig ko ang pagmumura ni noah, binuksan niya ang kotse at sinenyasan kaming sumakay. Nailing si shaira bago pumwesto sa likod.
Lumisan na rin naman ang mga grupo ng kalalakihan dahil sumasama ang tingin ni noah.
"Ang galing mo talagang umeksena no!" iyon ang bungad ko matapos tumabi kay shaira, nasa likod kami ng kotse. anong akala nya, tatabi ako sa harapan.
"Tinatanong ko lang naman kung sino siya, hindi kita pinakekealaman!"
"Ows, talaga? Bakit nagagalit ka?"
"Hindi ako galit!"
"Hindi ka sure?" ani ko, nakataas ang kilay habang nakatingin sa rear view mirror ng kotse.
"Alam mo, libre lang naman ang mag-assume, sige. Sulitin muna.." natawa ako bago mag-iwas ng tingin.
"Seloso.." pabulong lamang iyon ngunit hindi ko alam na maririnig nya.
Seloso naman talaga, ayaw nyang may lalakeng kumakausap sa akin.
"W-what?"
"Ang dami mong sinasabi, bakit hindi ka na lang magtapat ng may gusto ka talaga sakin?" natawa si noah, hindi ko alam kung ano ba talagang palabas nyang ito at ganito sya kung umakto.
"Paano ako magkakagusto sayo, hindi ka naman.." natigilan si noah, napapatitig sa akin bago lumunok.
Hindi ko mapigilang matawa habang pinagmamasdan nya ang aking katawan, nalingon na kasi sya sa akin.
"Maganda ako, noah. Sexy at kapansin-pansin, hindi nila ako papansinin kung hindi ako kaakit-akit ."
Nauwi sa pagsuko ang pagtatalo namin, ngunit hindi sya umuwi. Sumama ito sa amin kung saan tumawid pa kami sa kabilang dagat.
Tumungo kami sa isang kubo kung saan doon madalas na lumagi si tito alfred, dito siya nag-stay ng mga panahong pumapalaot sya para manghuli ng isda.
Nagsindi si shaira ng ilang kandila sa harap ng dala nyang litrato, may dala syang prutas at doon nya rin inilagay.
Kinakausap nya pa ang litrato na parang magsasalita ito, ganito lamang siguro ang epekto ng pagkakamiss niya kay tito alfred.
"Masaya na si tito sa langit, maging masaya at makapag-umpisa ka na sana.." pilit kong pinapalakas ang loob ni shaira, ito naman talaga ang dapat na gawin, ang damayan sya.
"Alam ko.." ngumiti sya. ”Balak kong tumungo ng america kasama si noah, doon kami mag-aaral..”
"R-really?” nag-iwas ako ng tingin, hindi ko alam kung bakit naging magaspang ang pakiramdam ko. "K-kung ganon wala na akong makakasama?"
"I will visit you.." bigla'y sumabat si noah, nakaupo na ito habang kagat ang mansanas. "If you allowed me to look at you, for your safety.."
"H-hindi na kailangan.." ani ko, para saan pa. Aalis na sila, tutungo silang dalawa ng america at ako, maiiwan rito.
Bakit ganito ang nararamdaman ko.
"Tsk, pakipot pa!" sinamaan ko ng tingin si noah.
"Ang yabang mo ha, anong tingin mo sa a
merica at pilipinas, pasyalan?"
"Yeah, I little bit yes.."
"Uh, S*raulo!"
"What did you call me?"
"Hep!" umawat muli si shaira, hindi ko maiwasang mainis dahil sa nalamang ito.
kung ganon, may usapan na talaga sila?
At ako, biglaan lang nilang pinaalam sa akin?
Ang daya naman nila.
"Sino man ang mag-away dito ay itutulak ko mamaya sa bangka!" banta ng aking kaibigan, hindi na ako kumibo.
Ngunit dahil hindi kumportable si noah sa bangka ay bigla na lamang syang nagmura, kasabay nito ay ang biglang pagtilapon ng kung anong madulas na bagay sa gilid.
Dumapo iyon sa balat ko bago bumagsak sa lupa.
At doon may ahas!
Ahas na itim!
"Oh my god, what is that!" naghehestirikal ako sa takot dahil ayoko sa lahat ay ang ahas, ngunit si noah ay natawa lang.
Napalukso pa ako dahil baka gumapang sya patungo sa akin, napaupo ako sa kandungan ni noah habang natawa sya na hindi ko alam kung para saan.
"That's a toy!" pinagtatawanan nya ako habang mariin kong pinagmamasdan ang ahas na yon, tama nga sya. laruan nga, isang laruang ahas.
"Gag* ka talaga!" sinabunutan ko ito, ngunit ngumisi sya habang ginagawa ko iyon.
"Sh*t, my hair!" nabitawan ko ang buhok niya sa paghawak niya sa aking kamay, gaya ng dati mainit pa rin ang kanyang kamay.
May hatid na kuryente iyon sa akin na gumagapang patungo sa aking buong katawan, marahas akong tumayo. Masama ang tingin at pilit iniibsan ang bugsong biglang naramdaman ko.
"Gusto mo talagang asarin ako!" singhal ko, natawa lamang sya at hindi pinansin ang biglaang paglisan ni shaira sa kubo.
Sa huli, kaming dalawa lamang ang naiwan
"Bakit ba madalas kang magalit sa akin?"
"Dahil ginagalit mo ako!"
"I told you, natasha. Maaari tayong maging mag-kaibigan, hindi rin naman ako mag-sstay sa america, Atsaka pa, dalawang taon lamang ako roon.."
Umirap ako, bakit kailangan niya pang mag-explain?
"Bakit sinasabi mo?"
"Dahil alam kong wala kang kasama, Nag-aalala ako sayo.."
Tumaas ang kilay ko. "Saan nang-gagaling ang pag-aalala mo?"
"Because you are shaira's friend, kaibigan ka ni shaira. Kung paano ang turing ko sa kaibigan mo, ganoon rin ang sayo, dahil kung sino man ang importante kay shaira, pahahalagahan ko.."
Mataman ang titig ko kay noah, kung ganon. Nag-aalala sya sakin dahil kaibigan ko si shaira.
Si shaira lang ang dahilan kaya't ganito sya umakto sa akin.
"Lalo na sa mga taong pumasok noong huling linggo sa shop mo, hindi mo sila kilala, hindi ka ba nangangamba?"
"Hindi mo na dapat iyon problemahin pa, noah. Kaya ko ang sarili ko, at kung ang pinanggagalingan ng pag-aalala mo dahil kaibigan ko lamang si shaira, hindi ko kailangan ng awa mo, at pagpapahalaga mo.."
Tumaas ang kanyang kilay.
"Kung ibang tao ako, bibigyan ko iyan ng ibang kahulugan, masyadong paasa iyang ginagawa mo, mas mabuting huwag mo na lamang akong pakialaman pa.."
"Hindi ko iyon gagawin.." tumayo sya at nagpamulsa. "Hindi mo mapipigilan kung anong nais kong gawin, gaya ng sabi ko, pahahalagahan na kita sa ayaw at sa gusto mo.."
Lumakad siya patungong pinto, at bago sya lumisan ay lumingon pa muna sya sa akin.
"Huwag mo na sana akong pigilan sa nais kong gawin, natasha. I care because thats what i feel, and your important to me now.."
****
to be continued.
Ngayon lang nakapag-update dahil naging busy this past few weeks, sa mga may alam kung anong reason ko, thankyou sa pag-iintindi?