Nakampante naman ako sa sinabi ng aking kapatid at tutal naman ay may basbas na nila ang lahat ng ito. Nagkibit balikat na lamang ako at hinatak ang aking maleta. Pero kinuha agad yun ni Rowell at dinala sa kanyang sasakyan. Binuksan nya ang pinto ng kotse at ibinigay ang kanyang kamay sa akin na aktong aalalayan nya ako. Yung dati nyang ginagawa kapag papasok ako ng kotse nya. Walang pinagbago. Pati ang mga ngiti ay pareho. Pero hindi ko pinansin or hinawakan ang kamay nya. Pumasok akong mag isa sa kotse. Naiwan sa ere ang kamay nya kung kayat inihawak na lamang nya ito sa kanyang buhok para hindi mahalata ang kanyang pagkapahiya. Muli ay nagpaalam na ako sa aking pamilya. Pinaandar na ni Rowell ang kanyang sasakyan habang ako ay nakadungaw pa din sa bintana at panay pa din ang kaway

