Agad nyang inabot ang mga ito sa akin. Hindi sinasadya na mahawakan nya ang aking kamay. Sobrang init ng palad nya. Para bang may sakit sya. Tinitigan ko pa sya at napakalalim ng mga mata nya. Kanina nung hinawakan nya ako sa lobby ay hindi pa ganito kainit ang kamay nya. Naglakas loob na akong hawakan sya sa noo para icheck kung meron ba talaga syang sakit. Wala na akong pakialam sa iisipin nya basta nung puntong iyon ay gusto kong malaman kung may sakit sya. Napakainit na nya. Kaya pala sya matamlay. Masama na pala ang pakiramdam nya ay pinagpalit ko pa sya ng gulong ng kotse ko kanina. Sa totoo lang nag aalala ako sakanya. Tumayo ako sa harap nya at palihis ko syang tinignan. "Magpalit ka na nga ng damit mo bilisan mo na." Utos ko sa kanya. Agad nya akong sinunod at kumuha ng mga d

