Hindi mapuknat sa kinauupuan nito si Angel dahil na rin hinunta na ito ng tatay niya. Madalang naman kasi ang nakakausap ng tatay niya tungkol sa sports dahil lahat sila ay adik sa telenovela. Kaya naman parang nakakita ito ng kakampi kay Angel. Natutuwa siya dahil maganda ang pakikitungo ni Angel sa pamilya niya. Mukhang di ito naiilang kahit na simple lang ang bahay nila samantalang kung tutuusin ay isa itong celebrity. "Angel, hindi sa itinataboy kita pero maaga pa ang training mo bukas. At kanina pa naghihintay ang taxi. Baka malaki na ang bill mo," untag ni Jaidyleen sa binatal nang tumuntong na ang alas diyes ng gabi. May pag-aalinlangan pa sa mukha nito nang tingalain siya pero sa huli ay napilitan ding magpaalam sa tatay niya. "Salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin. Sana po magk

