Kinagabihan ay humahangos na nagtungo sa amin si Tiyo Berto. Nilakad nya kasi mula sakanila hanggang sa amin siguro ay may isang kilometro din ang layo ng bahay nila sa amin. Pagdating nya ay nanghingi muna sya ng tubig sa amin. "Ano ba at di mo ginamit ang side car mo?" Tanong ni Nanay habang tinitignan namin si Tiyo Berto na umiinom ng tubig. "Eh nasira nga ito. Nakakainis kung kelan pa naman may lakad ako bukas. Hihiramin ko sana ang allen wrench na ginamit ko nung isang buwan nung nasira din iyon" hinihingal pa na sabi ni Nanay. Napailing iling si Nanay. "Hindi mo ba naalala na kay Rowell iyon. Aanhin ko naman yun?" Nanlumo si Tiyo Berto. Masasayang ba ang lahat ng pagod nya. "Wala na akong lakas maglakad papunta doon. Irereserba ko ang lakas ko pabalik ng bahay namin" sabi nit

