Sinipat agad ni Jaidyleen ang sarili sa salamin ng elevator pagpasok niya. Patungo siya sa twenty-fifth floor ng Burgos Circle Tower kung saan matatagpuan ang condo nina Angel at Misagh. Tiniyak niya na malayong-malayo siya sa imahe niya kapag dumadalo ng game. Nakasuot siya ng long sleeve peach ruffled-sleeve blouse at black slacks. Light lang din ang make up niya at mukha siyang seryoso dahil sa suot niyang reading glasses. She knew it was overkill. Pero kailangan niyang gawin ang lahat para ipaalala sa mga ito na hindi na siya ang fan ng mga ito kundi teacher ng mga ito. At kailangan din niyang ipaalala sa sarili kung saan dapat lumugar ang puso niya pagdating kay Angel. Estudyante na niya ito mula ngayon. Kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman niya kung gusto pa niyang magkaroon n

