Sandaling tumahimik sa loob ng condo. Napabuntong hininga ako. Ang tanging magagawa ko sa ngayon ay iwasan ang taong ito. Hindi na sya dapat mapalapit pa sa akin. Sa bagay malalayo na talaga ako sa kanya. Dito na ako sa Maynila at sya naman ay babalik na sa aming probinsya dahil nandoon ang kanyang mga negosyo at ang kanyang asawa. Mas marami silang panahon na magkasama doon. Sa palagay ko ay makakalimutan din namin ang lahat. Sa ngayun ay ito muna ang aking paraan. Pilit ko ng pinaalis si Rowell. Ngunit isang napakaganda at napakalaking ngiti ang isinukli nya sa akin. "Ashley. Napatawad mo na ba ako? Ang tagal kitang hinintay. Ang tagal ko ng pinangarap na makita ka" sabi nito Kitang kita ko na naman yung mga mata nya na nagpapaakit at nagmamakawa sa akin. Sa tuwing titignan nya ako n

